You are on page 1of 4

SILG’S ADDRESS TO THE BARANGAY

FOR THE 1ST SEMESTER OF CY 2020 BARANGAY ASSEMBLY DAY

Isang mainit na pagbati sa lahat ng tagapagsulong ng matino,


mahusay at maaasahang lingkod ng pamahalaan. Binabati rin natin
ang lahat ng opisyal ng barangay sa pamumuno ng inyong Punong
Barangay, mga kagawad at iba pang kawani na kasama natin sa
pagdaraos ng Barangay Assembly.

Nagpapasalamat rin tayo sa mga residenteng naririto at kalahok sa


ating pagtitipon. Masaya tayo dahil muli, mayroon magandang
pagkakataon para sa isang masiglang dayalogo sa pagitan ng mga
opisyal ng barangay at mga residente upang pag-usapan at
mabigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng inyong
mga nasasakupan.

Ang unang kailangan ng inyong atensyon ay tutukan ang problema


ng iligal na droga—kaya kailangang aktibo ang inyong Barangay
Anti-Drug Abuse Council; ang kriminalidad— kailangang maging
masipag ang Barangay Peace and Order Committee; at ang
basura—kaya importanteng magsagawa ng Barangay Solid Waste
Management Program ang ating BESWMC o Barangay Solid Waste
Management Committee.

1
Sa pagpasok ng 2020, may mga panibagong hamon tayong haharapin.
Ngayon, hindi na lamang iligal na droga at kriminalidad ang kailangan
nating sugpuin.

Nariyan din ang paghawi ng mga sagabal at iligal na nakahambalang


sa lahat ng mga kalsada sa inyong nasasakupan. Ito ay bahagi ng
ikalawang yugto o “Road Clearing 2.0” na ipinag-uutos sa ilalim ng
DILG Memo Circular No 2020-027, bilang pagtugon sa direktiba ng
ating Pangulo.

Sa ilalim ng direktibang ito, nakatoka sa punong barangay ang


pagtugon sa road clearing operations sa mga kalsadang sakop ng
barangay at “minor public-use streets” sa inyong lugar. Sa loob ng
75 araw, inaasahan namin na makikita nating lahat ang magandang
resulta ng “road clearing 2.0” sa mga barangay at ito ay ating titiyakin
sa pamamagitan ng pag-iikot at inspeksyon ng DILG. Seryoso ang
ating Departamento sa pagpapatupad ng road clearing sapagkat ito
ay ipinag-uutos sa ating lahat ng ating Pangulong Duterte para sa
kaayusan ng ating lokalidad.

Mahalaga rin ang papel na gagampanan ng mga barangay sa pagpigil


ng pagkalat ng Corona Virus Disease o COVID-19 sa bansa. Lahat
ng barangay ay inaatasang bumuo ng kanilang Barangay Health

2
Emergency Response Teams (BHERTS). Ang BHERTS ay
katulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa COVID-19,
maging sa contact tracing at sa pagsasagawa ng mga paraan para
hindi kumalat ang sakit na ito sa inyong barangay. Hindi tayo
puwedeng maging kampante sa bagay na ito dahil ang nakasalalay
dito ay ang kalusugan at buhay mismo ng mga residente.

Nais rin hingin ng DILG ang patuloy at aktibong pagtugon ng


barangay at mamamayan sa nilagdaan ng Presidente na EO 70, na
nagtatakda sa pagpapatupad ng “Whole-of-Nation Approach” at
pagbuo sa National Task Force to End Local Communist Armed
Conflict. Layunin ng NTF-ELCAC na masawata ang local insurgency
sa kanayunan at maging sa mga lungsod. Kaya naman hinihiling
natin ang dedikasyon ninyo sa pagpapatupad ng tungkulin ng
Barangay Peace and Order Committee sapagkat kayo ang kakatawan
bilang Barangay-ELCAC. Batid natin ang pananamantalang ginagawa
ng ilang grupo upang gamiting kapital sa pagsusulong ng kanilang
baluktot na ideolohiya ang kahirapan ng buhay at problema ng
ating mga kababayan.

Sa lahat ng mga bagay na kinakaharap natin, mahalaga ang


pagtutulungan, kooperasyon at higit sa lahat, disiplina ng bawat isa
sa atin. Disiplina sa ating sarili, sa pamilya at sa pamayanan. Iyan

3
po ang hamon sa bawat isa sa atin na bahagi ng isang barangay, na
katulad sa layunin ng kampanyang Disiplina Muna na
pinangungunahan ng DILG.

Kaya naman hinihimok ko na simulan nating lahat dito sa inyong


barangay ang sama-samang pagtutulungan at disiplina upang
mapanatili ang pampublikong kaayusan at kaligtasan nang sa
ganoon ay tuluyang umasenso ang ating barangay. Ang DILG ay
nananalig sa inyong kakayahan at pakikiisa.

Simulan natin ngayong Barangay Assembly Day ang ating panata


tungo sa kapayaan, kaayusan, at disiplina ng ating komunidad.

Inaasahan ko rin ang inyong muling pakikilahok sa susunod na


barangay assembly sa Oktubre dahil ito ay inyong karapatan at
tungkulin bilang mamamayang Filipino.

Lagi ninyong isipin na MAGKAAGAPAY TAYO TUNGO SA ISANG


LIGTAS AT MATIWASAY NA PAMUMUHAY PARA SA BUONG
SAMBAYANANG PILIPINO.

Makialam! Makilahok! Makiisa! Mabuhay ang mga barangay!

You might also like