You are on page 1of 8

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.

KONTRA-SALAYSAY

AKO, LEANDRO BAGSIT y BAGON, nasa hustong gulang, may asawa


at nakatira sa Sitio Calumpang, Brgy. Alangilan, Batangas City, matapos
makapanumpa ng naayon sa batas ay malaya at kusang-loob na
nagsasalaysay gaya ng sumusunod:

Na ako ay inihabla ni Domingo Baril sa kasong “Qualified Theft” na


nakabinbin sa Tanggapan ng Tagausig Panlungsod at nasa ilalim ng I.S.
bilang 07-757;

Na pinabubulaanan ko ang mga alegasyon nina Domingo Baril at ng


kanyang testigo na si Augurio Dante Samson sapagkat ang katotohanan ng
mga pangyayari noong ika-15 ng Hunyo, 2007 ay ang mga sumusunod:

Na ako ay dumating sa bagong palengke bago sumapit ng alas sais ng


gabi para magreport sa aking duty bilang isang inspector sa bago at lumang
palengke na magsisimula ng alas-sais ng hapon hanggang alas sais ng
umaga kinabukasan;

Na pagdating ko sa bagong palengke, ako ay nagtime-in sa


pamamagitan ng finger scanning at pagkatapos ay kami nina Gener Gutierrez
at ni Jonathan Bagsit ay nagsimula ng ang dalawang gusali sa palengke;

Na wala kaming napansin na kakaiba habang sinasarado namin ang


mga gusali at ang aming pagsasara ay inabot ng alas 6:30 ng gabi at
pagkatapos nito ay kami ay nagroving sa bagong palengke hanggang sa
sumapit ang ika -7:05 ng gabi;

Na noong sumapit ang ika 7:10 (19:10H) ako kasama sina inspector
Gener Gutierrez at Augurio Samson ay naginspeksyon sa bagong palengke
at pagkatapos noong ganap na alas 8:30(20:30) ng gabi, kami ni inspektor
Gener Gutierrez ay nagpaalam kay Jonathan Bagsit para pumunta sa lumang
palengke para doon naman magduty;

Na ako ay hindi kaagad nakapunta sa lumang palengke sapagkat ako


ay kinailangan nadumaan ng aking bahay para asikasuhin ang aking anak na
may sakit at ako ay nakapagreport lamang sa lumang palengke ng ganap na
alas 11:00 ng gabi;

Na makatapos kong mag-inspeksyon doon, kami ni inspektor Gener


Gutierrez ay lumipat naman ng bagong palengke at pagkadating ko doon ,
ako ay tumigil ng konting oras sa barracks at pagkatapos ay nagroving uli at
sa pagroroving ko ay wala akong napansin na kakaiba;
Na noong ganap na alas 2:55 ng umaga ng Hunyo 16, 2007, ako at si
Jonathan Bagsit ay nagsimula ng magbukas ng palengke at pagkatapos ay
nag-roving ako hanggang sa matapos ang aking duty ng umagang iyon;

Na hindi totoo ang binibintang nila sa akin na ako ay isa sa mga


nagnakaw ng sa tindahan ni Domingo Baril sapagkat ako ay wala na sa
bagong palengke ng alas 8:30 ng gabi ng Hunyo 15, 2007;

Na imposibleng makikita ako sa bagong palengke ni Inspektor Samson


dahil wala nga ako doon at isa pa, sa pag-aanalisa ko ng mga logbook ng
bago at lumang palengke ay nalaman ko na si inspektor Samson ay nadoon
sa lumang palengke ng ganap 21:00 o alas 9:00 ng gabi, at sa katunayan nito
ay siya ay makapirma sa logbook ng lumang palengke, ang kopya ng logbook
sa lumang palengke para sa Hunyo 15, 2007 ay nakalakip ditto bilang
Annex”A”;

Na nalaman ko rin sa nasabing logbook na si Inspektor Samson ay


umalis lamang ng lumang palengke sa ganap na 21:45 o 9:45 ng gabi;

Na dahil dito ay kitang-kita na nagsisinungaling si Inspektor Samson ng


sabihin nya na nakita nya ako at sina Gener Gutierrez at Jonathan Bagsit na
pumasok sa tindahan na pagmamay-ari ni Domingo Baril ng ganap na alas
9:00 ng gabi;

Na ginawa ko ang salaysay na ito upang patohanan ang lahat na


nakasaad ditto at upang hilingin sa Kagalang-galang na Taga-Usig
Panglungsod na ipawalang saysay ang habla sa akin sapagkat ako ay hindi
pumasok at nagnakaw sa tindahan ni Domingo Baril;

Sa Katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito nagyong


ika-______ ng Hulyo 2007 dito sa Lungsod ng Batangas

LEANDRO B. BAGSIT
Nagsasalysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ day of July,


2007 at Batangas City, Philippines.

Administering Officer

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I personally examined the affiant and that I


am satisfied that he voluntarily executed and fully understood his affidavit.

Administering Officer
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.

KONTRA-SALAYSAY

AKO, GENER GUTIERREZ, nasa hustong gulang, may asawa at


nakatira sa Brgy. Talumpok Silangan, Batangas City, matapos makapanumpa
ng naayon sa batas ay malaya at kusang-loob na nagsasalaysay gaya ng
sumusunod:

Na ako ay inihabla ni Domingo Baril sa kasong “Qualified Theft” na


nakabinbin sa Tanggapan ng Tagausig Panlungsod at nasa ilalim ng I.S.
bilang 07-757;

Na pinabubulaanan ko ang mga alegasyon nina Domingo Baril at ng


kanyang testigo na si Augurio Dante Samson sapagkat ang katotohanan ng
mga pangyayari noong ika-15 ng Hunyo, 2007 ay ang mga sumusunod:

Na noong magsimula ng duty si Leandro Bagsit at Jonathan Bagsit ng


alas sais ng hapon, ako ay nadatnan na nila sa bagong palengke sapagkat
ang simula ng aking duty ay mas maaga kaysa duty nila;

Na pagkadating na pagkadating nila ay nagsimula na kaming magsara


ng dalawang gusali sa bagong palengke na inabot ng alas 6:30 ng gabi at
pagkatapos noon, ako kasama sina Jonathan at Leandro Bagsit ay nagroving
sa nasabing lugar;

Na noong sumapit ang ika 7:10 (19:10H) ako kasama sina inspektor
Leandro Bagsit at Augurio Samson ay naginspeksyon sa bagong palengke at
noong ganap na alas 8:30(20:30) ng gabi, kami ni inspektor Leandro Bagsit
ay nagpaalam kay Jonathan Bagsit para pumunta sa lumang palengke para
doon naman magduty;

Na ako ay dumating ng lumang palengke sa ganap na 21:00H o alas


9:00 ng gabi at hindi ito mapapasubalian ng taga-pangalaga ng logbuk na sya
mismong nagsulat ng entradang iyon sa nasabing logbuk, ang kopya ng
logbuk ng lumang palengke para sa Hunyo 15, 2007 ay nakalakip ditto bilang
Annex “A”;

Na ako ay umalis lamang sa lumang palengke noong ganap na 21:45


H para pumunta sa bago at mag-out na sa aking duty na matatapos ng alas
12:00 ng gabi;

Na pagkagaling ko sa bagong palengke ay ako ay umuwi na ng bahay


at natulog na;

Na hindi totoo na ako ay nasa bagong palengke ng ganap na alas 9:00


ng gabi ng Hunyo 15, 2007 sapagkat ako ay nasa lumang palengke at hindi
ako makapaniwala na makakapagsinungaling ng ganyon si Inspektor Samson
sapagkat pati siya ay kasama ko sa lumang palengke ng mga oras na iyon;

Na siya ay umalis ng lumang palengke ng oras na 21:45H o 9:45 ng


gabi at ito ay hindi niya maiitanggi sapagkat ito ay maliwanag na nakatala sa
logbuk ng lumang palengke;

Na hindi totoo ang binibintang nila sa akin na ako ay isa sa mga


nagnakaw ng sa tindahan ni Domingo Baril sapagkat ako ay wala na sa
bagong palengke ng alas 8:30 ng gabi ng Hunyo 15, 2007;

Na ginawa ko ang salaysay na ito upang patohanan ang lahat na


nakasaad dito at upang hilingin sa Kagalang-galang na Taga-Usig
Panglungsod na ipawalang saysay ang habla laban sa akin sapagkat ako ay
hindi nagnakaw sa tindahan ni Domingo Baril at maliwanag na maliwanag na
nagsisinungaling ang kanyang testigo na si Inspektor Augurio Samson ng
sabihin niya na nakita niya ako at sina Leandro Bagsit at Jonathan Bagsit na
pumasok sa tindahan ni Domingo Baril sapagkat siya ay kasama ko sa
lumang palengke ng diumano ay maganap ang nasabing nakawan sa bagong
palengke;

Sa Katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong


ika-______ ng Hulyo 2007 dito sa Lungsod ng Batangas

GENER GUTIERREZ
Nagsasalysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ day of July,


2007 at Batangas City, Philippines.

Administering Officer

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I personally examined the affiant and that I


am satisfied that he voluntarily executed and fully understood his affidavit.

Administering Officer
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.

KONTRA-SALAYSAY

AKO, JONATHAN BAGSIT y BUROG, nasa hustong gulang, may


asawa at nakatira sa Brgy. Tingga, Labac, Batangas City, matapos
makapanumpa ng naayon sa batas ay malaya at kusang-loob na
nagsasalaysay gaya ng sumusunod:

Na ako ay inihabla ni Domingo Baril sa kasong “Qualified Theft” na


nakabinbin sa Tanggapan ng Tagausig Panlungsod at nasa ilalim ng I.S.
bilang 07-757;

Na pinabubulaanan ko ang mga alegasyon nina Domingo Baril at ng


kanyang testigo na si Augurio Dante Samson sapagkat ang katotohanan ng
mga pangyayari noong ika-15 ng Hunyo, 2007 ay ang mga sumusunod:

Na ako ay dumating sa bagong palengke bago sumapit ng alas sais ng


gabi para magreport sa aking duty bilang isang gwardiya sa bago at lumang
palengke na magsisimula ng alas-sais ng hapon hanggang alas sais ng
umaga kinabukasan;

Na pagdating ko sa bagong palengke, ako ay nagtime-in sa


pamamagitan ng finger scanning at pagkatapos ay kami nina Inspektor Gener
Gutierrez at Leandro Bagsit ay nagsimula ng magsarado ng dalawang gusali
sa bagong palengke;

Na wala kaming napansin na kakaiba habang sinasarado namin ang


mga gusali at ang aming pagsasara ay inabot ng alas 6:30 ng gabi at
pagkatapos nito ay kami ay nagroving sa bagong palengke hanggang sa
sumapit ang ika -7:05 ng gabi;

Na noong ganap na alas 8:30(20:30) ng gabi ay sinabi sa akin ni


Inspektor Gener Gutierrez at Leandro Bagsit na sila pupunta sa lumang
palengke para doon naman magduty at ako ang naiwan sa bagong palengke;

Na noong alas 9:00 ng gabi ay hindi ko napansin at nakita sina


Inspektor Samson, Bagsit at Gutierrez sa bagong palengke;

Na noong maiwan ako sa lumang palengke ay wala akong nakita o


napansin na irregular na nangyari at wala rin nagreport sa akin na may
nakawan na naganap noong araw na iyon;

Na ang susi ng gusali kung nasaan ang tindahan ni Domingo Baril ay


iniiwan ko sa locker ng barracks at iyon ang karaniwang ginagawa ng mga
kasamahan kong gwardiya doon;
Na hindi ako pumasok sa tindahan ni Domingo Baril at lalong hindi ko
nakasama noong oras na iyon sina Inspektor Leandro Bagsit at Gener
Gutierrez;

Na sinasabi ni Domingo Baril na siya ay nawalan ng perang


nagkakahalaga ng P15,400.00 at isang rim ng Marlboro Lights Cigarette;

Na hindi kapani-paniwala na mag-iiwan si Domingo Baril sa kanyang


tindahan ng ganoong kalaking halaga samantalang hindi lingid sa kanyang
kaalaman na may nauna ng aksidente ng nakawan na nangyari sa bagong
palengke;

Na imposibleng iyong sinasabi ni Inspektor Samson na nakita niya


kami nina Inspektor Gutierrez at Bagsit na pumasok sa tindahan ni Domingo
Baril sa bagong palengke sa ganap na alas 9:00 ng gabi sapagkat nadiskubre
ko base sa logbuk ng lumang palengke na si Inspektor Samson pala ay
nadoon at umalis lamang ng lumang palengke ng ganap na 21:45H o 9:45 ng
gabi, ang kopya ng logbook sa lumang palengke para sa Hunyo 15, 2007 ay
nakalakip ditto bilang Annex”A”;

Na dahil dito ay kitang-kita na nagsisinungaling si Inspektor Samson ng


sabihin nya na nakita nya ako at sina Gener Gutierrez at Jonathan Bagsit na
pumasok sa tindahan na pagmamay-ari ni Domingo Baril ng ganap na alas
9:00 ng gabi;

Na ginawa ko ang salaysay na ito upang patohanan ang lahat na


nakasaad ditto at upang hilingin sa Kagalang-galang na Taga-Usig
Panglungsod na ipawalang saysay ang habla sa akin sapagkat ako ay hindi
pumasok at nagnakaw sa tindahan ni Domingo Baril;

Sa Katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito nagyong


ika-______ ng Hulyo 2007 dito sa Lungsod ng Batangas

JONATHAN B. BAGSIT
Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ day of July,


2007 at Batangas City, Philippines.

Administering Officer

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I personally examined the affiant and that I


am satisfied that he voluntarily executed and fully understood his affidavit.

Administering Officer
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, custodian ng logbuk, nasa hustong gulang, may asawa at


nakatira sa Brgy. Talumpok Silangan, Batangas City, matapos makapanumpa
ng naayon sa batas ay malaya at kusang-loob na nagsasalaysay gaya ng
sumusunod:

Na ako ang naatasang magentrada ng mga pangyayari sa lumang


palengke sa logbuk na nakatalaga sa Lumang palengke (Old Public Market);

Na noong ika-15 ng Hunyo, 2007 ay madaming beses nagpabalik balik


sina Inspektor Gutierrez, Samson at Bagsit sa lumang palengke;

Na noong ganap na alas 9:00 ng gabi o 21:00H ay nasa lumang


palengke si Inspektor Samson at siya ay lumagda sa logbuk ng oras na iyon
sa katunayan na siya ay nag-inspeksyon sa lumang palengke;

Na noong nasabing oras na iyon ay dumating din si Inspektor Gener


Gutierrez at ito ay umalis lamang sa lumang palengke ng ganap na 24:00 of
alas 12 ng umaga ng Hunyo 16, 2007;

Na si Inspektor Samson ay umalis sa lumang palengke makalipas ng


45 minuto o sa oras na 21:45 o 9:45;

Na ang lahat ng aking itinala sa logbuk ng lumang palengke ay totoo at


ito ay hindi ko gawa-gawaan lamang;

Na ginawa ko ang salaysay na ito upang patohanan ang lahat na


nakasaad dito at para lumabas ang buong katotohanan sa mga pangyayari
noong ika-15 ng Hunyo,2007;

Sa Katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong


ika-______ ng Hulyo 2007 dito sa Lungsod ng Batangas

Nagsasalysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ day of July,


2007 at Batangas City, Philippines.

Administering Officer
CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I personally examined the affiant and that I


am satisfied that he voluntarily executed and fully understood his affidavit.

Administering Officer

You might also like