You are on page 1of 5

Republic of The Philippines

FOURTH JUDICIAL REGION


MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT
Mansalay-Bulalacao
Mansalay, Oriental Mindoro

PEOPLE OF THE
PHILIPPINES
Criminal Case No. 2755
Plaintiffs,

- versus - For:

JOMEL A. DELOVIAR ACTS OF LASCIVIOUSNESS

Defendants.

x--------------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF
NARITA DELOVIAR
The examination of NARITA DELOVIAR was conducted by
Atty. Devee Mae O. Villamin of the Public Attorney’s Office, with
office address at Sta. Fe, Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro.
His testimony will be offered for the following purposes:

OFFER OF TESTIMONY:

1. To prove that defendant is innocent of the crime charged;

2. To prove other matters relative to this case and to identify


his/her judicial affidavit which will serve as his/her direct
testimony in this case.

AKO, NARITA DELOVIAR, 53 taong gulang, Filipino, kasal, at


kasalukuyang naninirahan sa San Vicente, San Juan, Bulalacao,
Oriental Mindoro, ay nagsasaad:

Na ako ay tinanong at siniyasat ni Atty. Devee Mae O. Villamin,


Public Attorney I, ng Public Attorney’s Office.

1
Na ang aking mga sagot sa lahat ng katanungan ni Atty. Villamin
ay batay sa aking personal na kaalaman, nakita, at narinig.

Na ito ay aking sinumpaan at alam kong kapag ako ay


nagsinungaling ako ay maaaring managot sa batas sa kasong
perjury o pagsisinungaling.

T1. Bakit po kayo pumunta sa Tanggapan ng Public


Attorney’s Office?
S1. Gusto ko pong makapagbigay ng aking pahayag sa kasong
aking kinahaharap na mayroong tawag na Criminal Case
No. 2789B na kasalukuyang nakabinbin sa 3rd Municipal
Circuit Trial Court ng Mansalay at Bulalacao.

T2. Ano po ba ang kinalaman mo sa kasong iyon?


S2. Ako po ang akusado sa nasabing kaso.

T3. Ikaw ay naririto sa aming Tanggapan upang magbigay ng


iyong salaysay bilang akusado sa kasong isinampa laban
sa iyo, nakahanda ka bang sumumpa na ikaw ay
magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang
sa pagbibigay ng iyong salaysay?
S3. Opo.

T4. Sabihin ang iyong tunay na pangalan at iba pang


pagkakakilanlan sa iyo.
S4. Ako po si Narita Deloviar, 53 taong gulang, kasal at taga
Brgy. San Juan, Bulalacao, Oriental Mindoro.

T5. Maaari po ba ninyong sabihin ang pinagmulan ng hablang


ito?
S5. Nangasalan po kami sa San Jose, Occidental Mindoro.
Nagkulang po ang pera ng ama ng ikakasal kaya naman
binentahan niya ng biik si Jomel. Matapos ang kasalan
kami ay umuwi na pabalik ng Bulalacao. Dala-dala ni
Jomel ang biik at kami naman ng asawa niya ay nasa
kabilang motor nakasakay.

T6. Ano po ang sumunod na nangyari?


2
S6. Kami po ay naunang makarating ng bahay. Maya-maya po
ay nakatanggap kami ng tawag mula kay Jomel na siya
daw ay na-hold sa checkpoint dahil sad ala niyang biik.

T7. Ano po ang inyong ginawa matapos niyong malaman na


na-hold ang anak ninyo sa checkpoint?
S7. Kami po ni Conchita (asawa ni Jomel) ay nagtungo sa
munisipyo para humingi ng tulong. Doon po kami
nakakuha ng sulat na nagsasabing pinahihintulutan na ang
pagpasok ng biik ni Jomel sa Bulalacao.

T8. Ano po ang sumunod na nangyari?


S8. Kami po ni Conchita ay agad na nagpunta sa checkpoint.
Sa kasamaang palad, hindi na namin naabutan si Jomel
doon. Ang sabi ng mga tao sa checkpoint siya daw ay
bumalik pa-Occidental.

T9. Ano po ang inyong ginawa kung mayroon man?


S9. Sinundan po ni Conchita si Jomel papuntang Occidental.
Ako po ay naiwan sa checkpoint.

T10. Ano po ang sumunod na nangyari?


S10. Naghintay po ako sa checkpoint. Mga ilang minuto ang
nakalipas dumating na si Conchita kasama si Jomel dala
ang biik at kaming lahat ay umuwi na.

T11. Matapos nito, ano ang sumunod na nangyari?


S11. Kinabukasan may dalawang taong pumunta sa bahay para
sabihan kami na may doktor na darating upang kuhanan ng
blood sample ang biik. Lumipas na ang dalawang buwan
at walang doktor na dumating.

T12. Sa punto pong ito ay wala na akong katanungan sa inyo.


May nais pa po ba kayong idagdag?
S12. Wala na po. Pero kung ako ay may idadagdag ay ilalahad
ko na lamang po sa Kagalanggalang na Hukuman kung
ako po ay mabibigyan ng pagkakataon.

3
Na aking nilagdaan ang Panghukumang Salaysay nito ngayong ika-23 ng
Enero 2024 sa harapan ni Atty. Devee Mae O. Villamin, Public Attorney I,
Roxas, Oriental Mindoro upang patotohanan ang lahat ng nakasaad dito base
sa aking personal na kaalaman.

NARITA DELOVIAR
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, this 23rd day of January


2024. The affiant personally came and appeared before me, known to me as
the same person who personally signed the foregoing instrument before me
and avowed under the penalty of law to the whole truth of the contents of
said instrument.

DEVEE MAE O. VILLAMIN


Public Attorney I
Pursuant to R.A. 9046

ATTESTATION

I, DEVEE MAE O. VILLAMIN, Public Attorney I, with office


address at Sta. Fe, Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro, under oath state
that:

1. I personally conducted the examination of NARITA DELOVIAR in


relation to Criminal Case No. 2789B presently pending before the 3rd
Municipal Circuit Trial Court of Mansalay-Bulalacao;

2. I faithfully recorded the questions I asked of him/her and the


corresponding answers s/he gave;

3. Neither I nor any other person then present coached him/her with
his/her answers.

ATTY. DEVEE MAE O. VILLAMIN

4
SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, 24th day of January
2024, the affiant, Atty. Devee Mae O. Villamin, personally exhibited to me
her GSIS Unified Multipurpose Identification Card with No. CRN-
02101819-6246-4 issued at the City of Manila bearing her photograph and
signature, known to me as the same person who personally signed the
foregoing instrument before me and avowed under the penalty of law to the
whole truth of the contents of said instrument.

MARIE GRACE R. TRINIDAD


Public Attorney III/OIC
Pursuant to R.A. 9046

Copy furnished:

OPP ROXAS

You might also like