You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
NATIONAL PROSECUTION SERVICE
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
PASIG CITY

WENNIEFREDA G. FRANCISCO,
Plaintiff,

- versus - NPS Docket No. _________________________

ZANDRO MORADA,
Respondent.
x--------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY
NG PAGREREKLAMO
(COMPLAINT-AFFIDAVIT)

AKO, si ZANDRO MORADA y GUBILAB, may sapat na gulang,


Pilipino, may asawa at kasalukuyang naninirahan sa 787 Atis St., Lupang Pari,
Brgy. San Miguel, Pasig City, matapos makapanumpa ng ayon sa batas ay
nagsasaad ng mga sumusunod:

1. NA ang aming lupa’t bahay na matatagpuan sa 786 Atis St., Lupang Pari,
Brgy. San Miguel, Pasig City ay nabili namin kay LEONIDA MORADA
noong ika-6 na Nobyembre 20181 matapos hindi niya mabayaran ang
kanyang inutang sa amin sa halagang P65,000,00 na isinangla niya sa
amin ang nasabing bahay at lupa2 at pinadagdagan na lang sa kabuohang
halagang P200,000.00 para sa nasabing bilihan;

2. NA magsimula noong isangla sa amin ang nasabing lupa’t bahay ni


LEONIDA MORADA ay umokupa na kaming mag-asawa doon
hanggang sa kasalukuyan;

3. NA noong ika-20 ng Enero, 2021 mga bandang ika-9:00 ng umaga


pinasok ang aming bahay ni SHIELA MORADA, manugang ni
LEONIDA MORADA at kinausap kaming mag-asawa na tutubusin na
lang daw nila ang aming nabiling bahay at lote sa byenan niya sa
halagang P200,000.00;

4. NA sinagot namin siya na naibenta sa amin ang nasabing lote at bahay at


hindi na ito nakasangla lamang subalit pinipilit niya na sinangla lamang

1
Sipi ng Kasunduan sa Pagbenta ng Bahay at Lote ay kalakip nito at may tatak ANNEX “A”.
2
Sipi ng Kasunduan Ng Pagsanglang Bahay ay kalakip din nito at may tatak ANNEX “B”.

1
daw sa amin at wala raw bentahan na aming mariing tinututulan dahil
talagang nagkaroon kami ng bentahan ng kanyang nasabing biyenan;

5. NA noong ika-20 ng Mayo, 2021 sa pagitan ng ika-9:00 at ika-10:00 ng


umaga sinabi sa akin ng aking kapitbahay na si ANA SANTOS na
nagchat sa kanya si ZANDRO MORADA, anak ni LEONIDA
MORADA at asawa ni SHIELA MORADA na wala raw kaming
Karapatan na paupahan ang nasabing nabili naming lupa’t bahay;

6. NA hindi nagtagal paglabas ko ng tindahan nakita kong nasal abas na rin


si ZANDRO MORADA at sinabihan ko siya na “BAKIT NAMAN
WALA KAMING KARAPATANG MAGPAUPA SAMANTALANG
NABILI NA NAMIN ITO?”. Sinagot niya ako ng “HINDI PWEDE
DAHIL KUNG MAY TITINGIN NA IBA DAHIL ISASANGLA ULI
NAMIN YAN PARA MATUBOS NAMIN SAINYO DAHIL
SINANGLA LANG NAMAN YAN SAINYO HINDI NAMAN
IBINENTA!”

7. NA inulit ko uli ang tanong, “BAKIT HINDI PWEDE? EH SA AMIN


NA ITO, NABILI NA NAMIN?” sinagot niya ako ng: “SA GUSTO’T
AYAW NIYO TUTUBUSIN NAMIN YAN SAINYO!”

8. NA matapos kaming magsagutan, umakyat si ZANDRO MORADA sa


ikalawang palapag ng bahay nila at lumabas sa bintana nito at nakita ko
at ng ate kong si MARISSA GUBILAB -FRANCO na pinagsasaksak ng
hawak nitong kutsilyo ang bubong ng aming nasabing nabiling bahay at
tumigil lang siya ng sinabihan siya ng nasabing ate ko ng, “HUWANG
MONG SIRAIN YAN!”

9. NA bagama’t tumigil siya butas-butas na ang aming bubong at mula


noon pagumuulan ay tumutulo sa loob at nagbabaha ang aming bahay3;

10.NA ang nasira na bubong ng aming bahay ay tatlong buong yero na


nagkakahalaga ng P420.00 bawa’t isa o may kabuohang halagang
P1,260.00;

11.NA dahil sa pangyayari napilitan akong magreklamo sa Lupong


Tagapamayapa ng Barangay San Miguel, Pasig City subalit wala kaming
napagkasunduan kung kaya’t nagisyu na sa akin ang Tanggapang ng
nasabing Lupong Tagapamayapa ng Katibayan Upang Makadulog Sa
Hukuman4;

12.NA isinagawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang ipagsakdal si


ZANDRO MORADA na maaaring padalhang subpoena sa 786 Atis St.,
Lupang Pari, San Miguel, Pasig City ng kasong paglabag sa Article 327
ng Revised Penal Code o “Malicious Mischief” sa pagsira ng aming
bubong at Unjust Vexation alinsunod din sa nasabing Kodigo Penal.
3
USB ng video footage ng bubong namin at tulo ng tubig-ulan ay kalakip nito at may tatak ANNEX “C”.
4
Sipi ng Katibayan Upang Makadulog Sa Hukuman ay kalakip din nito at may tatak ANNEX “D”.

2
NA WALA NA MUNA AKONG SASABIHIN PA.

WENNIEFREDA G. FRANCISCO
Tagapagsalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-___ng Hulyo,


2021 sa Lungsod ng Pasig. PINATUTUNAYAN KO na personal kong ineksamin
ang Tagapagsalaysay sa itaas at nabasa at naintindihan niya ang mga nakasaad sa
itaas at pinatutunayan ko rin na malaya niyang isinagawa ang kanyang
Sinumpaang Salaysay ng Pagrereklamo sa itaas.

Asst. City Prosecutor

You might also like