You are on page 1of 3

KASUNDUAN NG PAGPAPAUPA

TALASTASIN NG SINUMAN:

Ang kasunduan na ito ay ginawa nina: , Pilipino, may


Sapat na gulang, (binata o may asawa, kasal kay ) at naninirahan
sa at dito ay makikilala bilang NAGPAPAUPA.

at

  ______________, Philipino, may sapat na gulang, (binata o may asawa, kasal


kay ) at naninirahan sa ___________at dito ay makikilala bilang
NANGUNGUPAHAN.

Ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang (describe the subject of lease)


samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na
(subject of lease) at tinanggap naman ng NAGPAPAUPA dahil sa mga sumusunod na
Kundisyon:
1. Ang kasunduan ay tatagal ng (1) na Taon simula sa , 20 hanggang sa
, 20 . Ang Nagpapaupa ay may karapatan magtaas ng upa sa porsyentong (____%)
pag mag rerenew ang NANGUNGUPAHAN.
2. Ang buwanang bayad ay halagang P ____, na babayaran ng
NANGUNGUPAHAN sa halagang bawat buwan.
3. DEPOSITO: Ang NANGUNGUPAHAN ay kaylangan mag deposit ng tatlong
buwan halaga ng upa sa NAGPAPAUPA sa unang araw ng pagtira sa nasabing paupahan:
One(1) Month Advance ay gagamitin sa unang buwan
One (1) month ay gagamitin sa panghuling buwan nag pagupa
One (1) Security Deposit na gagamitin sa mga nabangit sa talata bilang lima.
4. Ang buwanang bayad ay kaylangan sa pamamagitan ng pagdeposito sa mga
sumusunod na Bangko:
BDO SAVINGS ACCOUNT –SM SJDM BRANCH
ACCOUNT NAME: ELIZABETH G. BERGONIO
ACCOUNT NO. 0107-9013-7208
5. Ang NANGUNGUPAHAN ay magbibigay din ng deposito na may kabuuang halaga
na(P ). Ang deposito ay gagamit sa pambayad ng mga naiwang hindi
nabayaran na tubig, kuryente, at iba pang pananagutan ng NANGUNGUPAHAN sa
pagtatapos ng kasuduang ito at ibabalik ng NAGPAPAUPA sa NANGUNGUPAHAN
pagkalipas ng ( ) araw mula sa pagtatapos ng kasunduang ito. Ang deposito ay
di maaring gamitin sa buwanang upa, at di maaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng
isang taon pangungupahan sa nasabing paupahan.
6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang
NANGUNGUPAHAN ay puputulan ng tubig at kuryente.
7. Kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon
ng kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA
na ipawalang saysay ang kasunduanna ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o
iwanan ang inuupahan.
8. Ang lahat ng pangkariniwang reparasyon o kumpunihin sa inuupahan na ang tanging
dahilan ay ang pangaraw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang
karapatang singilin sa NAGPAPAUPA.
9. Pananatiliin ng NANGUNGUPAHAN ang kalinisan at kaayusan ng inuupahan at
kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis ng kalat sa paligid, at tamang pagtapon ng
basura ayon sa patakaran ng Nasyonal o lokal at iba pang may awtoridad.
10. Ang NANGUNGUPAHAN ay di maaaring paupahan ang kanyang inuupahan o
alin mang bahagi nito sa iba na walang kasulatang pahintulot ng NAGPAPAUPA.
11. Ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN ay kanyang sariling
pananagutan
Ang NAGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong
ipinatutupad ng pamahalaang lokal at nasyonal.
12. Ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot ng mga masisirang gamit sa
loob ng kanilang inuupahan.
13. Kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang inuupahang ito,
kanyang babayaran ang lahat ng upa hanggang sa katapusan ng kasunduang ito. At ang
kanyang deposito ay hindi na isasauli sa kanya.
14. Kung sakaling di magbayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng
NANGUNGUPAHAN ay prenda sa NAGPAPAUPA. Ang NAGUNGUPAHAN ay
binigyan ng karapatan ang NAGPAPAUPA na isubasta ang nasabinig kagamitan at
kapangyarihan na isarado o ipinid ang inuupahan ng walang ano mang pananagutang
kriminal o silib.
15. Ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula
ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon.
16. Kung sakaling pagkatapos ng takdang panahon ng nangungupahan at ang
NANGUNGUPAHAN ay nais ipagpatuloy ang pag-upa sa nasabing inuupahan, ang
kasunduang ito ay maaring magpanibago at baguhin batay sa kasunduan ng dalawang
panig.
Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay
lumagda sa kasulatang ito ngyong ika taon , sa .

 
[Nagpapaupa] [Nangungupahan]

[ACKNOWLEDGMENT]

You might also like