You are on page 1of 3

Republic of the Philippines)

Quezon City) S.S.

SALAYSAY NG PAGREREKLAMO

Ako, si EMELYN M. ATENTA, Filipino, nasa hustong gulang, kasal


kay Joel V. Atenta, nakatira sa Barangay Krus na Ligas, Quezon City,
matapos manumpa nang naaayon sa batas ay malaya at kusang-loob na
nagsasalaysay:

1. Na inirereklamo ko ang aking asawa na si JOEL V. ATENTA, na may


huling address sa Blk. 23, lot 91 phase 1-D barangay Kasiglahan,
Rodriguez, Rizal, sa paglabag sa RA 9262(Violation Against Women
and Children);

2. Na Ikinasal kami ni JOEL V. ATENTA noong April 17, 1997, at


meron kaming tatlong anak na sina Khayl Owen Jem M. Atenta,
name 2nd child at Joel Melvin M. Atenta at meron pa akong
pinagbubuntis ngayon;

3. Na simula palang ng aming relasyon bilang mag-asawa ay hindi na


masyadong naging maayos ang aming pagsasama dahil sa kawalan
namin ng pera sapagkat kami ay wala pang mga trabaho noon sa
kadahilanang kami ay bata pa noong kami ay ikinasal, nakapasan
lamang kami sa aming mga magulang para sa pangtustos ng aming
pangaraw-araw na gastusin;

4. Na mayroong minsan ay nakipaghiwalay ako at umuwi sa tahanan


ng aking ina sa kadahilanang hindi ko na kaya ang nangyayari sa
buhay namin na wala manlang kaming perang pangkain at pambili
para sa mga pangangailangan ng aming panganay na anak na noon
ay tatlong buwang gulang pa lamang, ngunit makalipas ang mahigit
isang taon kami ay nagkabalikan din;

5. Na nagkaroon ng trabaho ang aking asawa bilang area coordinator


sa aming barangay ngunit hindi pa rin sapat ang kanyang kinikita
kaya ako ay nagdesisyong lumipad patungong Bangkok, Thailand
para magtrabaho;

6. Na mula noong ako ay nakapagtrabaho sa Bangkok lagi akong


nagpapadala ng pera kada sweldo para sa pambayad ng aming mga

1|Page
utang at para sa pangtustos ng kanilang pangaraw-araw na
pangangailangan;

7. Na nagsimula ang problema ko sa aking asawa ng ako ay nagextend


ng pananatili sa Bangkok para makapagipon ng perang maiuwi dahil
wala manlang siyang naipon sa tagal ko ng pagpapadala sakanya ng
pera, ginagasta lamang niya ito;

8. Na nabalitaan ko nalang sa aking ina na may karelasyon ng iba ang


aking asawa na di kalaunan ay kanya ng kinakasama sa aming
sariling bahay, gabi nag umuuwi at napapabayaan na aming mga
anak;

9. Na nang ako ay bumalik sa Pilipinas kasama ang aking anak sa


ibang lalaki, sa bahay kami ng aking ina nanuluyan dahil naibenta
na ng aking asawa ang aming bahay at sila ng kanyang kabit,
kasama ang aking dalawang anak, ay lumipat na sa Montalban,
Rizal;

10. Na unti-onti ulit kaming nagiging close muli ng aking asawa,


binibisita niya ako sa bahay ng aking ina at sa bahay na aking
inuupaan, minsan ay sinusundo din nya ako sa aking trabaho;

11. Na sa mga pagbisita niyang iyon ay madalas kaming nagtatalik


lingid sa kaalaman ng aming mga anak at pamilya, pati nan g
kanyang kabit na noon ay kanya paring kinakasama;

12. Na dahil sa aming pagtatalik, ako ay nabuntis niyang muli at


nalaman ko lamang na ako ay 19 weeks & 3 days nang buntis noong
ako ay nagpaultrasound;

13. Na noong sinabi ko sakanya na ako ay buntis halos hindi na


matigil ang aming pagtatalo mula text, call o paguusap naming sa
aking bahay;

14. Na hanggang ngayon ay nagsasama parin sila ng kanyang kabit;

15. Na noong Enero at Febrero nitong taong ito ay nagbigay pa ang


aking asawa ng pera na nagkakahala ng 4,500.00 na aking nagamit
para sa ultrasound at laboratory;

16. Na nitong Marso ay hindi na siya nagbigay ng suportang pinansyal

2|Page
sa akin at sa kanyang magiging anak, ayaw na niyang pangatawanan
ang responsibilidad niya bilang ama sa akin at sa aming magiging
ank;

17. Ako ay gumagawa ng salaysay na ito upang patotohanan ang mga


nabanggit naming pangyayari at upang magsampa ng kasong
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN sa ilalim ng R.A. 9262
laban kay JOEL V. ATENTA.

Wala nang kasunod.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumalagda sa Quezon City, itong __


araw ng Abril sa taong 2016.

EMELYN M. ATENTA
Nagrereklamo

LUMAGDA AT NANUMPA sa aking harapan ngayong __ araw ng


Abril 2016 sa Quezon City.

PROSECUTOR

CERTIFICATION

I have examined the affiant and I am satisfied she voluntarily


executed the above affidavit and that she understood the contents
thereof.

PROSECUTOR

3|Page

You might also like