You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG PAGPAPAUPA

TALASTASIN NG SINUMAN:

Ang kasunduan na ito ay ginawa nina: ______________________, Pilipino, may


Sapat na gulang, (binata o may asawa, kasal kay ___________________) at naninirahan
sa _________________________at dito ay makikilala bilang NAGPAPAUPA.

at

_________, Philipino, may sapat na gulang, (binata o may asawa, kasal kay__________)
at naninirahan sa __________________at dito ay makikilala bilang NANGUNGUPAHAN.

Ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang (describe the subject of lease)


samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na
(subject of lease) at tinanggap naman ng NAGPAPAUPA dahil sa mga sumusunod na
Kundisyon:
1. Ang kasunduan ay tatagal ng (___) na taon simula sa _____, 20____ hanggang
sa______, 20____.
2. Ang buwanang (o taunang) bayad ay halagang P______________, na
babayaran ng NANGUNGUPAHAN sa halagang________ bawat (buwan o taon).
3. Ang NANGUNGUPAHAN ay magbibigay din ng deposito na may kabuuang halaga
na ____________(P_______). Ang deposito ay gagamit sa pambayad ng mga naiwang
hindi nabayaran na tubig, kuryente, at iba pang pananagutan ng NANGUNGUPAHAN sa
pagtatapos ng kasuduang ito at ibabalik ng NAGPAPAUPA sa NANGUNGUPAHAN
pagkalipas ng ________(___) araw mula sa pagtatapos ng kasunduang ito. Ang deposito
ay di maaring gamitin sa buwanang upa, at di maaring makuha kung sakaling di sila
tatagal ng isang taon pangungupahan sa nasabing paupahan.
4. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang
NANGUNGUPAHAN ay puputulan ng tubig at kuryente.
5. Kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon
ng kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA
na ipawalang saysay ang kasunduanna ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o
iwanan ang inuupahan.
6. Ang lahat ng pangkariniwang reparasyon o kumpunihin sa inuupahan na ang
tanging dahilan ay ang pangaraw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang
karapatang singilin sa NAGPAPAUPA lalo na kung ang halaga ng pagkukumpuni ay hindi
lalagpas nang ___________(P_________).
7. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang ______lamang. (in
case the subject of lease is residential).
8. Pananatiliin ng NANGUNGUPAHAN ang kalinisan at kaayusan ng inuupahan at
kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis ng kalat sa paligid, at tamang pagtapon ng
basura ayon sa patakaran ng Nasyonal o lokal at iba pang may awtoridad.
9. Ang NANGUNGUPAHAN ay di maaaring paupahan ang kanyang inuupahan o alin
mang bahagi nito sa iba na walang kasulatang pahintulot ng NAGPAPAUPA.
10. Ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN ay kanyang sariling
pananagutan.
11. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring gawin ang mga sumusunod sa
loob at kapaligiran ng inuupahan:

a. Mag-alaga ng anumang hayop gaya ng ibon, aso, pusa, atbp.;


b. Magluto (if the subject of lease is not residential);
c. Magsugal, magdala ng ipinagbabawal na gamot, magdala ng mga bagay
na maaring maging sanhi ng sunog, maginuman; at
d. Anumang gawain na magdudulot ng kaguluhan, ingay, at perwisyo
sa kapaligiran.
12. Ang NAGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong
ipinatutupad ng pamahalaang lokal at nasyonal.
13. Kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang inuupahang ito, kanyang
babayaran ang lahat ng upa hanggang sa katapusan ng kasunduang ito. At ang kanyang
deposito ay hindi na isasauli sa kanya.
14. Kung sakaling di magbayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng
NANGUNGUPAHAN ay prenda sa NAGPAPAUPA. Ang NAGUNGUPAHAN ay binigyan ng
karapatan ang NAGPAPAUPA na isubasta ang nasabinig kagamitan at kapangyarihan na
isarado o ipinid ang inuupahan ng walang ano mang pananagutang kriminal o silib.
15. Ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula
ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon.
16. Kung sakaling pagkatapos ng takdang panahon ng nangungupahan at ang
NANGUNGUPAHAN ay nais ipagpatuloy ang pag-upa sa nasabing inuupahan, ang
kasunduang ito ay maaring magpanibago at baguhin batay sa kasunduan ng dalawang
panig.
Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda
sa kasulatang ito ngyong ika __________taon ________, sa _____________.

____________________________ _______________________________
[Nagpapaupa] [Nangungupahan]

[ACKNOWLEDGMENT]

You might also like