You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

MUNICIPAL TRIAL COURT IN CITIES


Second Judicial Region
City of _______
Isabela

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Plaintiff, CRIMINAL CASE NO. 1_-__

-versus- FOR: ESTAFA

ROX L. MAYO,
Accused.
x-----------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT

In lieu of oral testimony in court of JAY UYAM, his Judicial Affidavit


is being offered pursuant to A.M. 12-8-8-SC, known as the Judicial
Affidavit Rule, for the following purposes, THUS:

1. He will testify to corroborate the testimony of the private


complainant;

2. He will testify that he was the one who introduced accused


Rox L. Mayo to private complainant Ryzza Mae Cadingding;

3. He will testify to prove the material allegations in the Criminal


Complaint and, in the course of his direct testimony, he will identify and
submit documentary evidence in support thereof;

4. He will identify the accused.

PAUNANG SALITA

Ako, si JAY UYAM, may sapat na taong gulang, walang asawa at


nakatira sa Sikatuna Village, _______, _____ City, Isabela, pagkatapos
manumpa na naaayon sa batas ay isinasaad ang mga sumusunod:

Ginawa ko ang salaysay na ito sa salitang Tagalog, ang


lengguwahe na lubos kong naiintindihan;

Ang taong nag-interbyu sa akin ay si ATTY. F_____ M. G_____ na


may opisina sa ______ LAW OFFICE, Leon Bldg., ______, ______,
Isabela;
Ang pagsisiyasat na ito ay naganap sa nasabing tanggapan ni
Atty. G_______;

Sinasagot ko ang lahat ng mga tanong nang walang nagturo sa


akin at alam ko na ako ay nanumpa sa batas kaya maaari akong
kasuhan dahil sa pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng totoo.

Samakatuwid, inilalahad ko ang mga sumusunod:

TANONG AT SAGOT:

T.1. Ano ang iyong pangalan at iba pang mapagkakilanlan sa iyo?

S.1. Ako si Jay Uyam, may sapat na taong gulang, Filipino,


walang asawa at nakatira sa Sikatuna Village, ______, _____ City,
Isabela.

T.2. Kilala mo ba si Rox L. Mayo?

S.2. Opo.

T.3. Bakit mo siya kilala?

S.3. Kaibigan po siya ng aking kasintahan na si Karina Braganza.

T.4. Taga saan si Rox L. Mayo kung alam mo?

S.4. Baligan, ______ City, Isabela po.

T.5. Kailan mo nakilala si Rox L. Mayo?

S.5. Noong September 2017 kasi ipinakilala siya sa akin ng aking


kasintahan.

T.6. Kilala mo ba si Ryzza Mae Cadingding?

S.6. Opo.

T.7. Bakit mo siya kilala?

S.7. Kasi kababata ko po siya.

T.8. Taga saan si Ryzza Mae Cadingding?

S.8. Calaguit , ______ Cty, Isabela po.


T.9. Alam mo ba kung magkakilala itong sina Rox L. Mayo at
Ryzza Mae Cabadinding?
S.9. Opo.

T.10. Bakit mo alam na magkakilala silang dalawa?

S.10. Kasi ipinakilala ko si Rox L. Mayo kay Ryzza Mae


Cabadinding noong January 15, 2018.

T.11. Bakit mo ipinakilala si Rox L. Mayo kay Ryzza Mae


Cabadinding noong January 15, 2018?

S.11. Kasi po nagpapatulong si Rox sa akin na hanapan ko siya ng


pwede niyang mahiraman ng pera dahil kailangan niya daw ng puhunan
para sa kanyang lending business sa ______ City, Isabela kaya naalala
ko naman ang kaibigan ko na si Ryzza Mae dahil alam kong may pera
siya at maunawain kaya nagbakasakali po ako.

T.12. Saan mo ipinakilala si Rox L. Mayo kay Ryzza Mae


Cabadinding?

S.12.Sinamahan ko si Rox L. Mayo kay Ryzza Mae Cabadinding


sa bahay ng huli sa Calaguit, _____ City, Isabela.

T.13. Kailan iyon?

S.13. Noong January 15, 2018 po.

T.14. Anong nangyari noong ipinakilala mo si Rox kay Ryzza Mae?

S.14. Nag-usap po sila at nagmamakaawa si Rox kay Ryzza Mae


na humiram ng P500,000.00 dahil kailangan niya raw ito bilang puhunan
sa kanyang negosyong pagpapautang o lending business sa _____ City,
Isabela.

T.15. Ano ang naging reaksyon ni Ryzza Mae noong


nagmamakaawa sa kanya si Rox Mayo?

S.15. Nag aalangan po si Ryzza Mae dahil bagong kilala lang niya
kay Rox Mayo kaya hindi muna agad nagpahiram ng pera si Ryzza Mae
sa halagang P500,000.00.

T.16. Ano ang sumunod na nangyari noong hindi pinahiram ng


P500,000.00 ni Ryzza Mae si Rox Mayo?

S.16. Umuwi na po kami ngunit noong February 7, 2018


nakumbinsi na naman ako ni Rox Mayo na samahan siya kay Ryzza
Mae sa bahay nila sa Calaguit, ______ City, Isabela para kulitin si Ryzza
Mae para magpahiram ito ng pera.

T.17. Ano ang nangyari noong sinamahan mo si Rox Mayo kay


Ryzza Mae noong February 7, 2018?

S.17. Nakumbinsi ni Rox si Ryzza Mae na magpahiram ito ng


P500,000.00 dahil sa pangako ni Rox na babayaran niya agad si Ryzza
Mae sa loob ng isang buwan at para makumbinsi si Ryzza Mae na
ibigay ang P500,000.00 ay nakita ko mismo si Rox na iniabot kay Ryzza
Mae ang isang BPI check na nagkakahalaga ng P550,000.00 bilang
konsiderasyon sa pag-abot ni naman ni Ryzza Mae ng RCBC check na
may halagang P500,000.00 at nakapangalan pa nga ito sa ina nito na si
Gemmalyn Cabadingding.

T.18. Bakit alam mo na ang RCBC check ay nakapangalan kay


Gemma Cabadingding?

S.18. Kasi noong February 7, 2018, dahil walang cash amount si


Ryzza Mae ay kinailangan naming inantay ang pagdating ni Gemmalyn
Cabadingding dahil sa kanya humiram si Rizza Mae ng ipapahiram na
pera sa pamamagitan ng RCBC check.

T.19. Ano ang nangyari pagkatapos na mag-abutan ng tseke sina


Rox Mayo at Ryzza Mae?

S.19. Umuwi na po kami.

T.20. Alam mo ba kung na encashed ni Rox Mayo ang RCBC


check na iniabot sa kanya ni Ryzza Mae?

S.20. Opo kasi pinost po niya sa kanyang facebook account at


nabasa ko.

T.21. Alam mo ba kung bayad na ni Rox ang halaga ng na-


encashed niyang RCBC check mula kay Ryzza Mae?

S.21. Hindi pa po.

T.22. Bakit mo alam na hindi pa niya nababayaran?

S.22. Kasi nagmemessage si Ryzza Mae sa akin sa facebook at


kinukumusta niya kung nakikita ko si Rox dahil tumalbog ang BPI check
na sana ay bayad ni Rox Mayo sa pera na nakuha niya kay Ryzza Mae.
Yung BPI check na tumalbog ay siya mismong check na iniabot ni Roxy
kay Ryzza Mae noong February 7, 2018.
T.23. Makikilala mo pa ba si Rox Mayo kung makikita mo siya sa
loob ng korte?

S.23. Opo.

T.24. Pwede mo ba siyang ituro kung nasa loob siya ng korte?

S.24. Opo, maituturo ko po siya dahil kilalang kilala ko po siya.

T.25. Mayroon ka pa bang gustong idagdag sa iyong salaysay?

S.25. Wala na po, mahal na Hukom.

T.26. Handa mo bang pirmahan ang iyong Judicial Affidavit?

S.26. Opo, mahal na Hukom.

Bilang patotoo nito, ako ay pipirma ngayong ika-27 ng Agosto,


2019 dito sa ______, Isabela.

JAY UYAM
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 27th day of August,


2019 at _______, Isabela. Affiant has voluntarily exhibited to me his
Identification Card bearing his picture and signature as competent proof
of his identity.

ATTESTATION CLAUSE

I, F______ M. G_______, with Office Address at ____ LAW


OFFICE, Leon Bldg., ______, ______, Isabela, under oath, hereby
attests that I personally interviewed Jay Uyam and fully recorded the
questions I asked and the corresponding answers of the interviewee and
that neither I nor any person then present coached the affiant regarding
his answers to the questions.
F_____ M. G_______
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 27th day of August,


2019 at ______, Isabela. Affiant has voluntarily exhibited to me his
Identification Card bearing Attorney’s Roll No. 71940 with his picture and
signature as competent proof of his true identity.

You might also like