You are on page 1of 1

Pro-forma Demand Letter of HOA

HOMEOWNERS ASSOCIATION LETTERHEAD/NAME


HOA Address & Telephone No.

Petsa

PANGALAN NG MIYEMBRO-BENEPISYARYO
Pangalan ng HOA
Block No. ___ Lot No. ___
Address

DEMAND LETTER

Mahal na Bb./G./Gng.__________:

Ito po ay patungkol sa inyong buwanang amortisasyon sa Social Housing Finance


Corporation (SHFC) sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP).

Nais pong ipagbigay alam ng pamunuan at Board of Directors ng (Pangalan ng Asosasyon)


ang inyong hindi nababayarang buwanang amortisasyon sa SHFC na nagkakahalagang
______(amount in words)_______ (P______________). Kalakip po nito ang inyong
Statement of Account kung saan nakalista ang inyong mga bayarin.

Ayon po sa inyong nilagdaang Lease Purchase Agreement (LPA), kapag ang isang
miyembro-benepisyaryo (MB) ay hindi nakabayad ng tatlong (3) buwang amortisasyon o
higit pa ay nangangahulugan ng kawalan ng interes sa parte ng MB na ipagpatuloy ang
programa (Community Mortgage Program [CMP]) at maaaring maging dahilan ng inyong
pagkakatanggal bilang miyembro ng asosasyon at pag-alis ng inyong karapatan sa lupang
inyong inookupahan sa ilalim ng CMP.

Dahil dito, binibigyan po namin kayo ng LABINLIMANG (15) ARAW mula sa


pagkakatanggap ng liham na ito upang tumugon at bayaran ang nasabing pagkakautang. Ang
hindi ninyo pagtugon sa liham na ito sa loob ng nasabing panahon ay nangangahulugan ng
inyong pagbabalewala at magbibigay ng dahilan upang kayo ay madeklarang “in-default” at
mapalitan bilang miyembro ng asosasyon (substitution).

Maaari po lamang na kayo po ay agad na makipag-ugnayan sa ating Ingat Yaman (Treasurer)


para sa pagsasaayos ng inyong pagkakautang.

Maraming salamat po.

Sumasainyo

_________________
Pangulo

Kalakip: Statement of Account

You might also like