You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Justice
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Tanauan City Branch

PSSG ROLDAN F. FETIZARAN, PSSSG


ADRIAN T. NATIVIDAD, PCPL MARK
GIL D. CAGUICLA,
Complainant/s,
NPSD NO. IV-02F-INQ-20A-00002
-versus- For: viol. PD 1602
JONEL REYES y DE CASTRO,
ROBERTO LUNA y REDONDO,
JONATHAN AGNO y ALVAREZ,
CLINTON ZAGALA y FERNANDEZ,
MARCELO OÑATE JR y PESIGAN,
LESTER MARASIGAN y LUNA,
Respondents.
x--------------------------------------------------------------------------x
SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY
NI ROBERTO LUNA y REDONDO

Ako si ROBERTO LUNA y REDONDO, 51 na taong gulang, at nakatira sa


A. Mabini St., Talisay, Batangas, matapos manumpa nang naayon sa batas ay malaya
at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod, NA:

1. Ako, kasama ng iba, ay dinakip sa Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas


noong ika-30 ng Disyembre taong 2019 bandang 11:20 ng umaga;

2. Ang pagkadakip sa akin ng mga kalalakihang nagpakilala na pulis ay


kinalaunan kong nalaman na dahil sa diumanong partisipasyon ko sa isang illegal na
tupadahan / sugalan sa tupada;

3. Akin iyong lubusang ikinagulat sapagkat ang bintang laban sa akin ay


taliwas sa totoong pangyayari na naganap noong nabanggit na petsa at oras at ito ay
walang basehan;

4. Ang totoo nito, bago ako madakip noong petsa at oras na nabanggit,
ako’y nasa kakahuyan/kagubatan at kasalukuyang nanugnugha ng panggatong;

5. Habang naroon, naulingan ko sa dakong sampu hanggang benteng


dipa mula sa aking kinatatayuan ang ingay ng mga kalalakihan;

6. Nang ako’y napunta sa daanan ay nagulat ako at mayroong lalaki sa


aking likuran at sinabi sa akin na huwag akong tatakbo;

7. Wari ko siya ay pulis kaya’t sumunod ako sapagkat buo ang aking
kalooban na wala akong ginagawang paglabag sa batas;
8. Kinalaunan, ako’y kinabahan ng hindi ako pinakawalan at pinasasakay
sa kanilang sakayan. Doon, akin siyang tinatong anong nagawa ko at bakit ayaw niya
ako pakawalan;

9. Bagkus sagutin ang aking tanong, sinabihan ako na sa prisinto nalang


magpaliwanag. Labag man sa aking kalooban ay wala akong nagawa kundi sumunod
sa otoridad;

10. Doon nalaman ko na dinakip ako sa salang pakikilahok sa illegal na


sugal sa tupadahan na aking mariin na pinabubulaanan at ito’y walang basehan sa
batas at ebidensya at hindi alinsunod sa totoong kaganapan noong ataw at oras ng
aking pagka-aresto;

11. Ako’y naabisuhan na maari lamang maaresto ang isang tao sa ilalim ng
isang warrantless arrest kung ito ay naaktuhan sa ibinibintang na krimen o di kaya ay
kasalukuyang may ginagawang bagay na nagpapahiwatig sa ibinibintang na krimen1

12. Dito, ako’y nahaharap sa bintang na paglabag sa ilalim ng batas ng


Presidential Decree No. 1602 o Illegal gambling kung saan ang bintang na akto ng
pagsusugal ay materyal na elemento sa paguusig nito;

13. Dito, wala sa ebidensya o salaysay na nagtataguyod sa aking aktibong


partisipasyon sa diumanong nabanggit na illegal na sugalan

14. Kung tutuusin, wala akong nakita sa lugar na mayroong aktibong


sugalan/tupadahan na naganap noong petsa at oras ng aking pagkadakip kundi ingay
lamang ng grupo ng kalalakihan ang tangi kong nalalaman at aking nasaksihan;

15. Sa kadahilanan ng aking nabangit, ang pagka-aresto sa akin ay ilegal at


aking hinihiling sa kagalang-galang na tagarinig na ipawalang bisa ang paratang laban
sa akin sapagkat wala itong basehan sa batas at ebidensya.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, aking nilagdaan sa ibaba ngayong ika-


3 ng Pebrero taong 2020, dito sa Tanauan City, Batangas.

ROBERTO LUNA y REDONDO


Nagsasalaysay

Assisted by:
______________________
Public Attorney II
Public Attorney’s Office
Tanauan City, Batangas

1
In warrantless arrests made pursuant to Section 5(a), Rule 113, two elements must concur, namely "(a) the
person to be arrested must execute an overt act indicating that he has just committed, is actually committing,
or is attempting to commit a crime; and (b) such overt act is done in the presence or within the view of the
arresting officer (Marvin Villamor and Victor Bonaobra vs. People of the Philippines, G.R. No. 200396).
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 3rd day of February 2020 at
Tanauan City, Batangas and I hereby certify that I have personally examined the
affiant and I am fully satisfied that he voluntarily executed and understood his
counter affidavit.
Republic of the Philippines
Department of Justice
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Tanauan City Branch

PSSG ROLDAN F. FETIZARAN, PSSSG


ADRIAN T. NATIVIDAD, PCPL MARK
GIL D. CAGUICLA,
Complainant/s,
NPSD NO. IV-02F-INQ-20A-00002
-versus- For: viol. PD 1602
JONEL REYES y DE CASTRO,
ROBERTO LUNA y REDONDO,
JONATHAN AGNO y ALVAREZ,
CLINTON ZAGALA y FERNANDEZ,
MARCELO OÑATE JR y PESIGAN,
LESTER MARASIGAN y LUNA,
Respondents.
x--------------------------------------------------------------------------x
SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY
NI JONEL REYES y DE CASTRO,

Ako si JONEL REYES y DE CASTRO, 36 na taong gulang, at nakatira sa


Poblacion 1, Talisay, Batangas, matapos manumpa nang naayon sa batas ay malaya at
kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod, NA:

1. Ako, kasama ng iba, ay dinakip sa Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas


noong ika-30 ng Disyembre taong 2019 bandang 11:20 ng umaga;

2. Ang pagkadakip sa akin ng mga kalalakihang nagpakilala na pulis ay


kinalaunan kong nalaman na dahil sa diumanong partisipasyon ko sa isang illegal na
tupadahan / sugalan sa tupada;

3. Akin iyong lubusang ikinagulat sapagkat ang bintang laban sa akin ay


taliwas sa totoong pangyayari na naganap noong nabanggit na petsa at oras at ito ay
walang basehan;

4. Ang totoo nito, bago ako madakip noong petsa at oras na nabanggit,
ako’y tutungo sana sa bahay ng aking biyenan sa Brgy. Tumaway. Ako’y naglalakad
sa nabanggit na barangay na may naulinigan akong boses ng mga kalalakihan sa
kabilang ilog;

5. Habang naroon, mayroon akong nakasalubong na kinalaunan ay


nakilala kong pulis at kanyang dinakot ang aking t-shirt sabay sambit na huwag daw
akong tatakbo;

6. Ako’y pilit na nagpapaliwanag na ako’y napadaan lamang at wala akong


kinalaman sa kaguluhan na naroon subalit hindi nila ako pinakinggan.
7. Sinabihan nila ako na ako daw ay nakikilahok sa tupadahan doon
subalit kahit anong paliwanag ko at hiniling kong kanilang kapkapin ang aking bulsa
kung mayroon man perang pantaya upang mapatunayan ko sa kanila na hindi ako
sumusugal subalit hindi nila ako pinakinggan;

8. Ako’y naabisuhan na maari lamang maaresto ang isang tao sa ilalim ng


isang warrantless arrest kung ito ay naaktuhan sa ibinibintang na krimen o di kaya ay
kasalukuyang may ginagawang bagay na nagpapahiwatig sa ibinibintang na krimen2

9. Dito, ako’y nahaharap sa bintang na paglabag sa ilalim ng batas ng


Presidential Decree No. 1602 o Illegal gambling kung saan ang bintang na akto ng
pagsusugal ay materyal na elemento sa paguusig nito;

10. Dito, wala sa ebidensya o salaysay na nagtataguyod sa aking aktibong


partisipasyon sa diumanong nabanggit na illegal na sugalan;

11. Sa kadahilanan ng aking nabangit, ang pagka-aresto sa akin ay ilegal at


aking hinihiling sa kagalang-galang na tagarinig na ipawalang bisa ang paratang laban
sa akin sapagkat wala itong basehan sa batas at ebidensya.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, aking nilagdaan sa ibaba ngayong ika-


3 ng Pebrero taong 2020, dito sa Tanauan City, Batangas.

JONEL REYES y DE CASTRO


Nagsasalaysay

Assisted by:

______________________
Public Attorney II
Public Attorney’s Office
Tanauan City, Batangas

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 3rd day of February 2020 at


Tanauan City, Batangas and I hereby certify that I have personally examined the
affiant and I am fully satisfied that he voluntarily executed and understood his
counter affidavit.

2
In warrantless arrests made pursuant to Section 5(a), Rule 113, two elements must concur, namely "(a) the
person to be arrested must execute an overt act indicating that he has just committed, is actually committing,
or is attempting to commit a crime; and (b) such overt act is done in the presence or within the view of the
arresting officer (Marvin Villamor and Victor Bonaobra vs. People of the Philippines, G.R. No. 200396).
Republic of the Philippines
Department of Justice
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Tanauan City Branch

PSSG ROLDAN F. FETIZARAN, PSSSG


ADRIAN T. NATIVIDAD, PCPL MARK
GIL D. CAGUICLA,
Complainant/s,
NPSD NO. IV-02F-INQ-20A-00002
-versus- For: viol. PD 1602
JONEL REYES y DE CASTRO,
ROBERTO LUNA y REDONDO,
JONATHAN AGNO y ALVAREZ,
CLINTON ZAGALA y FERNANDEZ,
MARCELO OÑATE JR y PESIGAN,
LESTER MARASIGAN y LUNA,
Respondents.
x--------------------------------------------------------------------------x
SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY
NI LESTER MARASIGAN y LUNA,

Ako si LESTER MARASIGAN y LUNA,, 26 na taong gulang, at nakatira sa


Pob. 1., Talisay, Batangas, matapos manumpa nang naayon sa batas ay malaya at
kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod, NA:

1. Ako, kasama ng iba, ay dinakip sa Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas


noong ika-30 ng Disyembre taong 2019 bandang 11:20 ng umaga;

2. Ang pagkadakip sa akin ng mga kalalakihang nagpakilala na pulis ay


kinalaunan kong nalaman na dahil sa diumanong partisipasyon ko sa isang illegal na
tupadahan / sugalan sa tupada;

3. Akin iyong lubusang ikinagulat sapagkat ang bintang laban sa akin ay


taliwas sa totoong pangyayari na naganap noong nabanggit na petsa at oras at ito ay
walang basehan;

4. Ang totoo, katanghalian ng ika-30 ng Disyembre 2019, ako’y nasa


bahay ng inutusan ako ng aking na magtungo sa bukirin at pakainin ang alaga naming
baka;

5. Ako’y sumunod at gumayak patungong bukirin. Sa gilid ng ilog


patungo doon ay naulinigan ko ang boses ng mga kalalakihan. Akin ho itong inusisa
at lumiban sa ilog at sa aking pagdating doon ay natakot ako sapagkat maraming
nagtatagbuhan na tao

6. Gawa ng tao, sumunod din ako ng takbo palayo doon subalit nahulog
ang aking wallet sa aking pagtakbo kayat bumalik ako at hinanap ang aking wallet.
Doon mayroong lalake na hawak ang aking wallet at sinabi na sa presinto nalang iyon
ibibigay sa akin. Pinasakay nila ako sa kanilang sasakyan at dinala sa presinto;

7. Ako’y naabisuhan na maari lamang maaresto ang isang tao sa ilalim ng


isang warrantless arrest kung ito ay naaktuhan sa ibinibintang na krimen o di kaya ay
kasalukuyang may ginagawang bagay na nagpapahiwatig sa ibinibintang na krimen 3

8. Dito, ako’y nahaharap sa bintang na paglabag sa ilalim ng batas ng


Presidential Decree No. 1602 o Illegal gambling kung saan ang bintang na akto ng
pagsusugal ay materyal na elemento sa paguusig nito;

9. Dito, wala sa ebidensya o salaysay na nagtataguyod sa aking aktibong


partisipasyon sa diumanong nabanggit na illegal na sugalan

10. Kung tutuusin, wala akong nakita sa lugar na mayroong aktibong


sugalan/tupadahan na naganap noong petsa at oras ng aking pagkadakip;

11. Sa kadahilanan ng aking nabangit, ang pagka-aresto sa akin ay ilegal at


aking hinihiling sa kagalang-galang na tagarinig na ipawalang bisa ang paratang laban
sa akin sapagkat wala itong basehan sa batas at ebidensya.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, aking nilagdaan sa ibaba ngayong ika-


3 ng Pebrero taong 2020, dito sa Tanauan City, Batangas.

LESTER MARASIGAN y LUNA,


Nagsasalaysay

Assisted by:

______________________
Public Attorney II
Public Attorney’s Office
Tanauan City, Batangas

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 3rd day of February 2020 at


Tanauan City, Batangas and I hereby certify that I have personally examined the
affiant and I am fully satisfied that he voluntarily executed and understood his
counter affidavit.

3
In warrantless arrests made pursuant to Section 5(a), Rule 113, two elements must concur, namely "(a) the
person to be arrested must execute an overt act indicating that he has just committed, is actually committing,
or is attempting to commit a crime; and (b) such overt act is done in the presence or within the view of the
arresting officer (Marvin Villamor and Victor Bonaobra vs. People of the Philippines, G.R. No. 200396).

You might also like