You are on page 1of 10

PATAKARAN NG KUMPANYA

PAGKAKASALA AT PARUSA

A. Kapabayaan Sa Trabaho

Unang Pakakasala: Pangangaral

Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na babala


Pangatlo at Pangapat na Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Panglimang Pagkakasala: Pagkatangal sa trabaho

Mga gawaing kapabayaan at di-kasiya-siyang pagpapabaya sa trabaho.

1. Hindi paggawa ng kaukulang trabaho o takdang-gawain na nauukol sa kanyang tungkulin o gawain.


Kasama na rito ang asal ng empleyado na hindi pagsunod sa maaaring gamiting pamantayan ng
pangangalaga na ginawa sa oras ng trabaho o kaya sa loob ng nasasakupan ng kumpanya na nagsisilbing
dahilan o pagresulta ng pagkapinsala ng isang tao o pagkasira ng pag-aari/ari-arian ng kumpanya o ng
ibang tao o kaya magiging sanhi ng gastusin ng kumpanya. Para bigyang-matuwid, ang nagkasala ay
haharap sa yugtong pagdisiplina o kaya panunumbalik/pagsasauli ng danyos na nagawa o maaaring
humarap sa parehong parusa.

2. Ang kapabayaan ay pagkabigo sa pagtalima ng sipag, tiyaga at pagsisikap na hinihingi ng pagkakataon,


di-pagsasaalang-alang ng oras, lugar, kapaligiran, at iba pa, na sa gayong paraan ay mahaharap ang
kumpanya sa di-kinakailangang pakikipagsapalaran/panganib o gastusin.

3. Mahalay o kinagagawiang kapabayaan ay di-pagharap o pagkabigo na gamitin ang hinihiling na


pangangalaga o pagpapawalang-halaga sa binuong alituntunin o maaaring gamiting pamantayan ng
pangangalaga, sa gayong paraan, nagiging sanhi o magsilbing sanhi ng pagkawala o pinsala sa kumpanya
o pagkapinsala sa iba.

4. Habang nasa trabaho o oras ng trabaho, kinagagawiang pag-alis sa takdang-gawain o lugar ng trabaho
ng walang pahintulot mula sa kanyang tagapamahala. (Ang oras ng tanghalian ay di kasama sa
alituntuning ito)

5. Pagpapahintulot/pagpapahiram sa ibang tao na gamitin ang ID card.


6. Paggamit sa ID card ng ibang empleyado.

Page 1 of 10
7. Pagtulog sa oras ng trabaho. (Ang oras ng tanghalian ay di kasama sa alituntuning ito.)

8. Pag-alis sa opisina o lugar ng pinagtatrabahuan ng walang dahilan liban sa opisyal na company


business at pag-alis sa opisina o lugar ng pinagtatrabahuan ng walang paalam sa taggapamahala.

9. Pagtigil sa trabaho ng walang pahintulot bago ang opisyal na time-out.

10. Pagbibigay ng mali at di-wastong impormasyon sa taong dapat pagbigyan nito. Pagpapabaya ng
empleyado sa kanyang tungkulin para gumawa ng personal na pananaliksik o pagsisiyasat na kung saan
ang kanyang ginagawa ay magiging sanhi ng pagkapinsala/di-makatarungan sa kumpanya.

11. Pagtatago o pagwawaglit ng mga tala, kasangkapan o gamit, mga papeles, kasulatan o mga
dokumento ng kumpanya na magiging sanhi ng pagkapinsala/di-makatarungan sa kumpanya.

12. Hindi pagtugon sa opisyal na utos, pamantayan sa pamamaraan at paggawa ng takdang trabaho o
utos na may kinalaman sa kanyang tungkulin.

13. Madalas na pag-istima/pagtanggap ng bisita sa oras ng trabaho o paggawa ng personal na tawag sa


telepono (liban nalang kung ang personal na tawag sa telepono ay kinakailangan).

14. Pagbabasa ng mga di-kaugnay na materyales o paggawa ng personal na trabaho/gawain sa oras ng


trabaho.

15. Sa oras ng trabaho, pagpasok sa opisina o jobsite ng hindi nakasuot ng angkop na damit na naaayon
sa company dress code.
a. Paniguraduhing gamitin ang mga inilaang kagamitang pangkaligtasan. Sa pagkakataong walang
magagamit ay ipaalam sa tagapamahala.
b. Ang pagsusuot ng tsinelas at sando ay mahigpit na ippinagbabawal.
c. Ugaliing gamitin ang mga nakahandang PPE / kagamitang pangkaligtasan habang nagtatrabaho.

16. Hindi pagsusuot o hindi angkop na paggamit ng ID sa loob ng kumpanya o jobsite.

17. Hindi pagtalima sa tamang pamantayan ng trabaho, o walang kakayahang tuparin ng katwirang
matuwid ang takdang-gawain o pagkabigong matamo ang layuning trabaho o pagkabigong tapusin ang
takdang gawain sa takdang panahon o pagkamit ng di-kasiya-siyang bunga.

18. Di-wasto at di-pagtapos ng reports/documents na may kaugnayan sa tungkulin at responsibilidad ng


empleyado.

Page 2 of 10
B. Kapabayaan Sa Trabaho

Unang Pakakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan


maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng danyos
Pangalawang Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Pagbibigay ng maling nilalaman ng reports/documents na may kaugnayan sa tungkulin at


responsibilidad ng empleyado.

2. Pagbibigay ng serbisyo sa ibang employer o personal na kliyente sa oras ng trabaho na lingid sa


kaalaman o walang pahintulot ng kumpanya.

3. Pagkabigo o pagtanggi na makiisa o magpatunay sa company investigation liban nalang kung ang
empleyado mismo ang iniimbestigahan at ang kanyang testimonya ang hahadlang o lalabag sa kanyang
constitutional right laban sa pag-convict sa kanyang sarili sa pagkakasalang criminal.

4. Di-angkop ng takdang paggugol, pag-iingat ng pondo, o di pagpapaliwanag o paglilipat/soli agad sa


kumpanya pagkatanggap ng kahit na anong bagay o pera mula sa customers, kliyente o supplier o
kanilang representatives.

5. Pagtanggap ng “kickbacks” o patagong kita/lagay para bigyan daan ang kanyang transaction na kung
saan kumakatawan sya sa kumpanya.

6. Pagtatago ng palpak na trabaho na nagreresulta man o hindi ng pagkapinsala/di-makatarungan sa


kumpanya.

7. Maling pag-angkin ng cash advance at liquidation, reimbursements, maling pahayag sa employment


records, maling testimonya sa company investigation at anumang anyo ng pandaraya.

8. Pagkuha sa pamamagitan ng huwad na materyales, gamit o serbisyo mula sa kumpanya.

9. Pagbibigay ng maling impormasyon o dokumento para makamit o para makapasa sa kahit anong
benepisyo mula sa kumpanya.

10. Pamemeke o pandaraya ng kahit anong time keeping record sa ngalan ng sweldo.

11. Pamemeke o pandaraya ng company records, instruments, documents, o pamemeke ng pirma ng


company officials.

Page 3 of 10
12. Pakikiisa o paghikayat sa mga empleyado, superiors, customers, competitors o ibang tao na dayain o
pinsalain ang kumpanya o gumawa ng pagkakasala na labag sa rules and regulations ng kumpanya.

13. Pagtatangka, pagsira o pagnanakaw ng pag-aari/ari-arian ng kumpanya.

14. Pagtatangka, pagsira o pagnanakaw ng pag-aari/ari-arian ng ibang tao o empleyado sa loob ng


nasasakupan ng kumpanya.

15. Paglo-loan gamit ang identity ng ibang empleyado ng walang kaukulang permiso.

16. Paglilipat o pagtanggap ng cash advance proceeds mula sa ibang empleyado ng walang kaukulang
kasulatang pahintulot ng manager.

17. Pakikipagkompromiso sa parehong business activities na pareho rin ng nature ng business ng


kumpanyang iyong pinaglilingkuran.

18. Hindi pagsasabi sa kumpanya ng umiiral o hinaharap na dealings, transactions, relationships, etc. na
maaaring humantong sa conflict of interest.

19. Pakikialam sa kagamitan ng ibang empleyado.

20. Anumang anyo ng di-pagiging matapat, pamemeke at panggagantso na ginawa ng empleyado laban
sa kumpanya o kumakatawan dito.

C. Hindi Pagsunod

Unang Pakakasala: Pangangaral


Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na babala
Pangatlo at Pangapat na Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Panglimang Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Seryosong di-pagsunod o kaloobang di-pagsunod ng empleyado sa lawful orders ng kanyang superior.

2. Hayagang pang-aabuso, di-kanais-nais na salita o di-pagrespeto ng empleyado sa dangal ng


nakakataas sa kanya.

3. Mahalay na di-pagsunod o pananakit ng empleyado sa kanyang supervisor o company


executives.

Page 4 of 10
4. Pagpipigil, pagpapabagal, paghadlang o paglimita sa pag-unlad ng trabaho.

5. Paghikayat, pagpilit, pagtulak, paghimok sa kahit na sinong empleyado na makisali sa paglabag


ng company work rules.

D. Paglabag sa Pribadong Trabaho at Kaalaman

Unang Pakakasala: Pangangaral


Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Pangatlong Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Di-matapat sa pangangalaga/pag-iingat sa company documents na ipinagkatiwala ng kumpanya sa


empleyado.

2. Pa-ispiya sa pribadong records ng kumpanya, materyales, systems, programs, codes, etc. para sa
layuning paninira sa kumpanya at/o kaya pagbibigay ng mga ito sa iba para sa personal na pakikinabang
na di-makatarungan para sa kumpanya.

3. Malupit/marahas na pagkuha ng pribadong records ng kumpanya, materyales, systems, programs,


codes, etc. para sa layuning paninira sa kumpanya at/o kaya pagbibigay ng mga ito sa iba para sa
personal na pakikinabang na di-makatarungan para sa kumpanya.

4. Paghimok, pamimilit, pag-impluwensya sa iba na mag-ispiya o kumuha ng impormasyon para sa


layuning paninira sa kumpanya at/o kaya pagbibigay ng impormasyon sa iba na di-makatarungan sa
kumpanya.

5. Paggawa ng mali o marahas na salaysay na may kinalaman sa magandang pangalan ng kumpanya at


serbisyo.

6. Pagsisiwalat o pagbibigay ng walang pahintulot ng kumpanya sa ibang tao ng mga confidential


information, data reports, mga documents o pribadong kalakalan ng kumpanya.

E. Di Angkop na Paggamit ng Pag-Aari ng Kumpanya

Unang at Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan


maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos

Page 5 of 10
Pangatlong Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Pagkabigong protektahan o mag-ulat ng pagkawala ng pag-aari ng kumpanya o pagwasak, pag-


aaksaya ng kagamitan ng kumpanya, sa loob ng 24-hours na nagreresulta ng kawalan ng kumpanya.

2. Di-angkop na paggamit at pangangalaga sa pag-aari ng kumpanya, kasama na rito ang mga kagamitan
ng kumpanya.

3. Paggamit ng mga equipment ng kumpanya at/o kaya nasasakupan ng kumpanya para sa illegal at
labag sa batas na gawain.

4. Labag na pangangalaga, paggamit o pagpapahiram ng ari-arian/pag-aari ng kumpanya.

5. Pagpapalit ng kagamitan at ari-arian ng kumpanya sa mas mababang uri at quality.

6. Paglabag sa safety rules and regulations na ipinaskil ng kumpanya o pangkalahatang safety practices
sa paggawa ng trabaho o sa paggamit ng kagamitan ng kumpanya para sa anumang layunin.

F. Paglabag Kaugnay sa Kalusugan at Kalinisan

Unang Pakakasala: Pangangaral


Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na babala
Pangatlo at Pangapat na Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Panglimang Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Pagtatago ng karamdaman na maaaring maging banta sa kalusugan o kaligtasan ng ibang mga


empleyado.

2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

3. Pagtanggi na magharap at sumailalim sa drug tests.

G. Maling Asal

Unang Pakakasala: Pangangaral


Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na babala
Pangatlo at Pangapat na Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan

Page 6 of 10
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Panglimang Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Paglalaro o magulong asal sa lugar ng pinagtatrabahuan.

2. Pagpintas at/o pandaraya laban sa tao o karangalan ng ibang empleyado, ginawa man ng nakakataas
sa inyo o ng pangkaraniwang empleyado upang bigyang kahihiyan o lapastanganin, siraan o kapuotan
ang empleyado.

3. Pagkakalat ng maling balita o bulung-bulungan (na tumutukoy sa empleyado ng kumpanya) sa


anumang oras at panahon, sa nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan.

4. Maling gawain o lantarang pagkakasala sa loob ng nasasakupan ng kumpanya o labas habang oras ng
trabaho o habang naka-uniporme.

5. Pagiging butangero o paninira, gaya ng sadyang pagbabago, pagsirang anyo, pagpinsala o pagsira ng
pag-aari/ari-arian ng kumpanya.

6. Pagpigil, paghimok ng may pagbabanta sa ibang empleyado na tumestigo/sumaksi sa oras ng


administrative hearings.

7. Pangangalaga ng empleyado ng baril o nakamamatay na sandata sa loob ng nasasakupan ng


kumpanya liban nalang kung binigyang pahintulot ng kumpanya sa pamamagitan ng kasulatan.

8. Paghimok ng away na nagreresulta ng gulo o pag-antala ng operations/trabaho.

9. Pakiki-ugnay sa panggagamit na gawain.

10. Pag-aalok, panghihingi o pagtanggap suhol, pera man o bagay, na may kinalaman sa trabaho ng isang
tao.

11. Pag-inom ng nakalalasing na inumin habang nasa oras ng trabaho o sa loob ng nasasakupan ng
kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan, oras man ng trabaho o hindi, liban nalang sa awtorisadong
pagtitipon ng kumpanya.

12. Pagpasok sa nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan na nasa impluwensya ng alak o


ipinagbabawal na gamut.

13. Pangangalaga o pagdadala sa nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan ng


ipinagbabawal na gamot liban nalang kung ang gamot ay inireseta ng doctor sa empleyado.

14. Pagtitinda sa loob ng nasasakupan o lugar ng pinagtatrabahuan ng kahit na anong bagay, gamit,
materyales, at iba pa, sa oras man o hindi ng trabaho.

Page 7 of 10
15. Pagtitinda o paglilipat ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng nasasakupan ng kumpanya.

16. Paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar.

17. Paggamit ng pekeng pangalan o paggamit ng ibang pangalan ng empleyado para sa layuning
pagtatago ng kasalanan o iwasan/takasan ang responsibilidad.

18. Di awtorisadong pangangalaga at/o paggamit ng master key na makakapagbukas ng lockers,


drawers, disks, cabinets, rooms or offices.

19. Di awtorisadong pagtakda ng empleyado upang punan ang casual o seasonal positions.

20. Pagkamit ng krimen bilang nasasaad sa Revised Penal Code at ibang batas, sa loob ng nasasakupan
ng kumpanya. Ito ay napapailalim sa disciplinary action na makatarungan sa kahit na anong pag-uusig sa
salarin at/o pangmamamayang pananagutan laban sa empleyado.

21. Di awtorisadong pagpapaskil at/o pagtanggal, pagsira ng company memoranda, posters, notices at
iba pang printed na bagay na nakapaskil sa bulletin boards o ibang lugar ng paunawa.

22. Pagpapahintulot sa sarili na halinhinan, palitan, o katawanin ng kahit sinong pamalit ng walang
kaukulang pahintulot mula sa nakatataas.

23. Pagsusugal, pagtaya, conducting lotteries o iba pang parehong gawain sa oras ng trabaho o sa
nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan.

24. Panghihingi at pangongolekta ng perang pang-abuloy/tulong sa oras ng trabaho at sa loob ng


nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan ng walang kasulatang pahintulot mula sa
department head.

25. Pagtanggi na iharap sa makatwirang pagsusuri na isinasagawa sa nasasakupan ng kumpanya na


ginagawa ng awtorisadong security personnel (frisk, bag, locker, drawers, etc.).

26. Maling pagpapakilala sa sarili bilang pinuno, ahente o kinatawan ng kumpanya o kahit na ano sa
departamento nito. Kung ang maling pagpapanggap ay magreresulta ng di-makatarungan o pinsala sa
kumpanya, ang parusang pagtitiwalag ang ipapataw.

27. Pagpapanggap na may punong tungkulin, pagganap sa aktong tumutukoy sa kahit na sinong
makapangyarihang tao sa kumpanya o departamento nito, na walang opisyal na pahintulot. Kung malaki
ang dulot na pinsala nito sa kumpanya, parusang pagtitiwalag ang ipapataw.

28. Pagdadala sa loob ng kumpanya at pagtatanggal/alis mula sa nasasakupan ng kumpanya ng anumang


nakabalot na bagay, na kahit na sa anong kadahilanan, na walang gate pass na may pirma o aprubado ng

Page 8 of 10
angkop na opisyal ng kumpanya. Ang kumpanya ay may karapatan na suriin ang anumang bagay na
dinala sa loob at labas ng nasasakupan ng kumpanya.

29. Hamunin ang kapwa empleyado sa isang labanan, superior man o pangkaraniwang empleyado.

30. Pag-aalitan at paglalabanan sa loob ng nasasakupan ng kumpanya o lugar ng pinagtatrabahuan.

31. Pagkakalat ng kawalang tiwala at di-pagkakuntento sa kumpanya.

H. Mga Handog at Kaloob

Unang Pakakasala: Nakasulat na babala


Pangalawang Pagkakasala: Nakasulat na kasunduan na ang pag ulit sa kasalanan
maaring ikatangal sa trabaho o pag sasauli ng
danyos
Pangatlong Pagkakasala: Pag katangal sa trabaho

1. Pakikiusap o pag-impluwensya sa iba na labagin itong patakaran.

2. Pagbigo o pagtanggi na ipaalam/ipagbigay alam o pinaghihinalaang lumabag sa patakarang ito.

3. Pagbigo o pagtangging tumulong sa COMPAGO ENGINEERING SERVICES investigations para sa


maaaring lumabag sa patakarang ito.

Huli sa Oras ng Trabaho at hindi pagpasok sa Trabaho

Ang empleyado ay kinukunsidera o tinuturing na huli kapag sya ay pumasok pagkatapos ng simula ng
kanyang official work hours.

Sa pangyayaring apurahan o di-inaasahan, dapat ay ipagbigay alam ng empleyado sa kanyang immediate


superior ukol sa kanyang pagliban sa loob ng unang dalawang (2) oras pagkatapos ng simula ng kanyang
official work hours. Ang hindi pagbibigay alam ng kanyang pagliban ay nangangahulugan ng Absence
Without Official Leave (AWOL).

Kung ang empleyado ay tatlong (3) beses na pumasok ng huli sa takdang oras ng kanyang trabaho sa
loob ng isang buwan, sya ay mananagot para sa pagkakasalang pagiging “huli” o “mabagal”.

Lahat ng araw na hindi nagtrabaho ay kinukunsidera bilang pagliban na walang bayad.

Sobrang Oras sa Trabaho

Page 9 of 10
Ang overtime pay ay binibilang kung ang empleyado ay patuloy na magtatrabaho pagkatapos ng
kanyang official log-out time.

Paminsan-minsan ay kinakailangan ng empleyado na magtrabaho ng higit sa kanyang normal workday


hours. Ang overtime pay ay binabayaran lamang kung ang trabaho ay naka-schedule, aprubado at
paunang ipinagbigay alam sa inyo ng inyong tagapamahala. Ang empleyado ay di-dapat mag-overtime
ng di-aprubado ng kanyang superior.

Under Time

Ang empleyado ay kinukunsiderang nag-under time kapag lumiban sya sa trabaho bago matapos ang
kanyang official work hours.

1. Sa pangyayaring apurahan o di-inaasahan na kung saan obligadong umalis o lumiban ang empleyado
bago matapos ang kanyang oras ng trabaho, dapat syang humingi ng approval mula sa kanyang
tagapamahala ukol sa kanyang pagliban.
2. Ang under time ay ibabawas mula sa sweldo ng empleyado.

3. Ang isang (1) pagkakataon na hindi awtorisado ang under time ito ay kinukunsidera bilang AWOL.

Absence Without Official Leave (AWOL)

1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay kinukunsiderang AWOL:

• Anumang pagliban na hindi iinaggpaalam o inaprubahan sa kanyang tagapamahala.

• Kapag ang empleyado ay lumiban sa kahit na anong kadahilanan at hindi tumawag o


ipinagbigay alam sa kanyang tagapamahala sa loob ng unang dalawang (2) oras pagkatapos
ng simula ng kanyang official work hours.

• Kapag ang empleyado ay hindi awtorisadong nag-under time.

• Kapag ang empleyado ay hindi nagreport sa trabaho pagkatapos ng expiration ng kanyang


aprubadong pagliban ng walang paunang pahintulot mula sa kanyang tagapamahala.

2. Lahat ng AWOL ay kinukunsidera bilang pagliban na walang bayad.

3. Isang araw na AWOL ay kinukunsiderang katumbas ng isang pagkakasala.

4. Kapag ang AWOL sa trabaho ay umabot sa limang (5) tuloy-tuloy na working days, ito ay
kinukunsidera bilang pag-abandona sa trabaho, na nahaharap sa dismissal.

Page 10 of 10

You might also like