You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LALAWIGAN NG QUEZON )
LUNGSOD NG LUCENA ) S.S.
x-------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, LORETO S. MALABAG, may sapat na gulang, may - asawa, Filipino at


naninirahan sa Brgy. Manggalang - Bantilan Sariaya, Quezon matapos na
makapanumpa ayon sa batas, ay malaya at kusang-loob na nagsasalaysay ng mga
sumusunod:

1. Na noong Pebrero 13, 2016 oras humigit kumulang sa 11:50 ng umaga sa Sitio
Rasak, Brgy. Manggalang – Bantilan, Sariaya Quezon ay nakita ko na hinuli si
Joseph J. Villanueva sa kanto ng Rasak;
2. Na noong panahong iyon, ako ay nasa kanto malapit sa pinangyarihan ng paghuli
kay Joseph J. Villanueva ng mga pulis;
3. Na nakita ko na kinapkapan ng pulis ang kanyang mga bulsa pero wala akong
nakitang nakuhang “shabu”;
4. Na kung siya ay may dala doon sa pinangyarihan ng sinasabing “shabu” dapat siya
ay tumakbo dahil kilala niya ang mga pulis na dumating;
5. Na wala akong nakitang Warrant of Arrest at walang kasamang namumuno sa
barangay bago siya hinuli ng mga pulis;
6. Na itong si Joseph J. Villanueva ay kilala kong lubos na mabuting tao sa aming
lugar;

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa harap ko ngayong ika-31 ng Marso, 2017,


matapos ko siyang personal na masiyasat at ako ay maniwalang lubos niyang
nauunawaan ang nilalaman nito at ito ay isinagawa ng kusang-loob.

LORETO S. MALABAG
Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP ko ngayong ika- 31 ng Marso,


2017 dito sa bayan ng Lucena.

CHRISTIAN ARVIN S. BARLAN


Notary Public
Until December 31, 2017
Attorney’s Roll No. 61592
IBP O.R. No. 1002207; 01-03-17; Quezon
PTR No. 5587610M; 01-03-17; Quezon
TIN 421-462-421-000
Doc. No. 350;
Page No. 71;
Book No. 18;
Series of 2017.

You might also like