You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG ANTIPOLO ) S.S.


x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -x

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGHAHABLA

Ako si, xxx, nasa wastong gulang, Pilipino, may asawa, at may
negosyo na matatagpuan sa xxx Antipolo City, matapos makapanumpa
nang naaayon sa batas ay malayang nagsasaad:

1. Ako ay negosyante at may-ari ng tindahan ng manok at


baboy sa nabanggit na lugar sa itaas;

2. Noong ika-xxx ng xxx xxx, ako ay umutang ng Fifty


Thousand Pesos (PhP50,000.00) bilang Emergency Loan kay
Ross Van

3. Bilang kondisyon sa nasabing utang, ako ay arawan na


nagbabayad ng (2%) o sa halagang One Hundred Pesos
(PhP100.00) interest, at patuloy ko itong babayaran hanggang hindi
ko naibabalik sa kanila ang kabuohan ng principal (PhP50,000.00) na
aking inutang;

4. Makalipas ng dalawang (2) linggo, ako ay muling umutang


ng Five Thousand Pesos (PhP5,000.00) bilang Emergency Loan
muli. Sa puntong ito, tinaasan sa Two Hundred Pesos
(PhP200.00) ang arawan interest na dapat kong bayaran;

5. Matapos ang tatlong (3) buwan na araw-araw akong


naghulog ng interest, ako ay muling humiling sa mag-asawa na
pautangin ako panibagong Fifteen Thousand Pesos
(PhP15,000.00), kami ay nagkasundo na babayaran ko ito sa loob
ng tatlong (3) buwan sa pamamagitan ng paghulog ng Three
Hundred Pesos (PhP300.00) araw-araw;

6. Matapos makuha ang nasabing halaga ay binayaran ko ang


mag-asawa ng Five Thousand Pesos (PhP5,000.00) upang
makaltas ang kabuohan halaga ng aking Emergency Loan. Binabaan
din ng mag-asawa sa One Hundred Pesos (PhP100.00) ang aking
arawan bayad sa interest;

7. Mula Abril 2021 hanggang sa kasalukuyan ay nagbabayad


ako ng halagang Four Hundred Pesos (PhP400.00) araw-araw
[PhP100.00 = Emergency Loan / PhP300.00 = PhP15,000.00
Page | 2

Second Loan]. Sa tuwing hindi ako makakabayad ng arawan hulog


ay nagwawala sa aming puwesto si Ross Van at nananakot na
tataasan niya ang interest sa oras na hindi ako makapag-hulog ng
arawan;

8. Bilang patunay sa arawan kong hulog, narito ang kopya ng


aking personal na ledger na kung saan makikita ang halaga ng aking
mga naihulog sa mag-asawa bilang ANNEX “A” and series;

9. Sa kabuohan ng aming transaksyon ay hindi man lang


nagbigay ng kahit anong dokumento o talaan ang mag-asawa na
nagpapatunay ng aking utang at interest. Hindi din sila naging tapat
sa akin kung magkano na ba talaga ang kabuohan ng aking utang
kasama na ang mga halaga na akin una ng nabayad;

10. Sa aking huling kuwenta ay nakapagbayad na ako sa mag-


asawa ng humigit-kumulang sa One Hundred Thousand Pesos
(PhP100,000.00) na interest palang, wala pa dito ang principal sa
Emergency Loan at pangalawa utang ko;

11. Mabigat para sa akin ang malaking interest na pinataw ng


mag-asawa sapagkat ako ay simpleng mangangalakal lamang at may
mga pagkakataon na sadyang mahina ang aking negosyo. Kung
tutuusin ay bayad ko na dapat ang utang ko dahil labis na ang halaga
na aking naibayad sa kanila;

12. Sinubukan kong kausapin si Ross Van at sinabi na bayad


ko na ang utang ko sa kanila, subalit, nagalit ito at sinabi na hindi pa
ako bayad hanggang hindi ko pa naibabalik sa kanya ang balanse ng
principal na aking Emergency Loan at kabuohan ng principal sa aking
pangalang utang; at,

13. Ang salaysay na ito ang kusang-loob kong ginawa upang


patotohanan ang mga salaysay sa itaas at upang pormal na maghain
ng habla kay Ross Van sa paglabag sa Republic Act No. 9474
(Lending Company Regulation Act of 2007) dahil sa kawalan nila
ng karampatang rehistro upang magpa-utang, at paglabag sa R.A.
3765 (Truth in Lending Act) dahil sa hindi pagbigay sa akin ng
karampatang dokumento na nagsasaad ng kumpletong detalye ng
aking utang at mga kondisyon at alituntunin patungkol sa interest.

BILANG PAGPAPATOTOO, ako ay lumagda ngayong ika-22 ng


Setyembre 2021, dito sa Lungsod ng Maynila.
Page | 3

Millie Ren
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me, this 23rd day of


August 2021, by Affiant who is personally known to me through his
____________________________ issued on ____________ as
competent proof of identity.

Doc. No. ;
Page No. ;
Book No. ;
Series of 2021.

You might also like