You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong 13 ng Agosto , 2017, dito sa
Colossians Subd. Brgy.San Juan Taytay, Rizal, nina Gng. Consor D. de Lara, may sapat na gulang, Pilipino, at
naninirahan sa Buenmar Subd. Brgy. San Juan Taytay, Rizal na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kina
Gng. Marta Maylalena T. Urbano, Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa 5 Italia St. Francisco Village
Brgy. Muzon Taytay, Rizal na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.

P A G P A P A T U N A Y :

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY, na


matatagpuan sa Lot 1 Colossians Subd. Brgy. San Juan_, Taytay, Rizal.

Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang nasabing
bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.

1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula sa ika- 13
ng Agosto , 2017 at magatatapos sa ika- 13 ng Agosto , 2018 at maaring paupahang muli sa bagong
kasunduan.
2. Na ang nasabing UUPA sa buhay ay hindi hihigit sa _Anim_ ( 6 ) tao lamang o sila ay payapang umaayon na
lilisan sa nasabing PAUPAHAN.
3. Na ang UUPA ay magbibigay ng ___isang___ ( 1 ) buwang deposito at ___isang___ (1) buwan na paunang
kabayaran sa upa.
4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang PITONG LIBO (Php.7,000), bilang kabayaran o upa sa loob ng
isang (1) buwan at dapat bayaran tuwing ika- ____ ng bawat buwan.
5. Na ang nasabing isang (1) buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin ng
UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling buwang UPAHAN.
6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/TELEPONO ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.
7. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng tatlong ( 3) buwang
sunud-sunod, ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang naturang
paupahan sa maayos at matahimik na paraan.
8. Na ang nasabing BAHAY PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad
ng sugal at iba pa.
9. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o pag-
sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN.
10. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan at pangkalusugan.
11. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o
ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.
12. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung ( 30 )
araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika- 13 ng
Agosto, 2017, dito sa Brgy. San Juan Taytay, Rizal sa tulong ng Poong Maykapal.

N I L A G D A A N :

__ Consor D. de Lara __ __ Marta Maylalena T. Urbano ___


MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN
PAGBABAYAD

BUWAN HALAGA PIRMA PIRMA NG PIRMA


AT NG TUMANGGAP NG NAG-
PETSA UMUPA NG PERA PAPAUPA
SETYEMBRE
OKTUBRE
NOBYEMBRE
DISYEMBRE
ENERO
PEBRERO
MARSO
ABRIL
MAYO
HUNYO
HULYO
AGOSTO

N I L A G D A A N :

__ Consor D. de Lara __ __ Marta Maylalena T. Urbano ___


MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN

You might also like