You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG BULAKAN
BAYAN NG SAN ILDEFONSO
SANGGUNIANG BARANGAY NG MAKAPILAPIL

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

SIPI MULA SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG


BARANGAY NG MAKAPILAPIL, SAN ILDEFONSO, BULACAN NA GINANAP NGAYONG
IKA- 08 NG ENERO, 2023 SA GANAP NA IKA-11:00 NG UMAGA.

MGA DUMALO:

IGG. CARLITO DC. VILLAMOR _____________ PUNONG BARANGAY

IGG. MANUEL M. LAPUZ _____________ KAGAWAD

IGG. MERCEDES V. ESPIRITU _____________ KAGAWAD

IGG. REYNALDO R. GATCHALIAN _____________ KAGAWAD

IGG. RODEL S. OCAMPO ____________ KAGAWAD

IGG. FE M. REYES ____________ KAGAWAD

IGG. LOLITA L. SATURAY ____________ KAGAWAD

IGG. EUGENE G. REYES ____________ KAGAWAD

KAPASIYAHAN BLG. 02
SERYE 2023

“KAPASIYAHANG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG MAKAPILAPIL NA HUMILING


SA ATING BUTIHING PUNONG BAYAN IGG. FERNANDO S. GALVEZ JR. NG FINANCIAL
ASSISSTANCE PARA SA GAGANAPING TEAM BUILDING NG BARANGAY
MAKAPILAPIL “.

SAPAGKA’T, ang Sangguniang Barangay ng Makapilapil, San Ildefonso, Bulacan


ay patuloy ang pagkakaloob ng tulong sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan at
ito ay alinsunod sa mga umiiral na batas;

SAPAGKA’T, ang mga nanunungkulan sa Barangay ay laging hangad na mapabuti


ang paglilingkod sa pamayanan lalo na at para sa kapakanan ng mga nangangailangan;
SAPAGKA’T, ang Sangguniang Barangay ng Makapilapil ay nais na magkaroon ng
masayang TEAM BUILDING para sa mga iba’t ibang boluntaryo ng Barangay Tulad ng
mga Barangay Tanod, Barangay Health Workers, Mother Leaders, at iba pa.

DAHIL DITO, sa mungkahi ni Barangay Kagawad Manuel M. Lapuz na


pinangalawahan ni Barangay Kagawad Eugene G. Reyes at buong pagkakaisang
kinatigan ng nagkakapulong ay;

IPINASIYA, gaya ng dito’y IPINASISIYA, na HILINGIN, tulad ng dito’y BUONG


PAGKAKAISANG HINIHILING na humiling sa ating minamahal na Punong Bayan Igg.
Fernando S. Galvez Jr. ng Financial Assisstance para sa gagawing Team Assembly sa
darating na Marso.

IPINASIYA PA, na pagtibayin na ang nasabing mungkahi.

Pinatutunayan ko ang kawastuan ng sipi ng kapasiyahan nakatitik sa taas.

Inihanda ni:

JACKLYN MAE FRANCISCO


Kalihim
INAPRUBAHAN NINA:

IGG. MANUEL M. LAPUZ IGG. MERCEDES V. ESPIRITU


Barangay Kagawad Barangay Kagawad

IGG. REYNALDO R. GATCHALIAN IGG. RODEL S. OCAMPO


Barangay Kagawad Barangay Kagawad

IGG. FE M. REYES IGG. LOLITA L. SATURAY


Barangay Kagawad Barangay Kagawad

IGG. EUGENE G. REYES


Barangay Kagawad

INAPRUBAHAN AT PINAGTITIBAY NI:

CARLITO D.C. VILLAMOR


Punong Barangay

You might also like