You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Malabon City/ Navotas City

NOMER LOBRINO y
MEDENILLA,
Complainant,

-versus- NPS. DOC NO. XV-II-INQ-16C-00166


For: Robbery Extortion

ROLANDO ROQUE y GARCIA


REYNALDO GUETA y MARVILLA
ROLANDO MARVILLA y RAFAEL
MICHAEL O. MIRANDA@TOMY NIKKO ONG
Respondents,

x-----------------------------------------------x

KONTRA SALAYSAY
____________

AKO si ROLANDO MARVILLA y RAFAEL, Filipino, may sapat na


gulang at kasalukuyang nakatira sa No. 6071 Pabaya Street, Mapulang
Lupa, Valenzuela City, matapos manumpa ng ayon sa batas ay naglalahad
na:

1. Ang mga salaysay ni Nomer Lobrino y Medienilla sa kanyang


Reklamo ay pawang kasinungalingan at kathang isip lamang.

2. Bago ko pa man pabulaanan ang mga bintang nito, nais kong bigyan
liwanag na walang nabanggit ang naturang Reklamo paukol sa
anumang aksyon na maaaring masabing ako ay may salang
“Robbery Extortion”. Mapapansin na sa Reklamo ay hindi nakasaad
kung anong eksaktong petsa at oras ng naganap ang bintang na
robbery. Hindi rin nabanggit ang klase ng aking naging
partisipasyon, bagamat mariin kong itinatanggi na totoo ang mga
nabanggit na pangyayari. Nais ko ring bigyang pansin na hindi ko
kilala ang complainant na si Nomer at hindi kami nagkaroon ng
ugnayan o transaksyon. Hindi ko pa siya nakikilala dahil sa ilang
araw na itinakda para sa Preliminary Investigation ay hindi siya
nagpakita. Wala ring paliwanag kung bakit hindi siya nagpapakita sa
imbestigasyon ng kasong ito.
1
3. Noong March 3, 2016, bandang 11:30 ng umaga hanggang 12 ng
tanghali ay sinundo ko ang mga anak ko sa paaralan.

4. Bandang 1:30 hanggang 2:30 noong araw na iyon ay sinamahan ko


ang kaibigan kong si Nikko Ong sa M. Lhuillier sa Rizal Ave.,
Caloocan City.

5. Bandang alas tres (3) hanggang kwatro (4) ay nasa Valenzuela Expo
kami ng aking pamilya upang bumili ng foam. Kalakip ng Salaysay
na ito ay ang resibo na magpapatunay na ako ay nasa Expo noong
araw at oras na iyon para bumili.

6. Pagkatapos naming mamili ay dumaan kami sa NLEX bandang 4-5


ng hapon noong araw na iyon, papunta kami noon sa Chowking
Talipapa para kumain ng halu-halo. Maari kong isumite sa Kagalang
galang na Opisinang ito ang resibo sa susunod na salaysay.

7. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami agad ng pamilya ko


sa bahay at nagpahinga na lamang hanggang gabi.

8. Wala akong naiisip na dahilan ng pagsampa ng reklamong ito dahil


hindi kami magkakakilala at kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang
taong nagrereklamo.

9. Na aking sinusumite ang kontra-salaysay na ito upang kontrahin at


pasinungalingan ang bintang ni Nomer.

ROLANDO MARVILLA
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ____ day of April


2016, in Navotas City.

ADMINISTRATING OFFICER

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY THAT I HAVE PERSONALLY EXAMINED


THE AFFIANT AND I AM SATISFIED THAT HE VOLUNTARILY
EXECUTED AND UNDERSTOOD HIS AFFIDAVIT.

ASST. CITY PROSECUTOR

2
3

You might also like