You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

Municipality of Virac ) S.S.


Province of Catanduanes )

SINUMPAANG SALAYSAY

Kami sina PIO DE LA CRUZ at ESTRELLA DELA CRUZ, sapat ang


gulang, may asawa, Pilipino at naninirahan sa Moonwalk, Calatagan Proper, Virac,
Catanduanes, pakatapos makapanumpa ng sang-ayon sa ipinag-uutos ng batas at
malaya at kusang-loob na dito ay nagsasalaysay:

1. Na kami ang may akda sa sinumpaang salaysay na ito;

2. Na noon pang 2011, naghahanap kaming mag-asawa ng lupang


pwedeng matirhan namin dahil malayo ito sa pinagtatrabahuhan namin. Lumapit kami
kay Sr. Stileta kung mayroon siyang kilala na pwede naming mabilhan.

3. Na ipinakilala kami ni Sr. Stileta kay Ester Balane (ESTER). Sabi ni


ESTER ay binebenta niya ang kanyang lupa sa halagang Php1,500.00 per square
meter; mura na ito sa parteng Calatagan, at sabi ni ESTER ay baka maunahan daw
kami ng iba na mabili ito, kaya naengganyo kami na bilhin ang lupa.

4. Na noong March 12, 2012, nanghingi sa akin ni ESTER ng


Php10,000.00 para sa pagpapaayos ng titulo ng kanyang lupa. Dahil tiwala ako,
binigyan ko si ESTER ng nasabing halaga sa harap ni Sr. Stileta. (Nakalakip sa
salaysay na ito ang Acknowledgment Receipt ng aming pinagbayaran na may pirma ni
ESTER bilang Annex “A”)

5. Na sabi ni ESTER ay maaari na daw kami magpatayo ng bahay sa


lupa. Nagpatayo kami dito ng kongkretong bahay. Nakalakip ang mga resibo ng
aming nagastos sa construction ng aming bahay bilang Annex “B”

6. Na makalipas ang ilang araw ay humingi na naman si ESTER ng


Php20,000.00 para sa pagpapaayos ng titulo at iba pang dokumento sa BIR para sa
buwis.

7. Na ilang beses naming tinanong si ESTER kung ano na ang status ng


pagpapaayos ng titulo. Ang sagot niya palagi sa amin ay ipinapaayos niya pa ito sa
kanyang consultant.

8. Na makalipas ang isang taon, nagbayad kami ulit ng Php15,000.00


noong May 28, 2013 at nang hingiin namin ang titulo, walang maipakitang titulo sa
amin si ESTER.

9. Na nakailang bayad na kami mula June 10, 2013 hanggang June 9,


2016 at umabot na sa kabuuan na P90,000.00 ang aming naibayad kay ESTER.
Nagpasya kami na bayaran na ng buo ang natitirang halaga ng contract price na
php270,000.00 at mag-execute na kami ng Deed of Sale nguni’t tumanggi si ESTER
para makuha na namin ang titulo ng lupa ng sa gayon ay makita naman ng mga anak
ko ang kanilang pinagpaguran.

10. Na sa aming pagsisiyasat, nadiskrubre namin na ang lupang aming


nabili ay nakatitulo sa pangalan ni Salome V. Almojuela at nasasakupan ng Transfer
Certificate of Title No. 5364 (Annex “C”) at Tax Declaration No. 2013-11-0011-
00662 (Annex “D”)
11. Na nagpasya na kaming dumulog sa barangay para isauli na ni ESTER
ang aming naibayad sa pagkakabili ng lupa at mga ginastos sa pagpapagawa ng bahay
na resulta ng kanyang panloloko nguni’t hindi kami nagkasundo. Kalakip sa salaysay
na ito ang Certificate to File Action (Annex E).

12. Na ang mga elemento ng ESTAFA na nakasaad sa Article 315 ng


Revised Penal Code ay maliwanag sa mga nabanggit:

Article 315. Swindling (Estafa). – Any person who shall defraud another by any
of the following means mentioned hereinbelow shall be punished by:

2. By means of any of the following false pretenses or fraudulent acts


executed prior to or simultaneous with the commission of the fraud:

(a) By x x x falsely pretending to possess property, or by means of other


similar deceits.

13. Na kung hindi dahil sa pangeenganyo ni ESTER na bilhin ang


kanyang lupa at sa kanyang panloloko na siya ang may-ari nito, hindi kami
mahihikayat na bumili. Dahil hindi kay ESTER ang lupa, hindi kailanman maaaring
mapasaamin ang lupang covered ng Torrens System kahit bayaran namin ang kabuuan
na halaga dahil hindi ito ibinenta ng tunay na may-ari o wala siyang pinirmahan na
anumang Special Power of Attorney para ibenta ito ni ESTER.

14. Na ang perang nakolekta ni ESTER bilang bayad na resulta ng


panloloko niya sa amin ay kanyang minisappropriate at nagdulot ng malaking pinsala
o danyos sa amin.

15. Na salaysay na ito ay aking ginagawa bilang patotoo sa lahat ng mga


nabanggit na sa itaas nito at para magsampa ng kasong kriminal na OTHER FORMS
OF SWINDLING na nakasaad sa Article 316 ng Revised Penal Code laban kay
ESTER BALANE.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito


ngayong _____________________ dito sa Virac, Catanduanes.

PIO DE LA CRUZ ESTRELLA DELA


CRUZ
Nanunumpa Nanunumpa

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong


_______________________ dito sa Virac, Catanduanes.

You might also like