You are on page 1of 34

LITRA TALK

Magnanakaw
Updated Sep 24 2014, 11:54:pm

BANSA
Pamilyang Binay sumuko na - Trillanes
Ni AJ Bolando (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 11:14am

MANILA, Philippines -- Isang pagsuko sa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na "parking building" ang
nakikitang dahilan ni Senador Antonio Trillanes IV sa hindi pagdalo ni Makati City Mayor Junjun Binay ngayong
Huwebes.

Sinabi ni Trillanes na nabisto na ng publiko ang pamumulsa ng pamilyang Binay ng pondo ng lungsod kayatumanggi
ang alkalde na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee para sa umano'y overpriced na Makati
City Hall II parking building.
"'Yung mga ganyang reason nagpapakita na si Makati City Mayor Junjun Binay ay may tinatago," wika ni Trillanes sa
panayam niya sa News To Go ng GMA News TV.

Dagdag ng senador na ayaw din ni Binay na madulas sa mga sasabihin na maaari pang magamit na ebidensya laban
sa kanya.

Nahaharap si Binay at kanyang ama na si Bise-Presidente Jejomar Binay sa kasong plunder dahil sa umano'y
overpriced na Makati City Hall II.

Sinasabing 13% sa bawat proyekto ng lungsod ang kinikita ng mga Binay.

"Napakalaki ng corruption sa Makati na pinamumunuan ng kanyang ama at ipinamana sa kanya (Junjun)," tirada ni
Trillanes.

Inakusahan pa ng senador ang mag-ama na ginagamit lamang ang mga mahihirap upang kumita.

"Ang kanilang pamilya ay pinagkakakitaan ang pondo ng Makati," banat ng senador.

"Ginagamit ang mahihirap, komo tumutulong daw sila, pero barya-barya lang ang binibigay sa mahihirap ang
bumabalik sa kanila ay bilyun-bilyon."

Sa huli ay sinabi ni Trillanes na tuloy ang imbestigasyon kahit wala ang mga inirereklamo.

"Kitang-kita rito ang pamilya Binay ay talagang suko na sila, nabisto na ang kanilang pangungurakot."

Junjun Binay binalewala ang subpoena ng Senado


(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 10:12am

MANILA, Philippines - Hindi muling dadalo sa pagdinig ng Senado si Makati City Mayor Junjun Binay ngayong
Huwebes para sa imbestigasyon ng kontrobersyal na Makati City Hall II parking building.

Pumalag si Binay sa aniya'y pang-iipit sa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee na nangangasiwa sa
imbestigasyon.

"Panahon na para liwanagin at kwestyunin ang hurisdiksyon ng sub-committee at ng Senate Blue Ribbon committee
mismo," wika ng alkalde.

May inihandang mosyon si Binay kung saan ipapadala niya ito ngayon sa Senado.

Kinukuwestiyon ni Binay ang jurisdiction ng Senado na naglabas ng subpoena para sa alkalde upang dumalo sa
pagdinig.
Dagdag niya na hinatulan kaagad sila ng mga senador kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon.

"The senators prejudged me and my family."

Nahaharap si Binay at ang kanyang ama na si Bise-Presidente Jejomar Binay sa kasong plunder dahil sa umano'y
overpriced na "parking building."

Sinasabing kumita ng 13 porsiyento ang mga Binay sa bawat proyektonsa lungsod.

Mariing namang pinabulaanan ng nakatatandang Binay ang mga paratang at sinabing sinisiraan lamang siya para sa
kanyang pagtakbo sa pagka pangulo sa 2016.

SALN ni Binay inilantad!


Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inilantad ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang Statement of Assets,
Liabilities and Net Worth (SALN) para pabulaanan ang mga akusasyon na siya ay mayroong tagong yaman.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Atty. Martin Subido, vice presidential legal counsel ni VP Binay, ang SALN at
mga ITR mula sa Bureau of Internal Revenue ng Bise Presidente na maaaring mahingi at mabuksan ng sinuman, ay
nagpapatunay na ang alegasyon laban sa kanya at pamilya nito ay pawang walang basehan at hindi makita.

Ipinaliwanag ni Subido na ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng net worth ni VP Binay ay ang JCB Farms, isang
piggery business sa Rosario, Batangas na kanyang naumpisahan noong 1994.

Ang net worth ni Binay nang una itong mahalal na alkalde noong 1988 ay P2.527 milyon habang ang liabilities nito ay
P982,406.

Mayroon din umanong real properties si Binay sa San Antonio Village sa Makati; sa Laguna; Alabang Hills, Cupang,
Muntinlupa; Tunasan, San Pedro, Laguna; Cabagan, Isabela; San Pascual, Batangas; at Bataan na may kabuuang
halaga na P635,000 base sa market prices ng nasabi ring taon.

Pero taong 1994, nagkaroon ng piggery si Binay sa Rosario, Batangas at mahigit sa P44 milyon ang kinita nito
hanggang 2010. Ang JCB Farms ay nakarehistro sa BIR-Rosario, Batangas office.

Sa nasabing panahon, nagbayad umano ng buwis si Binay na nagkakahalaga ng halos P15.89 milyon.

Ang flower shop business naman na ―Blooms and Bouquet‖ ni Dr. Elenita Binay sa flower farm sa Rosario, Cavite ay
naging maganda ang takbo.

Ang nasabing flower shop kasama na ng sahod ni VP Binay bilang Mayor ng Makati ang kanilang naging source of
income mula 1989-1991.
Gayunman, nang mahalal si Binay bilang bise presidente noong 2010, ibinenta na nito ang piggery.

Noong 2010 eleksyon sumobra ang campaign contributions ni Binay ng may P13.54 milyon mula sa kabuuang
kontribusyon na P231.48 milyon at may kabuuang gastos na halos P217.94 milyon kaya pumalo sa mahigit P58 milyon
ang net worth nito.

Noong Disyembre 31, 2013, ang net worth ni Binay ay nasa P60.118 milyon na may assets na P66.17 milyon at
liabilities na P6.05 milyon.

Sa pinagsamang net income ng mag-asawang Binay, ang kanilang net income mula 1986 hanggang 2013 (di kasama
ang 2004), ay umaabot sa P83.11 milyon kung saan nagbayad sila ng buwis na P23.05 milyon.

Iginiit ni Subido na ang buhay ng Bise Presidente ay ―open book‖ at kumpiyansa umano ang huli na ang kanyang
SALN ay papasa sa anumang pagsisiyasat.

PNoy muling idinepensa si Purisima


Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi pa man nasisimulan ang imbestigasyon kay PNP chief Alan Purisima ay inabswelto na
kaagad ito ni Pangulong Aquino.

Sinabi ng Pangulo sa coffee with the media na kasama niya sa US trip, matagal na niyang kilala si Gen. Purisima
simula pa noong 1987.

Ang pagkakakilala niya rito ay hindi ito matakaw at hindi ito magarbo sa kanyang pamumuhay.

Gayunman, ipinauubaya ng Malacañang kay Purisima kung magdedesisyong itong boluntaryong magbakasyon.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hindi magiging hadlang sa ginagawang imbestigasyon sa PNP
chief ang pagiging malapit nito kay PNoy.

Inakusahan si Purisima ng plunder, graft at indirect bribery sa Ombudsman ng Coalition of Filipino Consumers dahil sa
milyong halaga ng properties nito sa Nueva Ecija bukod sa ipinatayong White House nito sa loob ng Camp Crame na
mula umano sa donasyon.

Kinuwestyon din ng grupo ang lumitaw na Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Purisima sa Civil
Service Commission (CSC) kung saan ay ipinapalagay nilang under valued ang nakasaad ditong ari-arian kabilang
ang multi-milyong halaga ng rest house ng PNP chief sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Maging ang Senado ay nais busisiin ang SALN ni Purisima at pinapaharap ang PNP chief sa kanilang imbestigasyon.
Siniguro naman ng tagapasalita ng PNP na sasagutin at haharapin ni Purisima ang mga alegasyon dito sa tamang
venue.

Purisima dapat mag-leave - Poe


Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kinakasangkutang kontrobersiya tungkol sa alegasyon ng ill-gotten wealth at


pagtanggap umano ng suhol, iginiit kahapon ni Sen. Grace Poe na dapat ng mag-leave sa kanyang posisyon si
Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Alan Purisima.

Sa pagdinig ng Senate committee on finance kaugnay sa budget ng Department of Interior and Local Government
(DILG) at mga attached agencies nito kabilang na ang PNP, umapela si Sen. Poe kay DILG Sec. Mar Roxas na
ikonsidera ang morale ng iba pang opisyal ng pulisya.

Absent sa pagdinig si Purisina na dumadalo umano sa isang anti-kidnapping at anti-extortion consultation sa Bogota,
Colombia.

Sinabi ni Poe na mismong sa Senado ay sinuspinde ang ilang senador na sumasailalim sa trial kaya dapat ay ganito
rin ang gawin kay Purisima

Tiniyak naman ni Roxas kay Poe na ipaparating nito kay Pangulong Aquino ang kanyang rekomendasyon.

Naniniwala si Poe na totoo man o hindi ang kontrobersiya laban kay Purisima, nakakaladkad ang pangalan ng buong
PNP kaya dapat na rin itong imbestigahan ng National Police Commission.

Bukod sa sinasabing ill-gotten wealth sinisilip rin ang tungkol sa White House, o ang official residence ng PNP chief na
nagkakahalaga umano ng P20 milyon at umabot sa P11 milyon ang renovations na nagmula sa donasyon.

Sa report na isinumite sa Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Sen. Chiz Escudero, ang mga donors
sa pagsasaayos ng kontrobersiyal na White House ay sina Carlos Gonzales ng Ulticon Builders, Atty. Alexander T.
Lopez ng Pacific Concrete Corporation at Christopher A. Pastrana ng CAPP Industries.

Lunar eclipse sa Oktubre may epekto sa Mayon - Phivolcs


Ni Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - May malaking epekto sa pag-aaalburoto ng bulkang Mayon sa Bicol ang magaganap na lunar
eclipse sa Oktubre 8 ng taong ito.

Sa record ng Phivolcs, nangyari din ang lunar eclipse noong Enero 24, 1814, isang linggo bago maganap ang
matinding pagsabog ng Mayon na ikinamatay ng libong residente doon at nagbura sa ilang lugar ng Albay tulad ng
tinaguriang Cagsawa ruins.
Sinabi ni Ed Laguerta, Phivolcs volcanologist na dahil sa inaasahang eclipse, magiging kritikal sa mga residente doon
ang Oktubre 15, isang linggo matapos ang lunar eclipse, may isang buwan mula nang itaas ng Phivolcs sa level 3 ang
bulkan noong Setyembre 15 ng taong ito.

Gayunman, nilinaw naman ni Laguerta na ang kundisyon ng magma pa rin sa loob ng bulkan ang pangunahing magi-
ging dahilan ng pagsabog nito at ang eclipse ay makakadagdag lamang sa posibilidad nang malalang pagsabog.

Malaki ang paniwala ng Phivolcs na aabutin sa 500,000 cubic meter o nasa 150,000 truck loads na mga bato at lava
fragments ang maaaring ibagsak ng bulkan oras na sumabog ito.

Ayon pa rito, kahalintulad ng aktibidad ng bulkan ngayon ang naganap noong 1984 at 2001 eruption na kinakitaan ito
ng mababang steaming, volcanic earthquake, rockfall event at nailuluwang asupre makaraang magpakita ang bulkan
ng pag-aalburoto.

PROBINSIYA
Anak ng ex-Masbate vice guv itinumba; gunman kinuyog
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 11:50am

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang anak ng dating bise-gobernador ng lalawigan ng Masbate ngayong
Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Enrico Legaspi, anak ni dating Masbate vice governor Edgar Legaspi.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, nakatambay sa loob ng Hums Cup Coffee Shop ng Barangay F. Magallanes ang
biktima nang barilin ng suspek bandang ala-1 ng madaling araw.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Arnel Rovera na pinagtulungang patayin ng mga kaibigan ng biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaslang sa nakababatang Legaspi.

Mag-aama kinatay ng kapitbahay


Ni Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Karumal-dumal na kamatayan ang naging katapusan ng mag-aama
matapos na pagtatagain ng kanilang kapitbahay na lango sa alak dahil sa matinding hidwaan sa sinasakahang lupain
sa Barangay Viga, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni P/Insp. Leon Umbrero, hepe ng Lasam PNP ang mga mag-aama na sina Benito Suguitan, anak na sina
Judito Suguitan, at Joel Suguitan habang nasakote sa follow-up operation ang suspek na si Romel Banza, magsasaka,
at mga nakatira sa nasabing barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon na lango ang mag aama nang magbalik-tanaw ng mapait na alala bilang
magkakapitbahay na ibinintang sa kanilang pamilya ang paninira sa pananim ng suspek.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay namuo ang masamang balak ng suspek na sinasabing nakaubos ng tatlong
bote ng alak nang sundan niya ang mag-aama sa kanilang kuwarto habang natutulog saka pinagtataga hanggang
mapatay.

Kaagad na tumakas ang suspek subalit nadakip naman ng pulisya sa isinagawang follow-up operations kung saan
pormal na kinasuhan.

Negosyante dinukot, pinatay


Ni Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinahirapan muna saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 27-
anyos na trader matapos itong dukutin kamakalawa sa Barangay Buenasuerte, Cauayan City, Isabela. Kinilala ni PO2
Arvin Asuncion ang biktima na si Jeffrey Esteban ng Barangay San Fermin sa nasabing lungsod. Natagpuan kahapon
ng umaga ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa nasabing barangay. Sa tala ang pulisya, lumilitaw na
nasakote na rin ang utol ng biktima dahil sa pagbebenta ng bawal na droga subalit ito ay nakapagpiyansa. May
palatandaang pinahirapan muna ang biktima at iginapos ang mga paa at kamay nito ng alambre. Sinisilip naman kung
may kaugnayan sa bawal na droga ang pagpatay sa negosyante.

Trabahador kisay sa kuryente


Ni Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 21-anyos na construction worker matapos itong
makuryente sa memorial park sa Barangay Sampaloc 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang
biktima na si Jazz Mark Fernando ng Sitio Talisayan sa Barangay Sampaloc 4 sa nasabing lungsod. Ayon kay P03
Paulo Figueroa, gumagawa sa isa sa puntod ang biktima sa section 7 ng Manila Memorial Park Dasmariñas nang
tamaan ng grinder ang linya ng kuryente. Dito na nagkikisay ang biktima na kaagad namang sinaklolohan ng kanyang
amain subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

P1-M nilimas sa mag-asawang trader


Ni Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Aabot sa P1milyong cash ang natangay sa mag-asawang negosyante matapos holdapin ng
mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Parulan, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Dumulog
naman sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang mag-asawang Jeffrey Cruz, 38; at Eufrocina Cruz, 34, mga dealer
ng bigas at kapwa nakatira sa Barangay Tukod sa bayan ng San Rafael. Ayon kay PO3 Joseph Cruz, patungong
bayan ng Bocaue sa kanilang negosyo ang mag-asawang lulan ng kotse mula sa banko sa bayan ng Baliwag nang
harangin at holdapin pagsapit sa intersection ng Plaridel-Pulilan Road. Hindi na nakapalag ang mag-asawa matapos
tangayin ang iba‘t ibang personal na gamit at ang P1 milyon na kanilang winidraw sa banko.
Van swak sa bangin: 10 sugatan
Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sampu-katao na sinasabing magkakamag-anak ang nasugatan makaraang mahulog ang
kanilang sinasakyang van sa malalim na bangin sa gilid ng highway sa Barangay Tigbalag, Zamboanga City,
Zamboanga del Sur kamakalawa. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga malubhang
nasugatan ay sina Ednalyn de Guzman, 21; at Gyneth Lustria habang ginagamot naman sa Doctors Hospital ang iba
pa ng sugatang sina Celso Sedigo, 51; Thomas Seiton, 48; Jesus Seiton, 48; Nonito Seiton, 46; Gina Balunsay, 46;
Elma De Guzman, 52; Josephine Lustria, 50; at si Arjan Seiton, 10. Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol
sa manibela ang driver ng Mitsubishi Delica na patungong Zamboanga City mula sa Zamboanga Sibugay kaya
bumaliktad at gumulong hanggang sa mahulog sa bangin.

METRO
„Batang hamog‟, lasog sa SUV
Ni Ricky Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 16-anyos na dalagita na sinasabing ‗batang hamog‘ makaraang ma-hit and
run ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) habang tumatawid sa kahabaan ng EDSAsa lungsod Quezon, kahapon ng
umaga.

Ayon kay SPO1 Jessie Flores ng Quezon City Police Traffic Sector 6, ang biktima ay nakilalang si Jingky Pasiona,
residente ng Sangandaan, Caloocan City.

Base sa pahayag ng mga kasama ng biktima isang Pajero na hindi naplakahan ang bumangga kay Pasiona na agad
na humarurot matapos ang aksidente. Nangyari ang insidente ganap na alas-8:30 ng umaga malapit sa bus bay na
matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, North Avenue sa lungsod.

Ayon kay Flores, kabababa lang umano ng biktima sa sinakyan nitong pampasaherong bus kasama ang ilang barkada
nang bigla itong tumawid sa northbound lane sanhi upang mabundol siya ng paparating na SUV.

Sabi ng imbestigador, ayon pa sa kasama ng biktima, nakatawid na umano ang biktima sa kabilang linya pagkababa
sa bus, pero bumalik pa ito na nagresulta sa kanyang pagkakabangga. Ang bangkay ng biktima ay nasa
pangangalaga ngayon ng Everlasting funeral homes para sa safekeeping.

3 magkakapatid na paslit, patay sa sunog


Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wala nang buhay makaraang marekober ng mga bumbero ang tatlong magkakapatid na na-
trap sa loob ng kanilang bahay habang nagaganap ang sunog, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Janine Hazel Flores, 9; John Russel, 6; at bunsong kapatid na si Joshua, 4. Nasawi
ang magkakapatid dahil sa suffocation.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-7 ng umaga ng sumiklab ang apoy buhat sa bahay ng pamilya
Flores sa may Block 2, Maypajo, Brgy. 35 ng naturang lungsod.

Ayon kay Brgy. Kagawad Ria Cruz naiwan sa loob ng kanilang bahay ang magkakapatid makaraang maagang umalis
ang lola nila na si Zeny upang magtrabaho bilang street sweeper sa lungsod maging ang kanilang ama na nagpe-
pedicab nang sumiklab ang sunog.

Dakong alas-7:30 na nang maapula ang apoy na umabot lamang sa unang alarma.

Nabatid naman na nagpaabot na ng pakikiramay si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pamilya ng mga nasawi.
Nakatakda na rin umanong magbigay ng tulong ang alkalde na maaaring sumagot sa pagpapalibing sa mga paslit
habang hiniling naman sa tanggapan ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice ang posibilidad na sagutin
nito ang serbisyo sa punerarya.

Napag-alaman pa na naiwan sa pangangalaga ng kanilang lola ang mga paslit makaraang maghiwalay ang ina at ama
ng mga ito. Tinitingnan naman ngayon ng mga imbestigador na nagmula ang apoy sa faulty electrical wiring.

8 MPD cops dawit sa „kotong‟, binigyang ultimatum


Ni Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - ‗Binibigyan ko sila ng hanggang bukas para sumuko.‘

Ito ang ultimatum ni Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Rolando Asuncion laban sa walong pulis
ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit upang sumuko matapos na masangkot sa pangongotong sa isang
Pakistani national noong Setyembre 19.

Ayon kay Asuncion, binibigyan niya ng pagkakataon ang mga pulis upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili
matapos na positibong ituro ng negosyanteng si Kamran Khan Dawood, 39, ng Platinum 2000 Annapolis St. San
Juan City.

Kahapon ay kinasuhan na ng robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices
Act sa Manila Prosecutors Office sina P/Sr. Insp. Rommel Geneblazo, SPO1 Michael Dingding, SPO1 Gerry Rivera,
SPO1 Jay-An Pertubos, SPO1 Jonathan Moreno, PO2 Renato Ochinang at PO2 Marvin de la Cruz.

Sakali aniyang walang lumutang na pulis hanggang bukas ay mapipilitan siyang maglabas ng manhunt laban sa mga
ito. Base sa report ni Chief Insp. Arsenio Riparip,hepe ng MPD-General Assignment Investigation Section kasabay
umano ng paghahain ng kasong criminal sa Manila Prosecutor Office haharapin pa rin ng mga pulis ang kasong
administratibo.
Kinumpirma rin ni Asuncion na mayroon pang naunang mga operasyon ang grupo ni Geneblazo subalit pinili na
lamang ng mga biktima na manahimik dahil sa takot.

Hinuli ng mga pulis si Dawood noong Biyernes ng alas 1 pasado sa harap ng Manila Pavillon sa Ermita, Maynila dahil
sa umano‘y pagbebenta ng mga carnap na sasakyan na kinabibilangan ng tatlong Toyota Camry at isang Mazda 523.

Sa kabila ng pagbibigay ng P100,000 mula sa P300,000 na usapan hindi pa rin nirelease ng mga pulis ang kulay itim
na Toyota Camry na may plakang XPN-274 ng biktima.

Tone-toneladang isda sa Valenzuela, nalinis na


Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nalinis ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang tone-
toneladang patay na isda sa mga palaisdaan na tumambad makaraang manalasa ang bagyong Mario kamakailan.

Sinabi ni Public Information Office head, Ahna Mejia, na nalinis na nitong nakaraang Martes ang napakaraming patay
na tilapia, pla-pla at bangus sa Brgy. Malanday ng mga tauhan ng Rivers and Waterways Management Office.

Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez na humalo ang ―domestic at
industrial wastes‖ o mga duming inilalabas ng mga pabrika kaya tumaas ang lebel ng ammonia sa 10-ektaryang
palaisdaan kaya nangamatay ang mga isda.

Marami umanong pabrika sa lugar kaya hindi malayong sumabay sa pagtaas ng baha ang paghahalo ng industrial at
domestic waste kaya naglutangan ang mga patay na isda.

Tinatayang mahigit sa P500,000 ang halaga ng pinsala mula sa pagkamatay ng higit 10 toneladang isda taliwas sa
unang pagtaya ng BFAR na isang toneleda.

Matatandaan na unang nadiskubre ang pagkamatay ng mga isda nitong Setyembre 22 habang unang hininala ng mga
opisyal ng barangay ang pagdami ng mga ―water hyacinths‖ sa tubig kaya bumaba ang lebel ng oxygen.

Napagkamalang magnanakaw,binata dedo sa sekyu


Ni Ricky T. Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na binata ang nasawi makaraang barilin ng isang security guard matapos
mapagkamalan na magnanakaw sa lungsod Quezon kahapon.

Si Jomar Bernardo ng Tomas Morato Avenue ay nagawa pang maitakbo sa ospital pero binawian din ng buhay, ayon
kay SPO1 Julius Rempillo.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Jayson Aca-Ac, 26, at residente sa Brgy. Pansol sa lungsod.
Naganap ang insidente sa may kahabaan ng Scout Rallos corner Tomas Morato Avenue, Brgy. Sacred Heart, ganap
na alas-4 ng madaling-araw.

Sabi ni Rempillo, bago ang insidente, ang biktima kasama sina Jimwell Aler at John Rey Gumanon ay sakay ng isang
kulay itim na Suzuki shogun na motorsiklo (ZL-8754) na may side car at nag-iikot sa mga establisimento sa lugar para
mamili ng mga gamit na cooking oil na gagamitin para sa pagkain sa poultry. Habang nag-iikot, napadaan ang tatlo sa
may Rubs Rib Bbq na matatagpuan sa Scout Rallos at nakita nila ang dalawang lata ng mantika sa tabi nito.

Sinasabing ang isa sa mga lata ay wala ng laman habang ang isa ay halos kalahati ang lamang mantika. Kaya naman
sa pag-aakala umano ng tatlo na ang mga lata ay basura, kinuha nila ang mga ito at isinakay sa kanilang side car saka
pinaandar ito ni Bernardo paalis.

Ilang sandali, lumabas umano sa establisimento ang suspek saka pinaputukan ang sasakyan ng tatlo at tinamaan sa
likod si Bernardo. Agad na itinakbo ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa East Avenue Medical Center kung
saan siya nasawi.

Sa follow-up operation ng awtoridad ay kinilala ng dalawang testigo ang sekyu dahilan para ito arestuhin at dalhin sa
himpilan ng pulisya. Narekober din sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may limang bala. Inihahanda na ang
kasong isasampa laban sa security guard.

Lady trader, binoga sa ulo


Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang negosyanteng ginang makaraang malapitang barilin sa ulo ng hindi pa
nakikilalang salarin habang ang biktima ay nakaupo sa harap ng KTV bar sa San Juan City, kahapon ng madaling-
araw.

Ang biktima ay kinilalang si Maria-Luz Ortoyu, 33, tubong Genaral Santos City at nakatira sa Brgy. Kabayan, San
Juan City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Johnny Raga ng San Juan PNP, nabatid na ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong
alas-2:30 ng madaling araw sa harap ng Lady Boss KTV bar sa F. Blumentrit St., sa lungsod.

Ayon sa report, kasalukuyang nakaupo at nagpapahangin ang biktima sa harap ng KTV bar ng dumating ang isang
hindi pa nakikilalang salarin na nagkunwaring bibili ng sigarilyo. Pagkalapit ng suspek sa biktima ay agad na bumunot
ng hindi pa batid na kalibre ng baril at malapitang pinaputukan sa ulo ang negosyante.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang kulay silver na kotse na hindi nakuha ang
plaka. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng San Juan police at lahat ng
anggulo ay kanilang sinisilip sa posibleng motibo ng krimen.
OPINYON
EDITORYAL - Paglilinis sa judiciary
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

ANG pagkakasibak kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong ay magandang hakbang para lalo pang
paigtingin ang paglilinis o pagrereporma sa judiciary. Hindi nag-iisa si Ong sa mga hukom na naaakusahan ng grave
misconduct at dishonesty. Marami pa sa kanila at baka mas matindi pa ang mga nagagawang kasalanan. Ang ginawa
ng Supreme Court na pagpapatalsik kay Ong ay kapuri-puri at maaaring magbalik ang tiwala ng mamamayan na
mayroon pang hustisya sa bansang ito. Marami ang nauuhaw sa hustisya sapagkat mayroong mga hukom na kayang
tapalan ng pera. Hindi kaila na maraming tumatanggap ng suhol para lamang paboran ang kanilang kaso. Mayroong
nasasadlak sa madilim at mabahong kulungan dahil sa nasuhulan ang corrupt na hukom.

Isang malaking kahihiyan sa judiciary ang ginawa ni Ong. Inilagay niya sa mababang kalagayan ang hudikatura
makaraang paboran o idismis ang kaso ng pork barrel queen na si Janet Lim Napoles. Ang kaso ay may kaugnayan sa
pagbili ng mga helmet para sa Philippine Marines noong 1998. Kinasuhan si Napoles sa Sandiganbayan subalit sa
halip na ma-parusahan, inabsuwelto pa siya ni Ong. Ayon sa mga testigo, madalas ding makita si Ong sa mga party
na kasama si Napoles. Nadiin si Ong nang paulit-ulit siyang banggitin sa Senate hearing ng whistle blowers na
tumanggap ng pera mula kay Napoles na nagkakahalaga ng P3.1 milyon. Agad namang ipinag-utos ni Supreme Court
Chief Justice Maria Lourdes Sereno na imbestigahan si Ong. Hanggang sa lumabas ang katotohanan at
napatunayang guilty si Ong sa botong 8-5. Sa pagkakatalsik ni Ong, ang lahat ng kanyang retirement benefits ay hindi
niya makukuha. Pinagbabawalan din siyang maglingkod sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Hindi karapat-dapat sa hudikatura ang mga taong hindi mapagkakatiwalaan at may mga buktot na hangarin. Dahil sa
kinang ng salapi ay nagagawang iabsuwelto ang taong sumisipsip sa kaban ng bayan. Sana, masundan pa ang
pagpapatalsik sa mga hukom na mapapatunayang gumagawa ng kabuktutan at kawalanghiyaan. Matutuwa ang
taumbayang kapag nalinis nang ganap ang hudikatura.
P-Noy hindi plastik
AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MAINAM ang nagpapakatotoo. Yung bang walang halong pagbabalatkayo sa sarili. Hindi nga ba kapag
napuna ng iba na ang inihahayag mo ay hindi akma sa totoo mong damdamin, sinasabing puro
kaplastikan ang iyong sinasabi?

Ngunit naitatanong ko sa aking sarili kung minsan. Tama ba palagi ito lalu na para sa isang Pangulo na tumitimon sa
bayan?

Sa kanyang talumpati kaugnay ng kanyang pagbisita kamakailan sa United States, inamin ng Pangulo na binalak
niyang paghigantihan ang mga may kagagawan sa pagpaslang sa kanyang amang si Sen. Benigno Aquino Jr.

Batid na ng lahat na buong-buo sa paniniwala ng pamilya ni P-Noy na si Marcos ang nagpapatay sa kanyang ama.

Posibleng sari-saring opinion ang mabubuo sa pahayag ng Pangulo. May mga magsasabing ―nagpapakatotoo lang
siya‖ at may mga magsasabi ring ―wala siyang diplomasya‖.

Sa aking palagay, okay lagi ang nagpapakatotoo pero depende sa sitwasyon. Ito‘y palatandaan ng honesty. Pero may
tinatawag na right forum o tamang lugar para dito. Hindi ko matiyak kung ano ang reaksyon ng mga nakarinig, lalu na
yung mga banyaga sa sinabi ng Pangulo.

Ang leader ng bansa, sa pananaw ko ay di na dapat magahayag na personal na emosyon. Diyan pumapasok ang ―art
of diplomacy.‖ Hindi na ang personal na damdamin ng leader ang importante kundi ang damdamin ng bawat
mamamayang Pilipino, kahit pa sila‘y ―pro-Marcos‖ o anti-Marcos.‖ Ang Presidente ay pinuno ng lahat at si P-Noy ay
Presidente pati ng mga pro-Marcos at ng mga inulilang kaanak ni Marcos.

Nang tanungin ang anak ni Marcos na si Sen. Ferdinand ―Bongbong‖ Marcos Jr. ayaw niyang magkomento tungkol sa
statement ni P-Noy maliban sa pagsasabing ―that is his personal feeling and I will not comment on it.‖ Ang batang
Marcos ay alam na ng lahat na may presidential ambition sa 2016. Hindi rin maiiwasan na isipin ng iba na ang
pahayag ni P-Noy ay naglalayong sariwain sa isip ng taumbayan na ang pagkakapaslang ng kanyang ama na si Ninoy
ay kagagawan ni Marcos. Ayon kasi sa isang survey, marami na sa mga bagong sibol na kabataang Pilipino ang limot
na ang madilim ng insidente noong dekada 70, nang ang naghahari pa noon ay si Ferdinand E. Marcos.

OFWs/ DFA/ DOLE


AMBA‘S BRIEFS Ni Roy ―AMBA‖ Seneres (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

ANG DFA at DOLE ay inaatasan ng Saligang Batas, Labor Code, Foreign Services Act at ng Migrant
Workers and Overseas Filipinos Act na protektahan ang mga kababayan natin sa ibayong dagat.

Noong nakaraang linggo, sa budget hearings ng mga ahensiya ng gobyerno sa Kongreso, tinanong ko
ang DOLE kung ilan na sa kasalukuyan ang bilang ng OFWs. Ang sagot: 4 million humigit kumulang. Nang tinanong
ko naman ang DFA, ang sagot ay 8 million kuno humigit kumulang.

Hindi magkatugma ang dalawang departamento kung ilan ba talaga ang OFWs na dapat nilang protektahan. Mabuti pa
ang inahing baboy, alam kung ilang biik mayroon siya na dapat alagaan at protektahan.

Sa pagkakaalam ko, ang OFWs ngayon ay 10 milyon humigit kumulang. Ang hinihinging budget ng DOLE para sa
proteksyon ng OFWs ay P400 million lamang humigit kumulang. At ang kalahati niyan na P200 million humigit
kumulang ay galing pa sa mga kinokolekta ng Labor Attaches bilang verification fees ng labor documents.

Ang hinihingi naman ng DFA sa gobyerno na budget para sa proteksyon ng mga OFWs ay P350 million lamang.
Kakapiranggot din. Alam n‘yo ba kung bakit? Dahil ang ginagasta ng DFA para sa mga suweldo ng ambassadors,
consuls at iba pang kawani ng embahada ay galing din sa mga ibinabayad ng OFWs para sa mga passports nila at
mga dokumento na pinaa-authenticate nila sa mga embahada.

Katulad ng DOLE, obligasyon ng DFA na protektahan ang OFWs. Dapat galing sa gobyerno ang pera na gagamitin
para sa kanilang proteksyon at hindi galing sa OFWs mismo.

Paiimbestigahan ko sa Kongreso sa mga susunod na araw ang irregularidad na ito. In the meantime, dapat
magtrabaho nang husto ang ambassadors, labor attaches at welfare officers para sa kapakanan ng OFWs na
nagpapasuweldo sa kanila.

DOH: TSEK tayo sa breastfeeding


DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

AYON sa DOH, ang breastfeeding ang sagot para maging matalino, malusog at iwas-sakit ang inyong anak. Alamin
ang TSEK:

T: TAMA ang pag-breastfeeding. Tama ang paglagay kay baby sa dibdib ng nanay mula sa pagkasilang hanggang sa
makasuso kay mommy. Paglabas ng sanggol sa sinapupunan, ipatong agad ang sanggol sa tiyan ng nanay.

Hindi na kailangang i-suction o i-pump ang ilong ng bata tulad ng dating ginagawa ng mga doktor. Ipatihaya lang ang
sanggol para mailabas ang mga ―secretions‖ mula sa ilong at bibig. Maghintay ng 1 hanggang 3 minuto, bago putulin
ang umbilical cord. Ito‘y para maipasa pa ng nanay ang dugo at sustansya papunta sa sanggol.

Tama ang pag-breastfeed sa loob ng isang oras pagkapanganak. Kahit konting breast milk pa lamang ang maibigay
kay baby ay sapat na ito. Napakahalaga po ng tinatawag na ―first milk‖ o ―unang gatas‖ Ito ay ang Colostrum na
napakasustansya para kay baby.

S: SAPAT ang dami ng gatas ng nanay. Kaunting breast milk lang ang kailangan ni baby sa mga unang linggo ng
buhay. Habang nagpapasuso nang madalas ang nanay, mas dadami pa ang gatas na mailalabas niya. Kumain ng
masustansya at magtiyaga sa pagpapadede para dumami ang inyong gatas.
EK: EKSKLUSIBO ang pag-breastfeeding hanggang 6 na buwan. Ito‘y dahil kumpleto na sa sustansya at tubig ang
breast milk. Wala nang tatalo sa sustansya, bitamina, at dagdag panlaban sa sakit mula sa gatas ng ina. Kung
ihahambing natin ito sa pag-inom ng ordinaryong gatas, mas lalakas at mas tatalino ang inyong anak sa breast milk.

Tandaan: Gatas ng ina para sa anak ng ina. Hindi gatas ng baka para sa anak ng ina. Kahit noong panahon pa ni
Moses at Jesus, number one na talaga ang gatas ng ina.

Para lumakas ang nanay, kailangan niya ng tamang nutrisyon habang nagpapadede. (1) Kumain ng masustansya
tulad ng gulay, isda at kanin; (2) Uminom ng 12 basong tubig bawat araw. Mas maraming tubig ang kailangan ng
nanay dahil 2 na ang kanyang pinapakain.

May mga nanay na nagsasabi na kulang sila sa gatas. Sabi ng iba, maliit ang kanilang suso. Para sa karamihan ng
nanay (lampas 95%), mali lang ang paraan ng pagpapadede sa sanggol. Kulang lang sa kaalaman sa tamang
paglabas ng breast milk.

Sayang naman po ang dagdag benepisyo ng breastmilk kung ihihinto natin ito agad. Magtiwala tayo sa gawa ng Diyos.
Ang breast milk ng nanay ay masustansya na, at matipid pa.

2 Kongresista lihim na nagpakasal


ORA MISMO Ni Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

SECRETLY LOVE, kaya naman nagpakasal last Sept. 9, 2014 sa isang 5 - star hotel sa temakats sina
Las Piñas Rep. Mark Villar, anak nina dating Senator Manny Villar at incumbent Senator Cynthia Villar at
siempre ang bride ay si Diwa party-list Rep. Emmeline Yan Aglipay, anak ni dating CPNP Edgar Aglipay
at Marinette Yap matapos magkaroon ng isang simpleng seremonya at ikasal ng isang Huwes.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa October 1 ang church wedding ng newly wed at sa isang
simbahan sa Singapore ito gagawin.

Ika nga, Best Wishes at Congratulations sa inyong dalawa!

Mabuhay kayo at sana magkaroon kayo ng maraming anak.

Abangan.

NAIA isasapribado
ALAM ninyo bang balak ng gobierno na ibigay ang operation at maintenance sa isang pribadong sector na magwawagi
sa pasubasta ng DOTC para patakbuhin o pamahalaan ang Ninoy Aquino International Airport.

Naku ha!

Totoo kaya ito?


Baka drawing?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang bright people ngayon ang gumagawa ng paraan o
tumatrabaho para sa Public - Private Partnership na proyekto.

Sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag ang NAIA ay hindi agad nagawan ng solusyon
magkakaroon ito ng malaking problema sa mga pasahero nito sa susunod na 2015 porke inaasahan na dadagsain ng
mga banyaga at turista ang Philippines my Philippines kaya malamang mag-over the bakod este mali capacity ang
paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, milyon madlang international passengers ang gumagamit sa
NAIA puera pa siempre rito ang milyon domestic passengers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, target na ilipat sa Sangley Point dyan sa tekabets ang NAIA sa
susunod na mga taon.

Bakit?

―Kayang - kaya saluing ang taksan - taksang pasahero sa Sangley Point.‘

Abangan.

Boxing - ball
HALOS natulala ang madlang people sa nangyaring bugbugan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College NCAA
basketball players at Mapua NCAA basketball players dahil hindi nila akalain na uso pa pala ito sa nasabing liga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napanood ito sa tv ng madlang mahilig sa NCAA basketball,
mapa-bata o matanda, may baktol o wala, bungal o pustiso ang ngipin, pipi at bingi kaya naman halos hindi sila
makapaniwala sa nakita?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binigyan na sila ng ‗penalties‘ siempre kasama rito ang mga
referee na diumano‘y hindi nakontrol ang larong basketball sa pagitan ng dalawang naglalaban kolehiyo.

‗Sana hindi na ito maulit pa.‘ sabi ng kuwagong nalinlang.

‗Dapat lang dahil kung ganito ng ganito ang mangyayari sa NCAA basketball league huwag na lang sila maglaro sa
boxing na lang luminya ang mga maiinit na basketball players at baka tanghalin pa silang world champion? ayon sa
kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kamote, korek ka dyan!


PALARO
Bulldogs humirit ng „do-or-die‟ sa Final 4
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Nadaganan ni Gideon Babilonia ng Ateneo si NU import Alfred Aroga habang nakatingin sina Kiefer Ravena at Von
Pessumal. (Kuha ni Joey Mendoza)

Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

4 p.m. FEU vs La Salle (Final Four)

MANILA, Philippines - Bagama‘t nasayang ang itinayong 15-point lead sa fourth quarter ay nakabalik pa rin sa
kanilang porma sa dulo ng laro ang Bulldogs para pumuwersa ng ‗do-or-die‘ laban sa ‗five-peat‘ champions na Blue
Eagles.

Nagsalpak si guard Angelo Alolino ng dalawang krusyal na free throws, habang tumipa si Nigerian import Henri Joel
Betayene ng split para ipreserba ang 78-74 panalo ng No. 4 National University laban sa No. 1 Ateneo De Manila
University sa Final Four ng 77th UAAP men‘s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bitbit ng Blue Eagles, tinalo ng Bulldogs sa pang-limang sunod na pagkakataon sa loob ng dalawang seasons, ang
‗twice-to-beat‘ advantage at maaari pang makapasok sa UAAP Finals kung mananalo sa Miyerkules.
Matapos kunin ng NU ang isang 15-point lead, 68-53, sa 8:04 minuto sa final canto, nagtuwang naman sina Kiefer
Ravena, Chris Newsome at Alfonzo Gotladera para idikit ang Ateneo sa 63-68 sa huling 2:37 minuto ng laro.

Huling nakalapit ang Blue Eagles sa 74-75 mula sa salaksak ni Ravena sa natitirang 23 segundo.

Kasunod nito ay ang mga charities nina Alolino at Betayene para sa panalo ng Bulldogs.

Tumapos si Jhay Alejandro na may 20 points para pamunuan ang NU kasunod ang 16 ni Alolino, 12 ni Glenn
Khobuntin at 11 ni import Alfred Aroga.

Humugot naman si Ravena ng 15 sa kanyang game-high na 24 markers sa fourth quarter para sa Ateneo, habang
may 14 si Chris Newsome. (RC)

NU 78 - Alejandro 20, Alolino 16, Khobuntin 12, Aroga 11, Rosario 6, Diputado 5, Javelona 4, Neypes 2, Betayene 2.

Ateneo 74 - K. Ravena 24, Newsome 14, Elorde 12, Pessumal 7, Capacio 6, Tolentino 6, Gotladera 3, T. Ravena 2.

Quarterscores: 24-14; 44-32; 60-50; 78-74.

Lumaylay ang kampanya


Ni Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

INCHEON, South Korea — Patuloy na inaalat ang Team Philippines matapos kumawala ang inaasahang unang
gintong medalya nang mabigo si Jean Claude Saclag sa finals ng wushu sa 17th Asian Games dito.

Natalo si Saclag kay Hongxing Kong ng China, 0-2, sa men‘s Sanda-60kg para makuntento sa silver medal.

Patuloy ang pagratsada ng China sa paghakot ng 54 golds, 30 silvers at 26 bronzes kasunod ang South Korea (26-23-
23), Japan (19-27-27) at Kazakhstan (5-6-13), habang nasa ika-19 ang Pilipinas (0-2-1).

Sa men‘s boxing, nagtala ng panalo sina bantamweight Mario Fernandez at lightweight Charly Suarez.

Sa men‘s tennis, umusad si Patrick John Tierro sa second round matapos igupo si Ho Tin Marco Leung via straight
sets, 6-2, 6-1.

Sunod na makakaharap ng Pinoy netter si Korean Hyeun Chung.

Hindi umubra si Denise Dy kay third seed si Misa Eguchi ng Japan, 6-3, 6-0 sa women‘s match.

Sa kabila naman ng paglangoy ng bagong Philippine record na 2:02.84 ay nabigo pa rin si swimmer Jasmine Alkhaldi
na umusad sa finals ng women‘s 200m freestyle nang tumapos sa ika-9.
Binura ni Alkhaldi ang sariling record na 2:03.13 na kanyang nairehistro noong Hulyo ng 2013.

Sibak na rin si Jessie Khing Lacuna nang tumapos na ika-13 sa oras na 55.18 segundo sa men‘s 100m breaststroke.

Pang-anim sina Pinoy rowers Edgar Ilas at Nestor Cordova sa double sculls Final A, habang bumagsak si Benjamin
Tolentino Jr. sa pang-pitong puwesto sa lightweight men‘s single sculls Finals B.

Matapos matalo sa Finals ng 2013 FIBA-Asia Gilas Pilipinas


reresbakan ang Iran
Ni Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Laro Ngayon

2 p.m. (1 p.m. Manila time) Gilas Pilipinas vs Iran

INCHEON, South Korea -- Muling maghaharap ang Gilas Pilipinas at ang Iran sa isang ‗grudge match‘ ngayon sa
men‘s basketball competition ng 17th Asian Games sa Hwaseong Basketball Gym dito.

Haharapin ng Nationals ang mga Iranians at determinadong ipaghiganti ang kanilang pagkatalo sa finals ng 2013 FIBA
Asia Championship na inilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

―Our mission here is not only win the gold but also to avenge our defeat to Iran in the last FIBA-Asia. I told the boys to
play their best and give their best shot out there because the Iranians are a hard nut to crack,‖ sabi ni head coach Chot
Reyes matapos talunin ang India, 85-76, sa una nilang laro.

Inilampaso naman ng Iranians ang Indians, 76-41, sa kanilang unang asignatura.

Matinding pinag-aralan ni Reyes ang laro ng Iran para makagawa ng epektibong stratehiya kung paano tatalunin ang
matatangkad at malalaking mga Iranians sa kanilang muling paghaharap na inaasahang magiging kapana-panabik
dahil ang dalawang koponan ay mga top contenders sa basketball sa Asian Games sa tatlong beses na paglalaro sa
Korea sapul noong 1986 sa Seoul at 2002 sa Busan at huling idinaos sa Guangzhou, China.

Sinabi ni Reyes na gagamitin nila ang bilis upang matabunan ang height advantage ng mga Iranians, ang kasalukuyan
kampeon sa FIBA-Asia.

―We will bank on our quickness and sharp shooting. Papagurin natin sila sa pamamagitan ng bilis at quick penetration,‖
dagdag pa ni Reyes.

Inaasahang pangungunahan ni naturalized center Marcus Douthit ang opensa at depensa ng Gilas Pilipinas katulong
sina LA Tenorio, Jeff Chan, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro, Gabe Norwood, Jared Dillinger, June Mar Fajardo,
Gary David at Marc Jean Pingris.
Ang labanan ng dalawang bansa na magkaiba ng kultura at religion ay ‗no bearing‘ na dahil pareho na silang pasok sa
quarterfinal round.

Saclag nadiskaril sa gold medal


Ni Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

INCHEON, South Korea -- Nabigo si Jean Claude Saclag sa hangaring bigyan ng kauna-unahang gintong medalya
ang Pilipinas nang lumasap ng 0-2 pagkatalo kay Hongxing Kong ng China sa pagtatapos ng sanda competition sa
Ganghwa Dolmens gymnasium kahapon dito.

Ginawa ni Saclag ang lahat para maipanalo ang laban pero nakuntento na lamang siya sa silver medal sa men‘s -60kg
category.

Ito ang ikalawang pilak na medalya ng Pilipinas at ikatlo sa kabuuan na lahat ay mula sa wushu.

Si Daniel Parantac ay nakakuha ng silver sa taijiquan event, habang ang sanda player sa men‘s -56kg. na si Francisco
Solis ay nag-ambag ng bronze medal.

Kinapos naman si Divine Wally ng isang panalo para sa medal round sa women‘s 52kg., habang si Clemente
Tabugara Jr. ay natalo agad sa unang laban.

Si Evita Elise Zamora ay hindi naman nakalaro dahil sa inury na tinamo habang nagsasanay sa China.

Ang pagtatapos na ito ng Pilipinas ay mas maganda kumpara sa isang bronze na naabot ni sanda athlete Mark
Eddiva sa men‘s 65kg. noong 2010 sa Guangzhou, China.

Ang pinakamagandang pagtatapos ng bansa sa wushu ay noong 2006 sa Doha, Qatar nang humakot si Rene Catalan
ng gold sa men‘s -52kg., habang si Eduard Folayang ay kumuha ng silver sa 70kg.

Tatanggap sina Saclag at Parantac ng P500,000.00 bilang cash incentive at si Solis ay may P100,000.00.

Parantac magtuturo ng wushu


(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

INCHEON, Korea — Bago pa man makamit ang silver medal sa wushu event sa 17th Asian Games ay may pangako
na si Daniel Parantac sa kanyang sarili.

Plano ng graduating secondary education student ng University of the Cordilleras na magturo ng wushu.

Tatlong buwan na lamang at makakamit na ni Parantac ang kanyang major degree sa MAPEH—pinagsamang mga
subjects sa music, arts, physical education at health.
Ang wushu ay mas kilala bilang kung-fu na sinasabi ni Daniel at ng kanyang kapatid na si Denver na hihikayat sa mga
bata.

―I got attracted to wushu when I saw a group of people whom I thought were practicing karate-do while we were
jogging at the Burnham Park in Baguio,‖ ani Parantac, tinuruan ng wushu ni Tan Sui Tong Candelaria o mas kilala
bilang si ‗Tsing Tsong Tsai‘ na sumikat noong 1970‘s.

SHOWBIZ
Pelikulang Norte na apat na oras ang running time isasali sa
Oscars
Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang pelikula palang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Director Lav Diaz ang napili ng Film
Academy of the Philippines (FAP) para ipadala sa mga pelikulang puwedeng makasali sa Best Foreign Language
Film category sa Oscar Awards next year.
Nauna nang nakasama ang obra ng batikang director sa The best films of 2013 ng British Film Institute/Sight and
Sound list. Nasa no. 9 ang Norte sa nasabing listahan.
Nakasama rin ito sa ginanap na Cannes Film Festival at nanalo na rin sa ibang international film festivals. Maging
sa Urian ay nagwagi ito ng best picture at best actress for Angeli Bayani.
Sina Sid Lucero at Angeli Bayani ang mga bida ng movie.
Apat na oras ang running time ng Norte na kuwento tungkol sa crimes and family.

James at Nadine ayaw magpabaya, aminadong kayang habulin ang Kathniel


Hindi raw sasayangin ng magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala sa tawag na JaDine,
ang magandang takbo ng kanilang karera ngayon at itinuturing na pangalawang pagkakataon nila sa showbiz kaya
naman iwas daw muna sa pakikipagrelasyon ang dalawa. Ito ang ilan sa mga ibinahagi nila sa Tapatan Ni Tunying na
mapapanood ngayong Huwebes (Setyembre 25).
“Naranasan kasi naming mawala „yong opportunity kasi medyo napabayaan, hindi sineryoso, at hindi nagfocus. Ayaw
na namin maulit iyon,” sabi ni Nadine.
Unang nabigyan si James ng break sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen
Clash, ngunit hindi niya itinuloy ang pag-arte dahil nalilito at hindi pa raw siya sigurado sa tatahakin niyang karera
noon.
“Parang „di ako masyadong seryoso dati. Bata pa ako. Hindi ko pa noon alam kung ano talaga ang gusto kong
gawin,” kuwento naman ni James.
Nagsimula naman sa telebisyon at pelikula si Nadine noong siya‘y bata pa, subalit aminado siyang marami siyang
oportunidad na pinalampas.

“Nagkaroon ako ng teleserye at pagkatapos noon medyo natengga ako. Kasi noong time na gumagawa ako ng mga
teleserye parang nilalaro ko lang. Hindi ko po siya masyadong sineryoso,” pag-amin ni Nadine.
Matapos ang kanilang pinagdaanan, umingay ang pangalan ng dalawa nang pumatok ang mga pelikulangDiary ng
Panget at Talk Back and You‟re Dead na pinagbidahan nila. Kamakailan lamang ay pumirma sila ng exclusive
contract sa ABS-CBN at malapit ng bumida sa weekend seryeng Wansapanataym Presents My App Boyfie.
Nang tanungin kung kaya bang pantayan ng JaDine ang kasikatan ng loveteam nina Kathryn Bernardo atDaniel
Padilla o mas kilala sa tawag na KathNiel, sagot ni Nadine, “Siguro po pero matagal pa. Marami pa kaming kailangan
pagdaanan.”
Megan Young hindi totoong extended ng one year ang pagiging
Miss World
TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Hindi believable ang kumakalat na tsismis na extended for another year ang reign ni Megan Young bilangMiss
World.
Dapat paniwalaan ang tsismis kung nanggaling ang kumpirmasyon mula kay Cory Quirino, ang executive director
ng Miss World Philippines or kung nakalagay sa social media accounts ng Miss World ang official announcement
ni Julia Morley, ang misis ni Eric Morley na founder ng Miss World.
Napakadali rin na tanungin si Megan dahil open to the public ang kanyang mga social media account.

Hindi basta pinaniniwalaan ang mga tsismis na walang kumpirmasyon mula sa mga tao na tunay na may kinalaman
sa contest. Hangga‘t walang official announcement, hindi dapat seryosohin ang tsismis na nababalitaan natin.

Birthday ni Bong mas naging memorable sa selda


Happy birthday today to Senator Bong Revilla, Jr. Perfect health at matapos na sana ang mga pagsubok na
pinagdaraanan niya ang birthday wishes ko kay Bong.
Memorable ang birthday ni Bong dahil gugunitain niya ito sa loob ng PNP Custodial Center ng Camp Crame. First time
na hindi makakasama ni Bong sa kanyang kaarawan ang libu-libong supporters niya mula sa Cavite province.

Ciara parang hindi buntis ang hitsura


Hindi pa alam ang gender ng ipinagbubuntis niCiara Sotto pero marami ang nanghuhula na baby girl ang magiging
panganay nila ng kanyang mister na si Jojo Oconer.
Blooming na blooming kasi si Ciara nang umapir ito kahapon sa presscon ng Hari ng Tondo. Walang mag-aakala na
buntis siya dahil hindi pa nagbabago ang korte ng kanyang katawan.
I‘m sure, malaki ang naitulong kay Ciara ng pole dancing kaya batak na batak ang kanyang katawan.

Pareho ang pagbubuntis nina Ciara at Ara Mina na blooming din, kahit pitong buwan na ang baby girl sa kanyang
sinapupunan.
Young actor laging tulala
Worried ang mga nagmamalasakit sa isang young actor na palaging nawawala sa sarili.

Kung hindi tulala, parang nasa ibang mundo ang young actor na ngayon pa lang sumisikat pero nahihirapan yata na i-
handle ang kanyang popularity.

Naglalabasan na rin ang mga nasty rumor tungkol sa kakaibang bisyo ng young actor. Wish ko lang, hindi totoo ang
mga tsismis or else, tiyak na mawawala ang mga suwerte na tinatamasa niya sa kasalukuyan. Hindi dapat pakawalan
ng young actor ang malalaking oportunidad na dumarating sa kanya.

Huwag niyang tularan ang young actor na sikat na sikat noon pero nag-dive ang career dahil nalulong sa masamang
bisyo.

Pinipilit ng young actor na makabalik at marami ang nag-attempt na tulungan siya pero nabigo dahil hindi pa rin
nagbabago ang kanyang ugali. Wala nang nagtitiwala sa has-been young actor dahil hindi nito tinupad ang pangako
na magbabago na siya, magiging professional sa work at tatalikuran na ang pangit na bisyo.

Jasmine naunahan pa si Anne kay Ate Guy


Very supportive si Anne Curtis sa kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith.
Iniimbitahan ni Anne ang kanyang fans na suportahan at panoorin ang Dementia dahil kasali dito si Jasmine.
Importante ang role ni Jasmine sa unang movie directorial job ni Perci Intalan na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Nakipagtagisan si Jasmine ng acting kay Nora Aunor. Naunahan pa ni Jasmine si Anne na makatrabaho sa pelikula si
Nora.
KC ipinilit na kaibigan lang si Paulo
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Sa programang Kris TV ay iginiit ni KC Concepcion na magkaibigan lamang sila ni Paulo Avelino at


wala silang relasyon. “Promise, I‟m not dating anyone right now. We have connection talaga for sure. He
is really one of my best friends for sure. Mahaba pa ang ilalakbay ng career ni Pau. Marami pa siyang
pwedeng gawin, priorities. Pati din naman ako,” pahayag ni KC. Ang pinagtutuunan daw ng panahon ni
KC ngayon ay ang kanyang mga trabaho. “Hindi ba may season ang life? Ito ang season ng life na masarap munang
mag-work. So going back to my love life, ang love life ko talaga ay best friendship. Pero gusto ko talagang magkaroon
ng relationship na parang pwede na,” dagdag ni KC.
Gustong makasiguro ng dalaga na hindi na siya masasaktang muli kung papasok sa bagong relasyon.“Kasi siyempre
ako kapag may relationship na ako, siyempre kahit paano ay may commitment at kahit paano ay gusto kong magtuloy-
tuloy na siya. Kasi ayaw ko magka-boyfriend tapos heartbreak. Parang ayaw ko na parang heartbroken ka na naman.
Although siyempre the more you get closer to the person the more na maa-attract ka,” paliwanag ni KC.
Kahit hindi kasintahan ng aktres si Paulo ay madalas pa rin daw magkasama ang dalawa. “He visited my lola (Elaine
Cuneta). Kahit paano nakilala niya „yon before so there was a time na nalaman niya na naospital si Mita, bumisita siya
at nagpadala siya ng flowers, mabait naman si Pau. Tapos dumating ang point na nakita niya na nai-stress talaga ako
and then parang sabi niya, you need to get out of here even for just 30 minutes or an hour. So „yun, nag-dinner kami.
Hanggang ganoon lang,” kwento ng aktres.
Karylle naghahanda nang mabuntis
Nalalapit na ang pagpapakasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Masaya raw ang dating kasintahan ng aktor
na si Karylle para sa dalawa. “Ako kasi wala na ako sa eksenang „yun. So ayoko naman din sumingit,” natatawang
pahayag ni Karylle. “Everyone deserves to have a wonderful wedding and that‟s what I‟ve experienced and until now I
can‟t stop talking about our wedding. So huwag natin sirain „yung maganda. Maganda „yun eh,” dagdag pa niya.
Ilang buwan na ring kasal si Karylle kay Yael Yuzon pero hanggang ngayon ay hindi pa nagbubuntis ang aktres kaya
maraming nagbibigay ng payo sa mag-asawa. “Iba-iba „yung mga advice so pinaplano na hindi. I want a baby at this
age or after a year. Parang masyado daw grabe „yung pressure. So ako may plano at the back of my head pero ayoko
masyado isipin. Slowly talaga, I‟ve been preparing myself like I want a water birth. So I‟m preparing myself mentally for
that, little things like that. Working towards that direction,” pagtatapos ni Karylle.
Reports from JAMES C. CANTOS

Pero mga iniregalo ipinasoli ng boss TV reporter umaming


nakipagrelasyon sa beking malandi!
UBOS Ni Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Kapag may nagaganap na kalamidad sa ating bayan ay palaging nakakaladkad sa mga kuwentuhan ang
masaklap na karanasang pinagdaanan nu‘ng ng isang news reporter ng isang malaking network.

Spell M (read: may matinding pangangailangan) nu‘n ang reporter, marami siyang obligasyong dapat panagutan, kaya
kumapit siya sa patalim.

Sabi nga, ang taong nalulunod, kahit sa tingting ay kumakapit. Nakipagrelasyon ang male news correspondent sa
isang milyonaryong beki.

Hindi lang ang pambayad niya sa mga kautangan ang ibinigay sa kanya ng madatung na beki, niregaluhan din siya
nito ng mga bonggang stuff, tulad ng mamahaling telepono, iPAD, computer set at laptop.

At hindi lang ‗yun. Umalis ng Maynila ang male reporter na iilang damit lang ang kanyang dala-dala, puro luma pa,
pero nu‘ng nakakailang araw na ang relasyon nila ng mayamang beki ay puro branded na ang kanyang isinusuot.

Buhay-mayaman ang male correspondent, tapos na ang kanyang coverage tungkol sa naganap na kalamidad sa
nasabing probinsiya ay hindi pa rin siya bumabalik sa kanilang opisina, kaya nakahalata na ang kanilang hepe.
May naiinggit sa espesyal na kapalarang dumating sa news reporter, ini-report nito sa departamento ng malaking
network ang mga nagaganap, kaya kinausap nang masingganan ng kanilang news head ang male reporter.

Kuwento ng aming source, “Nabuking ang pagkapit niya sa patalim. Lahat ng iniregalo sa kanya ng powerful at
mayamang beki sa probinsiyang in-assign sa kanya, ipinasoli ng boss nila.
“Binigyan din siya ng disciplinary action, ilang linggo siyang hindi pinagtrabaho, kesehodang bumagyo man, may
bulkang pumutok at kung anu-ano pang kalamidad,” kuwento ng impormante.
Kilalang-kilala ang mayamang beki sa pagiging paboloso, kaya pati mga pamosong hunk actors, nagpupunta sa
kanyang probinsiya para sa isang gabing pagbibigay ng kaligayahan sa kanya.

Aaaaawwww!!!! Ubos!

Mga alipores ni Nora Aunor nakuryente, taong nagpapakilalang kaibigan nagtarak ng punyal!
GALIT na galit sa amin ni Richard Pinlac ang mga Noranian. Nilait-lait daw kasi namin si Nora Aunor sa aming
programa sa radyo (Cristy Ferminute, 4-6pm, 92.3 News FM-AKSYON TV-41) nu‘ng nakaraang Huwebes nang
hapon.
Maging ang manager ng Superstar na si Boy Palma ay buong-ningning na nagsabing galit sa amin ang kanyang alaga
na para bang kung galit nga sa amin ang aktres ay hindi na kami kakain kinabukasan.
Natunton namin ang dahilan kung bakit. Habang umeere pala kami ay abalang-abala naman si Ronald Carballo sa
pagte-text kay Boy Palma at kay William Reyes na isinulat ang palpak na kuwento ni Ronald sa PEP.
Naniwala naman si Nora Aunor, si Boy Palma at ang mga Noranians, kaya kung anu-anong pamba-bash ang ginawa
ng mga ito sa amin ni Richard sa social media.

Nu‘ng Martes nang hapon ay ipinarinig uli namin sa publiko ang TOA (tape on air) ng aming episode nu‘ng nakaraang
Huwebes kung saan sinasabi ni Ronald Carballo na kung anu-anong derogatory remarks ang ikinabit namin sa
pangalan ng Superstar.

Tinawag pa raw naming walang utang na loob si Nora, kesyo pinagalitan pa raw namin ito sa himpapawid, at kung
anu-ano pang mga inimbentong kuwento na sinulat naman ni William Reyes.

Palpak na source si Ronald Carballo, wala sa TOA ang mga impormasyong isinubo nito kay William, sa kagustuhan ni
Ronald na lumapad ang kanyang makitid na papel kay Nora Aunor ay kami ni Richard Pinlac ang kanyang isinalang sa
alanganin nang walang kalaban-laban.

Sa bandang dulo ng programa ay nag-text sa amin si Ronald Carballo na todo ang paghuhugas-kamay. Mali raw ang
pagkakasulat ni William sa mga ibinigay nitong impormasyon, hindi raw ganu‘n ang kanyang pagkakasabi, problema
na nila ngayon ni William Reyes ang aming iiwanan.

Tama. May mga tao talagang nagpapakilala at pumoposturang kaibigan pero hindi naman pala. May mga taong
pinakisamahan mo na nga nang mabuti at itinuturing na hindi iba, pero ‗yun pa pala ang magpapahamak sa iyo, ang
magtatarak ng punyal sa iyong likuran.
Marian Rivera rumampang may suot na wedding veil sa
Disneyland
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

SEEN: Nanghihinayang si Robert Arevalo dahil hindi siya nakadalo noon sa awards night ng 2014 Cinemalaya
Philippine Independent Film Festival. Si Robert ang best actor winner ng 2014 Cinemalaya dahil sa kanyang
pagganap sa Hari ng Tondo. Nagsalita si Robert na kung maibabalik lamang ang panahon, pupunta siya sa awards
night upang personal na tanggapin ang best actor award trophy.
SCENE: Si Martin del Rosario ang gumanap na Romano Vasquez sa life story ni Romano na isinadula
ng Wagas ng GMA News TV. Naging macho dancer noon si Romano at pumayag si Martin na mag-macho dancing sa
mga eksena niya sa Wagas.
SEEN: Ang panawagan na i-boycott ang Bench dahil marami ang na-offend para sa foreign girl na ginawang ―pet‖
ni Coco Martin at pinaglakad sa stage na parang aso sa The Naked Truth fashion show noong Sabado.
SCENE: Ang public apology sa Facebook account ng Bench tungkol sa binabatikos na insidente na inalis din
nila kahapon.
SEEN: Dumating kahapon sa bansa ang American singer na si John Legend. Nakatakda sa September 26 ang
concert ni Legend sa Smart Araneta Coliseum.
SCENE: Ang pagrampa ni Marian Rivera sa Disneyland Hong Kong, suot ang wedding veil na parte ng unang bridal
shower para sa kanya.
SEEN: Dinudumog ng aspiring stars ang nationwide auditions ng Starstruck 6. May audition ngayon at bukas sa
Souvenir Room ng GMA-7 Annex Building.
SCENE: Contract star ng Viva Films si Matt Edwards, isa sa mga official racer ng The Amazing Race Philippines
Season 2 ng TV5.Ang kanyang girlfriend na si Phoebe Walkerang teammate ni Matt.
Away mag-asawa nina Derek at ex-wife may panibagong
rebelasyon
PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

PIK: Bago umalis si Marc Pingris patungong Korea para sa laban ng Gilas Pilipinas sa Asian Games,
nagpaunlak ito ng interview sa Startalk kasama si Danica Sotto.
Nagpasalamat si Marc sa suporta ng mother-in-law niyang si Dina Bonnevie dahil sumama pala itong nanood sa
laban nila sa FIBA World Cup.
Ngayon naman sa Asian Games ay nangako rin daw si Bossing Vic na panoorin sila.
Hindi nakapunta si Bossing Vic sa Korea, pero updated naman daw sila at tuwang-tuwa nga ito sa huling laban nila
kung saan nanalo ang kanilang team.

PAK: Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nakaraang The Naked Truth fashion show ngBench dahil sa
ilang tumitira sa kanila sa ilang ginawa nila sa naturang show.
May mga pumuna sa halikan ng dalawang babae sa segment nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, at ang babaeng
dancer na naka-leash na hatak hatak ni Coco Martin. Napaka-sexist ng dating nito sa kanila, kaya may ilang tumitira
sa social media.
Kaya humingi ng paumanhin ang Bench sa mga na-offend sa naturang palabas. Pero marami pa rin ang natuwa at
nag-enjoy sa naturang show.

Ang kapansin-pansin lang, ang ilang tumitira ay hindi naman nakapanood sa naturang show.

BOOM: Maaaring magharap uli ngayon sinaDerek Ramsay at Mary Christine Jolly sa tanggapan ni Asst. City
Prosecutor Erwin Dimayacyac ng Makati Prosecutor‘s Office.
Dito malalaman kung magkakasundo na nga sila at magkakaroon ng settlement.

Pero narinig naming may mga rebelasyong mabubunyag sa hearing at maayos na silang magkakausap para sa
kanilang anak.

Hindi pa rin kasi natiyak kung magkakaroon ng settlement, kaya abangan na lang mamaya kung itutuloy ni Mary
Christine ang pag-file ng kanyang reply affidavit at kung sasagutin din ba ito ni Derek.

Pakiusap na „wag tawaging tita si Lea Salonga, walang


masama
THAT‘S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014
- 12:00am

Eh ano rin kung ayaw patawag na tita ni Lea Salonga? May nasaktan ba siya? Wala naman, ‗di ba? Isang simpleng
pakiusap lang ito na mas madaling tawagin siya sa pangalan niya, kaysa lagyan pa ng tita o ate ‗di ba? Anong
masama rito?
Regine malakas sa lahat ng network
Laban kayo kay Regine Tolentino? Aba eh bukod tangi siyang Kapuso na wini-welcome sa dalawang network na
mahigpit na kalaban ng GMA 7, ang ABS-CBN at TV5. Napapanood na siya regularly sa Unang Hirit tapos, host din
siya ng reality show ng mga pre-schoolers sa GMA 7. Other days, nasa TV5 siya. Aba, Regine, ang lakas-lakas mo
naman sa mga network hah!
Tom itinago lang ang bukol sa padding?!
Nag-padding daw si Tom Rodriguez sa pagrampa niya kamakailan sa isang napaka-controversial na underwear
fashion show? O, eh ano naman. Baka hindi lang niya gustong bumakat ang manoy niya o maaninag ito nang
husto. Ano‘ng reklamo n‘yo, dahil hindi n‘yo ito nasilayan ng buo? Dusa kayo!
Ruffa magja-judge sa TV show ng mga supermodel sa
Singapore
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Pagkatapos mag-host kasama si Raymond Gutierrez ng after party ng F1 Singapore, babalik sa Lion City si Ruffa
Gutierrez dahil naimbitahan siyang mag-judge sa Season 2 ng Supermodel Me. Premiere ng show sa November 24
at mapapanood sa Diva Channel TV.
Sa Instagram (IG) niya, maraming pictures si Ruffa na kuha sa after party at kasama ang celebrities sa Singapore.
Tanggap na siyang celebrity sa Singapore at pati sa Kuala Lumpur.
Samantala, masipag mag-promote ng Season 2 ng It takes Gutz to be a Gutierrez si Ruffa at gusto namin ang
plugging na New Beginnings. New Directions. New Chaos and more drama. Sa presscon, nag-sample sina Ruffa
at Annabelle Rama ng ―More drama‖ na nagsimula sa pahayag ni Ruffa na ready na siya to fall in love again.
Natuwa sa kanila si Mr. Scott Mackenzie, NBC Universal VP for Channels in Asia Pacific at ang director na si Karen
Wiggins na sabi, Annabelle talks about sex a lot.
Young actor na dismayado sa karir magpipiloto na lang
Totoo kaya ang nabalitaan naming tila give up na ang young actor (YA) na ito sa kanyang career at magpu-full time
student na lang? Tatapusin na lang daw ni YA ang kontrata niya sa network at balik-eskwelahan na siya.

Kahit may shows si YA, hindi siya masyadong nabibigyan ng highlight. Sa isang interview, inamin nitong sumama ang
loob nang alisin sa isang show na naipakikita niya ang talent sa pagkanta.

Hindi na raw siya babalik sa show kahit kunin siya uli. Sa ngayon, tila nawalan na ng gana si YA sa kanyang career.
Sayang dahil may looks at talents siya, kailangan lang i-push.

Sinabi na ni YA sa ama ang kagustuhang mag-aral para maging piloto at gagastusan ng ama ang kanyang tuition
hanggang makatapos.

Mga bagong libro ni Rita, para pa rin sa kanyang namatay na anak


Binigyan kami ni Rita Avila ng third book niyang Ang Hindi Nakikitang Pakpak /The Invisible Wings.Binigyan din
niya kami ng 8 Ways To Comfort with Grace at Si Erik Tutpik at si Ana Taba. Gaya sa nauna niyang libro,
dedicated ni Rita sa pumanaw nilang anak ni director FM “Erick” Reyes na si Elia Jesu E. Reyes ang libro.
Bida sa third book sina Popoy, Mimay at Pony, ang alagang dolls ng mag-asawa. Magugustuhan pang lalo ng mga
bata ang libro dahil sa magandang guhit ni Jean Carla Molina. Mabibili ang libro sa St. Paul‘s Bookstore sa SM malls
at Gateway Mall.
Sa book signing ni Rita last Sunday sa SMX Mall of Asia, dumating si Marian Rivera na very close sa kanya at todo
ang suporta kina Rita at direk Erick. Bumili at nagpapirma rin si Marian ng copy niya at kuwento ni Rita, halos magiba
ang booth dahil nagkagulo ang tao.
Humabol din si Jean Garcia na laging nakasuporta sa kapwa aktres at dumaan din sina director Joven
Tan, Mrs. Julie Torres na mommy ni Cong. Lucy Torres-Gomez at si Ricky Lee. Hindi nakahabol siAndrea
Torres na close rin kay Rita.
Nalaman namin kay Rita na isa siya sa mga abay sa December 30 wedding ni Marian kay Dingdong Dantes. Unang
nabanggit ni Marian na isa sa mga ninang si Rita, pero ngayon, abay na niya ito kasama sina AiAi delas Alas at KC
Concepcion.
Entries sa Cine Totoo filmfest ng GMA News TV palabas NA sa mga sinehan
Present ang majority sa documentary directors ng documentaries na kasama sa 1st Cine Totoo Philippine
International Documentary Film Festival ng GMA News TV. Kahapon, nagsimulang ipalabas ang 18 entries divided
sa Philippine at Southeast Asian sections sa Trinoma, SM Megamall at SM City Manila at tatagal hanggang September
30 for P100 every screening.
With P150,000 grant from GMA News TV at ibang funding, ginawa nina Ferdinand Balanag, Nawruz Paguidopon,
Sigfreid Barros-Sanchez, Richard Legaspi, Jan Tristan Pandy, Charliebebs Gohetia, Keith Sicat, Rafael Froilan,
Ivy Rose Baldoza, Nef Luczon, at Cala Samantha Ocampo ang kanilang entries na 60 minutes ang minimum
screening time.
Sa October 2, sa Newport Theater sa Resorts World Manila ang awards night at pipiliin ang Best Documentary, Jury
Prize, at Audience Choice. Pipiliin din ang Best Asian Documentary sa seven entries mula Pilipinas, Indonesia,
Thailand, at Singapore.
Sabi ni Cine Totoo Festival Director Joseph Liban, bukod sa trophy at cash prize, ipalalabas sa GMA News TV ang
mananalo. Jurors at pipili ng winners sina Howie Severino, Ditsi Carolino, Doy del
Mundo,director Adolf Alix at Nessa Vandellon, GMA News TV Channel Head.
KC ayaw na uling masaktan
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Sa isa niyang guesting sa Kris TV, sinabi ni KC Concepcion na hindi niya boyfriend si Paulo
Avelino. “We‟re the best of friends. We see each other from time to time,” ang pagkaklaro niya sa
kanilang relasyon. Sinabi rin nito na lumalabas silang dalawa, pero bonding lang nila ito as
friends. “We‟re both busy to be able to give time to our lovelife. And we‟re happy that way,” dagdag pa
ng aktres na unti-unti nang lumalabas ang pangil sa seryeng Ikaw Lamang ngayong nalaman niya na bukod sa kanya
ay karelasyon din pala ni Gabriel (Coco Martin) ang hindi niya nakikilalang kapatid na si Jacq (Kim Chiu).
Coco iimbestigahan sa seksing babae na nagmukhang aso
Poor Coco Martin, nakalusot nga siya sa mga intriga dahil hindi rumampa ng naka-briefs lamang sa isang celebrated
underwear fashion show, naintriga naman siya dahil tinutulan ng grupong Gabriela at maging ng maraming
kababaihan ang ginawa niyang pagrampa. Nainsulto sila nang lumabas siya na may kasamang seksing babae na
nakatali at animo‘y parang aso. Lagot si Coco. Kung sabagay hindi naman ito idea ni Coco. Ito lang ang na-assign sa
kanyang portion.

Alam ni Jasmine Daniel ka-loveteam lang si Kathryn hindi pa dyowa?!


Kung si Kathryn Bernardo ay umiiwas mag-comment tungkol sa audio clip ng kanyang ka-love team na siDaniel
Padilla at naging isang malaking iskandalo, nagpasya na ring magsalita ni Jasmine Curtis-Smith. Sinabi nito na hindi
dapat bigyan ng kulay o malisya ang magandang samahan nila ng Teen King na nagsimula sa pagsasama nila sa
isang pelikula. “Para lamang kaming magkapatid na naging maganda ang samahan at nagkukumustahan. Pareho rin
kaming loyal, ako sa boyfriend ko at siya sa ka-loveteam niya,” Yun na!
Buhay ni Juan Karlos nasa MMK na rin
Masuwerte si Manolo Pedrosa dahil naging bida siya agad sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bilang kauna-
unahang pagsabak niya sa acting na nagbigay ng magandang resulta. Kung kaya may planong kunin siya sa isang
serye ng ABS-CBN.
Kasing suwerte rin niya ang isang finalist ngThe Voice Kids na si Juan Karlos. Gagawin ang istorya niya sa MMK at
mapapanood ito sa Sabado ng gabi. Hindi ang istorya niya ang magsisilbing highlight ng MMK kundi ang pagganap
ni Juan Karlos ng role ng kanyang sarili. Kayanin kaya niya ang role considering na lahat ng pinaaarte sa MMK ay mga
magagaling na artista?
Thea hindi nagpapasapaw kay Barbie
Hanggang kailan maloloko ng mag-amang Alfred (Ryan Eigenmann) Ashley (Thea Tolentino) ang lahat ng taong
nakapaligid sa kanila kasama sina Diane (Barbie Forteza) at Rina (Jean Garcia)?
Ipagtatabuyan ni Diana si Bradley (Andre Paras) para mabaling ang atensyon nito sa kanyang kapatid ngunit pilit pa
rin magmamakaawa ang binata na kausapin siya.
Papasok na sa school si Ashley. Pa-victim ang arte niya at papalabasin na kasalanan ni Diana ang pagpapakamatay
niya. Ipagtatanggol si Diana ni Baste (Derrick Monasterio). Para tigilan na ni Bradley si Diana, sasabihin ni Baste na
sila na ni Diana. Magugulat si Bradley at kakalat sa buong campus ang balita. Hihingi ng tawad si Baste sa ginawa
niya and he offers na gamitin siya para lumayo si Bradley
Kaya mapipilitan na rin siyang sumakay sa plano ni Baste at sasabihin kay Bradley na sila na.

Mga eksena ito sa The Half Sisters na mapapanood matapos ang Eat Bulaga sa GMA.
Bagaman at matinding drama ang pinakakawalan ni Barbie, extra effort ang ibinibigay ni Thea para hindi siya mapag-
iwanan ng kanyang kasamahang award winning young actress. Hanggang kailan siya dito makakaagapay?

Connie makikipagtsikahan sa BEH sa tamang pagdisiplina ng mga


bata
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ano nga ba ang mas epektibong paraan ng pagdidisiplina ng ating mga anak – palo or no
palo? Isang deretsahang tsikahan mula sa Basta Every Day Happy (BEH) barkada kasama ang Kapuso newscaster
na si Connie Sison ang magaganap ngayong Biyernes (Setyembre 26).

Mainit ang debate tungkol sa isyung ito dahil kung marami daw ang lumaking pasaway dahil sa kakapalo ng kanilang
mga magulang, marami rin namang nagsasabing kahit sila ay nakaranas ng palo, lumaki naman silang matino,
disiplinado, at matagumpay.

Pero kailan nga ba nagiging abuso ang simpleng pamamalo at bakit may mga magulang na hindi matiis na hindi
kantiin ang kanilang mga anak? Meron nga bang okay na palo basta may sapat na dahilan? At ano nga ba ang ―say‖
ng ating Child Expert sa isyung ito?

Huwag pahuhuli sa isang masinsinan at masayang talakayan sa Basta Every Day Happy ngayong Biyernes, 11:00
a.m. sa GMA 7.

Mader Ricky patuloy na „namamalimos‟ para sa mga batang may


sakit
RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

September pa lamang pero sa taong ito ay may 293 children cancer patients na ang tinutulungan at
inaaruga ng Child Haus na brainchild ng beauty czar na si Mader Ricky Reyes. Out of 293 na pasyente,
51 dito ay tuluyang gumaling at nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya habang 13 naman ang
sumakabilang-buhay. Karamihan sa mga pasyente ay ongoing pa rin ang treatment sa Philippine
General Hospital na tinutulungan din ng Ricky Reyes Foundation at Child Haus.
Sa ika-11 anibersaryo ng Child Haus, mahigit 11,000 patients na ang nakinabang at natulungan at patuloy pang
natutulungan ng nasabing charitable institution ni Mader Ricky na patuloy na kumukatok sa mga taong may ginintuang
puso.

Bukod sa Child Haus, wala kaming kaalam-alam na meron din palang orphanage na itinatag si Mader Ricky sa
Marikina City, ang Meritxell Children‟s House na kumukupkop naman ng mga abandoned children sa tulong ni
Atty. Eric Mallonga.
Kahit gustong maging low-key ni Mader Ricky na may kinalaman sa kanyang pagiging pilantropo, kailangan niyang
ipaalam ito sa publiko dahil kailangan niya ng patuloy na suporta in terms of donations mula sa mga taong gustong
tumulong.

“Hindi ito magiging posible kung wala ang tulong at suporta ng mga well-meaning friends in and out of the
industry,” pag-amin ni Mader Ricky.
“Patuloy akong namamalimos ng tulong mula sa iba‟t ibang tao na hindi naman nagkakait ng tulong in terms of cash
donations, mga pagkain, mga damit at iba pa na siyang pangangailangan ng mga needy children,” dagdag pa ng
beauty magnate.
For the longest time ay tumutulong si Mader Ricky sa mga batang may sakit na kanser sa PGH at ang Child Haus ay
extension lamang sa tulong sa mga batang may sakit at mga magulang na nagbabantay at nag-aalaga sa kanila
habang ginagamot ang mga bata.“Ngayong may malaking tahanan na ang Child Haus courtesy of Mr. Hans Sy (of SM
Group of Companies) sa pamamagitan ng isang brand new 6-storey building sa harap lamang ng PGH, we can
accommodate more patients na nangangailangan ng pansamantalang shelter,”pagmamalaki pa ni Mader Ricky.
Samantala, pareho nang tinedyer ang dalawang adopted daughters ni Mader Ricky na sina Stephanie (14)
at Jamie (11) na parehong maganda at matalino. Iniipon ng dalawa ang kanilang daily allowance at pagdating ng
Christmas ay ipinamimili nila ito ng mga laruan at gamit ng mga bata sa Child Haus at Meritxell Children‘s House
orphanage. Sumasama rin ang dalawa kay Mader Ricky sa tuwing dumadalaw ang beauty expert sa dalawang
charitable institutions na kanyang itinatag at nakikipaglaro at nakikisalamuha sila sa mga batang may sakit.
Kung kinu-consider ni Mader Ricky na blessing sa kanya ang kanyang dalawang angels, nagiging blessing naman sa
ibang bata ang dalawa dahil ngayon nila lubos na nauunawaan at naa-appreciate ang mga bagay na ginagawang
pagtulong sa mga nangangailangan ni Mader Ricky.

DR. LOVE
Magulang o anak?
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Dear Dr. Love,


Gusto ko pong ilapit sa inyo ang bumabagabag sa akin ngayon. Kapapanganak lang po ng aking nag-iisang anak na
nasa Amerika at hinihiling niya na magbakasyon muna ako ng ilang buwan sa kanilang tahanan. Pero inaalala ko po
ang maiiwanan kong mga magulang na mag-isa na rin sa aming bahay.
Una ko na pong sinubukan na kumuha ng magiging tagapag-alaga ng aking mga magulang na kapwa nag-uulyanin na
pero walang nagtatagal. Dahil kapwa po sila bugnutin at napakasensitibo.

Hindi ko naman din po magawang maisantabi ang paghingi ng tulong ng aking anak na nagsisimula pa lang sa
kanilang buhay pamilya. Kapwa sila nurse ng kanyang napangasawa at hindi pa sapat ang kita para kumuha ng mag-
aalaga sa kasisilang ko palang na apo.

Ang kalooban ko po ngayon ay pagbigyan ang aking anak, dahil kung matutulungan ko siya hanggang maging
establisado ang buhay nilang mag-asawa ay maaalalayan niya rin ako at ang kanyang lolo at lola sa pagpapagamot.

Pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa dalawang matanda na hindi sila magdaramdam. Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,
Aling Dolores
Dear Aling Dolores,
Subukan mo muna na humagilap ng malapit na kamag-anak na may mahabang pasensiya at higit sa lahat ay
mapagkakatiwalaan para maiparamdam mo rin sa iyong mga magulang na pansamantala lang ang pag-alis mo, dahil
wala pang sapat na kakayahan ang kanilang apo na kapapanganak pa lamang.

Mahalaga rin na mai-orient mo ng mabuti ang kamag-anak na magiging karelyebo mo pansamantala sa pangangalaga
ng iyong mga magulang. Tungkol naman sa pagsasabi sa kanila, ikaw lang ang makakatantiya kung kailan ang
pinaka-tugmang pagkakataon. Dahil kilala mo sila.

Humanap ka lang ng magandang timing, sa tingin ko naman ay walang hindi madadaan sa mabuting usapan.

DR. LOVE

TRUE CONFESSIONS
(Sinsilyo 112)
Ni Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

SINO kaya ang pumipihit sa door knob? Ilang beses pang narinig ni Gaude ang pagpihit sa door knob.

Hanggang sa hindi na makatiis si Gaude. Inis na siya. Bumangon siya at dahan-dahang tinungo ang pinto. Dahan-
dahan ding binuksan para mahuli kung sino ang pumipihit sa door knob.

Pero nang buksan niya, wala naman siyang nakita. Walang tao sa salas. Sinilip niya kaliwa‘t kanan. Wala talaga!
Nananaginip ba siya? Pero hindi siya maaaring dayain ng pandinig. Narinig niya ang ilang ulit na pagpihit sa seradura.

Nang matiyak na walang tao, isinara niya ang pinto. Bumalik siya sa higaan.
Hindi na niya nari-nig ang pagpihit sa seradura.

Sino kaya iyon?

Hanggang sa maisip ni Gaude na maaa-ring si Kastilaloy ang pumipihit sa seradura. Ito lang naman ang nagpupumilit
na makapasok sa kuwarto niya para makita ang bunton ng mga barya. Noon ay pilit na pumapasok at napigilan
lamang nang tulungan siya ni Lolo Kandoy. Silang dalawa ang nagsapakan.

Si Kastilaloy ang nagbubukas ng pinto. Akala siguro, maiiwanan niyang bukas ang pinto.

Natulog muli si Gaude. Hindi na naulit ang pagbubukas sa pinto.

KINAUMAGAHAN, nagluluto siya ng almusal nang lapitan siya ni Lolo Kandoy.

―Hindi ko nakikita si Mau, Gaude. Nasaan siya?‖

―Hindi ko rin po alam, Lolo Kandoy. Hindi sinabi. May dalang damit sa bag.‘‘

―Kinakabahan ako, Gaude.‖

(Itutuloy)

KUTOB
Setyembre 25, 2014
Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2014 - 12:00am

Pagtitibay: Ipinagpapasalamat ko ang lahat ng gawain ko sa buong araw. Dahil bawat bahagi nito, hatid ang
pagpapala mula sa Dios.
LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Pag-aralan mong mabuti ang gagawin para hindi ka mabigo. Walang masama
kung titiyakin na magtatagumpay bago simulan ang paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 36, 42 at
neon green.
SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hawak mo ang susi ng tagumpay. Nasa iyo ang paraan ng pagbukas.
Huwag mong hintayin ang tulong ng iba dahil nasa sariling gawa ang tagumpay. Kumilos ka kaagad. Lucky numbers at
color for the day ay 3, 7, 34, 39 at lavender.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Dahil sa iyong kabutihan at kabaitan, makakasagupa mo ang taong
mapagsamantala. Upang maiwasan ito, lubos na pag-iingat ang isaalang-alang. Lucky numbers at color for the day ay
17, 24, 32, at avocado green.
CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat dahil ang naiinggit ay may gagawin na iyong ikakasira.
Magmatiyag, magmasid at mag-ingat na hindi ka makitaan ng kahit kaunting butas ng pagkakamali na maaaring
pagmulan ng tsismis at paninira. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 24, 32 at avocado green.
AQUARIUS Enero 20- Pebrero 18) – Kung hindi nakakatiyak, huwag sumugod dahil kapalpakan ang hahantungan.
Taglayin palagi ang seguridad ng kapakanan upang maiwasan na maaksidente o mapahamak. Lucky numbers at color
for the day ay 1, 4, 40, 44 at indigo.
PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Malakas ang hatak ng bato-balani ng iyong pagkatao, na bagay gamitin sa
pagkumbinsi kahit na sa makukulit at mahirap kausapin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 34, 39 at pink.
ARIES (Marso 21- Abril 19) – Matutupad ang matagal mo nang gustong mangyari. May pipitasin kang bunga ng iyong
pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 37, 40 at peach.
TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lingunin ang iyong mga pinagdaanan dahil dito makikita ang kasagutan sa iyong
kasalukuyang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 18, 23 at red.
GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mali ang iyong nakagawian na pamamalakad sa mga gastusin kaya naghahabulan
ang income at gastos, at kalimitan kapos. Kung sisimulan ang tamang accounting ng income at gastusin, tiyak may
maiimpok. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 24, 31 at purple.
CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung hindi mo iiwanan ang kasalukuyang bisyo ng pagsusugal, ito ang magiging
dahilan ng iyong pagbagsak at lalandasin ang kahirapan. Hangga‘t maaga at may sapat na panahon pa, baguhin ang
inaakalang maling paraan at patakaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 33, 37 at yellow.
LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang magandang kahihinatnan ang magpadalus-dalos. Habaan ang pasensya dahil
iiral ang pagkamainitin ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 30, 40 at jade green.
VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Simulan ang iyong mga binabalak dahil may bunga kang mapapala. Huwag
ipagpabukas ang dapat gawin ngayon. Ang iyong inaasahan na mula sa iba ay walang katuparan. Ang sariling sikap
ang siyang makapagliligtas sa mga pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 22, 35 at sky blue.

Jaryo Group Online celebrating 6 years on the air


Just Around Reaching You Online

To post your message, send email to jaryo@googlegroups.com


For more information, visit us at
http://jaryogrouponline.blogspot.com
Like us at http://www.facebook.com/jaryogrouponlineJoin us at
http://www.facebook.com/groups/jaryo
Follow us at http://twitter.com/jaryogroup

You might also like