You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

METROPOLITAN TRIAL COURT


NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION
Branch 24, MANILA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Plaintiff,

-versus- Crim Case No.


FOR:
FRANCIS SALES y ENRIQUEZ,
Accused.
x-------------------------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF ACCUSED


FRANCIS ENRIQUEZ SALES

Offer of testimony:

1. To disprove the allegations in the Information against


him;
2. To identify and submit before this Honorable Court
relevant information and testimonies for his defense
and for such other matters relevant in this case;

Ako si Francis Enriquez Sales, nasa hustong gulang,


Filipino, single, isang tricycle driver at naka-tira sa 1328 May
Haligue St. Sta. Cruz, Manila. Nalalaman ko at naiintindihan ko na
ako ay sumasagot sa mga tanong na inihaharap sa akin ni Atty.
DYANNE O. JOAQUIN, Public Attorney II, dito sa tanggapan ng
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO), Distrito ng Manila, ngayong
ika- 27 ng Hunyo 2016 at buong kamalayang maaari akong
masampahan ng kasong criminal para sa anumang kasinungaliang
aking ilalahad ay nagsasaad ng mga sumusunod:

1. QUESTION: Ginoong Sales, bakit ka naririto ngayon?

ANSWER: Nandito po ako kasi gusto ko magbigay ng


sinumpaang salaysay.
2. QUESTION: Ano ang dahilan mo sa pagbibigay ng
nasabing sinumpaang salaysay?

ANSWER: Ako ho ay nandito upang magbigay ng


sinumpaang salaysay at sagutin ang mga
paratang sa akin kaugnay sa kasong
reckless imprudence resulting to homicide.

3. QUESTION: Paano ka nasangkot sa nasabing kaso?

ANSWER: Ako ho ang nasasakdal sa nasabing kaso


dahil ako ay nasangkot sa isang aksidente na siyang
ikinamatay ng isang lalaking nagngangalang NONOY
___________________;

4. QUESTION: Kailan at saan naganap ang tinutukoy


mong aksidente?

ANSWER: Ito po ay naganap ng bandang madaling


araw ng January 4 o 5 2013 sa ______________, Manila.
Hindi ho ako sigurado sa eksaktong araw.

5. QUESTION: At nasaan ka noong panahong naganap


ang nasabing aksidente?

ANSWER: Ako po ay nasa ______________________.

6. QUESTION: Anong ginagawa mo sa lugar na iyon


noong panahon ng kaganapan ng nasabing askidente

ANSWER: Noong mga panahong iyon, ako ay kasali sa


isang karera ng mga tricycle, at ang kalye na kung saan
naganap ang aksidente ay kabilang sa aming
dinadaanan sa aming karera.

7. QUESTION: Paano nga ba nangyari ang tinutukoy


mong aksidente na umano’y ikinamatay ni NONOY
__________________?

ANSWER: Noong mga panahong iyon, ako ay


nakikipagkarera laban sa iba pang mga tricycle. Kami
ay nasa kalagitnaan ng aming karera nang bigla na lang
may sumulpot na lalaki sa harapan ng aking tricycle.
Hindi ko na magawang maiwasan ang nasabing lalaki at
tuluyan ko siyang nabangga.

8. QUESTION: Sino ang lalaking iyon?

ANSWER: Si NONOY po.

9. QUESTION: Bakit mo kilala si NONOY?


ANSWER: Kilala ko si NONOY kasi madalas siyang
nanonood ng mga karera namin.

10. QUESTION: At anong ginawa mo matapos mong


mabangga si NONOY?

ANSWER: Agad ko pong tinulungan na maisakay sa


isang __________________ si NONOY at isinugod namin
siya sa ospital.

11. QUESTION: Sabi mo ay isinugod ninyo, sinu-sino ang


mga kasama mo?

ANSWER: Kasama ko po ang aking kapatid na si Helson


Sales at isa pang nagngangalang Alyas Reynante.

12. QUESTION: Paano mo nakasama si Helson Sales at


Alyas Reynante sa pagsugod kay NONOY sa ospital?

ANSWER: Nakasama ko po sila dahil noong panahong


iyon ay nanonood din po sila ng aming karera. Sa
katunayan ay doon sila nakapwesto malapit kay
NONOY at sa pinangyarihan ng aksidente. Kaya noong
nangyari nga ang aksidente ay agad nila akong
tinulungan at sinamahan papuntang ospital.

13. QUESTION: Maliban sa paghatid niyo kay NONOY sa


ospital, ano pang nangyari? Kung meron.

ANSWER: Noong kami ay papunta ng ospital, kinausap


po ako ni Helson at Reynante at sinabi nilang nakita
nila ang buong pangyayari at agad sinabi sa akin ang
katotohanan.

14. QUESTION: At ano naman ang sinabi nilang buo at


totoong pangyayari?

ANSWER: Sinabi nila sa akin na si MICHAEL


_________________________ ang talagang nakabangga kay
NONOY. At dahil umano sa pagkakabangga ni
MICHAEL kay NONOY, natilapon na lamang si NONOY
papunta sa direksiyon ng aking tricycle kaya’t biglaan
na lang siyang napunta sa harap ng tricycle ko.

15. QUESTION: Kung alam mo ang totoong nangyari,


bakit hindi mo ito agad ipinagbigay-alam sa mga
awtoridad?

ANSWER: Hindi na po ako nagkaroon ng pagkakataong


magsumbong dahil matapos naming maihatid si
NONOY ay umalis na ako agad ng ospital dahil sa takot
ko sa mga kaibigan at kamag-anak ni NONOY.

16. QUESTION: Bakit ka takot sa kanila kung hindi mo


naman pala kasalanan ang pangyayari?

ANSWER: Dahil ako pa rin po ang sinisisi nila sa


nangyari at sa akin ho sila galit na galit. Sa katunayan
nga po ay sinira nila ang aking tricycle at pinagbantaan
ang aking buhay.

Lungsod ng Maynila, June 27, 2016.

FRANCIS SALES ENRIQUEZ


Affiant

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika- 27 ng


Hunyo, 2016 ni CHARLITO DELA CRUZ at bilang katunayan ng
kanyang pagkakakilanlan ay ipinakita niya ang kanyang Driver’s
License with No. A02-12-004552.

DYANNE O. JOAQUIN
Public Attorney II
Pursuant to R.A. 9406

ATTESTATION

I, Atty. DYANNE O. JOAQUIN of the Public Attorney’s Office, Manila


District
Office, after being sworn to in accordance with law, hereby deposes and states
that:

1. I faithfully recorded or caused to be recorded the questions I asked and the


corresponding answers that CHARLITO DELA CRUZ gave;

2. Neither I nor any other person then present coached him regarding his
answers.

In witness whereof, I have hereunto affixed my signature this 27 th day of


June 2016 hereat the City of Manila.
Atty. DYANNE O. JOAQUIN
Affiant

Subscribed and sworn to before me this 27 th of June 2016 hereat the City of
Manila. I, further, certify that I have personally examined the affiant and that I am
satisfied that she voluntarily executed and understood the contents of her
attestation.

ATTY. LEONORA P. LAO-VILLARANTE


Public Attorney II
PAO-Manila District Office
Pursuant to RA 9406

You might also like