You are on page 1of 3

KASULATAN NG UPAHAN NG LUPA

(CONTRACT OF LEASE)
MAGING HAYAG SA LAHAT:

Ang kasulatang ito ng Upahan na ginawa at isinakatuparan ngayong ika-


______________________ dito sa ___________________________, nina:

____________________________________, kasal, may sapat na


gulang, Pilipino at naninirahan sa ______________________________________,
dito ay siyang tatawaging NAGPAPAUPA: - at ni -

____________________________________, kasal, may sapat na


gulang, Pilipino at naninirahan sa ______________________________________,
na dito ay siyang tatawaging UMUUPA.

PINATUTUN AYAN

Na ang Nagpapaupa ang siyang tunay at ganap na may-ari ng isang paupahang lupa na
nasa lugar ng ____________________________________________, na sakop ng
__________________________ na may sukat na _________ SQUARE METERS.

NA DAHIL AT ALANG-ALANG sa buwanang upa o renta sa halagang


________________________________________________________ (P_________________),
na ibabayad ng Umuupa, ang Nagpapaupa ay kusang loob na nakikipagsundo sa Umuupa na
gamitin ng huli ang nabanggit na lupang paupahan sang-ayon sa sumusunod na kondisyon:

1. BISA NG RENTA. Ang kasulatang ito ng upahan ay magsisimula sa


___________________ hanggang __________________
subalit ang Umuupa ay maaring bigyan ng palugit na panahon kung ibigin ng
Umuupa. Na kung ang Umuupa ay umalis bago matapos ang kontrata ay hindi
na nila makukuha sa Nagpapaupa ang kanilang deposito.

2. ADVANCE. Na ang Umuupa ay magbibigay ng halagang


________________________________________________________
(P_________________), bilang advance na renta katumbas ng upa para sa
_____________(___) buwan sa oras na lagdaan nila ang kasulatang ito.

3. RENTA. Na ang umuupa ay magbabayad sa Nagpapaupa ng buwan-buwan na


upa ng walang patlan o tuloy-tuloy at ang halagang ito ay ibibigay sa unang
limang (5) araw ng buwang kinauukulan ng kusang-loob at hindi na kailangan
pang singilin. Na magbibigay ang UMUUPA ay magbibigay ng post-
dated checks para sa bayad sa buwanang renta. Na kung sakaling
hindi makabayad ang UMUUPA sa tamang oras ay magkakaroon ng
2% PERCENT PENALTY kada araw.

4. DEPOSITO. Na ang Umuupa ay magbibigay ng halagang


________________________________________________________
(P_________________), bilang advance na renta katumbas ng upa para sa
___________________ (___) buwan. Na ang depositong nabanggit ay hindi
maaring ipasa o gamitin sa upa sapagkat ang halagang iyon ay pang-
panagot sa pinsala na ibubunga sa hindi pagtupad ng Umuupa sa patakaran
ng kasulatang ito. Ang nasabing deposito ay maari lamang kunin ng Umuupa
matapos ang Thirty (30) days pagkatapos ng kontrata o matapos bayaran
ang bill sa kuryente,telepono at tubig. Na kung sakaling hindi matapos
ng UMUUPA ang nasabing upahan ay hindi na ibabalik ng
NAGPAPAUPA ang deposito.

4. ILAW/TUBIG/TELEPONO. Na sa upahan ito ay hindi kasama ang ilaw, tubig,


telepono, at iba pang pangsariling pangangailangan ng Umuupa;

____________________ ___________________
Nagpapaupa Umuupa
2

5. GAMIT NG LUPA. Ang nasabing paupahan na lupa ay gagamitin lamang para


sa ____________________________ at iba pang negosyo na katulad nito.

6. PAG-IINGAT. Na ang Umuupa ay pag-iingatan ang paggamit sa lupang


inuupahan na pag-aari ng Nagpapaupa. Na ito ay hindi maaring
pagdeposituhan o paglagyan ng ano mang bagay na mabaho at bawal na
kasangkapan. Na hindi rin ito maaring pagdausan ng ano mang gawaing
bawal sa batas o kautusan ng bayan tulad ng pagsusugal.

5. KASANGKAPAN. Na ang Umuupa ay hindi maaaring magpagawa, magdagdag


o magbawas ng ano mang sangkap sa lugar ng paupahan na walang
kasulatan na pahintulot ang Nagpapaupa; na ito ay pamalagiin nilang malinis
at maayos ang kapaligiran sa lahat ng oras at araw. Na pagkatapos ng
panahon ng paupahan ang lahat ng kasangkapang ikinabit ng Umuupa
katulad ng tubo ng tubig, partisyon o dingding, lababo (sink), at iba pang
gamit na ikinabit sa lupang paupahan ng palagian na hindi rin maalis at hindi
rin babayaran ng Nagpapaupa.

7. DI-PAGBABAYAD. Nililiwanag din na kung hindi makakabayad ang Umuupa ng


halagang katumbas ng upa para sa ________________ (___) BUWAN, ang
panahon ng Upahan binabanggit sa itaas ay mawawalang bisa at ipatatapos
na rin ang panahon ng upahan, at ito ay sapat na dahilan upang ang Umuupa
ay paalisin sa lugar na inuupahan ng hindi na kailangan ng kautusan mula sa
husgado o korte.

8. SEGURIDAD SA UPA. Na ang Umuupa ay payag na hindi nila maaring alisin o


ilabas sa lugar na pinauupahan ang ano mang kagamitan nila hanggang
hindi nila nababayaran ang lahat ng upa o renta dahilang ang mga iyon ang
pampanagot sa renta o upa na wala pang bayad at samsamin ito o kukunin
ito ng Nagpapaupa ng hindi na kailangan ng kautusan ng alinman korte o
husgado.

4. PAG-ABANDONA/EXPIRATION. Na sa oras na mag expire ang upahan


na ito o kung sakaling lumisan o mawala ang Umuupa ng mahigit
sa THIRTY (30) DAYS ng walang pasabi sa Nagpapaupa bago
matapos ang upahan, ito ay katumbas ng pag-abandona ng
Umuupa sa paupahan at sapat na dahilan para pasukin ng
Nagpapaupa ang paupahang lugar na hindi na kailangan ng
pahintulot ng husgado o korte. At kung kinakailangan gumamit ng
pwersa o pagsira ng kagamitan, ang Nagpapaupa ay walang sasagutin sa
batas, sibil man o kriminal. Ang anuman mga gamit na matatagpuan sa loob
ng paupahan ay siyang magiging pambayad sa anuman pagkakautang ng
Umuupa.

9. PAGBISITA. Na ang Nagpapaupa ay malaya din bumisita sa lugar na


pinauupahan kung kailangan ipagawa o bisitahin ang ano mang kasiraan o
kasangkapan nito upang ayusin ito.

10. ATTORNEY’S FEES. Na kung sakaling mapilitan ang Nagpapaupa na


magsakdal sa Hukuman upang singilin at paalisin ang Umuupa dahil sa
paglabag sa kasunduang ito, ang Umuupa ay magbabayad din ng lahat ng
gastos at pinsalang ibubunga nito at bayad sa abogado (Attorney’s Fees) na
hindi kukulangin sa P10,000.00.

_____________________ ___________________
Nagpapaupa Umuupa
3

11. PAGSUNOD SA PANUNTUNAN NG PAMAHALAAN. Na ang Umuupa ay


susunod sa lahat ng batas o ordinance, rules and regulations ng National,
Provincial at Municipal government hinggil sa paggamit, pag-okupa at
pananatilihin malinis ang paupahan. Ang hindi pagsunod sa mga nasabing
batas o kautusan ay pananagutan ng Umuupa.

12. PAGLABAG SA KONTRATA. Na kung ang Umuupa ay labagin ang alin man
sa mga kondisyong binabanggit sa itaas, ito ay sapat na dahilan upang sila ay
paalisin sa lupang pinauupahan.

BILANG KATUNAYAN ay nilagdaan nila ang kasunduan ito ngayong ika-


_____________________, dito sa __________________.

____________________________ _________________________
Nagpapaupa Umuupa

Nilagdaan sa harap nina:

___________________ ___________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS)
______________ ) S. S. PAGPAPATUNAY

SA HARAP KO, na isang Notaryo Publiko sa ____________________, ngayong ika-


______________, ay dumulog ang mga partidong nasa itaas, na may sumusunod na Valid ID:

Pangalan Valid ID

na kilala ko silang nagsagawa ng nauunang kasulatan na pinatutunayan nila sa harap kong


malaya at sarili nilang pasya.

Na ang kasulatang ito ay nauukol sa Kasulatan ng Upahan na binubuo ng tatlong (3)


pahina kasama ang Pagpapatunay na ito na nilagdaan ng bawat partido at kanilang saksi.

SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK.

Doc. No. ____;


Page No. ____;
Book No. ____;
Series of _____.

You might also like