You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Nueva Ecija


LungsodAgham ng Muñoz
BARANGAY BALANTE
barangaybalante@yahoo.com

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY


KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NA GINANAP NOONG IKA-14 NG JULY 2018
IKA-2:00 NG HAPON, NA IDINAOS NG MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIAN SA
BULWAGANG PULUNGAN NG BARANGAY BALANTE, LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ,
LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA.

MGA NAGSIPAGDALONG KAGAWAD

EMILIANO B. FABRO
Punong Barangay
1. KGG. LIWAYWAY D. DE GUZMAN 5. KGG. CARLOS DC. DE VERA
2. KGG. MARIO G. ANTONIO 6. KGG. ROLANDO M. DAMASO
3. KGG. RICARDO L. PED 7. KGG. TIRSO A. DAMASO
4. KGG. VICENTE C. ABRAJANO JR. 8. SK Chairman ANGELO G. DE VERA

Brgy. Secretary – FERNANDO C. DUATIN


Brgy. Treasurer – PERLITA D. DUGAY

DI DUMALO: Wala
(Ordinansa Blg. 3 Serye 2018)

ORDINANSANG ANG LAHAT NG PUMAPASOK NA MGA HARVESTER SA AMING


BARANGAY AY KAILANGANG NAGBIBIGAY NG KAAKIBAT NA BUWIS O TAX SA
BARANGAY NG KALAHATING KABAN (1/2 CAV) KADA MAANING ISANG DAANG
KABAN

Sapagkat, ang lahat ng Sangguniang Barangay ay nagpulong at napag-usapan ang ukol sa mga
Harvester na pumapasok sa ating Barangay ay magkakaroon ng buwis o Tax na kalahating kaban kada
isang daang kaban.

Sapagkat, ang Barangay Balante ay kailangang magkaroon ng kahit na maliit na pondo para sa
magagamit na pangkain ng mga tanod at sa mga humihingi ng mga dunasyon gaya ng mga kapulisan na
siyang gumagabay sa mga siguridad ng ating barangay.

Sapagkat, ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Balante ng Balante Science City of


Muñoz, Nueva Ecija ay minarapat na gawin ang Ordinansa Blg. 3, serye 2018 upang pagtibayin ang
kapasyahang ito upang maisakatuparan at maisabatas ng Barangay.

Dahilan Dito, sa mungkahi ni Kagawad Vicente C. Abrajano Jr. at, sinang-ayunan ng lahat ng
kasapi ng Sangguniang Barangay na dumalo, na ang kapasyahanng ito ay nilagdaan upang pagtibayin.

Pinatutunayan ko ang kawastuhan ng


Nasasaad na kapasyahang ito.

FERNANDO C. DUATIN
Barangay Secretary

Pahina 1 Ordinansa Blg.3 Serye 2018

You might also like