You are on page 1of 2

KONTRATA SA PAGPAPAUPA

Kontrata sa pagitan ni:

Sina Cristy Gravoso at Cerwin Cabañes , nasa legal na edad, isang Pilipino, bilang
NAGPAPA-UPA.

at

Si Josephine Rocaverte, nasa legal na edad, isang Pilipino , bilang UMUUPA.

KASUNDUAN:

 Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na upahan ang bahay at lupang pagmamay-ari ng


NAGPAPA-UPA sa address na BLK 24 LOT 15 #52 SNT. FRANCIS ST. MARICABAN PASAY CITY.
 Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na upahan ito sa halagang Dalawang libo at limang daang
piso
 (Php2,500) kada buwan ng pagtira dito ayon na din sa NAPAGKASUNDUAN. Hindi pa kasama
ang bayad sa makukunsumo nitong tubig at kuryente.
 Na ang UMUUPA ay kailangang magbayad tuwing ika 5 ng June
 Na napagkasunduan ng PAREHONG PARTIDO na sa oras na hindi makapagbayad ang UMUUPA,
siya ay kailangang managot sa ano mang legal na aksyon na maaring gawin ng NAGPAPAUPA.
 Na ang UMUUPA lang at ang kanyang PAMILYA ang maaring manirahan sa nasabing bahay.
Walang ibang tao na hindi nito kaano-ano ang maaring gumamit o manirahan dito.
 Na ang UMUUPA ay kailangang mag-abot ng isang buwan na deposito at isang buwan na
paunang bayad sa NAGPAPA-UPA bago pa man ito lumipat sa nasabing bahay.
 Na sa panahon ng pagtatapos ng kontrata, ang paunang bayad na, dalawang libo at limang
daang piso (Php2500.00) ay hindi maaring makuha o magamit ng UMUUPA hangga’t hindi nito
nababayaran ang kaukulang bayarin nito sa kuryente at tubig.
 Na ang UMUUPA ay may tungkulin na panatilihin ang katahimikan, kalinisan kaayusan ng
nasabing bahay at kapaligiran.
 Ang hindi pagtupad sa alinman sa nabanggit na KASUNDUAN ay nangangahulugan ng
PAGKANSELA NG KONTRATA ito at sila ay aalis sa nasabing bahay sa loob ng tatlong araw (3)
matapos ang paglabag.
 Na ang kontratang ito ay magsisimula sa ika 05 ng Hunyo, taong 2019.

Cristy S.Gravoso at Cerwin T.Cabañes

NAGPAPAUPA Jovelyn Rocaverte.

____________________________
____________________________

____________________________

Date: ________________

You might also like