You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

THIRD JUDICIAL REGION


MUNICIPAL TRIAL COURT of Dingalan
Municipality of Dingalan
Province of Aurora

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Plaintiff,

- versus - CRIMINAL CASE


NO.892 FOR: SERIOUS PHYSICAL
INJURIES
(RPC ART. 263)
JORREL ROME G. BOQUE,
ROLANDO JR. C. PADUA,
MARIANO P. CANDIA,
JAYPEE PADUA,
EDDIE CANDIA,
JERICO LAZARO,
JOMARIE PADUA
Accused,
x------------------- x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF JERICO CANDIA LAZARO

Ako, si JERICO CANDIA LAZARO, 24 taong gulang, walang


asawa at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Davil-Davilan,
Dingalan, Aurora, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
kusang loob na naghahayag ng mga sumusunod kaugnay sa mga
katanungan ni ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE, na matatagpuan
sa kaniyang tanggapan sa Barangay Davil-Davilan, Dingalan,
Aurora, na sa pagsagot ko sa mga katanungan ni ATTY. ALDAVE
ay batid ko po na ako ay maaring managot sa batas kung ako ay
magsasalaysay ng taliwas sa katotohanan o ang pagiging bulaan.

Preliminary Statement

Purposes of the testimony: We are offering the testimony of the


witness, JERICO C. LAZARO, to support the testimony of the
accused in the instant case; to prove that she was in the place of
the alleged incident as waitress and house helper; to prove that
there was no incident transpired as to result to the crime charged;
and to prove other pertinent matters.
Mga tanong ni Atty. ALDAVE kay JERICO C. LAZARO:

1. Tanong: Sabihin po Ninyo ang inyong kumpletong pangalan at iba


pang pagkakakilanlan.

Sagot: Ako po si Jerico Candia Lazaro, 24 taong gulang, walang


asawa, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Poblacion, Dingalan,
Aurora.

2. Tanong: Ano po ang dahilan bakit kayo naririto ngayon?

Sagot: Dahil sa kinasuhan po kami ng aking bayaw na si Allan at


upang magbigay na rin po ng kusang loob na salaysay.

3. Tanong: Patungkol po saan ang kusang loob na inyong isasalaysay?

Sagot: Tungkol po sa nangyari noong January 2, 2022.

4. Tanong: Ano po ba ang nangyari noon January 2, 2022?

Sagot: Naki-birthday po ako.

5. Tanong: Kanino at saan po kayo naki-birthday?

Sagot: Kay tita Venus Villasana po, sa bahay po nila sa Davil-


Davilan.

6. Tanong: Ano po ang nangyari noong naki-birthday kayo, kung


meron man?

Sagot: Tahimik po kaming nag-iinuman noong una. Hanggang sa


inutusan ni Ate Azon na ipasok na po yung manugang niya na si
Allan sa kanilang bahay.

7. Tanong: Sino yung inutusan ni ate Azon na magpasok kay Allan?

Sagot: Si Jovel Sadiasa at si Eddie Boy po.

8. Tanong: Pagkatapos?
Sagot: Lumapit po si Jovel at Eddie Boy kay Allan.

9. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Paglapit po ni Jovel at Eddie Boy kay Allan, Nakita ko pong


tinulak po ni Allan yung bayaw nya at si Eddie Boy at nagwala wala
na po si Allan.

10.Tanong: Pagkatapos po may iba pa po bang nangayri, kung meron


man?

Sagot: Nagalit po si Jovel at sinuntok si Allan na bayaw niya.

11.Tanong: Ano pa po ang natatandaan ninyong nangyari pagkatapos?

Sagot: Pagkasuntok ni Jovel kay Allan, nag gulong gulong na po sila.

12.Tanong: Ano po ang susunod na nangyari, kung mayroon man?

Sagot: Nung Nakita po namin na tumumba si Ate Azon dahil nasiko


ni Allan, chaka lang po kami lumapit.

13. Tanong: Kanino po kayo lumapit?

Sagot: Dun po sa dalawang mag bayaw.

14.Tanong: Sino nga po yung mag bayaw na tinutukoy Ninyo?

Sagot: Si Jovel po at si Allan.

15.Tanong: Ano po ang susunod na nangyari, kung mayroon man?

Sagot: Tumulong na po kami umawat dun sa dalawang nagbubuno.

16.Tanong: Pagkatapos po, ano ang nangyari kung meron man?

Sagot: Nung umaawat na po kami, nagalit po si ate Azon sa amin at


sinabing. “Hangga’t hindi kami nagkakapatayan wag kayong
aawat”.

17.Tanong: Pagkatapos non anong ginawa mo?


Sagot: Umalis na po kami dahil pinaalis na kami ni ate Azon.

18. Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Lumabas na po kami sa bakuran nila at may pulis na rin na


dumating.

19.Tanong: Pagkatapos?

Sagot: Umuwi na rin po dahil pinauwi na kami ng mga pulis.

20.Tanong: May gusto pa po ba kayong sabihin?

Sagot: Wala na po.

21.Tanong: Ano po ang gusto ninyong iparating sa hukumang


ito dahil sa inyong mga sinasalsaysay?

Sagot: Na ako po ay nagsasabi ng pawang katotohanan lamang at


lahat ng ito ay batay sa aking sariling kaeanasanan at kaalaman.
Wala rin pong pumilit sa akin na magsalaysay ng mga ito. At
hinihiling ko po na tanggapin ang aking testimonya at dokumentong
ito ng Kagalang-galang na Hukom.

JERICO CANDIA LAZARO


Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN, sa harap ko, ngayong ika-12 ng


Hunyo 2022, ay dumulog si JERICO CANDIA LAZARO may katibayan
ng pagkakakilanlan ayon sa kanyang Voter’s Certification na may bilang
7705-0029A-G3187RCP10000, na iginawad ng Commission on Elections, na
kilala ko na siyang nagsagawa ng salaysay na pinatunayan niya sa harap
kong malaya at sarili niyang pagpapasya.

SAKSI ANG AKING LAGDA ngayong ika-12 ng Hunyo 2022, dito


sa Barangay Davil-Davilan, Dingalan, Aurora.
PAGPAPATUNAY

AKO, ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE, matapos makapanumpa


ng naayon sa batas ay kusang loob na nagpapatunay ng mga sumusunod:

1. Na, ako po ay tapat na itinala ang mga naunang katanungan at


kasagutan mula sa nakalagdang testigo sa dokumentong ito;

2. Na wala pong sinuman na nakaharap habang sumasailalim sa


katanungan ang testigo, at nagturo kung ano ang itutugon ng
testigo sa mga katanungan;
3. Na nabasa at naunawaan ko po ang mga nilalaman ng
dokumentong ito na binubuo ng lima (5) pahina kasama ng
pahina na ito, at ang lahat po ng ito ay totoo at tumpak ayon sa
kagalingan ng aking kaalaman at batid ko po na ang maling
pagpapatunay ay may karampatang pagdisiplina bilang
mananangol.

PINATUNAYAN, sa harap ko ngayong ika-12 ng Hunyo 2022 dito sa


Barangay Davil-Davilan, Dingalan, Aurora.

ATTY. QUEEN JANE T. ALDAVE


Nagpapatunay

LUMAGDA AT NANUMPA sa aking harapan ngayong ika-_____


ng Hunyo 2022, dito sa _______________________, at ipinakita sa
akin ang kaniyang Voter’s ID na may numerong 7705-0028A-
D0695QTA20000, na ibinigay ng Commission On Elections.

You might also like