You are on page 1of 9

Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |

Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061

KASUNDUAN PARA SA TRABAHONG FREELANCE


Ang Kasunduan na ito ("Kasunduan") ay bumubuo ng isang legal na kasunduan sa pagitan ng
Delivery Hero Logistics Philippines, Inc., isang korporasyon na itinatag sa ilalim ng batas ng
Republika ng Pilipinas, na matatagpuan sa 17F Milestone sa Fifth Avenue, 5th Avenue, BGC, Brgy.
Fort Bonifacio, Taguig City ("DHLPI") at ng isang indipendiyenteng, for-hire delivery service provider
(“Kontraktor”).

Ang DHLPI ay nakikibahagi sa negosyo ng paghahatid, pagsasakatuparan, at pagbibigay ng


logistics-solution na serbisyo para sa lahat ng klase ng mga kalakal, parsela, padala, paninda, at mga
liham ("Mga Item"). Nakikipag-ugnayan ang DHLPI sa mga partner nito upang maghatid ng mga
item mula sa mga kainan, pamilihan, at tindahan patungo sa mga Kustomer ng Kliyente. Ang DHLPI,
sa pamamagitan ng isang online platform ("DHLPI Rider Platform") ay nagpapadala ng delivery
request sa mga indipendiyenteng, for-hire delivery service provider upang maghatid ng mga item sa
Kustomer.

Ang Kontraktor ay kumatawan, ipinahiwatig, at/o ibinahagi na siya ay may kakayahan at kapasidad na
magbigay ng delivery services, gamit ang sariling pagpapasya at karanasan sa napili nitong paraan
ng transportasyon. Kaugnay nito, ang Kontraktor ay kailangang mag-akses sa DHLPI Rider Platform
upang makatanggap ng delivery request at makapagbigay ng delivery services sa mga nagtitinda at
Kustomer na Kliyente ng DHLPI.

Alinsunod sa nabanggit, ang DHLPI at Kontraktor ay nagnanais na pumasok sa Kasunduan na ito


upang tukuyin ang mga termino at kondisyon sa pagtanggap ng delivery request ng Kontraktor.
Upang magamit ang DHLPI Rider Platform, dapat sumang-ayon ang Kontraktor sa mga termino at
kondisyon na nakasaad sa ibaba. Sa pagtanggap ng Kasunduan na ito, ang DHLPI at Kontraktor ay
susunod sa mga tuntunin at kondisyon na nakasaad sa ibaba.

1. MGA DEPINISYON

1.1. Ang "Contractor Device" ay tumutukoy sa mobile device na pag-aari o kinokontrol ng


Kontraktor at may kakayahang teknikal na ma-install at gamitin ang DHLPI Rider Platform
anumang oras.

1.2. Ang "Contractor Equipment" ay tumutukoy sa motorsiklo, bisikleta, kotse, trak, o


elektronikong sasakyan na pag-aari at ginagamit ng Kontraktor kasama ang iba pang DHLPI
Delivery Equipment.

1.3. Ang "Kliyente" ay tumutukoy sa isang indibidwal, indipendiyenteng kompanya, o iba pang
nauugnay na legal na entidad na nakikibahagi sa pagpapatnubay ng online marketplace kung
saan ang mga Kustomer ay maaaring mag-order ng pagkain, inumin, at iba pang item mula sa
mga kainan, pamilihan, at tindahan.

1.4. Ang "Kustomer" ay tumutukoy sa end-user na gumagamit ng anumang plataporma na


pag-aari at/o kinokontrol ng mga kliyente ng DHLPI.

1.5. Ang "Impormasyon ng Kustomer" ay tumutukoy sa anumang impormasyon tungkol sa isang


Kustomer na magagamit ng Kontraktor sa pagsasakatuparan ng delivery request, na maaaring
maglaman ng username, delivery address, contact information, at iba pang mahahalagang
detalye.

1.6. Ang "DHLPI Delivery Equipment" ay tumutukoy sa rider bag, thermal delivery bag, at
dalawang (2) T-shirt at anumang kagamitan na nagdadala ng logo ng kliyente at rehistradong
trademark ng DHLPI.
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
1.7. Ang "DHLPI Rider" ay tumutukoy sa mga indibidwal na pumasok sa isang Kasunduan para sa
Trabahong Freelance sa DHLPI upang magbigay ng delivery services.

1.8. Ang "DHLPI Rider Platform" ay tumutukoy sa mobile application ng DHLPI na


nagbibigay-daan sa mga Kontraktor na ma-akses ang sistema nito upang matanggap at
mapunan ang on-demand request mula sa mga kliyente ng DHLPI. Ang DHLPI Rider Platform,
pati na rin ang pag-akses sa naturang platform, ay maaaring baguhin, i-update, o i-modify ng
DHLPI o ng mga kaugnay na partido sa nagkakaisang pasya anumang panahon.

1.9. Ang "Kabayaran sa Serbisyo" ay tumutukoy sa halaga ng babayaran ng DHLPI sa Kontraktor


para sa delivery service alinsunod sa Kasunduan na ito.

1.10. Ang "Nagtitinda" ay tumutukoy sa isang indibidwal, indipendiyenteng kompanya, o iba pang
nauugnay na legal na entidad na nakikibahagi sa negosyo ng pagbibigay ng mga item sa
Kustomer at pumasok sa isang hiwalay na kasunduan sa mga kliyente ng DHLPI para sa
listahan ng mga item na ilalagay sa online marketplace.

2. MGA TUNTUNIN AT KONDISYON NG KONTRATA PARA SA MGA SERBISYO

2.1. Probisyon ng mga Serbisyo. Kapag ang Kontraktor ay aktibong gumagamit ng DHLPI Rider
Platform, ang Kontraktor ay dapat magsagawa ng delivery service para sa mga kliyente ng
DHLPI kung walang ibang ginagawa ang Kontraktor. Ang Kontraktor ay dapat magbigay ng
mga naturang serbisyo sa isang hindi eksklusibong batayan at maaari pa rin magpatuloy sa
anumang pinagkakakitaan sa labas ng kanyang napiling aktibong iskedyul sa DHLPI. Kasama
rito ang pagbibigay ng pareho o katulad na mga serbisyo sa mga entidad na nakikibahagi sa
parehong negosyo tulad ng DHLPI o mga kliyente ng DHLPI.

2.2. Lugar ng Serbisyo. Ang lugar ng serbisyo ng Kontraktor ay dapat na nasa Pilipinas at sa loob
ng isang zone kung saan nagpapatakbo ang mga kliyente ng DHLPI. Ang Kontraktor ay may
kalayaan na pumili ng lugar kung saan siya magsisimula ng delivery schedule.

2.3. Oras ng Serbisyo. Ang serbisyo ng Kontraktor ay walang minimum na oras. Kung ganoon, wala
ring parehas na obligasyon ang DHLPI na magbigay ng active schedule o ang Kontraktor na
tumanggap ng delivery assignment bago o kasabay ng isa pang active schedule. Kung nasa
kalagitnaan ng isang active schedule, maaaring tanggihan ng Kontraktor ang anumang
delivery assignment nang maibigay ito sa ibang Kontraktor.

2.3.1. Kung sakali at kung nais ng Kontraktor na magbigay ng serbisyo, ang Kontraktor ay
dapat mag-apply para sa active schedule ayon sa tinukoy na patakaran sa DHLPI Rider
Platform. Ang mga patakaran na ito ay maaaring mabago, at responsibilidad ng
Kontraktor na alamin ang magiging pagbabago sa kasalukuyang patakaran.

2.3.2. Sa kabila ng mga probisyon ng Seksyon 2.3 sa itaas, ang Kontraktor ay dapat
sumunod sa mga termino at kondisyon para sa mga tagagamit ng DHLPI Rider
Platform pati na rin ang Ancillary Code of Conduct at Company Regulations na
ipinataw ng DHLPI sa pag-avail ng mga aktibo pati na rin ang pagkansela ng naturang
pag-avail. May karapatan ang DHLPI na higpitan o bawiin ang pag-akses ng Kontraktor
sa DHLPI Rider Platform kung sakaling ang Kontraktor ay may paglabag.

2.4. Mga Obligasyon ng Kontraktor. Sa panahon ng isang active schedule na pinili ng Kontraktor,
dapat niyang obserbahan ang mga sumusunod na obligasyon:

2.4.1.Ihatid ang mga item mula sa mga Nagtitinda patungo sa mga Kustomer sa loob ng
inilaan na oras nang may mataas na antas ng serbisyo at pagsunod sa lahat ng
makatuwiran at naaayon sa batas na pamantayan ng kalusugan, kaligtasan, at kalinisan.
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
2.4.2.Kumilos bilang isang ahente ng DHLPI o ng mga Kliyente ng DHLPI para sa nag-iisang
layunin na kumolekta ng bayad para sa mga serbisyo na inihain ng DHLPI at/o ng mga
Kliyente ng DHLPI.

2.4.3.Panatilihin ang mataas na pamantayan ng propesyonalismo, serbisyo, pag-uugali, at


kagandahang-loob. Kaugnay nito, sumasang-ayon ang Kontraktor na sumailalim sa
pag-tsek ng kriminal na katayuan at driving record upang maging kwalipikado at
manatiling karapat-dapat na magbigay ng mga serbisyo. Ang akses ng Kontraktor sa
DHLPI Rider Platform ay maaaring bawiin kung hindi niya natugunan ang mga iniaatas
na nakalagay sa Kasunduan na ito at lahat ng naaangkop na mga batas at regulasyon.

2.4.4.Sumusunod sa lahat ng naaangkop na mga batas at regulasyon, at ginagawa ang lahat


ng kinakailangang pag-iingat at sumunod sa lahat ng mga lokal na batas-trapiko. Ang
mga Kontraktor ay sumasang-ayon na siya ay may mahusay na pag-unawa sa mga lokal
na batas at regulasyon sa trapiko at lisensyado na sumakay sa isang motorsiklo,
bisikleta, kotse, trak, o elektronikong sasakyan sa Pilipinas.

2.4.5.Agad na ibalik ang lahat ng pera na nakolekta mula sa mga Kustomer ng DHLPI sa
pamamagitan ng remittance instruction na itinakda ng DHLPI, na maaaring mabago
paminsan-minsan. May karapatan ang DHLPI na higpitan, suspindihin, o bawiin ang
pag-akses ng Kontraktor sa DHLPI Rider Platform o higpitan ang mga delivery
assignment na maaaring ibigay sa Kontraktor sakaling mabigo o maantala ang
pag-remit nito ng pera na nakolekta mula sa mga Kustomer. Wala sa probisyon na ito
ang nagsasaad ng pag-alis ng karapatan ng DHLPI na magsagawa ng legal na aksyon
upang makuha ang pera na nakolekta ng Kontraktor mula sa mga Kustomer, kasama na
ang pagsampa ng naaangkop na sibil at kriminal na aksyon, kung naaangkop.

2.4.6.[Sumunod sa anumang kinakailangan at obligasyong itinakda ng DHLPI upang matiyak


ang pagsunod sa mga obligasyon sa serbisyo sa mga kliyente o kustomer]

2.5. Relasyon ng Kontraktor sa DHLPI

2.5.1.Hindi dapat ituring, manduhan, o kontrolin ng DHLPI ang Kontraktor sa pangkalahatan


o sa pagsasagawa nito ng delivery service, ang paraan ng naturang pagganap, o
pagpapanatili ng kanyang kagamitan. Kinikilala ng Kontraktor na ang DHLPI ay hindi
nagkokontrol, walang karapatang mag-kontrol, o nangangahulugang may kontrol sa:

2.5.1.1. Kailan at kung gaano katagal maaaring gamitin ng Kontraktor ang DHLPI Rider
Platform; o

2.5.1.2. Ang desisyon ng Kontraktor na tanggapin o tanggihan o huwag pansinin ang


delivery request.

2.5.2.Kinikilala ng Kontraktor na ang pag-akses nito sa DHLPI Rider Platform ay maaaring


limitahan o bawiin sakaling may paglabag sa mga tuntunin ng Kasunduan na ito, sa
anumang naaangkop na mga batas at regulasyon sa Pilipinas o ipinatupad ng DHLPI, o
sa anumang aksyon na maaaring magdulot ng pinsala sa DHLPI, mga Kliyente ng
DHLPI, mga Nagtitinda at Kustomer.

2.5.3.Ang ugnayan sa pagitan ng DHLPI at ng Kontraktor ay sa pagitan ng Pangunahin at ng


indipendiyenteng kontraktor lamang at walang kaugnayan sa trabaho o ahensya
(maliban kung mayroong nakasulat na kasunduan sa pagitan ng DHLPI at ng Kontraktor
o kung hindi man, nakalagay sa Kasunduan na ito) ay itinakda o inilikha sa pagitan ng
DHLPI at ng Kontraktor.

2.5.4.Sumasang-ayon ang Kontraktor na bilang isang indipendiyenteng kontraktor, hindi siya


kinakailangang i-report ng DHLPI bilang isang empleyado, at ang DHLPI ay hindi
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
kinakailangang mag-remit ng kontribusyon sa Social Security System, Employee’s
Compensation Commission, Home Development Mutual Fund, at Philippine Health
Insurance Corporation. Kinikilala at kinukumpirma ng Kontraktor na alam niya na bilang
isang indipendiyenteng kontraktor, maaari siyang magparehistro, ayon sa kanyang nais,
bilang isang self-employed o boluntaryong nagbabayad na miyembro ng Social
Security System, Employee’s Compensation Commission, Home Development Mutual
Fund, at Philippine Health Insurance Corporation upang makamit ang mga benepisyo
sa ilalim ng naaangkop na mga batas.

2.5.5.Sumasang-ayon ang Kontraktor na bilang isang indipendiyenteng kontraktor, hindi siya


makatatanggap ng anumang benepisyo ng empleyado, mga leave na kinakailangang
ibigay sa ilalim ng naaangkop na mga batas, bonus, overtime pay, night shift
differential pay, hazard pay, maternity leave benefit, premium pay, separation pay,
retirement pay, o holiday pay. Ang Kontraktor ay responsable sa pagsunod sa lahat ng
batas, mga patakaran at regulasyon na nauukol sa pag-file niya ng tax returns pati na
rin ang pag-remit ng lahat ng itinakda ng gobyerno na singil, buwis, at kontribusyon.

3. PAGGAMIT NG MGA KAGAMITAN

3.1. Kinikilala ng Kontraktor na ang pagtanggap ng mga serbisyo sa ilalim ng Kasunduan na ito
ay mangangailangan ng motorsiklo, bisikleta, kotse, trak, o elektronikong sasakyan na nasa
maayos na kondisyon, at ng mobile phone na maaaring gumamit ng wireless data plan.

3.2. Sumasang-ayon ang Kontraktor sa mga sumusunod na termino at kondisyon na may


kaugnayan sa paggamit ng mga kagamitan ng kontraktor:

3.2.1.Ang Kontraktor ay dapat maglaan, gumamit at pangalagaan ang kanyang motorsiklo,


bisikleta, kotse, trak, elektronikong sasakyan, mobile phone, at personal na computer
(kung kinakailangan) at responsable sa kabuoan sa gastos sa kagamitan (kabilang ang
mga gastos sa gasolina at mobile data) sa panahon ng pagganap ng delivery service.

3.2.2.Tinitiyak ng Kontraktor na may hawak siyang balidong lisensiya na may naaangkop na


antas ng sertipikasyon upang magamit ang kanyang motorsiklo, bisikleta, kotse, trak, o
elektronikong sasakyan.

3.2.3.Tinitiyak ng Kontraktor na ang motorsiklo, bisikleta, kotse, trak, o elektronikong


sasakyan ay nakatutugon sa lahat ng legal safety requirement, kabilang ang, ngunit
hindi limitado sa, gumaganang preno, sapat na ilaw at repleksyon, road insurance, at
mga gulong na may maayos na kondisyon.

3.2.4.Ang Kontraktor, sa pagganap ng serbisyo na nakasaad sa Kasunduan na ito, ay dapat


na magkaroon ng DHLPI Delivery Equipment na nasa mabuting kondisyon at nakaayon
sa mga tuntunin ng pagbili na tinukoy sa Annex A.

4. KABAYARAN SA SERBISYO

4.1. Ang kabayaran sa serbisyo ay dapat kwentahin batay sa lugar, distansya, at oras ng
paghahatid ng serbisyo. Ang inaasahang kita ng Kontraktor ay dapat makita sa DHLPI Rider
Platform at nakumpirma ng Kontraktor bago maibigay ang serbisyo. Ang DHLPI ay may
karapatan at may solong pagpapasya na baguhin ang kabayaran sa serbisyo at ang batayan
para sa pagkwenta nito sa anumang oras. Dapat din ipagbigay-alam sa Kontraktor ang mga
naturang pagbabago. Ang patuloy na paggamit ng DHLPI Rider Platform ng Kontraktor
pagkatapos ng naturang abiso ay nangangahulugan ng pagtanggap ng Kontraktor sa
naturang pagbabago.

4.2. Ang Kontraktor, bilang isang indipendiyenteng kontraktor, ay responsable sa pag-uulat ng


kanyang kita, na maaaring sa pamamagitan ng kabayaran sa serbisyo, insentibo, at
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
anumang gratuity na natanggap ng Kontraktor bilang kabayaran sa kanyang serbisyo, sa
Bureau of Internal Revenue pati na rin ang pagbabayad ng lahat ng mga buwis na dapat
bayaran. Ang DHLPI ay magbabawas ng 2% na withholding tax mula sa kita ng Kontraktor
tuwing payout.

4.3.  Ang Kontraktor ay may karapatang umapela sa anumang pagtatalo sa kabawasan sa


kabayaran sa serbisyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail na nagdedetalye ng
naturang pagtutol sa rider@foodpanda.ph sa loob ng 3 araw ng trabaho mula sa
pagtanggap ng pinagtatalunang kabayaran sa serbisyo. Dapat ayusin ng mga Partido ang
hindi pagkakaunawaan sa loob ng 7 araw ng trabaho.

5. PERFORMANCE NG KONTRAKTOR/PAGBIBIGAY NG SCORE

5.1. Ang scoring system ay tumutukoy sa pagsuri sa performance ng Kontraktor bilang isang
DHLPI Rider. Ang may mas mataas na batch score ay maaaring makatanggap ng
karagdagang benepisyo tulad ng mga insentibo (hal. batch score 1, 2, at 3 ay may mga
insentibo sa bawat delivery depende sa lugar) at nagiging priyoridad sa pagpili ng active
schedule. Ang performance ng Kontraktor ay sinusuri bawat linggo at ang batch score ay
ina-update tuwing Lunes na sumasakop sa performance ng Kontraktor sa nakaraang lingo.

5.2. May karapatan at solong pagpapasya ang DHLPI na baguhin ang sistema ng pagmamarka
na ibinigay sa itaas sa anumang oras. Dapat din ipagbigay-alam sa Kontraktor ang naturang
mga pagbabago. Ang patuloy na paggamit ng DHLPI Rider Platform ng Kontraktor
pagkatapos ng naturang abiso ay nangangahulugan ng pagtanggap ng Kontraktor sa
naturang pagbabago.

5.3. May karapatan ang DHLPI na gamitin, ibahagi, at ipakita ang rating at komento ng
Kontraktor na may kaugnayan sa performance nito na ibinahagi ng Kustomer sa anumang
paraan na may kaugnayan sa negosyo ng DHLPI, nang walang pag-aangkin o pag-apruba
ng Kontraktor.

6. INSURANCE AT BAYAD-PINSALA

6.1. Bilang bahagi ng onboarding ng Kontraktor sa DHLPI, ang Kontraktor ay kinakailangang


kumuha at magpanatili sa panahon ng Kasunduan na ito, ng isang health insurance policy
na may sumusunod na minimum na saklaw:

6.1.1.Accidental death and disability; at

6.1.2.Accidental medical coverage.

6.2. Maaaring tulungan ng DHLPI ang Kontraktor na makahanap ng angkop na insurance


company para sa mga layunin ng pagsunod sa Seksyon 6.1 at ang Kontraktor ay maaari,
ngunit hindi obligado na, kumuha ng nasabing mandatory insurance coverage mula sa
insurance company na inirekomenda ng DHLPI. Para maiwasan ang pagdududa, may
kalayaan ang Kontraktor na kumuha ng mandatory insurance coverage sa ibang
lisensyadong insurance company hangga't ang minimum na saklaw na tinukoy sa Seksyon
6.1 ay nasusunod.

7. KUMPIDENSYALIDAD AT DATA PRIVACY

7.1. Pag-akses sa Impormasyon sa Negosyo. Sa panahon ng pagbibigay-serbisyo sa ilalim ng


Kasunduan na ito, ang Kontraktor ay maaaring, sinasadya o hindi sinasadya, makakuha ng
ilang impormasyon sa negosyo tungkol sa DHLPI, ang mga kaakibat nito at mga kaugnay na
partido, kliyente, pati na rin ang kani-kanilang mga panloob na proseso ng negosyo.
Sumasang-ayon ang Kontraktor na sa panahon ng at sa pagtatapos ng Kasunduan na ito,
dapat niyang panatilihing kumpidensiyal ang lahat ng impormasyon na nakasaad sa ilalim
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
ng probisyon na ito at hindi dapat ibunyag ang naturang impormasyon sa anumang
third-party, kasalukuyang konektado o nagtatrabaho sa DHLPI o alinman sa mga kaakibat
nito o mga kaugnay na partido.

7.2. Pag-akses sa DHLPI Rider Platform. Hindi dapat ibunyag o ibigay ng Kontraktor ang
kanyang mga kredensyal na log-in at password sa DHLPI Rider Platform sa sinuman (kasama
ang anumang third-party software o application maliban kung malinaw na pinahintulutan ng
DHLPI na gawin ito) ("Third Party") o payagan ang pag-akses sa, magtalaga, o ilipat ang
kanyang account sa DHLPI Rider Platform sa Third Party sa anumang paraan. Ang
Kontraktor ay hindi dapat mag-subcontract o magtalaga ng alinman sa mga serbisyo sa
third party. Ang DHLPI ay may karapatang wakasan ang Kasunduan na ito nang may
agarang epekto at mag-file ng report sa pulisya kung lumabag ang Kontraktor sa
probisyong ito. Dapat bayaran ng Kontraktor ang DHLPI para sa anumang danyos,
pagkawala, o pinsala na idinulot ng paglabag ng Kontraktor sa obligasyong ito.

7.3. Pag-rekord ng Tawag. Sumasang-ayon at pumapayag ang Kontraktor sa pagsubaybay at/o


pag-rekord, sa anumang oras, ng DHLPI, ng mga affiliate nito at/o mga subcontractor sa
lahat ng pasalitang pag-uusap sa pagitan ng Kontraktor at mga empleyado ng DHLPI,
tauhan at/o mga ahente na may kaugnayan sa mga serbisyong ibinigay sa ilalim ng
Kasunduan na ito para sa mga layunin ng pagtatago ng rekord, pag-awdit at pagsusuri ng
kalidad ng pagsasanay. Ang Kontraktor ay nagbibigay-pahintulot at sumasang-ayon na hindi
kailangan ang anumang abiso mula sa DHLPI ukol sa naturang pagsubaybay at/o
pag-rekord.

7.4. Personal na Impormasyon ng mga Kustomer. Sa panahon ng pagbibigay-serbisyo sa ilalim


ng Kasunduan na ito, ang Kontraktor ay magkakaroon ng akses sa ilang impormasyon ng
Kustomer sa pamamagitan ng DHLPI Rider Platform. Sumasang-ayon ang Kontraktor na
hindi nito gagamitin, itatago, o ibubunyag ang mga impormasyon ng Kustomer para sa
anumang layunin maliban sa pagtugon sa delivery request ng Kustomer. Dapat agad na
burahin ng Kontraktor ang anumang personal na impormasyon na naka-save sa kanyang
mobile device na hindi konektado sa DHLPI Rider Platform, at tungkol sa anumang
impormasyon ng Kustomer pagkatapos ng serbisyo.

7.5. Personal na Impormasyon ng Kontraktor. Sumasang-ayon ang Kontraktor na maaaring


ikolekta at iproseso ng DHLPI ang personal na datos ng Kontraktor para sa mga layunin ng
pagtupad ng mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduan na ito. Sumasang-ayon din ang
Kontraktor na ang personal na datos na nakolekta ng DHLPI ay maaaring ibahagi at iproseso
ng awtorisadong third party upang maisakatuparan ang kasunduang ito. Ang lahat ng
personal na datos na nakuha mula sa Kontraktor, kabilang ang geo-location habang aktibo
sa DHLPI Rider Platform ay dapat makolekta at maproseso lamang alinsunod sa mga
probisyon ng Republic Act No. 10173 na kilala bilang Data Privacy Act of 2012 at ang
pagpapatupad ng mga patakaran nito at mga regulasyon pati na rin ang iba't ibang
issuance ng National Privacy Commission.

8. TERMINASYON

8.1. Maaaring i-terminate ng DHLPI ang Kasunduan na ito sa anumang oras para sa anumang
kadahilanan sa pamamagitan ng paglabas ng nakasulat na abiso sa Kontraktor at kasunod
ang paghihigpit o pag-alis ng akses sa DHLPI Rider Platform. Ang DHLPI ay magbibigay ng
tagubilin sa Kontraktor kung paano mababayaran ang anumang natitirang cash collection sa
DHLPI at makatanggap ng bayad para sa anumang natitirang Kabayaran sa Serbisyo.

8.2. Maaaring i-terminate ng Kontraktor ang Kasunduan na ito sa anumang oras sa


pamamagitan ng pagbibigay-alam sa DHLPI o sa pamamagitan ng pag-terminate ng
kanyang access sa DHLPI Rider Platform. Ang pag-surrender, pag-alis ng pagmamay-ari o
kontrol sa DHLPI equipment sa ibang tao ay nangangahulugan na rin ng pag-terminate sa
kasunduan.
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061

8.3. Sa pagtatapos ng Kasunduan na ito, dapat alisin agad ng Kontraktor ang DHLPI Rider
Platform mula sa kanyang mobile phone at burahin ang anumang naka-save na
impormasyon na tungkol sa DHLPI, mga Kliyente nito, mga Nagtitinda o Kustomer.

8.4. Para sa pag-iwas sa pag-aalinlangan, ang paghihigpit, pagsuspinde, o pag-alis ng akses sa


DHLPI Rider Platform ay hindi awtomatikong pag-terminate sa Kasunduan, ngunit ang
pag-terminate sa Kasunduan na ito ay nangangahulugan ng awtomatikong pagbawi ng
akses ng Kontraktor sa DHLPI Rider Platform.

9. MGA PAGTATALO

9.1. Dapat lutasin ng mga partido ang anumang pagtatalo patungkol sa mga nakasaad sa
kasunduang ito nang may maayos na diskusyon. Kung sakaling hindi malulutas ng mga
partido ang kanilang pagtatalo sa loob ng isang makatuwirang panahon, kailangan nilang
dumulog sa eksklusibong hurisdiksyon ng korte ng Taguig City, Pilipinas.

10. IBA ‘T IBANG PROBISYON

10.1. Susog at Pagbabago. May karapatan ang DHLPI na baguhin ang mga tuntunin ng
Kasunduan na ito. Dapat ipabatid ng DHLPI sa Kontraktor ang naturang mga pagbabago
pati na rin ang petsa na epektibo ito. Ang patuloy na paggamit ng DHLPI Rider Platform ay
nangangahulugan ng pagtanggap ng Kontraktor sa naturang mga pagbabago. Matapos
mag-abiso ang DHLPI tungkol sa mga pagbabago, magkakaron na ito ng bisa at hindi
kakailanganin ang karagdagang paglagda o dokumentasyon. Kung hindi sumang-ayon ang
Kontraktor sa nabanggit na susog, maaaring i-terminate ng Kontraktor ang Kasunduan na
ito sa pamamagitan ng pagpapabatid sa DHLPI at/o hindi pag-aaplay para sa delivery
schedule sa DHLPI Rider Platform.

10.2. Assignment. Maaaring italaga ng DHLPI ang lahat ng mga karapatan at obligasyon sa ilalim
ng Kasunduan na ito sa anumang third-party nang walang pahintulot ng Kontraktor. Ang
Kontraktor ay hindi awtorisado na ilipat ang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng
Kasunduan na ito sa iba pang partido. Ang lahat ng DHLPI Rider ay dapat dumaan sa
proseso ng onboarding ng DHLPI at kailangang pumasok sa hiwalay at indipendiyenteng
Kasunduan para sa Trabahong Freelance.

10.3. Naaangkop na Batas. Ang Kasunduan na ito at ang anumang pagtatalo na nanggaling o
may kaugnayan sa paksa o pormasyon nito ay dapat pamahalaan at ipakahulugan alinsunod
sa mga batas ng Pilipinas.

10.4. Pagkawalang-bisa. Ang bawat probisyon ng Kasunduan na ito ay maaaring mawalan ng


bisa at naiiba sa iba. Nilalayon ng mga partido na ang bawat probisyon nito ay manatiling
may bisa at maipatupad nang may pahintulot ng batas. Kung ang anumang probisyon ng
Kasunduan na ito o anumang oras ay magiging hindi wasto, ilegal, o hindi maipapatupad sa
anumang kadahilanan, ang nasabing probisyon ay dapat, sa ganoong saklaw, ay ituring na
hindi bahagi ng Kasunduan na ito. Ngunit ang pagiging totoo, legalidad, at ang
pagpapatupad ng natitirang bahagi ng Kasunduan na ito ay hindi maaapektuhan o
mababawasan.

10.5. Pagkawala ng Waiver. Ang pagkabigo ng alinmang Partido, sa anumang oras, na pasunurin
ang ibang Partido sa anumang probisyon ng Kasunduan na ito ay hindi makaaapekto sa
karapatan ng nasabing Partido na mangailangan ng pagsunod sa iba pang Partido ng
probisyon na iyon, at ang anumang waiver ng alinmang Partido sa paglabag sa anumang
probisyon ng Kasunduan na ito ay hindi maituturing na waiver ng anumang nagpapatuloy o
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
kasunod na paglabag sa naturang probisyon, waiver ng naturang probisyon o waiver ng
anumang karapatan sa ilalim ng Kasunduan na ito.

10.6. Kabuoang Kasunduan. Ang Kasunduang ito, kasama ang mga annex nito, ay bumubuo ng
kabuoang kasunduan sa pagitan ng mga partido tungkol sa paksa ng Kasunduang ito at
pinapalitan ang anumang naunang kasunduan, pag-unawa, pagsasagawa, o pag-aayos sa
pagitan ng mga partido na may kaugnayan sa paksa ng Kasunduang ito.

Sa pamamagitan ng pag-click sa "Tinatanggap ko", malinaw na kinikilala ng Kontraktor na: (i)nabasa


at naintindihan niya ang mga probisyon ng Kasunduang ito; (ii) nagkaroon ng pagkakataon na
kumonsulta sa iba hinggil sa Kasunduang ito; (iii) sumasang-ayon at susunod siya sa mga termino at
kondisyon ng Kasunduang ito; at (iv) legal ang kanyang kakayahan at kwalipikado ito na pumasok sa
Kasunduang ito.
Genererated for Junard Piamonte with Rider ID: 676829 | Viewed: Yes | Read: Yes | Agreed: Yes |
Document Created at 28-Jul-2022 20:45:04 | Document ID: 4265492000004400061
ANNEX A
MGA TUNTUNIN SA PAGBILI NG DHLPI DELIVERY EQUIPMENT
Presyo ng Pagbili Dapat mabigyan ng pagkakataon ng DHLPI ang
bagong Kontraktor na makabili ng DHLPI
Delivery Equipment sa halagang PHP 3,000.00.
Mga Tuntunin sa Pagbabayad Dapat munang mabayaran ang PHP 3,000.00 na
halaga ng DHLPI Delivery Equipment bago
makompleto ang proseso ng onboarding.

Ang Kontraktor ay maaari ding pumili ng


installment scheme upang makabayad. Kung
gayon, kailangang magbigay ang Kontraktor ng
down payment upang makuha ang DHLPI
Delivery Equipment. Ang natitirang balanse ay
ibabawas sa sahod ng Kontraktor sa halagang
PHP 250.00 kada linggo hanggang sa
mabayaran nang buo ang balanse. Dito, ang
Kontraktor ay malinaw na pumayag sa naturang
pagbabawas para sa pagbabayad ng DHLPI
Delivery Equipment. May karapatan ang DHLPI
na baguhin ang installment scheme nang may
paunang abiso sa Kontraktor ukol sa naturang
mga pagbabago.

Ang Kontraktor ay maaaring mag-request


electronically ng patunay ng pagbabayad at
opisyal na resibo para sa pagbili ng DHLPI
Delivery Equipment sa anumang oras.
Inspeksyon ng Kagamitan Sa pagtanggap ng DHLPI Delivery Equipment,
dapat i-beripika ng Kontraktor ang kalidad
upang matiyak na wala itong pinsala. Ang
inspeksyon at pag-beripika ay dapat gawin sa
lugar ng distribusyon ng DHLPI. Ang DHLPI ay
hindi mananagot para sa anumang pinsala sa
DHLPI Delivery Equipment pagkatapos ng
distribusyon at inspeksyon ng Kontraktor. Ang
pagbabalik at pagpapalit ng nasirang DHLPI
Delivery Equipment ay dapat iulat sa recruiter
ng DHLPI na namamahala sa pag-release at
sasailalim sa pag-apruba ng area supervisor.
Paggamit ng Kagamitan Sumasang -ayon ang Kontraktor na gamitin ang
DHLPI Delivery Equipment nang tama,
panatilihin ang mga kagamitan na nasa maayos
na kalagayan, at gumamit lamang ng mga
DHLPI Delivery Equipment o anumang
kagamitan na nagdadala ng logo at trademark
ng Kliyente ng DHLPI habang nagbibigay ng
serbisyo sa ilalim ng Kasunduang ito. Para sa
pag-iwas sa pag-aalinlangan, sumang-ayon ang
Kontraktor na hindi siya kakatawan bilang isang
DHLPI Rider o kinatawan ng DHLPI sa anumang
paraan maliban kung alinsunod ang delivery
service sa mga Kustomer ng Kliyente ng DHLPI.

You might also like