You are on page 1of 4

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduan ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong


ika-21 ng Marso, 2021 dito sa Lungsod ng Batangas nina ALEXIA S.
ESPARAGOZA, may sapat na gulang, dalaga, Filipino, at naninirahan sa
Hilerang Kawayan, San Pascual, Batangas, na siyang tatawaging
NAGPAPAUPA, dito kay HELEN CARLA L. TABERNERO, nasa tamang gulang,
dalaga, Filipino, at naninirahan sa San Luis, Batangas na siyang tatawaging
UMUMUUPA.

PAGPAPATUNAY:

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng


isang sasakyang HONDA COUPE ayon sa sumusunod na paglalarawan:

GUMAWA: Honda MAKINA: 123456


SERYE: Civic CHASSIS: 456789
URI NG SASAKYAN: Coupe PLAKA: ABC 1234
MODELYO: 2021 PAPELES: 987645
OR: 321654

Na ang NAPAPAUPA at ang UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at


papaupahan ang nasabing sasakyan sa ilalin ng patakaran at alituntunin na
gaya ng mga sumusunod:

1. BUWANANG UPA
Ang sasakyan na ito ay uupahan sa pangbuwan ng SAMPONG LIBONG
PISO (Php 10,000.00) na babayaran tuwing ika-1 ng buwan sa
pamamagitan ng CEBUANA LHUILLIER PAWNSHOP PERA PADALA.
2. TAGAL
And kasunduan ay para sa panahon na 36 na buwan simula Marso 21,
2021 at hanggang sa Marso 21, 2021 ayon sa sinang-ayunan ng
parehong partido.
3. Ang MGA OBLIGASYON NG NAGPAPAUPA:
Ang nagpapaupa ay sumasang-ayon:
3.1. Na bigyan ang Umuupa ng eksklusibong paggamit at pag-aari ng
sasakyan sa loob ng tagal ng kasunduang ito, ayon sa nilalaman ng
kasunduan;
3.2. Na bigyan ang Umuupa ng tahimik na pagmamay-ari ng sasakyan;
3.3. Na bigyan ang Umuupa ng kopya ng rehistro at resibo ng
sasakyan;
4. ANG MGA OBLIGASYON NG UMUUPA:
Ang umuupa ay sumasang-ayon:
4.1. Na tiyakin na ang sasakyan ay ginagamit sa tama at legal na
paraan lamang at siya lang ang nagmamaneho nito at na siya ay may
Driver’s License na inisyu ng LTO .  
4.2. Na tiyakin na walang mga pagbabago na ginawa sa sasakyan o
anumang bahagi na tinanggal maliban kung ito ay agad na mapalitan
ng parehong bahagi o sa pamamagitan ng isa sa parehong gawa o
modelo o isang pinabuting bersyon;
4.3. Na tiyakin na mag-ulat sa pinakamalapit na Pulisya at sabihin sa
Nagpapaupa kung may aksidente na nangyari sa sasasakyan sa loob ng
araw ng aksidente kung mayroon man o ang pagkawala ng sasakyan at
makuha ang ulat ng pulisya at iba pang mga dokumento na
kinakailangan para sa paghahabol ng seguro ;
4.4. Na maging responsable sa gastos na may kaugnayan sa
gasolina, pagpalit ng gulong /bulkanizing at pagpapalit ng langis pati
na rin ang anumang gastos sa mga bayad sa paradahan , multa at mga
gastos para sa iligal na paradahan at toll fees ;
4.5. Na tiyakin na ang sasakyan ay eksklusibo na ginagamit
lamang ng Umuupa.
4.6. Na maging responsable para sa mga gastos ng pagkukumpuni at
pagpapanatili ng sasakyan at pag-renew ng mga komprehensibong
insurance at LTO registration ng sasakyan.
5. TERMINASYON NG KASUNDUAN
5.1. Ang Umuupa ay may karapatang tapusin ang Kasunduang ito,
sa pagbibigay ng abiso sa Nagpapaupa isang (1) linggo bago ang petsa
ng tapos ng kasunduan.      
5.2. Ang Umuupa ay may karapatang wakasan ang kasunduang
ito kung hindi na niya kayang bayaran ang buwanang pagrenta
na Php 10,000 . Alinsunod nito, obligado siyang ibalik ang sasakyan sa
Nagpapaupa sa parehong kondisyon nung naibigay ito sa kanya. 
5.3. Ang Nagpapaupa ay mayroong option na wakasan ang
Kasunduang ito sa pagbibigay abiso sa Umuupa isang (1) linggo bago
ang petsa ng pagtapos kung ang Umuupa ay hindi na nakakabayad ng
buwanang pag-upa. Ang Nagpapaupa ay walang obligasyon na magbalik
ng mga upa sa panahon na umiiral ang Kasunduang ito.
5.4. Ang Nagpapaupa ay may karapatan na wakasan agad ang
Kasunduang ito kung nilabag ng Umuupa ang mga tuntunin ng
kasunduan.

NILAGDAAN:

ALEXIA S. ESPARAGOZA HELEN CARLA L. TABERNERO


NAGPAPAUPA UMUUPA

NILAGDAAN SA HARAP NILA:

Ma. Shanelle Kassandra D. Anglo Joshua D. Bulanhagui


PAGAMIN

REPUBLIKO NG PILIPINAS)
Lungsod ng Batangas)S.S.

BAGO SA AKIN, isang Notaryo Publiko para at sa Probinsya ng


Batangas,  personal na humarap:
 
PETSA/ LUGAR NG
PANGALAN AYDENTIPIKASYON
PAGBIGAY
Enero 01, 2021/
Alexia S. Esaparagoza SSS ID
Lungsod ng Batangas
Enero 01, 2021/
Helen Carla L. Tabernero SSS ID
Lungsod ng Batangas
Ma. Shanelle Kassandra D. Enero 01, 2021/
SSS ID
Anglo Lungsod ng Batangas
Enero 01, 2021/
Joshua D. Bulanhagui SSS ID
Lungsod ng Batangas
    
Kakilala ko at alam ko na parehong tao na gumawa ng KASULATAN NG
GANAP NA BILIHAN NG LUPA at inamin saakin na ginawa nila kusang loob.
 
Ang KASULATAN na ito ay may apat (4) na pahina, kasama ang pahina
na ito, ay pinirmahan sa kaliwang bahagi ng kada papel ng TAGAPAGBENTA
at TAGAPAGBILI kasama ng kanilang mga SAKSI, at salyado ng aking
markang notaryo.
 
SAKSI NG AKING KAMAY AT NG AKING MARKA ngayong ika-24 ng
Marso, 2021 sa Lungsod ng Batangas.
 

ATTY. PRINCESS I. DE LUNA


 
Doc. No. ........;
Page No. .......;
Book No. .......;
Series of 2021.

You might also like