You are on page 1of 4

Republic of the Philippines )

Cauayan City, Isabela ) S. s

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Maricar Rosquita, may sapat na gulang, walang asawa, at kasalukuyang


naninirahan sa Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela, matapos manumpa ng naayon sa
batas, ay malayang nagsasabi at nagsasalaysay ng buong katotohananng mga sumusunod;

1. Na bilang residente ng Barangay, isa ako sa mga kwalipikidadong indibidwal na


makatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa Pamahalaan;
2. Na ang aking pangalan ay nakalista at isa sa mga pinal na makakakuha ng ayuda
mula sa DSWD;
3. Na ako ay naniniwala na ang pagbigay ng ayudang nasabi sa taas ay tanging mga
barangay officials lamang ang may kapangyarihan na maglista at magbigay mga
kwalipikadong indibidwal tulad ko at ang DSWD naman ang magbeberipika sa mga
pangalan na ipapasa ng Barangay;
4. Na dahil sa ayudang ito, nagkaroon ng mga Forms na ipapamahagi ng mga barangay
officials para sa mga indibidwal na natukoy sa taas, na akin ding pinapaniwalaan na
kapag nabigyan at nakapagpirma ka sa isang form, ikaw ay pinal na makakatanggap
ng ayuda;
5. Na sa pagkaalam ko, noong nagbigay ng Form, nakapagpirma si
____________________ at binanggit din ang kaniyang pangalan ng isang opisyal ng
Barangay na makakuha ng ayuda na siyang narinig ko at ng maraming tao;
6. Na base sa pagkakaalam ko tungkol rito, ako ay sinugod at kinumpronta ni
Visitacion Dela Pena o mas kilala bilang Madam Acion noong mga bandang alas-tres
ng hapon noong ika-dalawampu’t isang araw ng Abril, taong 2020;
7. Na ako ay nasa tabi ng bahay ng aking pinsan noong panahong iyon, nang nabigla
ako nang ako ay tawagin ni Acion sa aking pangalan at nagpunta siya sa
kinatatayuan namin. Sinabi niya sa akin, “Halika dito” tapos tinanong ko siya kung
bakit. Ang sagot niya naman sa akin, “Totoo bang narinig mo yung pangalan ng
taong ito? Hindi mo ba alam na hindi siya nakalista sa form na ito? Totoo bang
narinig mo?” sinagot ko naman siya ng “Oo, narinig ko, tinawag yung pangalan!”.
Sinigawan niya ako ng “Hindi mo ba alam? Nagmakaawa lang yung pamangkin ko na
isulat yung pangalan mo?! Hindi ka sana nakakuha ng pera! Gusto mo bang ipost ko
sa FB yung mga papel na ito na talagang walang pangalan yung narinig mo na
nagsasabing makakakuha?”
8. Na ang katotohanan naman ay narinig ko at ng maraming tao sa barangay namin na
talagang kasama at nakalista yung taong tinutukoy ko;
9. Na sa pagkakaalam ko, hindi dapat humahawak at pinapakealaman ni Madam Acion
ang kahit na ano mang transakyon at mga dokumento ng Barangay dahil hindi
naman siya Barangay official;
10. Na dahil dito, napagalaman ko pa na si Madam Acion ang nagpapalista ng mga
pangalan na makakatanggap ng ayuda at ginagamit lamang nito ang kanyang
asawa, pamangkin, pinsan at iba pang kamag-anak niya na barangay officials bilang
front ngunit ang totoo ay siya ang nagmamanipula ng aming Barangay;
11. Na bilang isang mamamayan, ako ay nababahala sa iba pa niya kayang gawin dahil
lahat ng tao sa barangay namin ay kinakatatakutan siya sapagkat kanyang
pinapakalat na marami siyang kayang gawin, tulad na lamang na kaya di umano
niyang bawiin yung mga ayudang ibinigay ng pamahalaan sa amin;
12. Na ang tanging hiling ko lang po sana at ng iba ko pang ka-barangay, mapalaya
kami sa kamay ni Madam Acion at sana kung ano yung dapat at tama ang siyang
masunod at hindi siya o ang desisyon niya.
13. Na aking linathala itong Sinumpaang Salaysay na ito upang suportahan ang pag
sampa ng nararapat na kaso laban kay Visitacion Dela Pena at upang manatiling
malinis ang siyudad ng Cauayan sa korupsyon.

ANG TAGAPAGSALAYSAY AT WALA NG IBANG SASABIHIN

Sa Katunayan ng lahat ng nakasaad sa itaas, nilagdaan ko ito ngayong ika- 7 ng August,


2020, dito sa Cauayan, Isabela.

____________________________

Maricar Rosquita
Witness at Tagapagsalaysay
Republic of the Philippines )

Cauayan City, Isabela ) S. s

PINAG SAMANG SUMPA AT SALAYSAY

Kami sina, JUAQUIN L. TALOSIG, MARIO D. CABACUNGAN, VISITACION PARALLAG,


MERLITA C. TURINGAN, MARIA C. LABOG, LOURDES CALATI, MELCHOR L. AGGABAO,
JAYMAR U. BABARAN, JULIE U, BABARAN, MARILOU A. GAMMAD, MARICAR ROSQUITA,
ANASTACIA M. CATOLOS, PRINCESS M. DELA PAZ, SALVADOR L. MENDOZA, RONNIE N.
JAO, MARIA P. MARAVILLA, BONIFACIA J. PARALLAG, ISIDRA P. MALILLIN, RODRIGO C.
CALATI, JOSEPHINE D. FRANCISCO, MARYJOY F. PASCUA, LUISA L. PARALLAG, LIRIO J.
TALOSIG bilang mamamayan ng Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela ay malayang
nagsasabi at naglalahad ng mga sumusunod:

1. Na kami ay rehistradong botante at nakatira sa aming Barangay;


2. Na bilang residente, kami ay nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration
Program (SAP) na programa ng National Government;
3. Na bukod sa amin, may apat (4) na katao na sina _______, _______, _______, at
_______, pawang hindi taga sa amin at hindi namin kilala, ay nakatanggap ng ayuda
na SAP mula sa pondo na inilaan para sa aming barangay;
4. Na ang mga nasabing pangalan ay ipinalista di umano ng aming barangay kagawad
na si Hon. Dante Dela Pena na asawa ni Visitacion Dela Pena, na siyang inirereklamo
namin sa salaysay naming ito dahil kaya ipinalista ang mga ito ay sa kadahilanang
kakilala o kamag anak niya ang mga ito;
5. Na bukod sa nasabing ayuda, ang tulong pinansyal na mula sa pamahalaan para sa
mga nasalanta ng Bagyong Rosita noong 2018, ay muling minanipula ni Visitacion
Dela Pena o mas kilala bilang Acion;
6. Na ang aming mga pangalan, bilang tunay at totoong nasalanta ng bagyo, ay inilista
at ipinasa ng aming Kapitan at Barangay Secretary kasama na rito ang aming mga
pinirmahang porma, ngunit anim (6) lang sa aming mga nailista ang pinal at
nakatanggap ng tulong pinansiyal at ang ibang kulang kulang sandaang tao na
nakatanggap ay hindi nakalista at hindi man lang nasiraan dahil malalaki ang mga
bahay ng mga ito;
7. Na nasabi naming minanipula ang pondong ito ni Acion dahil siya ang tumatayong
Kapitan sa aming Barangay at hawak niya sa leeg ang aming mga opisyales. Ang
mga utos at sinasabi niya ang sinusunod ng mga ito tulad na lamang kung sino ang
bibigyan ng mga ayuda at kung ilan ang ibibigay sa mga residente;
8. Na lahat ng mga biyaya o ayuda na ibinibigay ng ating pamahalaan, nasyunal man o
local, si Acion, bilang itinuturing na amo ng aming mga opisyales at dahil takot rin
ang mga ito sa kanya, ang nagdedesisyon ng lahat ng bagay na may kinalaman sa
distribusyon o pamamahagi ng nasabing ayuda;
9. Na hindi patas at pantay ang pagdidistribute ng mga ayuda dahil si Madam Acion
ang nagdedesisyon at tanging ka-pamilya at malalapit sa kanya ang nakakatanggap
ng mga ito;
10. Na ang hiling sana naming ay mabigyan ng hustisya ang nangyayari sa aming
barangay. Sana mapalaya kami kay Madam Acion na siyang may hawak sa leeg ng
aming mga barangay officials kaya hindi sila makapamuno ng nararapat sa batas; at
11. Na sana managot ang dapat managot at mabigyan kami ng Hustisya.
12. Na aming linathala itong Sinumpaang Salaysay na ito upang suportahan ang pag
sampa ng nararapat na kaso laban kay Visitacion Dela Pena at upang manatiling
malinis ang siyudad ng Cauayan sa korupsyon.

ANG TAGAPAGSALAYSAY AT WALA NG IBANG SASABIHIN

Sa Katunayan ng lahat ng nakasaad sa itaas, nilagdaan namin ito ngayong ika- 7 ng August,
2020, dito sa Cauayan, Isabela.

You might also like