You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

REGIONAL TRIAL COURT


Fourth Judicial Region
ORIENTAL MINDORO
Branch XLIII
Roxas

SPS. EFREN P. GONZALES, ET


AL.
Plaintiffs, CIVIL CASE N. 457B

- Versus - - For -

GAIN HAMULAT, ET AL. RECOVERY OF POSSESSION


WITH DAMAGES
Defendants.
x--------------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF
GAID INGAY HAMULAT
DEFENDANT, by the undersigned Counsel and unto the Honorable
Adjudicator in the above-entitled case, most respectfully manifests that:

The examination of GAID INGAY HAMULAT was conducted by Atty.


Devee Mae O. Villamin of the Public Attorney’s Office, with office address
at Sta. Fe, Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro. His testimony will be
offered for the following purposes:

OFFER OF TESTIMONY:
1. To prove that GAID INGAY HAMULAT is one of the
defendants of the above-captioned case;

2. To prove that she and her family has been occupying the subject
land since time immemorial;

3. To prove that the land in question is part of the ancestral domain of


the Hanunuo Mangyan in the southern portion of Oriental
Mindoro;

4. To prove that the portion being complained of by the plaintiffs are


part of “tapukan” or the burial site of the said tribe;

5. To prove other matters relative to this case and to identify his


judicial affidavit which will serve as his direct testimony in this
case.
AKO, GAID INGAY HAMULAT, 52 taong gulang, miyembro ng
katutubong Hanunuong Mangyan, Filipino, may asawa, at kasalukuyang
nakatira sa Sitio Dacutan, Barangay Balatasan, Bulalacao, Oriental Mindoro,
ay nagsasaad:

Na ako ay tinanong at siniyasat ni Atty. Devee Mae O. Villamin, Public


Attorney I, ng Public Attorney’s Office.

Na ang aking mga sagot sa lahat ng katanungan ni Atty. Villamin ay batay


sa aking personal na kaalaman, nakita, at narinig.

Na ito ay aking sinumpaan at alam kong kapag ako ay nagsinungaling ako


ay maaaring managot sa batas sa kasong perjury o pagsisinungaling.

T1. Bakit po kayo pumunta sa Tanggapan ng Public Attorney’s Office?


S1. Gusto ko pong makapagbigay ng aking pahayag sa kasong aking
kinahaharap na mayroong tawag na Civil Case No. 457B na
kasalukuyang nakabinbin sa Municipal Circuit Trial ng Mansalay
at Bulalacao.

T2. Ano po ba ang kinalaman mo sa kasong iyon?


S2. Ako po ay ang isa sa mga inirereklamo ng mag-asawang Efren P.
Gonzales at Grace P. Gonzales.

T3. Ikaw ay naririto sa aming Tanggapan upang magbigay ng iyong


salaysay bilang defendant sa kasong isinampa laban sa iyo,
nakahanda ka bang sumumpa na ikaw ay magsasabi ng
katotohanan at pawang katotohanan lamang sa pagbibigay ng
iyong salysay?
S3. Opo.

T4. Sabihin ang iyong tunay na pangalan at iba pang pagkakakilanlan


sa iyo.
S4. Ako po si GAUD INGAY HAMULAT, 52 taong gulang, at taga
Sitio Dacutan, Balatasan, Bulalacao, Oriental Mindoro.

T5. Maari po ba ninyong sabihin kung bakit po kayo ngayon naririto?


S5. Isa po ako po sa mga diuamano illegal na nanirahan sa lupang
inaari nila Ginoo at Ginang Gonzales.

T6. Ano po ang masasabi po ninyo dito?


S6. Wala po itong katotohanan sapagkat ang aming tribo po ang unang
nanirahan at patuloy na naglalagi sa Sitio Dakutan.

T7. Paano po ninyo nasabi ito?

2
S7. Ang lupang inaangkin po ng mga nagrereklamo ay nakakasakop sa
aming lupaing ninuno. Sa katunayan po, parte pa po dito ay ang
aming tapukan o iyong burial site kung saan po namin inilalagak
ang mga buto ng yumao po naming mga mahal sa buhay.

T8. Nasabi po ninyo na lupaing ninuno po ang lupang ayon sa inyo ay


inaari ng mga nagrereklamo, mayroon po ba kayong pruweba sa
inyong alegasyon?
S8. Mula po pagkabata ko, namulatan ko na po na puro mga
katutubong kabilang sa tribo ng mga Hanunuong Mangyan ang
nakatira sa Sityo Dacutan. Sa tinaggal tagal po ng panahon wala po
sa aking pagkakaalam na mayroong hindi miyembro ng aming
tribo ang nakatira sa Sitio Dakutan.

T9. Ano pa po, kung mayroon man?


S9. Dahil sa aming mga katutubo po ang lupang kanilang inaangkin,
ang lahat po ng mga tanim na matatagpuan sa lupaing namin ay
sarili po naming mga tanim. Ilan po dito ay ang mga kawayan,
niyog, langka at iba pang mga halaman na aming pinagkukunan ng
aming makakain.

T10. Mayroon pa po ba kayong idadagdag?


S10. Opo. Babalik po ako sa punto na ang lupaing nais makuha ng mag-
asawang Gonzales ay siya rin pong lupain kung saan po inilibing at
inilagak ang mga buto ng aming mga ninuno. Kung totoo po ang
alegasyon po nila na napatituluhan po ang lupa, kung atin pong
titignan ang lugar, malalaman po natin na mayroong halos humigit
kumulang singkwentang taon na po ang edad ng aming tapukan at
libingan, taliwas sa sinasabi po nila na ito daw po ay unang
pagmamay-ari pa ng kanilang ama.

T11. Ano pa po, kung mayroon pa?


S11. Ang alam ko po mayroon pong pagkakataon na sinukat po ang
aming lupain ng mga taga gobyerno kasama po ng NCIP. Sa
panahon pong iyon, alam ko po na isinasaayos po ang lupaing
ninuno naming o ang aming ANCESTRAL DOMAIN.

T12. Mayroon pa po ba?


S12. Ako po ay higit na nagdaramdam dahil tila napakasimple pong
mawalan ng lupa ang mga taong walang wala. Paano pong
nagkaroon sila ng titulo gayong sa aming kasaysayan ay wala pong
hindi miyembro ng katutubo ang tunay na nanlagi dito.

T13. Ano pa po, kung mayroon man?


S13. Kung babasahin po ang reklamo sa amin, napatituluhan daw po ito
sa pamamagitan ng “homestead patent”. Sa aking limitado pong

3
alam, hindi po ba dapat aktuwal na pinagyayaman ng nag-aapply
ang lupaing kaniyang hinihiling matituluhan para po sa ganoong
uri ng aplikasyon? Kataka-taka lamang po na nakapag isyu ng
titulo gayong hindi man lamang po naming Nakita ang mga taong
ito sa aming Sityo.

Na aking nilagdaan ang Panghukumang Salaysay nito ngayong ika-12 ng


Oktubre 2022 sa harapan ni Atty. Devee Mae O. Villamin, Public Attorney
I, Roxas, Oriental Mindoro bilang patotohanan ang lahat ng nakasaad dito
base sa aking personal na kaalaman.

GAID INGAY HAMULAT


Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, this 12TH of April 2022.


The affiant personally came and appeared with his Voter’s Certification with
Number Voter’s Identification 52040015AA1478GIA10000-2, issued by
COMELEC, Bulalacao, Oriental Mindoro bearing his photograph and
signature, known to me as the same person who personally signed the
foregoing instrument before me and avowed under the penalty of law to the
whole truth of the contents of said instrument.

DEVEE MAE O. VILLAMIN


Public Attorney I
Pursuant to R.A. 9046

ATTESTATION

I, DEVEE MAE O. VILLAMIN, Public Attorney I, with office


address at St. Anne, Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro, under oath
state that:

1. I personally conducted the examination of GAID INGAY


HAMULAT in relation to Civil Case No. 457B presently pending
before the Municipal Circuit Trial Court of Mansalaya and Bulalacao;
2. I faithfully recorded the question I asked of him and the
corresponding answers he gave;
3. Neither I nor any person then present coached him regarding his
answers.

Atty. DEVEE MAE O. VILLAMIN

4
SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, 12 April 2021, affiant,
Atty. Marie Grace R. Trinidad, personally came and appeared with her PAO
Employee ID No. PAO-03306-2017 issued at the Public Attorney’s Office,
Diliman, Quezon City bearing her photograph and signature, known to me as
the same person who personally signed the foregoing instrument before me
and avowed under the penalty of law to the whole truth of the contents of
said instrument.

ATTY. MARIE GRACE R. TRINIDAD


Public Attorney III
Pursuant to R.A. 9046

EXPLANATION

The foregoing JUDICIAL AFFIDAVIT were served by registered mail


instead of personal service due to distance constraints and lack of manpower
of the counsel for the petitioner.

MARIE GRACE R. TRINIDAD

Copy furnished by registered mail:

Atty. Arnel T. Calderon


Counsel for Plaintiffs
Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro

You might also like