You are on page 1of 2

HULING HABILIN AT PAGPAPASIYA

ALAMIN NG LAHAT NA:

AKO, _________________________________ , kasal kay_____________________________,


may sapat na gulang, Pilipino at kasalukuyang naninirahan sa
________________________________ samantalang malinaw, tumpak at wasto ang aking pag-
iisip, diwa, at ala-ala, na sa akin naman ay walang pumilit, tumakot, nag-udyok, o
humikayat, ay kusang loob kong isinagawa at ngayon ay ipinahahayag ang kasulatang ito,
bilang aking HULING HABILIN o TESTAMENTO, sa wikang Pilipino na katutubong wika at
aking kinagisnan, at lubos na nauunawaan:

I. Na, aking ninanais na kung sakali’t pumikit na ang aking mga mata na ang aking
bangkay ay paglamayan at ilibing nang naaayon sa kaugalian ng Simbahang
Katoliko, Apostoliko Romano;
II. Na, ang mga ari-ariang aking maiiwan maging ang aking mana sa aking yumaong
magulang na sina _________________________ at ______________________ , ay ang
mga sumusunod:

a. _______________________________________________
b. _______________________________________________
c. _______________________________________________

III. Na, kung sakali at bawian ako ng Poong Maykapal ng aking hiram na buhay, ay
nais kong ipamana, ibigay at ipatungkol ang aking ari-ariang nabanggit sa
unahan nito ng pantay-pantay sa aking mga _______ na sina
________________________________________________________________;

IV. Na, aking binabawi at pinawawalang-saysay ang lahat at anumang kasulatan,


Testamento, hayag at di-hayag, na akin nang naisagawa, nilagdaan o ipinahayag
nang nauuna rito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda sa ibaba nito, ngayong ika-_____ buwan


ng __________________, taong _______, dito sa _________________________________.

Komporme: _______________________
Nagsagawa

__________________________
PAGPAPATUNAY NG MGA SAKSI
KAMI, na mga nangagsilagda sa ibaba nito bilang saksi, ay nagpapatunay na ang
naunang kasulatan ay siyang pinagtibay ni __________________________ kasal
kay__________________________________ , bilang kanyang Huling Habilin o Testamento, na
nalalaman naman naming yaon ay kanilang isinagawa samantalang malinaw ang kaniyang
isipan at diwa, at alam niya ang kaniyang ginagawa; at yaon ay nilagdaan niya sa aming
harapan sa itaas ng aming pangalan sa ikalawang dahon (second page) at sa kaliwang gilid
ng unang dahon (first page) kami naman, sa kaniyang kahilingan, ay nangagsilagda rin sa
ikalawang dahon at sa kaliwang gilid ng unang dahon (first page) sa harapan niya at ng
bawa’t isa sa amin, at sa harapan ng Notaryo Publiko, ngayong ika-_____ buwan ng
__________________, taong _______, dito sa ____________________________________.
___________________________________ naninirahan sa _________________________

___________________________________ naninirahan sa _________________________

___________________________________ naninirahan sa __________________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LALAWIGAN NG BULACAN ) S.S.
____________________________)

SA HARAPAN KO, ngayong ika-_____ buwan ng __________________, taong _______,


dito sa ____________________________________ ay dumulog sina ____________________________
na may ______________________________ gawad noong __________________________ sa
______________________________, kilala ko na siyang nagsagawa ng naunang HULING
HABILIN o TESTAMENTO, na kaniyang isinagawa at nilagdaan sa harapan ng kanyang
tatlong saksi na sina: ______________________________________ may ID
NO._________________________ gawad sa _________________;
__________________________________ na may ID No._______________________________ gawad sa
_________________ at ______________________________ na may ID No.
__________________________ gawad sa ________________ na lahat sila ay nagsilagda ng
kanilang mga pangalan sa ibaba ng Pagpapatunay na ito at sa bawa’t dahon sa harapan
ko, Notaryo Publiko at ang bawa’t isa sa kanila ay pinatunayan nila na yaon ay kanilang
nilagdaan at isinagawa ng malaya at kusa sa kanilang kalooban.

Ang HULING HABILING ito ay binubuo ng dalawang (2 pages) dahon, kasama ang
dahong kinaroroonan ng Pagpapatunay at Pagpapatotoong ito.
SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK.

Dok. Blg. _____


Pah. Blg. _____ Notaryo Publiko
Aklat Blg. _____
Taong _____

You might also like