You are on page 1of 9

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

FOURTH JUDICIAL REGION


REGIONAL TRIAL COURT
Biñan City, Laguna
Branch 24

IN RE : PETITION FOR ADOPTION


OF MINOR ANGEL TRISH SARMIENTO,
AND TO CHANGE THE NAME OF THE
MINOR TO NATASHA CHARMAINE
SABATER.

Spec. Proc. Case No. B-4663

Spouses NED ALLAN SABATER and


CHARMAINE LA VERNE SABATER,
Petitioners.
x------------------------------------------------------------x

PANGHUKUMANG SINUMPAANG SALAYSAY


NI CHARISMA BEHERAN SARMIENTO
SA PAMAMAGITAN NG ISANG TANONG AT SAGOT NA AYOS

I.
MGA PAUNANG SALITA

Na ayon sa A.M. No. 12-8-8-SC, na nag-aatas sa paggamit ng


pang-hukumang salaysay na magsilbing direktang
eksaminasyong salaysay ng isang saksi. Ang salaysay na ito ay
puwedeng gamiting basehan sa pag cross- eksaminasyon sa
nagsasalaysay. Aking isinagawa ang pang- hukumang salaysay
na ito sa pamamagitan ng isang tanong at sagot na ayos;

Na, alinsunod sa Seksyon 3 (b) ng nasabing A.M. No. 12-8-8-SC,


akin ding sinasaad na si ATTY. RUTH C. FUENTES, abogado
ng mga Petitioners ay siyang nangangasiwa sa eksaminasyon
ng nagsasalaysay.

1
Na, alinsunod din sa Seksyon 3 (c), akin ding sinasaad sa
ilalim ng parusang pagsira sa banal na pangako (perjury) na sa
pag sagot sa mga tanong sa akin, na makikita sa ibaba, lubos
kung alam na ang pagsasalaysay kong mga iyon ay naayon sa
ilalim ng panunumpa sa batas at na ako ay mahaharap sa
criminal na pananagutan para sa pagsira sa banal na pangako;

II.
PANGALAN AT MGA PERSONAL NA
PANGYAYARI NG SAKSI.

Pangalan : CHARISMA B. SARMIENTO

Edad :

Lugar ng Tirahan: Bukal Norte 1, Candelaria, Quezon

Trabaho : Maybahay (Housewife)

Wika : Filipino/Tagalog

III.
PANGALAN NG ABOGADO NA NANGASIWA
AT NAGSAGAWA NG EKSAMINASYON SA SAKSI.

Pangalan : ATTY. RUTH C. FUENTES

Lugar ng Opisina : Monton Fuentes Law Office


Unit D., La Cienega Bldg., Tagapo
Santa Rosa City, Laguna
Lugar ng Pagsagawa ng Eksaminasyon: Monton Fuentes Law Office
Unit D., La Cienega Bldg., Tagapo
Santa Rosa City, Laguna

III.
ALOK o LAYUNIN NG SALAYSAY.

2
Layun ng pagpapatotoo ng saksi na si CHARISMA B.
SARMIENTO ay upang patunayan ang mga sumusunod:

1. Na siya ang tunay na ina (biological mother) ni ANGEL


TRISH SARMIENTO;

2. Na malayang nagpasya na ipa-ampon ang kanyang anak na


si ANGEL TRISH SARMIENTO ayun sa batas;

3. Na kung bakit niya ipinaa-ampon ang kanyang anak na si


ANGEL TRISH SARMIENTO.

4. Na isa-isang kilalanin ng saksi ang mga may-katuturang


dokumento at iba pang kaugnay na mga bagay.

IV.
TAMANG PANGHUKUMANG
SINUMPAANG SALAYSAY

1. T: Sumusumpa ka ba sa pagsasabi ng katotohanan, ang buong


katotohanan at pawang katotohanan lamang sa iyong
panghukumang sinumpaang salaysay?
S: Opo.

2. T: Maari mo bang sabihin ang iyong buong pangalan at mga


personal mong pangyayari?
S: Ako po si CHARISMA B. SARMIENTO, may sapat na gulang
at nakatira sa Bukal Norte, Candelaria, Quezon.

3. T: Ano ang dahilan at naririto ka ngayon sa na aming


tanggapan at sa harap ng hukuman?

S: Para po magbigay ng aking malayang salaysay sa


pamamagitan ng panghukumang sinumpaang salaysay na
magsisilbi kong direktang salaysay.

4. T: Anu ang relasyon o kaalaman mo dito sa kasong adoption na


isinampa ng mga Petitioners?

3
S: Ako po ang tunay na ina ng batang si ANGEL TRISH
SARMIENTO na ina-ampon ng mga Petitioners.

5. T: Meron bang katibayan na ikaw nga ang tunay na ina ng


batang si ANGEL TRISH SARMIENTO?

S: Opo, ang Birth Certificate po niya.

6. T: Meron akong ipapakita sa’yo na Birth Certificate, ito ba yung


binanggit mong Birth Certificate?

S: Opo.

7. T: Nilalakip ko ang parehong kopya ng nasabing Birth


Certificate ni ANGEL TRISH SARMIENTO sa iyong
Panghukumang Sinumpaang Salaysay, pinapatunayan mo ba ito?

S: Opo.

Your Honor may we request that the birth certificate of Angel


Trish Sarmiento be marked as our Exhibit “A”.

8. T: Maari mo bang sabihin kung paanu kayo nagkatagpo ng


mga Petitioners.

S: Sa aking pagka-alala taong 2007 po nung ako’y


namamasukan bilang katulong sa San Pedro, Laguna merong bisitang
mag-asawa ng aking amo na ipinakilalang kamag-anak nila.

9. T: Pagkatapos ipakilala sa iyo anu ang sumunod na nangyari?

S: Ipinakita ko sa mag-asawa ang aking sanggol na anak na


kung hindi ako nagkakamali ay kapapanganak ko pa lang at wala
pang isang buwan ang bata.

10.T: Tapos, anu pa?

S: Napakabatang edad ko pa noon na maging ina at nag-iisang


magulang sa aking sanggol at balak ko talaga ipa-ampon ito, kaya
hindi na ako nagpatagal-tagal at sinabi ko sa mag-asawa ang aking
pakay at planong pagpapa-ampon sa aking sanggol na anak.

11.T: Saan ba ang tatay ng iyong anak na si ANGEL TRISH


SARMIENTO?

4
S: Totoo lang po, hindi ko po alam kung sinu at kung saan
nakatira ang tatay ng aking anak na si ANGEL TRISH SARMIENTO.
Nakita ko lamang ang lalaking iyon ng isang beses at may nangyari
agad sa amin dahil sa sobrang bata ko pa at masyadong bumigay sa
bugso ng aking damdamin.

12.T: Bakit mo ipina-aampon ang iyong anak?

S: Dahil wala akong kakayanan upang buhayin ito at palakihin


at naniniwala ako na mas mapapabuti at maayus ang magiging buhay
niya kung ito ay aking ipa-aampon sa mga karapatdapat na tao.

13.T: Paanu mo inalok sa mag-asawang Sabater na ampunin ang


iyong anak?

S: Nalaman ko din sa aming saglit na pag-uusap na ang mag-


asawa ay wala palang anak at inalok ko sila ng may pagnanais na
sana ampunin nalang nila ang aking anak. Ngunit nais daw muna ng
mag-asawa na makapag-isip sa isang mabigat na desisyon na
kanilang gagawin.

14.T: Anu-anu pa ang mga nangyari?

S: Bago umalis ang mag-asawa pumasok sila sa kuwarto ko at


tiningnan ulit ang aking sanggol at pinakisuyong makarga ng saglit.
Habang karga-karga ng asawang babae ang aking sanggol, nakita ko
na sobrang nahulog agad ang loob niya sa bata habang nakatingin
ang kanyang asawang lalaki.

15.T: Tapos, anu ang sumunod na nangyari?

S: Kinabukasan bumalik ang mag-asawa para ipaalam sa akin


ang kanilang desisyon na tanggapin ang aking alok sa kanila na
ampunin ang aking sanggol na anak.

16.T: Anu ang naging reaksiyon mo nang malaman mo na


aampunin na ang iyong anak?

S: Masaya po ako at nagpapasalamat na merong isang mag-


asawang nais maging magulang sa aking anak lalo na’t matitiyak ko
na ang kasigurahan at maayus na kinabukasan ng aking anak.

17.T: Tapos, anu pa?

5
S: Sinabi sa akin ng mag-asawa na aasikasuhin na nila ang
pagpapa-ampon at habang inaayus pa nila ang kanilang mga
naiwanang pag-aari sa Amerika ay aalagaan ng kanilang kamag-anak
dito sa Pilipinas ang bata at ibibigay nila ang lahat lahat na
pangangailangan ng aking anak hanggang sa paglaki.

18.T: Paanu mo iniwan ang bata sa mag-asawa?

S: Ibinigay ko po at inabot mismo sa kanila ang aking sanggol


at makalipas lang ng ilang araw ako ay umalis na sa aking
pinapasukang trabaho para magsimula ulit ng panibagong buhay.

19.T: Meron ka bang pahintulot na ibinigay para sa nasabing


pagpapa-ampon?

S: Opo, meron po akong ibinigay na sinumpaang salaysay para


sa pagpapahintulot ng aking pagpapa-ampon sa aking anak.

20.T: May ipapakita ako sayo na dokumento na may pamagat na


Salaysay ng Pagpahintulot para sa Pagpapa-ampon. Ito ba iyun?

S: Opo.

21.T: Sa ilalim ng nabanggit na dokumento merong pangalan at


lagda na CHARISMA B. SARMIENTO, ikaw ba ito ang lumagda?

S: Opo.

Your Honor may we request that the Affidavit of Consent of


Charisma Sarmiento be marked as our Exhibit “B”.

22.T: Pansamantala ay wala na akong itatanong sa iyo, mayroon


ka bang gustong idagdag o bawasan sa salaysay mong ito?
S: Sa ngayon, wala na po akong idagdag o ibabawas sa salaysay
ko.
23.T: Ikaw ba ay tinakot, pinangakuan, binigyan ng pabuya o ano
pa mang bagay sa pagbibigay mo ng salaysay na ito?
S: Hindi po. Wala pong nagbigay ng pabuya sa akin o kaya ay
nangako o nanakot sa akin para lang magbigay ng salaysay na ito.

24.T: Handa mo bang lagdaan itong iyong salaysay na binubuo ng


pitong (7) pahina upang patotohanan na ang lahat ng iyong sinabi
ay pawang katotohanan lamang

6
S: Opo.

---------WAKAS NG SALAYSAY----------

SA KATOTOHANAN NG LAHAT NA ITO AT BILANG SAKSI,


ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-20 araw ng buwan ng
Hunyo, 2019 sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

CHARISMA B. SARMIENTO
Nagsalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko bilang isang


Notaryo Publiko sa Lungsod ng Santa Rosa, Lalawigan ng Laguna,
ngayong ika-21 na araw ng buwan ng Hunyo, 2019 ng
nagsasalaysay, na may patunay ng pagkakakilanlan sa
pamamagitan ng ____________________________.

NOTARY PUBLIC

Doc. No. _______;


Page No. _______;
Book No. ______;
Series of 2019.

PATOTOO

Ako si, ATTY. RUTH C. FUENTES may pahatirang sulat sa


MONTON FUENTES LAW OFFICE, Unit D., La Cienega Bldg.,

7
Barangay ng Tagapo, Lungsod ng Santa Rosa, Lalawigan ng Laguna
matapos makapanumpa ng sang-ayon sa ipinag-uutos ng batas ay
malaya at kusang-loob na nagsasalaysay at aking sinasaad na:

1. Ako ang Abogado ng mga Petitioners sa kasong nakasaaad sa


itaas;

2. Na, aking matapat na itinala at isinalin sa wikang Filipino ang


mga tanong na ibinigay ko sa kanya at ang kanyang mga katumbas
na sagot na ibinigay nya sa aking mga tanong;

3. Na, ako ay nagpapatunay na aking personal na sinuri ang taong


nagsasaad na si CHARISMA BEHERAN SARMIENTO, na siya
ay kusang-loob na lumagda at naintindihan niya ang lahat ng
kanyang mga isinalaysay;

4. Alinman, ako o kahit sinong tao ay hindi tinuruan ang


nagsasalaysay na testigo hinggil sa kanyang mga sagot na ibinigay
nya; at

5. Aking isinagawa ang nasabing eksaminasyon at matapat na


pagtatala ng mga isinalaysay ng testigo sa aking opisina (Law
Office) na matatagpuan sa Unit D., La Cienega Bldg., Tagapo, Sta.
Rosa City, Laguna.

SA KATOTOHANAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda sa


ibaba nito ngayong ika-20 araw ng buwan ng Hunyo, 2019 sa
Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

ATTY. RUTH C. FUENTES


PTR No. 3621021/01-03-2019/Sta. Rosa, Laguna
IBP No. 058437/01-03-2019/Laguna
Attorneys Roll No. 56330
MCLE Compliance No. VI1
Phone No. (049) 302-1944
Email: ruthcfuentes@yahoo.com

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko bilang isang


Notaryo Publiko sa Lungsod ng Santa Rosa, Lalawigan ng Laguna,
ngayong ika-21 na araw ng buwan ng Hunyo, 2019 ng
nagsasalaysay, na may patunay ng pagkakakilanlan sa
pamamagitan ng ____________________________.

1
Completed, MCLE Certificate Under Process.

8
NOTARY PUBLIC

Doc. No. _______;


Page No. _______;
Book No. ______;
Series of 2019.

Copy Furnished and Explanation

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL


134 Amorsolo St., Legaspi Village
Makati City

OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR


HALL OF JUSTICE
Biñan City, Laguna

Copy of the Witness’ (Charisma Beheran Sarmiento) Judicial


Affidavit was served to the above-adresee by registered mail due to time
constraints, and for lack of the undersigned’s staff who can serve the
same in person.

RUTH C. FUENTES

You might also like