You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Justice
CITY PROSECUTION OFFICE OF PUERTO PRINCESA
Hall of Justice, Sta. Monica, Puerto Princesa City

RICHEL GONZALES ABILLAH, NPS No. IV-17-INV-22D-0204


Complainant,

versus for

ANTONIO P. REY alias Antonio Rey Padilla, LARGE SCALE ESTAFA


JONALYN ILLUSTRISIMO and One (1)
JOHN DOE,
Respondent.
x---------------------------------------------x

GANTING-SALAYSAY

AKO, ANTONIO P. REY, nasa wastong gulang, may asawa, Filipino at residente ng
Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, matapos manumpa nang naaayon sa batas ay kusang loob na
nagsasabi at nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na ako ang isa sa mga mga respondents na sinampahan ng kasong Large Scale Estafa na
nakabinbin sa Kagalang-galang na Opisinang ito.

2. Na akin pong natanggap ang Subpoena noong April 11, 2022, at ako ay binigyan ng sampung
(10) araw para magsumite ng aking ganting-salaysay at iba pang dokumento para sa aming
depensa. Ako naman ay nagsumite ng Motion for Extension of Time to File Counter-Affidavit
na may petsang April 18, 2022, kung saan ako ay humiling ng karagdagang labinlimang (15)
araw o hanggang May 6, 2022, upang magsumite ng aking ganting-salaysay.

3. Na mariin kong pinabubulaanan at pinasisinungalingan ang mga bintang at paratang ni Richel


Gonzales Abillah laban sa akin.

4. Ang totoo po niyan, noong Enero 2020 po ay lumapit sakin si Jonalyn at nakiusap na hanapan
ko daw ng masasanglaan ang dala niyang titulo na nakapangalan kay Joseph Sorima.
Pagkatapos ay dinala ko na siya kay Richel Abillah.

5. Noong araw na magsasanglaan na sila, doon dumating si Joseph Sorima kasama si Jonalyn
Illustrisimo sa office ni Atty. Quiñon. Doon na sila nagpirmahan ng Real Estate Mortgage,
Promissory Note at Acknowledgment Receipt. Ako naman ay pumirma sa mga dokumentong
iyon bilang testigo lamang.

6. Noong nag-abutan na sila ng pera, ako naman ay binayaran ng komisyon o finder’s fee ni
Joseph Sorima na Dalawampung Libong Piso (Php 20,000.00). Iyon ang una’t huling beses
na nakita ko ang taong iyon at ang buong pag-aakala ko rin ay siya nga talaga si Joseph
Sorima.

7. Lumipas ang ilang buwan, nalaman ko kay Richel Abillah na hindi daw ang tunay na Joseph
Sorima ang nagsanla ng titulo. Dahil dito, agad kong kinompronta si Jonalyn pero sabi niya
tutubusin din naman daw niya ang titulo at nagbibigay daw siya ng tubo kay Richel at
nalaman ko din naman kay Richel na nagbibigay nga ng tubo si Jonalyn.

Page | 1
Ganting Salaysay, ANTONIO P. REY
For: LARGE SCALE ESTAFA
NPS No. IV-17-INV-22D-0204
8. Hanggang isang araw, sabi ni Richel ilipat na lang ng sangla ang titulo sa iba at dalhin ko daw
ito kay Amy kaya iyon ang ginawa ko. Ito namang si Amy ay sinanla kay Alex ng Metro
Motorbikes yung titulo dahil sa utang niya sa renta ng sasakyan. Kung kaya’t hindi po totoong
sinangla ko kay Alex ang titulo dahil wala akong utang sa kanila. Si Amy lang po ang may
utang at ang siyang nagsangla sa titulo kay Alex. Di pa rin po nabawi ang titulo dahil di pa
niya nabyaran ang utang niya kay Alex. Pinatawag ko rin po siya sa Barangay (ANNEX “2”)
dahil dito at may hearing pa kami sa May 13, 2022.

9. Noong April 18, 2022, nagharap kami nila Jonalyn at Richel sa bahay nila Richel kasama ang
anak ko na panganay at doon inamin ni Jonalyn na siya talaga ang gumamit ng pera na
Isandaan at Walumpung Libong Piso (Php 180,000.00). At ang napunta lamang sa akin ay
komisyon o “finder’s fee” at hindi po ako ang gumamit ng pera at lalong hindi ko rin po
alam na peke ang taong hinarap niya sa amin. Makikita rin sa Sinumpaang Salaysay ni
Esther C. Sorima (ANNEX “1”) na itong si Jonalyn at ang pekeng Joseph Sorima talaga ang
magkakilala.

10. Ginawa ko ang salaysay na ito upang patotohanan ang mga nabanggit sa itaas at upang
hilingin sa Kagalang-galang na Opisinang ito na I-DISMISS o ipawalang saysay ang kasong
ito laban sa akin.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay handang lumagda sa ibaba nito ngayong


ika-5 ng Mayo 2021 dito sa Puerto Princesa City, Palawan.

ANTONIO P. REY
Driver’s License No. N09-84-040838

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harapan ko ngayong ika-5 ng Mayo 2022 sa


Puerto Princesa City, Palawan.

Copy furnished:

RICHEL ABILLAH
Virginia Street, Purok Anonang
Bgy. Sicsican, Puerto Princesa City

CITY PROSECUTION OFFICE


Hall of Justice, Sta. Monica, Puerto Princesa City

Page | 2
Ganting Salaysay, ANTONIO P. REY
For: LARGE SCALE ESTAFA
NPS No. IV-17-INV-22D-0204

You might also like