You are on page 1of 2

KUSANG-LOOB NA PAGSUSUKO AT PAGTALIKOD

SA KARAPATAN SA SINASAKANG LUPA

TANTUIN NG LAHAT:

AKO, _______________________ may asawa, may sapat na gulang, Pilipino, naninirahan at may
pahatirang sulat sa Bocaue, Bulacan, ay nagpapahayag ng mga sumusunod:

Na, ako ang lehitimong KASAMA/TENANT sa Dalawang (2) lagay na lupang sakahan na pag-aari nina
_________________________, may Titulo Bilang T-___________________, may sukat na ___________,
metro-cuadros, at matatagpuan sa Brgy. _________________, _________________, Bulacan;

Na, ang lahat ng aking karapatan sa pagsasaka ay aking IBINABALIK, INILILIPAT, TINATALIKURAN at
ISINUSUKO sa mga may-ari na sina ______________________;

Na, lubusan kong pinasasalamatan ang mga may-ari sa kanilang kabutihang-loob sa ipinagkaloob nina
sa akin ang halagang _________________________________________ (Php____________) sa kabila ng aking
kusang-loob na PAGSUSUKO ng aking karapatan sa pagsasaka na maari ko namanng gawing panimula sa
panibagong pagkukunan ng aming ikabubuhay;

Na, bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanila at sa matagal na magandang samahan ay handa
kong ipagtanggol ang katahimikan nila sa pamomosesyon sa lupang nalalarawan sa itaas nito laban sa mga
mapanligalig at handa akong magpakatotoo sa kaninuman na ako lamang ang tanging nagging
KASAMA/TENANT at wala ng iba pang tao ang nangasiwa o nagsaka sa lupag sakahang ito;

Na, maging ang aking anak o sinomang tagapagmana at kahalili ay wala ng karapatan pang maghabol
sa mga may-ari ng lupang ito o maghain ng kaso sa anomang Korte sa Pilipinas lalo’t higit ay sa Kagawaran ng
Repormang Pansakahan/DARAB o sa anumang sangay nito;

At napagkasunduan na aming butihing may ari ng lupa at kaming mga taga-saka na kami bibigyan ng
porsyento sa bawat pagbabayad ng opisina na nakabili ng aming lupa. Ang bawat bigay sa amin na may-ari ng
lupa, kami ay lumalagda para sa aming patunay na kami ay tumatanggap ng porsyento na galing sa may-ari ng
lupa.

SA KATUNAYAN ng lahat ng ito, ako ay lumagda ng aking pangalan sa ibaba nito na sa akin ay walang
pumilit, nag-udyok o nanakot ngayong ika-_______ na araw ng buwan ng _____________, 2023 dito
sa____________, Bulacan.

__________________________
Nagsasalaysay
Sedula Blg. ____________
Kinuha sa ____________, Bulacan
Kuha Noong ___________

__________________________
Nagsasalaysay
Sedula Blg. ____________
Kinuha sa ____________, Bulacan
Kuha Noong ___________
__________________________
Nagsasalaysay
Sedula Blg. ____________
Kinuha sa ____________, Bulacan
Kuha Noong ___________

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP ko ngayong ika-________ na araw ng buwan ng


_____________, ipinakita ng nagsasalaysay ang kanyang Katibayan ng paninirahan/Sedula na nakasulat sa
itaas nito dito sa Bocaue, Bulacan.

Kas. Blg.___________;
Dahon Blg._________;
Aklat Blg. _________ ;
Taong 2023

You might also like