You are on page 1of 2

SINUMPAANG SALAYSAY

NG PAG-UURONG NG DEMANDA

Kami po sina, ALFREDO N. FAMINDALAN at MA. CECILIA C.


FAMINDALAN, kapwa na hustong gulang, mga Pilipino, mag-asawa at
mga naninirahan sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite, Pilipinas,
bilang magulang at kinatawan ng namatay nilang anak na si,
VANESSA CAPISTRANO FAMINDALAN, nasa hustong gulang,
Pilipino, dalaga at naninirahan sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite,
Pilipinas, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Kami po ay naghain ng reklamo laban kay JOSELITO TAFALLA


MAYORAL ng “Reckless Imprudence Resulting to Homicide” na
may Police Spot Report re-RIR to Homicide, na ipinagkaloob ni
Police Major, Dennis A. Villanueva, at kasalukuyang nakabinbin
sa Tanza Police Station, Tanza, Cavite.

2. Na, kami po ay nagsampa ng reklamong ito laban kay JOSELITO


TAFALLA MAYORAL dahilan sa aksidente/insidenteng pagkabangga
niya sa aming anak na si VANESSA CAPISTRANO FAMINDALAN
habang nakatayo sa isang publikong lugar at naghihintay ng
sasakyan sa may Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite gamit ang
motorsiklo na may Plate No. 862 UOF na nakarehistro sa
pangalan ni MARDY JOY HAMTO TAFALLA.

3. Na, dahilan po sa nangyari kung kaya’t ang aking anak na si


VANESSA CAPISTRANO FAMINDALAN ay nasawi.

4. Pagkatapos po naming pag-aralan ang mga bagay-bagay na may


kinalaman sa nasabing kaso, amin pong napagtanto at napag-isip-
isip na siya ay amin nang patawarin at i-urong na lamang po ang
aming reklamo laban sa kaniya.

5. Dahilan dito ay aming hinihiling na ipawalang bisa na ang


nasabing reklamo laban kay JOSELITO TAFALLA MAYORAL o sa
sinumang mga kamag-anak nila dahil sa pagkakaugnay sa
nasabing insidente/aksidente.

6. Na, kung sakaling may sinomang maghahabol sa nangyaring pag-


uurong ng demanda laban sa kaniya ay buong puso po naming
ipinahahayag na kami ang mananagot kung sakaling hindi tama
ang aming mga ipinahayag o may ginawa kaming kasinungalingan
hingil dito.

7. Na, ginawa po namin ang salaysay na ito ng buong laya, walang


tumakot, pumilit sa amin o nangako ng anomang pabuya.
SA KATUNAYAN NG LAHAT ng ito, ako ay lumagda ngayong
ika-5 ng Marso 2023 dito sa Bayan ng Tanza, Lalawigan ng Cavite,
Pilipinas.

ALFREDO N. FAMINDALAN
Nagsasalaysay
Q-PASS ID BLG.: 1800199/TANZA, CAVITE

MA. CECILIA C. FAMINDALAN


Nagsasalaysay
BRGY. ID BLG.: BM11744

Sinaksihan nina:

ROHCEL C. FAMINDALAN DOROTEA T. MAYORAL


SAKSI SAKSI

Sa HARAP KO, na ISANG NOTARYO PUBLIKO, dito sa Bayan


ng Tanza, Lalawigan ng Cavite, Pilipinas, ngayong ika-5 ng Marso
2023 ay personal na humarap at lumagda sa harapan ko ang lahat ng
mga pangalang nabanggit, kasama ang kanilang mga saksi at kinilala
ko silang nagsagawa sa lahat ng pahina ng Sinumpaang Salaysay ng
Pag-uurong ng Demanda na ito at pinatunayan nila sa harap ko na
ito ay kanilang malaya at sarili nilang pagpapasiya.

SAKSIHAN ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK,


ngayong ika-5 ng Marso 2023 dito sa Bayan ng Tanza, Lalawigan ng
Cavite, Pilipinas.

ATTY. JASON ALMOND P. DE GUZMAN


Notary Public-Province of Cavite
Commission Expires Dec. 31, 2024
IBP Roll No. 61387
MCLE No. VI– 0019537; 03-01-19
PTR No. 6744817; Cavite; 01-03-23
IBP Lifetime Member Roll No: 018800
Doc. No. ________; PPLM; 01-03-18
Page No. ________;
Book No. ________;
Series of 2023.

You might also like