You are on page 1of 58

Revised Katarungang

Pambarangay Law
Sections 399 - 422 ng R.A. No.
7160, o Local Government Code of
1991
Kasaysayan

● Ito ay pagsasapormal ng
tradisyon ng mga Pilipino
na humingi ng tulong mula
sa mga community elder o
tribe leader upang
resolbahin ang mga hindi
pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga miyembro
ng parehong komunidad.
Kasaysayan

● Dito rin makikita ang mahalagang papel na ginagampanan


ng Punong Barangay bilang pinakamataas na elected
official sa barangay at ang mga miyembro ng Lupon o
komite ng mga respetadong miyembro ng komunidad.
Restorative Justice

● Ito ay isang konsepto na kung saan nangangailangan ng


isang proseso upang iresolba ang mga hindi
pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
partisipasyon ng biktima, nagkasala, at ng komunidad.
Layunin ng Batas

● Upang masolusyonan o
maresolba sa community
level ang mga hindi
pagkakaunawa
● Upang mapagkasundo ang
mga partido na walang
partisipasyon ng mga
abogado
Layunin ng Batas

● Upang mabawasan ang bilang


ng mga kaso na isinasampa sa
korte
● Upang maiwasan din ang
pagbaba ng kalidad ng hustisya
sa bansa dahil sa pagdami ng
mga kasong isinasampa sa mga
korte
Katarungang Pambarangay
● Bilang paglilinaw, walang
matatawag na barangay court
sa bansa dahil ang mga kaso na
dinidinig sa barangay ay hindi
maituturing bilang judicial
proceedings.
Katarungang Pambarangay
● Wala ring judicial power ang
Lupong Tagapamayapa o
Pangkat ng
Tagapagkasundo. Nagbibigay
solusyon lamang ito sa mga
“hindi pagkakaunawaan” sa
pagitan ng mga partido sa
pamamagitan ng
pakikipagkasundo.
Kahalagahan
● Sa mga kasong sakop ng
Katarungang Pambarangay,
hindi sila maaaring isampa sa
korte kung ang mga partido ay
hindi dumaan sa Lupon at walang
sertipikasyon na nagpapatunay na
sila nga ay dumaan sa Lupon
ngunit hindi nagkaroon ng maayos
na kasunduan.
Ilang Mga Kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na
Maaaring Ilapit sa Katarungang Pambarangay

● Alarms and Scandals (Art. 155)


● Paggamit ng False Certificates (Art. 175)
● Pagtatago ng Tunay na Pangalan and iba
pang Personal Circumstances (Art. 178)
● Physical Injuries committed in Tumultuous
Affray (Art. 258)
● Slight physical injuries and maltreatment (Art.
266)
Ilang Mga Kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na
Maaaring Ilapit sa Katarungang Pambarangay

● Iba pang Uri ng Tresspasses (Art. 281)


● Other light threats (Art. 285)
● Light coercion and unjust vexation (Art. 287)
● Altering boundaries and landmarks (Art. 313)
● Other deceits (Art. 318) gaya ng panghuhula,
interpretasyon ng mga panaginip at iba pa
upang kumita o pagkakitaan
Ilang Mga Kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na
Maaaring Ilapit sa Katarungang Pambarangay

● Malicious Mischief (Art. 328)


● Slight slander (Oral Defamation) (Art. 358)
● Slander by Deed (Art. 359)
● Intriguing against honor (Art. 364)
● Imprudence, negligence; theft, swindling, or
malicious mischief committed or caused
mutually by certain relatives, na kung saan
may civil liability lamang (Art. 365, par. 4)
Hindi Maaaring Magkaroon ng Amicable Settlement o
Pagkakasundo sa mga sumusunod na kaso:
● Kung ang isang partido ay ang gobyerno.
● Kung ang isang partido ay isang
government employee o public officer at
ang isyu ay may kaugnayan sa kanyang
trabaho.
● Kung ang parusa ay pagkakakulong ng
hindi bababa sa isang taon o multa na
hindi bababa sa PHP 5,000.00;
Hindi Maaaring Magkaroon ng Amicable Settlement o
Pagkakasundo sa mga sumusunod na kaso:
● Kung walang naagrabyadong pribadong tao.
● Kung ang isyu ay may kaugnayan sa mga
ari-arian na nasa iba’t ibang bayan o lungsod.
● Kung ang mga partido ay residente ng
magkaibang barangay, bayan, o lungsod.
● Iba pang kaso na tutukuyin ng Presidente
sang-ayon sa interes ng hustisya, o batay sa
rekomendasyon ng Justice Secretary.
Personal na Pagharap ng Mga Partido sa Lupon

● Ayon sa Section 415 ng Local Government


Code (RA No. 7160), kinakailangang
personal na humarap ang bawat partido na
walang kasama o tulong ng isang abogado o
sinumang kinatawan sa lahat ng mga
pagdinig sa ilalim ng Katarungang
Pambarangay, maliban na lamang kung ang
mga partido ay mga menor de edad o
incompetent kung saan sila ay maaaring
magsama ng kinatawan na hindi abogado.
Patakaran ukol sa Pagsasapubliko ng Mga Pagdinig

● Ang mga proceeding para sa


settlement ay impormal
lamang at dapat isapubliko.
Ngunit, maaaring isapribado
ang mga ito ng Lupon
Chairman o Pangkat
Chairman dahil sa interes ng
privacy, decency, o public
morals.
Komposisyon ng Lupong Tagapamayapa

● Pinuno / Tagapangulo: Punong


Barangay
● Miyembro: 10 – 20 (manunungkulan
ng tatlong (3) taon)
○ Sila ay itinalaga ng Punong
Barangay sa loob ng 15 araw
mula sa pagsisimula ng kanyang
termino
○ Dapat ay residente o
nagtatrabaho sa loob ng
barangay
Komposisyon ng Lupong Tagapamayapa

○ Nasa hustong gulang at hindi


disqualified ng batas
○ Nagtataglay ng integrity,
impartiality, independence of
mind, sense of fairness, and
reputation for probity
○ Bokal sa loob na magsisilbi
bilang miyembro ng Lupon
Diskwalikasyon ng Miyembro ng Lupon
● 17 taong gulang pababa
● Incompetent
● Napatunayang nagkasala sa
isang krimen na may
kaparusahan na perpetual o
temporary disqualification from
holding public office
● Halal na opisyal ng gobyerno
● Kasapi ng Armed Forces na
nasa aktibong serbisyo
Notice Ukol sa Pagbuo ng Lupo

● Gamitin ang KP Form 1 na maaaring


ma-download sa DILG website.
● Ilagay ito sa tatlong lugar sa barangay
na madaling makita ng mga tao sa
loob ng tatlong (3) lingo
● Anumang oposisyon ay kinakailangan
ipagbigay-alam sa loob ng 10 araw
mula sa huling araw ng posting. Ito ay
pagdedesisyunan ng Barangay
Chairman
Notice Ukol sa Pagbuo ng Lupon

● Mag-i-issue ang Barangay Chairman


ng Appointment Letter (KP Form 2)
● Magkakaroon ng Oath of Office sa
harap ng Barangay Chairman (KP
Form 5).
Pagtatapos ng Termino ng Miyembro ng Lupon
● Kamatayan
● Resignation
● Paglipat ng residence o place of work
● Withdrawal of appointment ng Punong Barangay na
kinakailangan ng pagsang-ayon ng majority ng lahat ng mga
miyembro ng Lupon (KP Form 6)
Papel at Kapangyarihan ng Lupon
● Mayroong administrative
supervision sa Conciliation
Panels;
● Magsagawa ng pagpupulong
isang beses sa isang buwan
upang magpalitan ng mga
ideya, obserbasyon, at mga
karanasan ukol sa pagresolba
ng mga hindi pagkakaunawaan;
Papel at Kapangyarihan ng Lupon

● Mayroong iba pang mga


kapangyarihan at iba pang mga
responsibilidad na naaayon sa
isinasaad ng batas o ordinansa.
Mediation
● Layunin: upang matulungan ang mga
partido na iresolba ang kanilang hindi
pagkakaunawaan

● Isang complaint (KP Form 7) ay isasampa


sa Lupon. Magbabayad ng minimal filing
fee. Papangunahan ng Punong Barangay
ang mediation process at ipapaliwanag
ang proseso, layunin, at mga patakaran ng
mediation.
● Ang bawat partido ay bibigyan ng
pagkakataon upang ipaliwanag ang
kanyang panig.
Mediation
● Gagamitin ang KP Form 16 kung mayroong
amicable settlement. Mayroon itong force
and effect gaya ng sa pinal na desisyon ng
isang korte matapos ang 10 araw. Ito ay
maaaring ipatupad sa loob ng 6 buwan mula
sa date ng settlement sa pamamagitan ng
pagsampa ng motion sa korte.

● Kung walang amicable settlement, maaaring


subukang resolbahin ng mga partido ang
kanilang alitan sa pamamagitan ng
conciliation.
Pagtutol sa Venue o Lugar Kung saan Gaganapin ang
Mediation
● Anumang pagtutol sa venue o lugar kung
saan gaganapin ang mediation proceedings
ay maaaring ilapit sa Punong Barangay. Kung
walang pagtutol, nangangahulugan na ang
mga partido ay sang-ayon sa venue.
● Sa anumang legal na isyu na may kaugnayan
sa venue, maaaring isangguni ito ng Punong
Barangay sa Secretary of Justice o kinatawan
nito.
Conciliation
● Magkakaroon ng intervention sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga
partido upang matapos na ang hindi
pagkakaunawaan.

● Pareho lamang ito sa mediation ngunit


papangunahan ito ng isang Pangkat
sa halip na Punong Barangay.

● May 3 miyembro ng Conciliation


Panel (Pangkat Tagapagkasundo)
na pinili mismo ng mga partido.
Pangkat Tagapagkasundo

● Binubuo ito ng tatlong miyembro na


pipiliin ng mga partido mula sa 10 - 20
na miyembro ng Lupon. Sa tatlong
miyembro, isa ang magsisilbi bilang
Chairman at isa naman ay magsisilbi
bilang Secretary.
● Kung hindi magkasundo ang mga
partido, ang Lupon Chairman ang
siyang pipili ng tatlong miyembro ng
pangkat,
Conciliation

● Kung mayroong hindi pagkakaintindihan ukol sa pagpili ng


miyembro ng Pangkat, ito ay reresolbahan ng Lupon
Chairman.
● Ang Pangkat ang siyang dirinig sa mga partido at mag-iisip
ng mga posibilidad para sa amicable settlement.
● Kung walang amicable settlement na naganap, ang mga
partido ay kukuha ng Certification to File Action (KP Form
20 - B) para isampa ang kaso sa korte.
Arbitration

● Sa mediation o conciliation, tutulungan ng Tagapangulo o


Pangkat ang mga partido upang iresolba ang kaso. Sa
arbitration, ang mga partido ay magkakasunod at isusulat sa
papel sa kung anuman ang desisyon ng Tagapangulo o ng
Pangkat.
● Ang arbitration ay maaaring maganap sa anumang stage ng
pagdinig o proceedings, ngunit kinakailangan na ang mga
partido ay magkasundo in writing na susunod sa Arbitration
Award ng Lupon o Pangkat.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)

● Sino ang maaaring magsampa?


○ Sinumang indibidwal na may cause of
action (o sapat na basehan) laban sa isa
pang individual tungkol sa anumang isyu
na maaaring dinggin ng Lupon ay
maaaring magsampa ng reklamo,
pasalita o pasulat, sa Lupon Chairman
ng Barangay.
○ Kinakailangang magbayad ng
appropriate filing fee.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)

● Pagkatapos matanggap ng Lupon Chairman


ang reklamo, kinakailangang ipatawag ang
mga inirereklamo sa susunod na araw.
Bibigyan din ng notice ang nagrereklamo at
mga testigo upang humarap sa kanya para
sa mediation. Kung hindi nagtagumpay ito
ay magtatalaga ang Lupon Chairman ng
Pangkat Tagapamayapa sa loob ng 15 araw
mula sa unang pagpupulong ng mga
partido.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)

● Pagsuspende ng prescriptive period of


offenses - Habang ang alitan ay nasa
mediation, conciliation, o arbitration, ang
prescriptive period for offenses at cause of
action ay suspendido mula sa pagsampa
ng reklamo sa Punong Barangay. Aandar
ang prescriptive period kapag natanggap
ng nagrereklamo ang Certificate of
Repudiation o Certificate to File Action na
ibibigay ng Lupon o Pangkat Secretary.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)

● Ang pagsuspende sa
prescriptive period ay
hindi lalagpas sa 60 na
araw mula sa
pagsasampa ng reklamo
sa Punong Barangay.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)
● Issuance of summons; hearing; grounds for
disqualification - Magpupulong ang Pangkat
tatlong araw matapos mabuo ito upang
dinggin ang bawat partido pati na ang
kani-kanilang mga testigo, pag-usapan ang
mga isyu, at tingnan kung may posibilidad
para sa amicable settlement.
● Ipapatawag lahat ng mga partido at testigo na
humarap ng personal sa pagpupulong na ito.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)
● Kung may partido na tutol sa
pagkakatalaga sa isang miyembro ng
Pangkat dahil sa relasyon, bias,
interest o iba pang katulad na
kadahilanan na nadiskubre
pagkatapos ng pagbuo sa Pangkat, ito
ay ireresolba sa pamamagitan ng
botohan ng majority ng Pangkat. Ang
desisyon nito ay magiging pinal. Kung
may diskwalipikadong miyembro ng
Pangkat, agad siyang papalitan.
Proseso sa Amicable Settlement (Sec. 410)
● Period to arrive at a settlement. Ang Pangkat ay dapat
magkaroon ng resolusyon sa loob ng 15 na araw mula sa
araw ng pagpupulong kasama ang mga partido. Ito ay
maaaring i-extend ng ilan pang araw ngunit dapat hindi
lalagpas ng 15 na araw, maliban na lamang sa clearly
meritorious cases.
Form of Settlement

Ang lahat ng amicable settlements ay dapat nakasulat sa wika o


diyalektong alam ng mga partido, pirmado nila, at pinatutunayan
ng Lupon Chairman o Pangkat Chairman, as the case may be.
Kung magkaiba ang ginagamit na wika o diyalekto, ang
amicable settlement ay dapat nakasulat sa wika o diyalektong
pareho nilang naiintindihan.
Paano kung hindi sumunod sa
amicable settlement ang isang
partido? Dapat bang kumuha ng
Certificate to File Action at isampa
ang reklamo sa korte?
Paano naman kung may amicable
settlement na pero nagsampa pa
rin ang nagrereklamo
(complainant) ng case sa korte?
Paano naman kung ang reklamo
ay ang hindi pagbabayad ng
monthly installment sa isang
motorcycle company?
Hindi ba bawal magkaroon ng
settlement sa criminal cases? Eh
bakit may mga krimen na sakop
ng Katarungang Pambarangay?
Ano ang epekto kapag nagsampa
ako ng kaso sa korte e hindi
naman ako dumaan sa mediation
sa Barangay tapos required pala
ang mediation?
Maaari bang ipag-utos ng
Barangay Chairman na ipadampot
o ipaaresto sa mga pulis ang mga
taong hindi humarap sa Lupon?
Paano naman kung ang
nirereklamo ay hindi humarap
tapos nag-issue ang Barangay
Chairman ng CFA? Pwede kaya
iyon?
May mga kaso ba na sakop ng
Katarunungang Pambarangay na
pwedeng ideretso na sa korte?
Paano kung sa customs and
traditions ng isang indigenous
cultural community ay kailangan
munang magkaroon ng conciliation
bago magsampa ng kasong
frustrated homicide o murder sa
korte? Pwede kaya iyon?
Ano ang mas mananaig o
susundin, ang Katarungang
Pambarangay Law o Conciliation
Procedures sa mga Indigenous
Cultural Community?
Revised Katarungang
Pambarangay Law
Sections 399 - 422 ng R.A. No.
7160, o Local Government Code of
1991

You might also like