Ako po si CHRISTOPHER D. DE LEON / 45 taong gulang at
kasalukuyang nakatira #573 GSIS ST., DULONGBAYAN2, SAN MATEO, RIZAL. Matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay malayang nagsasaad ng mga katotohanan.
1. Ako po ay magbibigay ng aking salaysay ukol sa totoong
pangyayari noong September 21, 2021 ng gabi sa ganap na 7:00pm hanggang 9:00pm ng gabi. Kami po ay may kaunting kasiyahan sa lugar at tirahan ng aming mga kasamahan sa trabaho sa ABUAB, GUITNANGBAYAN2, SAN MATEO, RIZAL. Bandang alas 8:30 pm ng gabi habang kami po ng mga kasamahan ko ay nagbabasta na pong umuwi, nang sa dadaan na po ang magkakasamang sila SALVADOR E. SANTOS III aka (Aspag) at ang kanyang kapatid na lalaki at bayaw na naka motor, sila po ay mga lasing at pagtapat na po nila sa amin ay bigla na lang po nila kaming minura ng “PUTANG INA NYO!” Hindi na po namin sila papansinin sana ngunit may hawak na po pala silang BATO at iyon po ay kanilang ibinato sa amin. May tinamaan po sa aming panig at nagging sanhi ng pagkasugat ng isa sa amin.
2. Sila po ay aming kinausap kung bakit ganon ang ginawa nila
ngunit imbis na humingi po sila sa amin ng paumanhin ay naghamon pa po sila sa amin. Kaya iyon na po ang naging simula ng kaguluhan. Kaya masasabi ko po na sila po ang nag umpisa ng gulo sapagkat kami po ay nagtanggol lamang sa aming mga sarili na umabot na nga po sa pisikalan sa pagitan ng bahay ni SALVADOR at bahay ng aming mga kasamahan. Habang nagkakagulo ay lumapit ang asawa ni SALVADOR na may dalang KALDERO at ang kapatid na babae ni SALVADOR ang kaldero po ay ibinato po sa amin. Nang humupa na po ang gulo ay agad akong tumawag sa aking anak upang magreport sa munisipyo at upang mag report sa nangyari. Nang oras ding iyon ay nagpunta po ang manugang ko sa munisipyo at sinabi ang pangyayari at sumundo ng pulis kayat sila ay nakasakay sa mobile ng pulis papunta sa lugar ng pinangyarihan ng gulo. Nang hindi nagtagal ay dumating na din po ang mga tanod ng Barangay Guitnangbayan2, kaya po ang nangyari ay dun sa Barangay na lang po kami dinala imbes na sa Munisipyo.
3. Ang biktimang si IZEAH DANIEL JUANE SANTOS ay hindi ko
po nahawakan o nalapitan man lang kaya wala pong katotohanan ang kanyang sinabi na ako raw ang pumalo sa kanya ng helmet at wala din pong katotohanan na kami ay naglabas daw ng BARIL sapagkat ang trabaho ko po ay DRIVER. Wala po kaming dahilan para magdala o magkaroon ng BARIL. Unang una po ay hindi naman namin kailangan sa trabaho ang baril. Pangalawa po ay wala naman kaming kaaway. Sa tagal na po namin sa lugar na iyon ay wala kaming nagiging kaaway. Kaya masasabi ko po na kasinungalingan ang gusto nilang palabasin tungkol sa BARIL. 4. Kami ay may napagkasunduan nan ayusin na lamang ang gusot kaya’t ang Barangay din po ay nagulat kung bakit may kasuhan pang nangyari.
SA KATUNAYAN, ANG LAHAT NG ITO ay aking nilagdaan
ngayong ika _____ ng Enero 2022 dito sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal.
CHRISTOPHER D. DE LEON
SUBSCRIBED AND SWORN to before this _____ day of
January 2022 in San Mateo, Rizal with further certification that I personally examined and that I am satisfied that he personally executed and understood the contents of this affidavit.