You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.


x--------------------------------------------x

MAGKASANIB NA SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY


KAMI, RYAN ALPEREZ y ANGELIS, nasa hustong gulang, Filipino,
binata, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Banay-Banay 1 st, San Jose,
Batangas, SOFRONIO RIOS y CASTAÑARES, nasa hustong gulang, Filipino,
binata, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Banay-Banay 1 st, San Jose,
Batangas, JESTONI AGUSTIN y BRITAN, nasa hustong gulang, Filipino,
binata at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Taysan, San Jose, Batangas at
MARK PALMES y MAGNAYE, nasa hustong gulang, Filipino, binata, at
kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Taysan, San Jose, Batangas matapos
manumpa ng naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng
mga sumusunod:

Na madiin naming pinabubulaanan ang habla sa amin na “Violation of


PD 1602” na diumano ay naganap noong ika-1 ng Nobyembre 2019 sa ganap
na ika 7:45 ng gabi sa Sitio Tramo Brgy. Banay-Banay 1 st, San Jose, Batangas
at kasalukuyang nakabinbin sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-Usig ng
Batangas sa ilalim ng NPSD No. IV-02-INQ-19K-00925;

Na hindi totoo ang mga paratang nina PSSg Raffy O. Mitra, PSSg Ronald
D. Punzalan at PSSg Edwin G. Vivas na kami ay nakita nilang naglalaro sa
gilid ng kalye katabi ng tindahan ni JRJ Sari Sari Store;

Na ang katotohanan ng mga pangyayari ay ang mga sumusunod:

Na ganap na ika 7:45 ng gabi kami ay magkakasama, nagkekwentuhan


at nagpapalipas ng oras sa loob ng katabing tindahan ng JRJ Sari Sari Store at
hindi totoo na kami ay nasa gilid lamang ng kalye;

Na ang aming kinapepwestuhan noong gabing iyon ay isang pribadong


lugar at nakasarado ang pintuan kaya hindi ito lantad sa tao;

Na kung kaya hindi makatotohanan ang sinasabi ng mga kapulisan na


nakita daw kami diumano na nagsusugal;

Na kami naman ay nasa tamang katinuan para hindi magsugal sa isang


lantad na lugar tulad ng kanilang sinasabi;

Na sa ilalim ng Section 5(a), Rule 113 ng Revised Rules of Criminal


Procedure, upang magkaroon ng valid warrantless arrest kung: “(a) the person
to be arrested must execute an overt act indicating that he has just committed, is
actually committing, or is attempting to commit a crime; and (b) such overt act is
done in the presence or within the view of the arresting officer”;

Na hindi na maikakaila na hindi nagkaroon ng valid in flagrante delicto


warrantless arrest and search incidental to a warrantless arrest;
Na dahil illegal ang naging pag-aresto sa amin, ang mga ebidensya na di-
umano’y nakumpiska sa amin ay hindi maaaring gamitin laban sa amin
sapagkat ito ay nakuha ng kapulisan sa pamamagitan ng paglabag ng aming
karapatan sa ilalim ng Art. III, Section 2 ng 1987 Constitution at ito ay
maituturing na fruit of the poisonous tree;

Na dahil sa katotohanang ito, ay hinihiling ko sa Kagalang-galang na


Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig na ipawalang saysay ang kaso laban sa
amin sapagkat ito ay walang tamang basehan at pawang gawa gawa lamang.

SA LUBOS NA KATOTOHANAN NG LAHAT, lumagda ako sa ibaba nito


ngayong ika-___ ng Nobyembre 2019 dito sa Lungsod ng Batangas.

MARIA LOURDES MADLANGBAYAN y CARINGAL

GIRLIE MANALO y DALANGIN

CRISANTO DOLOSA y JAVIER


Mga Nagsalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng


Septyembre 2019 dito sa Lungsod ng Batangas.

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the affiant and that
I am fully satisfied that they voluntarily executed and understood the contents
of their counter-affidavit.
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
LUNGSOD NG BATANGAS) S.S.
x--------------------------------------------x

MAGKASANIB NA SINUMPAANG KONTRA SALAYSAY


KAMI, ANNIE RODRIGUEZ y MALUBAY, may asawa, MILAGROS
MELCHOR y CASIAO, may asawa, at GERALDINE GOMEZ y LACERNA,
walang asawa, mga kapwa nasa hustong gulang, Filipino at kasalukuyang
naninirahan sa Brgy. Poblacion San Pascual, Batangas, matapos manumpa ng
naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga
sumusunod:

Na madiin naming pinabubulaanan ang habla laban sa amin na


“VIOLATION OF PD 1602 (Tong its)” na diumano ay naganap noong ika-8 ng
Agosto 2019 sa ganap na ika 1:45 ng hapon sa Brgy. Poblacion, San Pascual,
Batangas at kasalukuyang nakabinbin sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-
Usig ng Batangas sa ilalim ng NPSD No. IV-02-INQ-19H-00667;

Na hindi totoo na kami ay nagsusugal gamit ang baraha na may perang


pantaya noong mga oras na kami ay nahuli ng mga kapulisan ng San Pascual
Batangas;

Na ang katotohanan ng mga pangyayari ay ang mga sumusunod:

Na ganap na ika 11:00 ng umaga, kami ay nasa loob ng bahay


nagkekwentuhan at nakatambay lamang dahil ito ay madalas naman naming
ginagawa bilang pampalipas oras dahil kami naman ay pare-parehas na
walang trabaho;

Na habang kami ay nasa loob ng bahay ay biglang tinulak nitong mga


kapulisan ang pintuan ng bahay at sinabihan lamang kami na walang kikilos
at tatayo;

Na ang larawan na nagsusugal kami diumano sa bahay at kuha daw ng


isang cellular phone ay pawang gawa gawa lamang at sinabihan lamang kami
ng mga kapulisan na kami ay kukuhanan ng litrato at inayos nila ang lamesa
upang magmukang kami ay nagsusugal at saka inilatag ang mga perang
kinuha mula sa bulsa namin;

Na kung mapapansin din sa mga larawan na nakalakip sa salaysay ng


mga kapulisan ang nasabing operasyon o panghuhuli sa amin ay gawa-gawa
lamang, magkaiba ang background ng larawan na nahuli kami sa aktong
diumano ay pagsusugal dahil itong larawan na ito ay kuha mismo sa may
bahay at ang naging background ng larawan kung saan ay dumating na ang
mga kapulisan dahil ito ay kuha na sa himpilan ng pulisya sa San Pascual,
Batangas at nilatag lang ulit ang lamesa, baraha at mga pera upang palabasin
na kami ay nagsusugal ng mga oras na kami ay nahuli;
Na dahil sa katotohanang ito, ay hinihiling namin sa Kagalang-galang na
Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig na ipawalang saysay ang kaso laban sa
amin sapagkat ito ay walang tamang basehan at pawang gawa gawa lamang.

SA LUBOS NA KATOTOHANAN NG LAHAT, lumagda ako sa ibaba nito


ngayong ika-___ ng Septyembre 2019 dito sa Lungsod ng Batangas.

ANNIE RODRIGUEZ y MALUBAY

MILAGROS MELCHOR y CASIAO

GERALDINE GOMEZ y LACERNA


Mga Nagsalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng


Septyembre 2019 dito sa Lungsod ng Batangas.

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the affiant and that
I am fully satisfied that they voluntarily executed and understood the contents
of their counter-affidavit.

You might also like