You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Lalawigan ng Bulacan )S.S.


SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY NI
JAMEECA LAZARO
(RE: NPS Docket No. III-04-INV-16E-01154)
AKO, JAMEECA LAZARO, mamamayang Pilipino, may sapat
na taong gulang at naninirahan sa # 40 Pulong Palazan,
Candaba, Pampanga matapos manumpa nang naaayon sa batas
ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod,
Na:
1.
Ako din si, JAMEECA LAZARO na inihahabla sa
kasong Physical Injury/ Attempted Homicide ni Jayson Ocampo,
na sa kasalukuyan ay nakabinbin para sa masusi at masigasig na
pagsisiyasat at pagdinig ng Tanggapan ng Panlalawigan na Tagausig ng Lungsod ng Malolos, Bulacan;
2.
Ang habla laban sa akin ay madiin kong itinatanggi
sapagkat ang mga pahayag ng naghahabla ay pawang gawagawa lamang;
3.
Ang
sumusunod:

mga

tunay

na

pangyayari

ay

ang

mga

3.1. NA, noong Abril 8, 2016, higit kumulang ala una


(1:00) ng madaling araw, ako kasama ang aking pinsan na
sina Jeramy Licudan at kapatid na si Jun-Jun Lazaro ay
nagpunta sa 7-11 sa Baliuag, Bulacan;
3.2. NA, pagdating pa lang namin sa 7-11 ay agad na
naming napansin ang dalawang (2) kalalakihan na nag
iinuman, at amin ding napansin na kami ay kanilang
tinitignan ng masama ngunit binalewala lang naming ito;
3.3. NA, napansin namin na sila ay naghintay sa
harap ng 7-11 at sumenyas ng dirty finger (Fuck you) at
naghahamon ng gulo;
3.4. NA, kami ay bumalik sa loob ng 7-11 at nang kami
ay lumabas na, hindi naming namalayan na lumapit na pala
sa amin si John Darryl S. Roque at biglang hinampas ng bato
sa mukha ang aking pinsan na si Jeramy Licudan,;
3.5. NA, matapos hampasin ng bato sa mukha ang
aking pinsan ay niyakap ni John Darryl S. Roque ang aking
kapatid na si Jun-Jun Lazaro at sa liksi ng kanyang pag kilos
ay sa ulo ng aking kapatid naman niya pinukpok ang hawak
niyang bato at doon na nga nagsimula ang gulo, bilang
patunay ay aking nilakip ang mga Litrato bilang ANNEX

OPP- Malolos City


Kontra-Salaysay ni JAMEECA LAZARO
x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x

1-series at isang Medico Legal Certificate na may


petsang April 8, 2016 bilang ANNEX 2;
3.6. NA, ang kasama naman niya na si Jayson
Ocampo ay sumugod sa pinsan kong si Jeremy at doon na
nga sila nagpang-abot, sinubukan ko silang awatin at doon
na nga nagsimula ang gulo;
3.7. NA, natapos ang gulo ng dumating ang mga pulis
Baliuag. Habang kami ay tinatanong ng ng mga pulis
patungkol sa nangyari ay inatake kami ng mga nagdatingan
nilang kamag-anak. Agad kaming sinakay sa patrol at dinala
sa hospital (Marcelo Hospital) upang malunasan ang sugat
naming tinamo;
3.8. NA, makalipas ang ilang lingo ay muli kaming
nagharap sa Baliuag Police Station kasama ang mga
magulang nila John Darryl at Jayson Ocampo;
3.9. NA,
sa
aming
pag-uusap
ay
aming
napagkasunduan na kami ay mag-aayos sa halagang
Tatlong Libong Piso (P3000), sa kagustuhan naming na
matapos na lang ang usapin at makatulong man lang sa
kanila sa pambili ng gamut, kahit kami ang naargabyado ay
pumayag na din kami. Bilang patunay ay aking nilakip ang
isang Affidavit of Undertaking na nilagdaan nila Cristina
Solian-Roque at Estella Gonzales- Ocampo na may petsang
May 2, 2016 bilang ANNEX-3
4.
Malinaw sa aking ipinahayag sa itaas na wala akong
kasalanan. Sila ang unang nanakit sa amin pinagtulungan nila
kami na naging dahilan ng aming pagkasugat. Hindi namin sila
sinaktan o ano pa man;
5.
Ang kontra salaysay na ito ay aking ginawa upang
isiwalat ang katotohanan ng mga pangyayari at upang hilingin sa
kagalang galang na Tanggapan ng Taga-usig ng Lungsod ng
Malolos, Bulacan ang kaso laban sakin ay ipawalang bisa.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ito ay aking nilagdaan at
sinumpaan ngayong ika-___ ng JULY, taong 2016, dito sa Lungsod
ng Malolos, Lalawigan ng Bulacan.

JAMEECA LAZARO
Nagsasalaysay

You might also like