You are on page 1of 12

REVISED

REVENUE
CODE of
2022
_____
RESOLUSYON BLG. ______

RESOLUSYONG NAGPAPATIBAY AT NAGSASABATAS SA ORDINANSANG


PAMBARANGAY BLG. ____ – ____ O MAS KILALA BILANG “KODIGO NG
BARANGAY SA PAGBUBUWIS AT PAGKITA NG SALAPI NG BARANGAY
___________, NAGCARLAN, LAGUNA”

SAPAGKAT, alinsunod sa Seksyon 152 ng Batas Republika Blg. 7160, na


tinatawag na Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ang barangay ay may
kapangyarihang magpataw ng mga buwis, mga butaw at pataw na eksklusibong
mapupunta dito;

SAPAGKAT, batay pa rin sa Batas Republika Blg. 7160 partikular sa Seksyon


153 hanggang Seksyon 155 at Seksyon 186 na mandato ng bawat lokal na pamahalaan,
kasama na ang barangay para sa pagpapataw ng mga karampatang halaga bilang
kabayaran sa mga serbisyong ibinibigay, mga kabayaran para sa mga maliliit na negosyo
sa nasasakupan upang makalikom ng sapat na halagang maaaring magamit sa
pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayang nasasakupan;

SAPAGKAT, kinakailangang makalikom ng karagdagang mga pondo para sa


mahahalagang mga proyektong pangkaunlaran ng barangay sa pamamagitan ng
pagpapataw ng ipinahihintulot na mga buwis, mga butaw at mga pataw;

SAPAGKAT, matapos na magsagawa ng pampublikong pagdinig hinggil sa


pamuwisan noong __________ ay minarapat ng Sangguniang Barangay na magkaroon ng
isang komprehensibong Kodigo ng Barangay sa Pagbubuwis at Pagkita ng Salapi ang
barangay;

DAHIL DITO, sa panukala ni ____________ na pinangalawahan ng mga kasapi


ng Lupon sa Pananalapi at Paglalaan at sinang-ayunan ng lahat na dumalong kagawad;

PAGTIBAYIN, gaya ng PAGPAPATIBAY DITO, ang pagsasabatas ng


sumusunod na Ordinansang Pambarangay Blg._______ o mas kilala bilang “Kodigo ng
Barangay sa Pagbubuwis at Pagkita ng Salapi ng Barangay _________, Nagcarlan,
Laguna”;

ORDINANSANG PAMBARANGAY BLG. __________

Pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Brgy. ________ Bayan ng Nagcarlan,


Lalawigan ng Laguna ang pagsasabatas ng Kodigo ng Barangay sa Pagbubuwis at
Pagkita ng Salapi:

KABANATA I
PANGKALAHATANG TADHANA

ARTIKULO A. TITULO AT SAKOP

SEKSYON 1. TITULO. Ang Ordinansang ito ay kinikilala bilang ang “Kodigo ng


Barangay sa Pagbubuwis at Pagkita ng Salapi ng Barangay Nagcarlan, Nagcarlan,
Laguna”.

SEKSYON 2. NASASAKUPAN. Ang Kodigong ito ay sumasakop sa lahat ng maaaring


pagmulan ng pondo ng barangay na pinahihintulutan ng batas.
ARTIKULO B. PAKAHULUGAN NG MGA SALITA

SEKSYON 3. KAHULUGAN NG MGA SALITA. Sa pagkakagamit sa Kodigong ito,


ang mga sumusunod na salita ay mangangahulugang:

a. “Libangan” (Amusement) – isang pangkalugurang aliwan at kasiyahan. Ito ay


kasingkahulugan ng aliwan (relaxation), kinatutuwaang gawain (avocation), palipasan
(pastime), o kasayahan (fun).

b. “Lugar ng Libangan” – sumasaklaw sa mga teatro, sinema, nulwagang


pangkonsiyerto, mga sirkus at iba pang mga lugar ng libangan kung saan ang isang tao ay
pumapasok upang aliwin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng panonood o pagtingin sa
palabas o pagganap.

c. “Gawain” (Business) – ang kahulugan ay pangangalakal (trade), o gawaing


pangangalakal (commercial activity) na pangkaraniwang isinasagawa bilang pamamaraan
ng paghahanap-buhay o may layuning tumubo.

d. Puhunan (Capital) – pondong pangpuhunan na ginagamit sa pagbili ng mga ari-arian


at kagamitang may mahabang buhay o pakinabang.

e. “Capital Investment” – capital na ginagamit ng isang tao sa isang gawain


(undertaking), o kaniyang iniaambag sa capital ng isang partnership, korporasyon o
alinmang iba pang juridical entity o asosasyon sa isang partikular na hurisdiksyon sa
pamumuwis (taxing jurisdiction).

f. “Mga Singil” – tumutukoy sa panangutang pananalapi (pecuniary liability), tulad ng


mga renta o kabayaran laban sa mga tao o pag-aari. Ito rin ay yaong sinisingil mula sa
mga gumagamit sa mga kaluwagang pag-aari ng gobyerno.

g. “Countryside and Barangay Business Enterprise” – tumutukoy sa alin mang


grupong pampangangalakal, asosasyon, o kooperatibang rehistrado sa ilalim ng mga
tadhana ng Batas Republika Blg. 6810 (R.A. No. 6810), na kinikilala bilang “Magna
Carta for Countryside and Barangay Business Enterprises (Kalakalan 20)”.

h. “Butaw” – ang singil na tiniyak ng batas o ordinansa para sa regulasyon o inspeksyon


ng isang negosyo o gawain. Ito rin ay yaong nililikom para sa mga serbisyo ng gobyerno.

i. “Kabuuang Pinagbilhan o Kinita” (Gross Sales or Receipts) – sasaklaw sa


kabuuang halaga ng salapi o kaniyang katumbas na kumakatawan sa presyong
pinagkasunduan (contract price), kompensasyon o kabayaran sa paglilingkod (service
fee), kasali na ang halagang siningil at mga materyales na kasama ng paglilingkod at mga
deposito o paunang bayad na talagang tinanggap o constructively received sa panahon ng
taxable quarter para sa mga paglilingkod na isinagawa o isasagawa para sa ibang tao
maliban sa mga diskwento kung mapagpapasiyahan sa oras ng pagbibili, ibinalik na
pinamili (sales return), excise tax, at value-added tax (VAT).

j. “Pataw” – pagpapataw ng mga buwis, kabayaran, singilin at multa.

k. “Tagapamahala” (Operator) – sumasaklaw sa may-ari, tagapangasiwa,


administrador, o alin pa mang tao na namamahala o may pananagutan para sa
pamamahala ng isang business establishment o undertaking.

l. “Mga Tao” – nangangahulugang bawat natural o huridikal na tao, medaling tablan


(susceptible) ng mga karapatan at obligasyon o ng pagiging paksa ng relasyong legal.

m. “Lugar-libangan o Pook Aliwan” – mga lugar na yaong kailangang pumasok ang


isang tao upang maaliw sa pamamagitan ng panonood o tuwirang pakikilahok. Kasama sa
talaan ng P. D. 231 ang mga sumusunod: panggabing aliwan (night clubs), cabaret,
bakasyunan (resort), palanguyan, dulaan, bolingan (bowling alleys), sirko, sinehan, at iba
pang katulad nito.
n. “Naninirahan” – tumutukoy sa mga natural na tao na may kinaugaliang tirahan sa
lalawigan, lungsod, o bayan kung saan sila ay gumaganap ng kanilang mga karapatang
sibil at tumutupad ng kanilang mga obligasyong sibil, ayt sa nga taong huridikal na kung
kanino ang batas o alin pa mang tadhana na lumilikha o kumikilala sa kanila ay
nagtatakda ng kanilang tirahan sa isang partikular na lalawigan, lungsod, o bayan kung
saan ang kanilang tirahang legal o principal na lugar ng hanapbuhay o kung saan sila ay
nagsasagawa ng kanilang pangunahing hanapbuhay o okupasyon.

o. “Tingi” (Retail) – ay nangangahulugang isang pagbibili kung saan ang bumibili ay


bumibili ng kalakal para sa kaniyang sariling paggamit (consumption), kung gaano man
ang dami ng kalakal na ipinagbili.

p. “Tindahan o Magtitingi” – isang bahay-kalakal na, ang mga paninda ay nakalagay o


ipinakikita at aktuwal na bumibili at nagbibili ng mga paninda at mga kalakal na iyon.

q. “Kita o Pasok na Salapi” – tumutukoy sa mga buwis, singil, kabayaran, butaw at


pataw na nalilikom o natatanggap na inilalagak para sa gawain o layuning pangmadla.

r. “Serbisyo” – mga palingkuran o paglilingkod na isinagawa o ipinagkaloob ng


gobyerno o ng sinumang tao na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga
pangunahing serbisyo na hindi naman tunay na masasabing pangpamahalaan lamang.

s. “Buwis” – sapilitang ipinapataw sa mga tao, sa kanilang mga gawain at mga ari-arian
upang makapagbigay ng kita at masuportahan ang mga programa ng pamahalaan. Ito ay
maaaring i-impuwesto ayon sa halaga ng ari-arian o sa pribilehiyong ibinigay sa isang tao
maging indibidwal man o huridikal, upang makipagkalakalan, maghanapbuhay,
makipagkontrata o magsagawa ng isang kapaki-pakinabang na gawain.

t. “Small Enterprise”- ito ay negosyong mayroong (1) isa hanggang (14) labing apat na
manggagawa.

u. “Medium Enterprise”- ito ay negosyong mayroong (15) labing lima na manggagawa


hanggang dalawamput siyam (29).

v. “Large Scale Enterprise”- ito ay negosyong mayroong 30 pataas na manggagawa.

SEKSYON 4. MGA SALITA AT PARIRALANG HINDI NAILAHAD. Ang mga


salita at pariralang nagamit sa Kodigong ito na hindi nailahad o nabigyan ng paliwanag
ay may katumbas na kahulugan na matatagpuan sa Batas Republika Blg. 7160 (R. A. No.
7160) o ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at ng Alituntunin at Patakaran sa
Pagpapatupad ng Kodigo [Code’s Implementing Rules and Regulations (IRR)] gayundin
sa iba pang kaugnay na mga batas.

KABANATA II
BUWIS SA NEGOSYO

ARTIKULO A. BUTAW SA MGA TINDAHANG NAGTITINGI

SEKSYON 5. BUWIS SA MGA TINDAHAN O MGA MAGTITINGI. Ito ay


ipinapataw sa lahat ng mga tindahan o mga magtitingi na may pirmihang lugar ng bahay-
kalakal na nasasakupan ng barangay na ito at may kabuuang kita ng sinundang
kalendaryong taon na hindi hihigit sa halagang Tatlumpung Libong Piso (P 30,000.00),
ang buwis ng barangay ay sa halagang isang porsiyento (1%) ng nasabing kabuuang mga
kita.

SEKSYON 6. PAMAMARAAN NG PAGPAPAHINTULOT. Ang namumuwisan na


kumukuha ng isang pahintulot ng barangay ay naghaharap ng kahilingan dito na may
pahayag ng pangalan at tirahan ng negosyo o gawain, ng uri ng negosyo o gawain na
pinagkakaabalahan, ng halaga ng puhunang capital

ARTIKULO B. PAGPAPHINTULOT SA NEGOSYO


(Barangay Business Clearance)

SEKSYON 7. BAGO O NAGPAPASIMULANG NEGOSYO. Para sa mga bago o


nagpapasimulang tindahang nagtitingi, ang panimulang buwis ay batay sa uri ng negosyo
na babayaran sa ingat-yaman ng barangay sa paghaharap ng kahilingan ng pahintulot
upang magpasimula ng pagtitinda.

A.) Para sa mga ganitong uri ng negosyo:

Uri ng Negosyo Halaga ng babayaran

Small Enterprise P 150.00


Medium Enterprise P 300.00
Large Enterprise P 500.00
B.) Para sa mga gawain na may pirmihang puwesto (tulad ng paghahayupan) na batay
sa:

b.1. 1Klasipikasyon (Hog Raising)


1. Backyard P______
2. Economic P______
3. Commercial P______

. b.2 Klasipikasyon (Poultry Raising)


1. Backyard P______
2. Economic P______
3. Commercial P______

C. Para sa paggamit bilang lokasyon sa mga pelikula at palabas sa tebisyon P _______

SEKSYON 8. MGA MAGPAPATALA MULI (RENEW) NG KANILANG


NEGOSYO. Para sa taunang pagtatala ng negosyo ang pagbubuwis ay batay sa uri ng
Negosyo na babayaran sa ingat yaman.

A.) Para sa mga ganitong uri ng negosyo:

Uri ng Negosyo Halaga ng babayaran

Small Enterprise 200.00


Medium Enterprise 500.00
Large Enterprise 100.00

B.) Para sa mga gawain na may pirmihang puwesto (tulad ng paghahayupan) na batay
sa:

b.1. 1Klasipikasyon (Hog Raising)


1. Backyard P______
2. Economic P______
3. Commercial P______

. b.2 Klasipikasyon (Poultry Raising)


1. Backyard P______
2. Economic P______
3. Commercial P______

SEKSYON 9. DALAWA O HIGIT PANG TINDAHAN NA


PINANGANGASIWAAN NG IISANG NAGMAMAY-ARI – Kapag dalawa o higit
pang tindahan na pag-aari ng iisang tao, ang bawat tindahan ay tatayahin at pagbabayarin
ng buwis nang magkahiwalay. Kung mayroon siyang tindahan sa labas ng barangay, ang
kita o benta nito ay hindi na dapat ipagbayad ng buwis sa barangay.
SEKSYON 10. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang buwis na ipinapataw sa mga
tindahang nagtitingi ay magsisimula sa unang dalawampung araw ng Enero ng bawat
taon at maaaring bayaran sa ingat-yaman ng barangay sa loob nang walang patong na
singil (surcharge) at multa.

SEKSYON 11. PATONG NG SINGIL AT MULTA. Ang hindi pagbabayad ng buwis


sa takdang panahon ay mangangahulugan ng patong na singil na 25% ng kabuuang
halaga ng buwis na hindi nabayaran, at dalawang porsiyentong (2%) interes bawat buwan
pati na ang patong na singil, hanggang sa ang buong halaga ay mabayaran nang hindi
lalampas sa 36 na buwan.

SEKSYON 12. PAMAMARAAN NG PAGPAPAHINTULOT Ang namumuwisan na


kumukuha ng isang pahintulot ng barangay ay naghaharap ng kahilingan dito na may
pahayag ng pangalan at tirahan ng negosyo o gawain, ng uri ng negosyo o gawain na
pinagkakaabalahan, ng halaga ng puhunang capital

Sa loob ng pitong (7) araw ng paggawa mula sa pagkakaharp ng kahilingan sa


pahintulot, ang Punong Barangay ay magpapasya dito sa pamamagitan ng pagbibigay o
pagtanggi sa kahilingan. Kung ipinagkaloob ang kahilingan, ang Katibayan ng Pahintulot
ng Barangay ay ibibigay pagkabayad ng ipinataw na butaw, na ang pagbabayad na ito ay
kikilalanin sa pamamagitan ng opisyal na resibo na itinakda ng batas. Kung ang pasya ng
Punong Barangay ay pagtanggi sa kahilingan, dapat niyang ipagbigay-alam sa
pamamagitan ng pagsulat sa kinauukulang namumuwisan ang dahilan o mga dahilan nito.
Ngunit kung matapos ang takdang pitong (7) araw ang Punong Barangay ay nakaligtaan
o tumangging magpasiya sa kahilingan,ang pamahalaang bayan ay maaaring mag-isyu ng
lisensya o permiso sa aplikante, na kinakailangang magdeklara ng pagpapahayag sa
nasabing mga pangyayari.

SEKSYON 13. PAGLIKOM NG BUWIS. Ang ingat-yaman ng barangay ang siyang


lilikom sa lahat ng buwis sa ilalim ng nasabing ordinansa. Hindi niya maaaring ilipat o
ipaganap sa ibang tao ang paglikom sa nasabing buwis maliban na lamang kung ito ay
pinahihintulutan ng sangguniang barangay.

SEKSYON 14. PAGDIDEPOSITO AT PAGTUTUOS NG MGA NALIKOM. Lahat


ng mga buwis kasama ang mga patong na singil at interes na malilikom ay idideposito sa
pondo ng barangay sa araw na ito ay makolekta o sa unang oras ng opisina sa
kinabukasan mula nang ito ay malikom. Kung ang susunod na araw ay papatak sa mga
araw na walang opisina, ang pagdideposito ay gagawin sa kinaumagahan ng unang araw
na may pasok.

SEKSYON. 15. MGA PAMAMARAAN SA PAGLIKOM NG BUWIS. Lahat ng mga


buwis, gayundin ang mga patong na singil at interes na hindi nabayaran sa takdang
panahon ay sasailalim sa mga sumusunod na lunas at pamamraan:

a. Pagkuha sa mga personal na pag-aari ng nagpabayang mambubuwis alinsunod


sa Kabanata 174 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 (Batas Republika
Blg. 7160).

b. Pagsamsam sa mga ari-ariang di-natitinag o interes sa mga ito o karapatan sa


mga ari-arian ng mga pabayang mambubuwis na nasa barangay alinsunod sa
nabanggit na batas sa itaas.

c. Ang ingat-yaman ng barangay na hindi makapagpalabas ng utos o


mandamyento (warrant of distraint) sa pagpapatupad ng nasa itaas na lunas at
pamamaraan sa loob ng isang taon matapos an maging delingkwente sa
pagbabayad ng buwis ay maaaring alisin sa tungkulin matapos bigyan ng angkop
na paunawa at pagdinig.

d. Maaaring ipagpatuloy ng punong barangay, sa pagpapatibay ng nakararami sa


mga kagawad ng sangguniang barangay, ang paglikom ng buwis sa pamamagitan
ng pagsasampa ng kaso sa hukuman.

SEKSYON 16. REMEDYO PARA SA MGA NAGBABAYAD NG BUWIS.


Sinumang may pagtutol o pag-aalinlangan sa pagkakatuos ng kaniyang dapat bayarang
buwis ay maaaring magharap ng reklamo sa ingat-yaman ng barangay sa loob ng 60 araw
mula sa araw na matanggap niya ang pabatid sa pagtasa ng ingat-yaman sa buwis na
babayaran (notice of assessment); kung hindi, ang nasabing pagkakatuos ay maaari nang
ipatupad. Ang ingat-yaman ng barangay, sa pakikipag-ugnayan sa punong barangay, ay
magpapasya sa loob ng 30 araw mula nan gang reklamo ay ipagharap. Ang mambubuwis
ay mayroon pang 30 araw mula sa pagtatapos ng 60 araw upang makapagsampa ng apela
sa kinauukulang hukuman; kung hindi, ang katasahan ng buwis na sa kaniya ay sinisingil
ang siyang masusunod at hindi na maaari pang maghain ng paghahabol.

SEKSYON 17. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan


ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

KABANATA III
MGA BUTAW SA PANGANGALAGA SA KAAYUSAN

ARTIKULO A. MGA BUTAW SA MGA LUGAR-LIBANGAN

SEKSYON 18. BUTAW SA MGA LUGAR-LIBANGAN. Ang butaw para sa mga


taong nagnanais na pumasok sa mga lugar-libangan upang maaliw o malibang sa
pamamagitan ng panonood ng palabas o libangin ang sarili ay may kaukaulang butaw na:

1. Theaters and Cinema Houses per Admission Ticket 1% of the Admission Fee

2. Ambulant and Itinerant Operators of recreation apparatus, amusement devices or


contrivances during fiestas or fairs such as Circus, Carnivals or the like (e.g. Roller
Coaster, Ferris Wheel, Swing, Shooting Gallery etc.) 2% per Admission Ticket

3. Boxing contest or exhibitions, Concerts 2% of the Admission Fee

4. Recreation places such as resorts, swimming pool 1% of the Admission Fee


5. Other amusement places which are open to the public 1% of the Admission Fee
charging admission fee

SEKSYON 19. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang butaw na itinatakda sa


Artikulong ito ay nararapat na mabayaran sa ingat-yaman ng barangay araw-araw o sa
kasunod na araw matapos ang paglikom ng mga bayad sa pagpasok sa mga lugar-
libangan.

SEKSYON 20. TADHANANG PANG-ADMINISTRATIBO.

Ang mga tagapamahala o operators ng mga establisimento ay binibigyan ng


kapahintulutan na katawanin ang barangay sa paglikom ng kaukulang butaw sa pagpasok
sa mga lugar-libangan na itinitakda sa Artikulong ito at nararapat na maisumite sa ingat-
yaman ng barangay sa araw ng koleksyon o sa kasunod na raw matapos ang paglikom.

Ang operasyon ng mga naturang lugar-libangan ay kinakailangang naaayon din sa


itinatadhana ng umiiral na pambayang ordinansa, alituntunin at patakaran kaugnay dito.

SEKSYON 21. PATONG NA SINGIL. Ang hindi pagbabayad ng kaukulang butaw sa


panahong itinakda ay mangangahulugan ng patong na singil na 25% sa prinsipal na
halaga nito.

SEKSYON 22. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan


ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

ARTIKULO B. MGA BUTAW SA MGA PASKIL, MGA KARATULA, MGA


KARATULANG MAY ILAW AT MGA PALABAS NA MGA ANUNSYO
SEKSYON 25. BUTAW SA MGA PASKIL, MGA KARATULA, MGA
KARATULANG MAY ILAW AT MGA PALABAS NA ANUNSYO Mga ipinapataw
na butaw sa mga paskil, mga karatula, mga karatulang may ilaw at mga palabas na
anunsyo na ipinakikita o pinananatili sa alinmang lugar na lantad sa pampublikong
tanawin sa loob ng anumang lugar na nasasakupan ng hurisdiksyon ng barangay na ito,
ayon sa sumusunod na mga halaga:

a.) Mga Paskil o mga Karatula na nag-aanunsyo ng Negosyo o Kalakal, bawat


metro kuwadrado o bahagi nito:
a. Isang Mukha P 50.00
b. Magkabilang Mukha P 100.00

b.) Mga Paskil o mga Karatula para sa mga Propesyonal, bawat metro kuwadrado
o bahagi nito: P 40.00

c.) Mga Paskil o mga Karatula para sa anunsyo ng Negosyo o Propesyon na


nakapinta sa alinmang gusali o mga kayarian o kaya ay nakahiwalay o nakabukod
doon, bawat metro kuwadrado o bahagi nito: P 50.00

d.) Anunsyo sa Kalakal, Negosyo o mga Propesyon sa pamamagitan ng mga


Slides sa mga Sinehan, na babayaran ng mga nagpapaanunsyo: P 300.00

e.) Mga Anunsyo sa pamamagitan ng mga Sasakyan, mga Lobo, mga Saranggola,
at iba pa:

e.1. Bawat araw o bahagi nito P 300.00


e.2. Bawat linggo o bahagi nito P 500.00
e.3 Bawat buwan o bahagi nito P 1,500.00

f. Bilang karagdagan sa mga nabanggit na halaga para sa paggamit ng elektrisidad


o ilaw-dagitab (neon lights) sa mga karatula, bawat metro kuwadrado o bahagi
nito: P 50.00

SEKSYON 26. IKSEMSYON O PAGKALIBRE SA MGA BUTAW AT MGA


PATAW. Ang mga karatula, mga paskil, mga paanunsyo kasama ang mga idinidikit
(stickouts), mga banderola (streamers), mga karatulang may ilaw at iba pang mga de-
kuryenteng medya, mga poster, mga panel, mga karatula sa tindahan, na nasa mismong
bahay-kalakal, mga placard, mga etiketa ng presyo (price strips), mga bandera, banderitas
at iba pang mga katulad nito na pag-aari ng mga may pagawaan o mga propesyonal, pero
itinatanghal sa lugar na ginagawa ang negosyo o propesyon o itinatanghal sa mga
nagdadala o iba pang mga paglilingkod at pampublikong mga sasakyan ay dapat libre sa
mga nasabing mga babayaran na itinakda sa itaas. Ang mga privilege panels ay
pagbabayarin ng kalahati ng nabanggit na halaga ng butaw na sinisingil sa mga anunsyo.

SEKSYON 27. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang butaw at pataw na itinatakda sa


Artikulong ito ay nararapat na mabayaran sa ingat-yaman ng barangay bago isagawa,
itanghal, ilagay o ikabit ng sinumang tao ang anumang pagpapaskil o pag-aanunsyo.

SEKSYON 28. TADHANANG PANG-ADMINISTRATIBO. Ang paglalagay at


pagkakabit ng karatula, paskil at iba pang kahalintulad nito ay kinakailangang naaayon
din sa itinatadhana ng iba pang umiiral na batas, ordinansa, alituntunin at patakaran. Ang
pagkakaloob ng pahintulot para sa paglalagay at pagkakabit ng mga ito ay kailangang
nakaayon sa umiiral na mga batas at pambayang ordinansa.

SEKSYON 29. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan


ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

KABANATA IV
MGA BUTAW AT KABAYARAN SA SERBISYO NG BARANGAY

ARTIKULO A. BUTAW SA PAHINTULOT NG BARANGAY


SEKSYON 30. BUTAW SA PAGKAKALOOB NG SERTIPIKASYON MULA SA
BARANGAY. Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga kaukulang butaw para sa iba’t
ibang sertipikasyon na ipinagkakaloob ng barangay para magamit sa mga sumusunod:

1. Para sa Layunin ng Pagkakakilanlan


a. Identification P 100.00
b. Residency P 50.00
c. Character Check & Validation P 50.00
d. Request for Postal ID P 100.00
e. Conduct of Rummage P 500.00
f. Non-Resident Vendors/Peddlers
1. Pushcart/Ambulant P30.00
2. Promotional/Demonstration P 100.00
g. Non-Resident Buyers
1. Animal Trading P ________
2. Vegetables/Crops Trading P ________

2. Para sa Layuning Magamit sa Iba’t ibang Ahensiya


a. Employment Application
1. Local P 50.00

b. Securing Police/NBI/Court Clearance P 50.00


c. Firearm Permit Application P 100.00
d. Passport/Visa Application P 100.00
e. Court Litigation & other Judicial Proceedings P 100.00
f. Travel Abroad P 100.00
g. MTOP Permit Application P 50.00
h. Loan Certification P 50.00

3. Para sa Iba pang Layunin


a. Tree-Planting Certification P 30.00
b. Excavation P ________
c. Building Construction/Occupancy/Repair/Renovation/Demolition
1. Residential & Agricultural P 300.00
2. Commercial & Institutional P 500.00
3. Industrial P 600.00
d. Light/Electrical Installation
1. Residential P 50.00
2. Commercial/Institutional P 100.00
3. Industrial P 150.00
g. Fencing
1. Residential P100.00
2. Commercial/Institutional P 150.00
3. Industrial P 200.00
h. Water System Installation
1. Residential P ________
2. Commercial/Institutional/Industrial P ________

SEKSYON 31. IKSEMSYON O PAGKALIBRE SA MGA BUTAW AT PATAW.


Walang butaw at pataw na itatakda para sa paghiling at pagkakaloob ng sertipikasyon sa
layunin na magamit ito para sa Scholarship Program o Study Grant, hiniling ng alinmang
korte o hukuman at sangay ng gobyerno, mga estudyante, mga nasa listahan ng mahihirap
(INDIGENT) na indibidwal at pamilya, mga nakatatanda o Senior Citizens, mga taong
may kapansanan, Solo Parent at mga taong napapaloob sa mga kaso at sitwasyon na
nasasakop ng Batas Republika Blg. 9262 o ang Violence Against Women and their
Children Act. At yung mga nakatapos mag aral sa ilalim ng First Job Seekers Act.

Ang Sangguniang Barangay ay maaari rin na malibre ang kanilang mamamayan sa butaw
sa pagkakaloob ng sertipikasyon maliban sa mga nabanggit sa itaas batay sa kakayanang
pinansyal ng residente.

SEKSYON 32. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang butaw na tinutukoy sa


Artikulong ito ay kinakailangang mabayaran sa ingat-yaman ng barangay bago o sa oras
na maipagkaloob ang sertipikasyon o matugunan ang kanilang kahilingan.
SEKSYON 33. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan
ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

KABANATA V

MGA KABAYARAN SA MGA KALUWAGAN, ARI-ARIAN AT KAGAMITAN


NG BARANGAY

ARTIKULO A. MGA KABAYARAN AT PATAW SA PAGGAMIT NG MGA


KALUWAGAN AT ARI-ARIAN NG BARANGAY

SEKSYON 34. KABAYARAN SA PAGGAMIT NG MGA KALUWAGAN AT


ARI-ARIAN NG BARANGAY. Itinatakda ang kaukulang kabayaran para sa paggamit
sa mga pag-aari ng barangay o mga kaluwagan tulad ng mga sumusunod:

1. Palay/ Copra Dryer P _______


2. Covered Courts
a. Sa Umaga _______
b.) Sa Gabi _______
3.) Multi Purpose Hall _______

SEKSYON 35. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang kabayarang itinatakda sa


Artikulong ito ay nararapat na mabayaran sa ingat-yaman ng barangay sa oras ng
aplikasyon sa pag-upa o bago magamit ang nasabing kaluwagan ng barangay.

SEKSYON 36. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan


ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

ARTIKULO B. MGA KABAYARAN AT PATAW SA PAGGAMIT NG MGA


KAGAMITAN NA PAG-AARI NG BARANGAY

SEKSYON 37. KABAYARAN SA PAGGAMIT NG MGA KAGAMITAN NA PAG-


AARI NG BARANGAY. Itinatakda dito ang mga kaukulang kabayaran sa paggamit ng
mga kagamitan na pag-aari ng barangay tulad ng mga sumusunod:

1. Computer (kada oras o bahagi nito) P _______


2. Typewriter (kada oras o bahagi nito) P _______
3. Photocopier (kada pahina) P _______
4. Sound System (kada araw o bahagi nito) P _______
5. Generator (kada araw o bahagi nito) P _______
6. Grass Cutter (kada araw o bahagi nito) P _______
7. Powersaw (kada oras) P _______
8. Plastic Chairs (kada piraso/kada araw o bahagi nito) P _______
9. Wooden & Plastic Tables (kada piraso/kada araw) P _______
10. Pinggan/Sulyaw (kada dosena) P _______
11. Kaldero (kada piraso/kada araw o bahagi nito) P _______
12. Tulyasi (kada piraso/kada araw o bahagi nito) P _______
13. Palanggana (kada piraso/kada araw o bahagi nito) P _______
14. Heavy Duty Stove (kada piraso/kada araw) P _______
15. Nebulizer (kada araw) P _______
16. Tolda (Tent) P ________

SEKSYON 38. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang kabayarang itinatakda sa


Artikulong ito ay nararapat na mabayaran sa ingat-yaman ng barangay sa oras ng
aplikasyon sa pag-upa o bago magamit ang nasabing kagamitan ng barangay.
SEKSYON 39. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan
ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

KABANATA VI

MGA BUTAW AT IBA PANG SINGILIN NG BARANGAY

A. MGA BUTAW AT IBA PANG SINGILIN NG BARANGAY

SEKSYON 40. MGA BUTAW SA SERBISYO NG BARANGAY. Itinatakda dito ang


mga butaw na ipapataw para sa serbisyong ipinagkakaloob ng barangay para sa mga
sumusunod:

A. 1. Certified True Copy (para sa iba’t ibang dokumento ng barangay)


a. 1 hanggang 5 pahina P 100.00
b. Sobra sa 5 pahina P 20.00

2. Katarungang Pambarangay Filing Fee P 50.00


3. Lupong Tagapamayapa Clearance P 50.00
4. Summons Fee P 50.00
5. Secreatrial Services Fee P 50.00
6. Free Patent Certification Fee P 50.00
7. BARC Tenancy Fee P 50.00

SEKSYON 41. PANAHON NG PAGBABAYAD. Ang mga butaw na itinatakda sa


Artikulong ito ay nararapat na mabayaran sa ingat-yaman ng barangay sa bago o sa oras
na maipagkaloob ang serbisyo ng barangay.

SEKSYON 42. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa Artikulong ito ay parurusahan


ng multang hindi bababa sa isang daang piso (P 100.00) o hihigit sa isang libong piso P
1,000.00) ayon sa pasya ng hukuman.

KABANATA VII
PANGKALAHATANG PROBISYON SA PANGANGASIWA

ARTIKULO A. PAGLIKOM AT AKAWNTING NG MGA KITA NG BARANGAY

SEKSYON 43. PAGLIKOM. Lahat ng mga buwis, butaw, kabayaran, pataw, singil,
patong na singil, tubo at multa ay kinakailangang mabayaran at malikom ng Ingat-Yaman
ng barangay na mapupunta sa pondo ng barangay na ito. Ang Ingat-Yaman ng barangay
ang siyang mag-iisyu ng kaukulang opisyal na resibo na itinakda ng pamahalaan na
nagsasaad, higit sa lahat, ng uri ng kinolektang mga buwis, butaw, kabayaran, pataw,
singil, patong na singil, tubo at multa gayundin ang halaga ng mga ito na aktuwal na
nakolekta.

ARTIKULO B. PANGKALAHATANG PROBISYON SA KAPARUSAHAN

SEKSYON 44. KAPARUSAHAN. Anumang paglabag sa mga itinatadhana sa


Kodigong ito na hindi nasakop ng partikular na kaparusahan na itinakda ng mga
alintuntunin at patakaran ng kapangyarihan ng Kodigong ito ay papatawan ng
kaparusahang multa na hindi bababa sa isang daang libong piso (P 100.00) at hindi
hihigit sa isang libong piso (P 1,000.00) batay sa pasya ng hukuman. Ang pagbabayad ng
multa ay hindi nangangahulugang naligtas ang sinumang lumabag sa pagbabayad ng
delingkwenteng buwis, butaw o kabayaran na ipinataw sa ilalim ng Kodigong ito. Kung
ang paglabag ay nagawa ng sinumang huridikal na entidad, ang Pangulo, Tagapamahala
na pinagkatiwalaan na pamahalaan o pangasiwaan ang isang gawain o negosyo, sa
panahon na nagawa ang paglabag ay siyang mananagutan dito.

SEKSYON 45. BUTAW SA COMPROMISE SETTLEMENT. Ang Punong Barangay


ay maaari at may kapangyarihan na pumasok sa isang “extrajudicial” o out-of-court
settlement para sa anumang paglabag sa alinmang probisyon o tadhana ng Kodigong ito
alinsunod sa mga sumusnod na kondisyon:

1. Na ang paglabag o pagkakasala ay hindi nauugnay sa pandaraya o panlilinlang;

2. Na ang taong lumabag o nagkasala ay magbabayad ng kaukulang butaw sa


compromise settlement (compromise settlement fee) na hindi bababa sa tatlong
daang piso (P 300.00) at hindi naman hihigit sa isang libong piso (P 1,000.00)
batay sa mapagkakasunduan ng parehong pangkat;

3. Na ang pagbabayad ng compromise settlement fee na binanggit sa itaas ay


hindi nangangahulugang na ang lumabag o nagkasala ay maliligtas sa pagbabayad
ng kaniyang mga kaukulang buwis, butaw at kabayaran tulad ng itinatadhana sa
Kodigong ito, kung siya ay pananagutan hinggil dito.

KABANATA VIII
PINAL NA MGA PROBISYON

ARTIKULO A. IBA’T IBANG PROBISYON

SEKSYON 46. PARIRALANG NAGBUBUKOD. Kapag ang alinmang bahagi ng


Kodigong ito ay ipinahayag na walang-bisa ng isang hukumang may sapat na karapatan,
o sinuspinde o binawi ng Sangguniang Bayan, ang pagpapasyang ito ay hindi
makasasaklaw o makapagpapawalang-bisa sa iba pang bahagi ng Kodigong ito at tutukoy
lamang sa parirala, pangungusap, talata, seksyon o bahagi nito na may pag-aalinlangan.

SEKSYON 47. PARIRALANG SUMUSUSOG. Ang lahat ng mga naunang ordinansa


ng barangay, alituntunin at kautusan, o mga bahagi nito na hindi naaayon sa alinmang
itinatakda ng Kodigong ito ay pinawawalang-bisa o binabago na nang naaayon dito.

SEKSYON 48. PAGKAKABISA. Ang Kodigong ito ay magkakabisa tatlumpung araw


matapos ang pagpapatibay nito.

You might also like