You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

THIRD JUDICIAL REGION


MUNICIPAL TRIAL COURT of Dingalan
Municipality of Dingalan
Province of Aurora

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Plaintiff,

- versus - CRIMINAL CASE


NO.892 FOR: SERIOUS PHYSICAL
INJURIES
(RPC ART. 263)
JORREL ROME G. BOQUE,
ROLANDO JR. C. PADUA,
MARIANO P. CANDIA,
JAYPEE C. PADUA,
EDDIE BOY P. CANDIA,
JERICO C. LAZARO,
JOMARIE V. PADUA
Accused,
x------------------- x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF JORREL ROME GODOY BOQUE

Ako, si JORREL ROME GODOY BOQUE, 40 taong gulang,


walang asawa at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Davil-Davilan,
Dingalan, Aurora, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
kusang loob na naghahayag ng mga sumusunod kaugnay sa mga
katanungan ni ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE, na matatagpuan
sa kaniyang tanggapan sa Barangay Davil-Davilan, Dingalan,
Aurora, na sa pagsagot ko sa mga katanungan ni ATTY. ALDAVE
ay batid ko po na ako ay maaring managot sa batas kung ako ay
magsasalaysay ng taliwas sa katotohanan o ang pagiging bulaan.

Preliminary Statement

Purposes of the testimony: We are offering the testimony of the


witness, JORREL ROME GODOY BOQUE, to support the testimony
of the accused in the instant case; to prove that she was in the
place of the alleged incident as waitress and house helper; to prove
that there was no incident transpired as to result to the crime
charged; and to prove other pertinent matters.

Mga tanong ni Atty. ALDAVE kay JORREL ROME G. BOQUE:

1. Tanong: Sabihin po ninyo ang inyong kumpletong pangalan at iba


pang pagkakakilanlan.

Sagot: Ako po si Jorrel Rome Godoy Boque, 40 taong gulang, walang


asawa, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Poblacion, Dingalan,
Aurora.

2. Tanong: Ano po ang dahilan bakit kayo naririto ngayon?

Sagot: Upang maibigay o isalaysay ang aking personal na


eksperyensa sa nangyari noong January 2, 2022 sa bahay nila Venus
Villasana.

3. Tanong: Ano po ba ang nangyari noong January 2, 2022 sa bahay nila


ate Venus?

Sagot: Naimbitahan kami ni Jonel Capulong na manugang ni ate


Venus dahil birthday.

4. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Noong naimbitahan kami, pumasok na kami sa bakuran nila


ate Venus at ate Azon dahil nasa iisang compound naman sila.

5. Tanong: Ano po ang nangyari?

Sagot: Pagdating doon, tinanggap naman kami at pinakain kami ni


ate Venus at mayroong inuman.

6. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Sumama ako na makisayaw sayaw hanggang sa may napansin


akong komosyon.

7. Tanong: Ano yung komosyon na iyon?


Sagot: Pagtingin ko po, ang nakita ko ay si Allan na parang sinisipa
nya yung mag upuan o nagwawala sya.

8. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Pagkatapos ay Nakita kong nilapitan ni Jovel si Allan


hanggang sa natumba silang dalawa.

9. Tanong: Pagkatapos po may iba pa po bang nangayri, kung meron


man?

Sagot: Nung tumumba na silang dalawa, mayroon na akong Nakita


na umawat na sakanila.

10.Tanong: Anong nangyari sumunod?

Sagot: Noong may umawat na nilapitan na rin ni ate Azon pero si


Allan nagpupumiglas pa rin.

11.Tanong: Ano po ang susunod na nangyari, kung mayroon man?

Sagot: Tapos nasandalan na nila yung videoke hanggang sa nahulog


yung tv.

12. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Napansin ko si Jovel na sumugod kay Allan dahil


nagpupumiglas pa rin kay ate Azon.

13.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Narinig ko na sinigaw ni ate Azon na huwag n ani Jovel


patulan ang kuya Allan nya.

14. Tanong: Pagtapos?

Sagot: Napansin ko rin na napaupo na si Ate Azon sa tabi ni Allan


kaya lumnapit na kami para sana tulungan ng ipasok si Allan sa
bahay.

15.Tanong: Pagkatapos, ano ang ginawa mo?


Sagot: Paglapit ko, nandun na si Hugo na tinutulungan ng tumayo si
Allan para pumasok sa bahay kaya tumayo na lang ako at sinabihan
ko si Hugo na ipasok na sa loob si Allan.

16. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Napansin kong si ate Azon ay nakahawak sa strap ng bag ko


at sumisigaw ng, “Tama na! Tama na!”

17. Tanong: Anong ginawa mo pagkatapos?

Sagot: Hinayaan ko lang dahil nung makita naman ni ate Azon na


ipinapasok n ani hugo si Allan sa bahay ay sumunod na rin sya.

18. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Nung naipasok n ani Hugo si Allan sa loob ng bahay, Nakita


ko na lang na itinataboy papalabas ni ate Azon si Hugo habang
hinahampas hampas nya rin si Hugo.

19.Tanong: Anong ginawa mo nung Nakita mong hinamhampas


hampas ni ate Azon si hugo?

Sagot: Nagulat lang din ako pero hinayaan ko na at lumabas na rin


ako ng bakuran nila.

20.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Nung nasa klasda na ako, napansin kong wala pa si Along


kaya bumalik ako sa loob at Nakita ko don si Along sa tapat ng
pintuan nila sa likod at inaya ko ng umuwi.

21.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Nung inaaya ko ng umuwi si Along, bigla na naman kaming


sinigawan ni ate Azon kung bakit namin gustong pumasok.

22.Tanong: Anong nangyari pagkatapos?

Sagot: Hinayaan lang namin para hindi na humaba yung sinasabi ni


Ate Azon at nakainom din sya.
23.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Paglabas namin sa kalsada saktong dumating na yung mga


pulis.

24.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Pagdating nung mga pulis tinanong yung mga nandoon na


tanod at pinauuwi naman na kami ng mga pulis.

25.Tanong: Anong ginawa nyo pagkatapos?

Sagot: Umuwi na po ako dahil pinauuwi na rin kami ng mga pulis.

26.Tanong: May gusto pa po ba kayong idagdag na sabihin?

Sagot: Yun lang po at wala na.

27.Tanong: Ano po ang gusto ninyong iparating sa hukumang


ito dahil sa inyong mga sinasalsaysay?

Sagot: Gusto ko pong iparating sa hukumang ito na hindi po totoo na


kami ay nambugbog kay Allan. Lahat po ng aking isinalaysay at
totoo at aking personal na nasaksihan. Ang salaysay ko pong ito ay
sarili kong pasya. At hinihiling ko po na tanggapin ang aking
testimonya at dokumentong ito ng Kagalang-galang na Hukom.

JORREL ROME GODOY BOQUE


Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN, sa harap ko, ngayong ika-13 ng


Hunyo 2022, ay dumulog si JORREL ROME GODOY BOQUE may
katibayan ng pagkakakilanlan ayon sa kanyang Driver’s license na may
bilang C05-17-014886, na iginawad ng Land Transportation Office, na kilala
ko na siyang nagsagawa ng salaysay na pinatunayan niya sa harap kong
malaya at sarili niyang pagpapasya.
SAKSI ANG AKING LAGDA ngayong ika-13 ng Hunyo 2022, dito
sa Barangay Davil-Davilan, Dingalan, Aurora.

PAGPAPATUNAY

AKO, ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE, matapos makapanumpa


ng naayon sa batas ay kusang loob na nagpapatunay ng mga sumusunod:

1. Na, ako po ay tapat na itinala ang mga naunang katanungan at


kasagutan mula sa nakalagdang testigo sa dokumentong ito;

2. Na wala pong sinuman na nakaharap habang sumasailalim sa


katanungan ang testigo, at nagturo kung ano ang itutugon ng
testigo sa mga katanungan;
3. Na nabasa at naunawaan ko po ang mga nilalaman ng
dokumentong ito na binubuo ng anim (6) pahina kasama ng
pahina na ito, at ang lahat po ng ito ay totoo at tumpak ayon sa
kagalingan ng aking kaalaman at batid ko po na ang maling
pagpapatunay ay may karampatang pagdisiplina bilang
mananangol.

PINATUNAYAN, sa harap ko ngayong ika-13 ng Hunyo 2022 dito sa


Barangay Davil-Davilan, Dingalan, Aurora.

ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE


Nagpapatunay

LUMAGDA AT NANUMPA sa aking harapan ngayong ika-_____


ng Hunyo 2022, dito sa _______________________, at ipinakita sa
akin ang kaniyang Voter’s ID na may numerong 7705-0028A-
D0695QTA20000, na ibinigay ng Commission On Elections.

You might also like