You are on page 1of 4

KASUNDUAN SA BILIHAN NG LUPA

DAPAT NA ALAMIN NG LAHAT:

Ang KASUNDUANG ito, isinigawa at pinagtibay sa pagitan


nina:

CONCORDIA M. LIBRADO kasal kay Ginoong Romulo


Librado na kinakatawan ni Ginoong JAIME E. MEDINA,
may sapat na gulang, walang asawa, Filipino, at may
tanggapan sa Govic Highway, San Pablo, Castillejos,
Zambales, dito ay tatawagin bilang UNANG PANIG;

-at-

LIBRADO COMPOUND HOMEOWNERS ASSOCIATION,


INCORPORATED, isang samahan na itinatag sa ilalim ng
umiiral na batas ng Pilipinas, may pansamantalang
tanggapan sa Barangay Sta. Maria, Castillejos, Zambales,
dito ay kinakatawan ni FRANCISCO BARCILLA, may
sapat na gulang, may asawa, Filipino, at may tirahan sa
National Highway, San Nicolas, Castillejos, Zambales, dito
ay tatawagin bilang PANGALAWANG PANIG;

ALAMIN:

NA, ang UNANG PANIG ang siyang tunay, hayag at rehistradong


nagmamay-ari nang Isang (1) lagay ng lupa na matatagpuan sa Brgy.
Magsaysay, Castillejos, Zambales, nasasakupan nang ORIHINAL NA
TITULO BLG. P-28050 na may sukat na DALAWANG LIBO LIMANG
DAAN (1,500) metro kwadrado, humigit kumulang;

NA, ang Isang (1) lagay na lupang nasasakupan nang ORIHINAL NA


TITULO BLG. P-28050 na banggit sa itaas ay nasa ilalim nang isang
proseso upang ito ay maisa-ilalim sa maayos na pagbabaha-bahagi sa
kabuuang Tatlongpo (30) Residensiyal na lote na hangad maipag-bili sa
isang Samahan na may katauhang legal at mga kuwalipikado at may
kakayahang mga kasapi;

NA, ang PANGALAWANG PANIG, taglay ang sapat at tamang kaalaman


sa kasalukuyang kalalalagyan nang Isang (1) lagay na lupang banggit
ayon sa itaas, ay paunang nagpapahayag nang kagustuhan at hangarin
na bilihin ang Isang (1) lagay na lupang banggit na may ORIHINAL NA
TITULO BLG. P- 28050 na may sukat na ISANG LIBO LIMANG DAAN
(1,500) metro kwadrado, humigit kumulang na matatagpuan sa Brgy.
Magsaysay, Castillejos, Zambales.

NA, ang UNANG PANIG ay nagpapahayag nang pagtanggap sa


ipinahayag na hangarin at kagustuhan nang PANGALAWANG PANIG na
bilihin ang Isang (1) lagay na lupang banggit sa itaas.

NA, ang UNANG PANIG at PANGALAWANG PANIG ay lubos ang


pagkaka-isa at pagkakasundo na, matapos ang proseso nang marapat na
pagbabahagi (subdivision) nang banggit na Isang (1) lagay na lupa, ang
Kasunduang Bilihan na ito ay idudulog sa Community Mortgage Program
ng Social Housing Finance Corporation upang matulungan ang
pagtatapos nito sa tulong nang nang banggit na Tanggapan;

NA, dahil at alang-alang sa mga nasaad sa itaas, ang UNANG PANIG ay


pumapayag na ipagbili at ngayon ay pumapayag na ipagbili, samantalang
ang PANGALAWANG PANIG ay pumapayag na bilhin ang Isang (1)
lagay na lupang banggit sa itaas sa halagang Isang Libo (1,000)
Salaping Pilipino (ANNEX A), bawat metro kuwadrado na umaabot sa
kabuuang halagang DALAWANG MILYON LIMANG DAAN PISO (Php
2,500,000.00), Salaping Pilipino sa ilalim nang mga sumusunod na
tadhana:

NA, ang UNANG PANIG at PANGALAWANG PANIG ay nagkasundo


at ngayon ay nagkakasundo na, ang PANGALAWANG PANIG ay
magbabayad o magbibigay sa UNANG PANIG nang halagang katumbas
ng __________________ PORSIYENTO (___%) nang napagkasunduang
kabuuang halaga nang bilihan sa oras na lagdaan na ito;

NA, ang UNANG PANIG at PANGALAWANG PANIG ay nagkasundo,


at ngayon ay nagkakasundo na, habang hindi pa nasasa-ilalim sa
Community Mortgage Program ang Kasunduan na ito at hindi pa
nababayaran nang Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang
UNANG PANIG nang obligasyong bayarin sa ilalim nang Kasunduang
Bilihan, ang bawat kasapi ng PANGALWANG PANIG ay maghuhulog ng
halagang LIMANG DAAN (PHP 500.00) Piso bawat buwan sa UNANG
PANIG simula ___________________ AT KAUGNAY NITO na siyang
ibabawas sa kabuuang halaga ng lupa,

1. Ang UNANG PANIG ang siyang may kakayahan na magtalaga nang


marapat na lote sa bawat kasapi nga PANGALAWANG PANIG na
siyang paunang babayaran nang buwanang hulog sa bawat isa;

2. Ang pag-kolekta sa buwang-hulog na banggit at obligasyon nang


Pamunuan nang PANGALAWANG PANIG, at marapat lamang na
ang anumang koleksyon at mabigay agad sa UNANG PANIG;

3. Anumang koleksiyon ay dapat mabigyan nang marapat na resibo, at


para sa pagganap nang obligasyong ito, ang PANGALAWANG
PANIG ay magsasagawa ng TATLONG (3) resibo sa bawat
koleksiyon na ang Orihinal ay ibibigay sa nagbayad, ang
Pangalawang kopya ay para sa UNANG PANIG, samantalang ang
Pangatlong kopya ay para sa PANGALAWANG PANIG;

4. Ang PANGALAWANG PANIG ay binibigyan nang karapatan na


magpalit, magtanggal o magpa-alis nang sinuman kasapi nito na hindi
maktupad sa tatlong (3) sunod-sunod na buwanang hulog;

NA gayundin, ang UNANG PANIG at PANGALWANG PANIG ay


nagkasundo, at ngayon ay nagkakasundo,

1. Na obligasyon o tungkulin ng PANGALAWANG PANIG ang pag-


asikaso at pagkuha ng Development Permit sa Local Government Unit
(LGU) o alinmang marapat na Tanggapan ng Pamahalaan;

2. Obligasyon nang PANGALAWANG PANIG na balikatin ang mga


gastusin na hindi sakop sa marapat na sasagutin ng UNANG PANIG
kaugnay sa pagproseso nang Isang (1) lagay na lupang banggit sa
itaas;

3. Obligasyon nang PANGALAWANG PANIG na balikatin ang mga


gastusin na hindi sakop sa marapat na sasagutin ng UNANG PANIG
kaugnay sa pagproseso nang Isang (1) lagay na lupang banggit sa
itaas;

4. Bago lagdaan ang kasunduan na tio, magpatibay nang Resolusyon


ang PANGALAWANG PANIG bilang patunay na ang sinuman na
Kinatawan na lumagda sa kasunduan na ito ay awtorisado o may
kapangyarihan;

5. Pananagutan ng PANGALAWANG PANIG na magbayad sa


pagpasukat sa lupa tulad ng: relocation survey, topographic, structural
survey, paghahati (subdivision plan) paglalagay ng mga mohon o
hangganan ng bawat lote pagpa-approved ng technical description ng
bawat lote sa Bureau of Land;

6. Ang UNANG PANIG ay marapat na magbigay nang Katibayan o


Resibo sa bawat hulog o bayad na maibigay nang PANGALAWANG
PANIG, bilang pagkilala na ang mga ito ay bahaging kabayaran;

7. Ang UNANG PANIG ay maaring magbigay ng Certification bilang


patunay sa kabuuhang halaga ng naibayad ng PANGALAWANG
PANIG sa lupa na ibabawas sa kabuuang halaga ng bilihan;

8. Ang UNANG PANIG ay magsasagawa ng Kasulatan nang Bilihang


Patuluyan para sa PANGALAWANG PANIG sa anumang
pagkakataon na ang kabuuang halaga nang bilihan ayon sa
kasunduan na ito ay mabayaran;

9. Ang UNANG PANIG ay siyang marapat na magbayad ng Mobilizer


Fee;

10. Na anumang paglabag sa anumang tadhana ng Kasunduan na ito ay


sapat na dahilan upang mapawalang-bisa o saysay ang kasunduan
na ito, at anumang karapatan o obligasyon nang magkabilang panig
sa ilalim nang pagkakataon ay tatalakayin sa hiwalay na kasunduan.

SA KATIBAYAN NG LAHAT, ang mga SANGKOT ay inilagda ang


kanilang mga pangalan ngayong ika ____ ng ___________, dito sa
_________________________.

CONCORDIA LIBRADO LIBRADO COMPOUND


Married to ROMULO LIBRADO HOMEOWNERS ASSN.

Sa pamamagitan:

JAIME E. MEDINA FRANCISCO BARCILLA


Atty.-in-fact Concordia Librado President

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

_________________________ _________________________
REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LALAWIGAN NG ZAMBALES ) S.S.
BAYAN NG )

SA AKING HARAPAN, ngayong ika _______ ng ____________ dito sa


_____________________, ang mga Sangkot na personal kong mga
kilala/nagpakita nang marapat na katibayan nang pagkakakilanlan ay
personal na humarap at kanilang kinilala at tinaggapan sa akin na
personal nilang isinagawa nang malaya at kusang-loob ang kasulatan na
ito.

Ang kasulatan na ito, binubuo nang Apat (4) na pahina kasama na iyong
kung saan nasusulat ang pagtanggap ay hinggil sa kasunduang Bilihan
nang Isang (1) lagay na lupa at ito ay nilagdaan nang mga Sangkot at
kanilang mga saksi sa bawat pahina.

SAKSIHAN ANG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYO PUBLIKO

Dok. Blg. _________


Dahon Blg. ________
Aklat Blg. _________
Serye Taong 2014.

You might also like