You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LALAWIGAN NG QUEZON )
BAYAN NG PLARIDEL. )

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako po si MA. BERNADETH N. ALVA, nasa sapat na taong gulang, may asawa,
Filipino at naninirahan sa Brgy. Pampaaralan, Plaridel Quezon, ay magalang na
isinusumite ang aking salaysay para sa kasong ito na siyang magsisilbing kabuuan ng
aking derektang testimonya sa Husgado.

Na ang taong nagsagawa ng pagtatanong sa akin ay si Atty. Christopher P.


Juniar na may opisina sa 2nd Floor Ven-U Bldg., 9005 Quezon Avenue, Purok
Masagana, Brgy. Gulang-gulang, Lucena City at ang pagtatanong ay ginanap din sa
nabanggit na opisina.

Ang mga sumusunod na pagpapahayag ay ginawa ko ng kusang loob at


nababatid ko na ako ay maaaring maparusahan kung sakaling ako ay nagsinungaling o
nag-imbento lamang ng mga bagay-bagay.

Ang mga sumusunod na pagpapahayag sa pamamagitan ng tanong at sagot ay


aking lubos na pinagtitibay:

TANONG 1: Maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong pangalan, tirahan, at


ang iyong hanapbuhay?

SAGOT 1: Ako po si MA. BERNADETH N. ALVA, nasa sapat na taong gulang,


may asawa, Filipino at naninirahan sa Brgy. Pampaaralan, Plaridel
Quezon,

TANONG 2: Ano po ang kadahilanan at pumunta kayo rito sa aking opisina?

SAGOT 2: Nais ko pong magbigay ng aking salaysay na magpapatunay na ako


walang alam sa reklamo laban kay Nimfa P. Notario ni Arnel P.
Notorio at saka ni Inocencia C. Abihay.

TANONG 3: Paano niyo po nakilala si Inocencia C. Abihay at Arnel P. Notorio

SAGOT 3: Ang kakilala ko lang po ay si Inocencia, magkakilala na kami ng


mahigit sampung taon. Noong buwan October taong 2022 ay
lumapit sa akin si Inocencia. Tinanong niya ako kung meron ba ako
pera? Kung meron daw ay ipahiram ko muna sa kanya sa at
gagamitin niya sa kanyang Negosyo, yung perang ipapahiram ay
tutubo ng 20% isang lingo na aming paghahatiaan. 10% ang
mapupunta sa akin at ang natitirang 10% ay mapupunta daw sa
kanyang “Collector’.

TANONG 4: Ano po ang sumunod na nangyari?

SAGOT 4: Napahiram ko naman po si Inocencia ng kinakailangan niyang pera


sa halagang Php 105,000.00 na base sa napagusapan ay
magkakaroon ito ng 20% interest kada linggo.

Natapos ang Oktubre ay naibalik ang inutang na per ana may

1
kasamang interest at umutang siya ulit sa akin ng pera sa halagang
Php105,000.00.

Dumating po ang buwan ng November 2022 ay hindi naibalik ni


Inocencia ang nasabing pera kasama ang interest at humiling pa ito
ng karagdagang utang na may kabuuan na Php 100,000.00.

TANONG 5: Sa kabuuan ay magkano po ang naibigay niyong pera kay


Inocencia?

SAGOT 5: Nakapagbigay po ako kabuuang kapital na Php 205,000.00.

TANONG 6: Ano po ang naging usapan niyo tungkol sa utang ni Inocencia?

SAGOT 6: Pumunta si Inocencia at sinabi na hindi na siya makakabayad at


nagkaproblema yung kanyang kausap na pinagdalhan niya ng pera.

Pinilit niya kami ng aking asawa na isama sa bahay ni Nimfa para


daw ipakilala ang totoo niyang “Collector” kasi ang sabi niya sa amin
noong una ay taga-Atimonan ang kanyang “Collector”, yun po pala
ay taga Brgy. Central, Plaridel, Quezon.

Bago po kami marating sa bahay ni Nimfa ay sinabi sa akin ni


Inocencia na ang sabihin ko daw kay Nimfa ay Php 474,000.00 ang
kabuuang utang at ang sisingilin ko kay kanya. Huwag ko daw po ng
sabihin na Php 205,000.00 lang ang aking kapital.

Sumama po kami ng aking asawa at nagtungo kasama ni Inocencia


at Arnel sa bahay ni Nimfa. Nagkaroon kami ng kasulatan na
nagsasabi na si Nimfa ay may utang, kasi bawal daw sa kanilang
relihiyon ang pagpapautang na may interest.

Sa nasabing kasulatan ay humingi ng apat na buwan o hanggang


Abril 2023 si Nimfa upang mabayaran ang utang.

Pero naging usapan namin ni Inocencia na makabayad o hindi si


Nimfa ay siya ang magbabayad sa akin at ibabalik ang kapital ko na
Php 205,000.00

TANONG 7: Paano niyo po nakilala si Nimfa Nabora Ferreras?

SAGOT 7: Nung nagkaproblema na po, ay ipinakilala sa akin ni Inocencia si


Nimfa na siya umanong pinagbigyan niya ng perang inutang niya sa
akin na nagkakahalaga ng Php 205,000.00 hindi pa kasama ang
interest.

TANONG 8: Ano ang nangyari noong dumating ang buwan na Abril 2023?

SAGOT 8: Noong dumating po ang buwan ng Abril 2023 ay hindi na nga po


nakabayad si Nimfa.

Sinsingil ko na po si Inocencia, ngunit itinanggi niya na meron


siyang utang sa akin. At sinabi na ipinakilala ko na sa iyo si Nimfa,

2
siya na ang singilin mo.

TANONG 9: Ano ang ginawa niyo pagkatapos itanggi ni Inocencia na siya


nag may utang sa iyo?

SAGOT 9: Noon pong buwan ng Mayo ay nagkausap kami sa telepono ni


Inocencia, at sinabi niya na idinemanda na niya si Nimfa at isinama
niya sa Demand Letter ang aking pangalan, na nagdedemanda daw
ako laban kay Nimfa.

Ang sabi ko naman po ay bakit niya isinama ang aking pangalan na


walang consent ko? At ang sabi ko pa sa kanya ay sya ang dapat
kong idemanda kasi siya ang umutang sa akin ng pera at hindi si
Nimfa.

TANONG 10: Ano po ang sumunod na nanggyari?

SAGOT 10: Inireklamo ko na po sa Barangay si Inocencia kasi paulit ulit niya


itinatanggi ang perang inutang niya sa akin at sinasabi na si Nimfa
ang aking singilin ng kanyang pagakakautang.

Sinabi po niya na hangga’t hindi nagbabayad si Nimfa sa kanya ay


hindi rin siya magbabayad sa akin. Nagkaharap kami ng dalawang
beses ni Inocencia sa Barangay.

At nalaman ko rin po, noong nagrereklamo ako sa Barangay na ang


10% na usapan na mapupunta kay Nimfa bilang kanyang “Collector”
ay 2.5% lang pala at yign 7.5% po ay hindi ko alam kung kanino
napupunta.

Napagalaman ko rin po na ang nasabing Php 42,000.00 na bayad ni


Nimfa kay Inocencia na dapat po ay ibabayad sa akin ay hindi po
ibinayad at hindi rin ipinaalam sa akin ni Inocencia na nagbayad ng
nasabing halaga si Nimfa.

MA BERNADETH N. ALVA
NAGSALAYSAY
TIN ID NO. 623-263-205-00000

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )


CITY OF LUCENA )
PROVINCE OF QUEZON ) SS

SUBSCRIBED AND SWORN to before me, this __________________, by affiant


who exhibited to me her proof of identity written below her name.
NOTARY PUBLIC

Doc No.____
Page No.____

3
Book No.____
Series of 2023

You might also like