You are on page 1of 10

HANDBOOK ng mga PATAKARAN at

ALITUNTUNIN
MGA NILALAMAN
BATAYAN NG KASALANAN ………………………………………………….. 1-2

NAPAKALUBHANG KASALANAN ………………………………………….. 2-4

MALUBHANG KASALANAN …………………………………………………..4-6

MABIGAT NA KASALANAN ……………………………………………………7-10

BAHAGYANG KASALANAN …………………………………………………… 10

KARAGDAGANG PROBISYON ……………………………………………….. 10-11

Ang liberatang ito ay naglalaman ng inyong mga obligasyon at mga


tungkulin bilang empleyado. Nakalista rito ang mga alituntunin ng kumpanya na
dapat sundin ng mga empleyado. Bawat paglabag sa mga alituntunin ay may
katapat na kaparusahan.

Sa inyong pagpirma rito ay nangangako kayo na ito ay inyong susundin,


babasahin ng paulit-ulit at iintindihin nang mabuti. Ang mga nilalaman nito ay
naipaliwanag na sa inyo at ito ay lubos ninyong naunawaan. Kung gusto ninyong
maliwanagan ang isang bagay, pumunta lamang sa mga manager upang
magpatulong.

BATAYAN/BASEHAN AYON SA
NAGAWANG KASALANAN
LETRANG A ………………………………………………………Napakalubhang Kasalanan
LETRANG B ………………………………………………………Malubhang Kasalanan
2

LETRANG K ………………………………………………………Mabigat na Kasalanan


LETRANG D ………………………………………………………Di-lubhang Kasalanan
LETRANG E ………………………………………………………Bahagyang Kasalanan

A. NAPAKALUBHANG KASALANAN

Unang kasalanan …………………………………………… Pagkatanggal sa trabaho

B. MALUBHANG KASALANAN

Unang kasalanan …………………………………………. 15 araw na suspensyon


Ikalawang kasalanan ……………………………………. 30 araw na suspensyon
Ikatlong kasalanan ……………………………………….. Pagkatanggal sa trabaho

K. MABIGAT NA KASALANAN

Unang kasalanan …………………………………………. 7 araw na suspensyon


Ikalawang kasalanan ……………………………………. 15 araw na suspensyon
Ikatlong kasalanan ……………………………………….. 30 araw na suspensyon
Ika-apat na kasalanan……………………………………. Pagkatanggal sa trbaho

D. DI-LUBHANG KASALANAN

Unang kasalanan …………………………………………. Babalang sulat


Ikalawang kasalanan ……………………………………. 7 araw na suspensyon
Ikatlong kasalanan ……………………………………….. 15 araw na suspensyon
Ika-apat na kasalanan……………………………………. 30 araw na suspensyon
Ika-limang kasalanan ……………………………………..Pagkatanggal sa trabaho

E. BAHAGYANG KASALANAN
Una / Ikalawang kasalanan …………………………..Babalang sulat
Ikatlong kasalanan ……………………………………. ….7 araw na suspensyon
Ika-apat na kasalanan …………………………………… 15 araw na suspensyon
Ika-limang kasalanan……………………………………. 30 araw na suspensyon
Ika-anim na kasalanan ……………………………………Pagkatanggal sa trabaho
3

NAPAKALUBHANG KASALANAN
(SEVERE OFFENSES)
AA-1 Pananakit o pagsugod sa kahit kanino mang tao, at pagtatangka sa
buhay ninuman na nasa loob o sa loob ng 10 metro sa paligid ng
kumpanya.

AA-2* Sadyang pagsira ng mga gamit o pag-aari ng kumpanya.

AA-3* Pagnanakaw o pag-uumit ng pera o gamit ng .

AA-4* Pagkuha ng pag-aari ng kumpanya ng walang pahintulot.

AA-5* Pagkasira ng pag-aari ng kumpanya dahil sa sadyang kapabayaan.

AA-6* Pagpapagamit o pagpapahiram ng mga gamit o pag-aari ng


kumpanya ng walang paalam at pahintulot sa kumpanya.

AA-7* Paggamit ng droga sa loob ng kumpanya o sa lugar na pag-aari ng


kumpanya o pagpasok sa trabaho na nasa impluwensiya ng droga.

AA-8 Pag-inom ng alak sa loob ng lugar ng trabaho ng walang pahintulot.

AA-9* Pagsasabotahe o panggugulo sa mga gamit, pag-aari, pamamalakad,


patakaran o interes ng kumpanya.

AA-10 Pamemeke ng rekord, dokumento o pangagaya ng pirma ng mga


kapwa manggagawa o mga opisyales ng kumpanya.

AA-11 Pagbibigay o pagtanggap ng suhol sa kanino man.

AA-12 Pagbibigay ng mga maling pahayag o ebidensya o kasinungalingan sa


isang imbestigasyon na inutos ng kumpanya at pagtangging makiisa
sa imbestigasyon.
4

AA-13 Pagliban sa gawain ng walang paalam o walang pahintulot sa loob ng


sunod-sunod na limang araw o higit pa.

AA-14* Pakikiisa sa kapwa manggagawa o kalaban ng kumpanya para dayain


ang kumpanya.

AA-15* Pandadaya o pagsubok na mandaya sa kumpanya sa pera o anumang


pag-aari nito.

AA-16* Hindi pagsasauli ng mga bagay o gamit na naiwan sa kahit saan mang
lugar na pag-aari ng kumpanya.

AA-17 Pagbubunyag ng mga sikretong impormasyon o kaalaman tungkol


sa kumpanya.

AA-18 Pakikilahok o paghimok na sumali sa tigil-trabaho, pag-alis sa


trabaho, pag-upo, kaguluhan o anumang bagay na ikakasira ng
kumpanya na hindi naaayon sa Labor Code.
AA-19* Pagsasagawa o pagkasangkot sa alinmang uri ng krimen na
napapaloob sa anumang patakaran ng kumpanya.

AA-20 Panghihipo o pangbabastos sa kapwa manggagawa.

*NOTE
Krimen na hindi napapaloob: Robbery o Rape.

Kung nasa fiscal’s office pa lamang at wala pa sa korte, mananatili ang empleyo
ng manggagawa ngunit pag nag umpisa na ang hearing ay kailangan ng
tanggalin upang di maabala ang mga trabaho.
5

MALUBHANG KASALANAN
(GRAVE OFFENSES)

BB-1 Pagpasok sa trabaho na nakainom o lasing.

BB-2* Panghihiram o pagpapautang sa iba ng pera o gamit ng kumpanya.

BB-3 Pagdadala o pagtatangkang magdala sa loob ng kumpanya o ng


pinagtatrabahuan ng ipinagbabawal na gamot.

BB-4* Hindi paggalang sa mga nakakatataas at mga kasamahan.

BB-5 Pagpasok sa isang kontrata o obligasyon para sa kumpanya nang


walang kaukulang pahintulot o pagbibigay alam sa kumpanya (kahit
ito ay walang danyos ng kumpanya).

BB-6 Hindi pagsunod sa mga alituntunin ng kumpanya at kapabayaan sa


trabaho.

BB-7* Hindi pagsunod sa mga alituntunin ng kumpanya at kapabayaan sa


trabaho.

BB-8 Hindi paggamit ng time card sa pagpasok at paglabas ng kumpanya.

BB-9 Sinasadyang paghinto, pagbagal sa kanyang trabaho o pagpwersa o


pagsuyo sa ibang manggagawa na bagalan, ihinto ang kanilang
ginagawa.

BB-10 Pag-alis o pag-iwas sa trabaho ng walang pahintulot habang siya ay


naka-duty.

BB-11 Pananakot sa mga nakatataas o katrabaho na may kinalaman sa


trabaho.

BB-12 Panggugulo sa loob ng kumpanya o lugar ng trabaho.


6

MABIGAT NA KASALANAN
(SERIOUS OFFENSES)
KK-1 Pananakot o paggamit ng dahas o pangunguna sa away o pakikipag-
away sa kapwa manggagawa sa loob ng kumpanya o sa oras ng
trabaho.

KK-2 Pagtatago ng nakakahawang sakit na maaaring makaapekto sa


kumpanya o kapwa manggagawa.

KK-3 Pagsuway o di-pagpayag na siya ay sumailalim sa imbestigasyon ng


kumpanya.

KK-4 Pagtatago o pagtakip sa mga iregularidad o di-pagtuklas sa mga


iregularidad na nangyayari sa kumpanya.

KK-5 Hindi pagreport at pagsuko ng mga napulot na nawawalang gamit na


nakita sa loob o saan mang lugar na pag-aari ng kumpanya.

KK-6 Pagtatago ng anumang bagay na pag-aari ng kumpanya nang walang


magandang dahilan.

KK-7* Pagtatakip o pagtatago ng mga nasirang gamit o bagay na pag-aari ng


kumpanya.

KK-8* Di-tamang paggamit o pagpayag sa mga di-awtorisadong tao ng


gamit at di tamang paggamit ng mga supply, materyales, pasilidad at
mga bagay na pag-aari ng kumpanya na maaaring ikalugi o ikasira ng
kumpanya.

KK-9* Pag-operate, paggamit, pakikialam o pagpigil/pagbawal ng tamang


paggamit ng makina, gamit o bagay, sasakyan, pasilidad o lugar na
hindi naman sa kanya nakatoka at hindi niya dapat gamitin.
7

KK-10 Pagkukunwaring may sakit upang maka-iwas sa trabaho, pag-


iimbento o pagbibigay ng rason na di naman totoo sa kanyang
pagliban sa trabaho.

KK-11 Walang ingat, pagpapabaya o hindi pagsunod sa mga utos o matagal


nang pamamaraan o proseso na maaring ikalugi o makasira sa
kumpanya.

KK-12 Kusang pagpayag, pagbibigay pahintulot o pagsali sa mga kalokohan


o kamaliang ginawa ng ibang katrabaho.

KK-13 Pag-alis sa kanyang trabaho o lugar habang nasa oras ng gawain ng


hindi nag time-out gamit ang timecard nang walang pahintulot sa
nakatataas sa kanya. (Abandoning while on duty).

DI LUBHANG KASALANAN
(LESS SERIOUS OFFENSES)
DD-1 Paggawa ng mga bagy na magdudulot ng pagrumi ng kapaligiran at
pagkasira ng kalinisan o kaayusan tulad ng pag-ihi sa tabi-tabi,
pagdura o pagkalat ng dumi o basura sa lugar ng trabaho.

DD-2* Hindi paglilinis ng area bago mag-uwian o hindi pagsunod sa


nakatakdang schedule ng maglilinis tuwing oras ng pagsasara.

DD-3 Hindi pagpasok sa trabaho nang walang sapat na dahilan o walang


pahintulot ng kumpanya.

DD-4 Pagsasayang ng oras sa anumang paraan sa oras ng trabaho kahit ito


ay nasa loob o labas ng kumpanya tulad ng pagccellphone o
pakikipagkwentuhan.

DD-5 Pagtitinda o pangangalap ng abuloy o pangongolekta ng


kontribusyon para sa kahit anong bagay asa oras ng trabaho ng
walang paalam.
8

DD-6 Hindi pagpasok kaagad matapos gumaling ang sakit ng walang sapat
na paliwanag.

DD-7 Walang pahintulot na pagdikit ng mga karatula o babasahin sa


dingding o sa mga lugar na pag-aari ng kumpanya o pagtanggal ng
mga opisyal na mga karatula, babala, balita at iba pang walang
pahintulot sa kumpanya.

DD-8 Paninigarilyo sa loob ng kumpanya.

DD-9 Pagsuway sa mga utos ng mga nakatataas at tuwirang pagwawalang-


bahala sa mga opisyal na patakaran sa pagpapatakbo ng kumpanya
(insubordination).

DD-10 Pakikisali sa mga sigawan o matitinding away o pagtatalo sa kapwa


manggagawa sa oras ng trabaho o sa loob ng kumpanya.

DD-11 Pagkawala o sadyang pagtago ng “timecard”.

DD-12 Pagbabakasyon dahil sa pagkakasakit na walang kaukulang paalam o


pahintulot sa nakatataas o pamunuan ng kumpanya sa loob ng
limang (5) araw.

DD-13 Hindi pagbigay sa kumpanya ng mga requirements o papeles na


kinakailangan ng kumpanya.

DD-14 Pagtulog at paggala-gala habang nasa oras ng trabaho.

DD-15 Madalas o paulit-ulit na di paggawa ng mga responsibilidad na


nakaatang sa kanya o walang pakundangang pagpapabaya sa
trabaho.

DD-16 Pagpirma o pagtugon sa mga maling entrada sa oras ng mga “time


cards”.
9

DD-17 Pagsuway sa utos na magtrabaho ng overtime ayon sa alituntunin ng


kumpanya.

BAHAGYANG KASALANAN
(SLIGHT OFFENSES)
EE-1 Pagpasok ng madungis at hindi ayos ang pananamit
(Untidy/Improper Grooming)

EE-2 Pagiging tamad o pagpasok ng huli sa itinakdang oras ng mahigit sa


limang (5) beses sa loob ng isang buwan.

NOTE: 9:15 TIME IN= 30 MINUTES LATE


10:00 TIME IN = 1 HOUR LATE

Ang tuloy-tuloy na pagpasok ng late ng walang dahilan ay maaaring


maging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho.

KARAGDAGANG PROBISYON
1.0 Ang mga pinsala sa kumpanya dahil sa paggawa ng isang maling
bagay ay may katapat na kabayaran na sisingilin sa nagkamaling
manggagawa. Ngunit ang kakulangan sa pera o pagkawala nito at
iba pang danyos ay babayaran ng buo, bukod pa sa mga disciplinary
action na maaaring ipataw. Ang bayaran ay ikakaltas sa sweldo o
depende sa magpag-usapan ng empleyado at may-ari.

2.0 Ang pagpapatupad ng patakaran at regulasyon ay maaaring


magbunsod sa kumpanya na gumawa ng hakbang na magsampa ng
demanda sa korte o hukuman sa kanino mang nagkamali lalo na sa
pera.
10

3.0 Ang paglabag sa isang grupo ng mga alituntunin na itinakda ay isang


bilang. Ngunit ang susunod na paglabag ay magiging ikalawa, ikatlo
at iba pa.

4.0 Lahat ng iba pang katiwalian o paglabag na hindi napapaloob sa


alituntuning ito ay maaaring magbigay pahintulot sa kumpanya na
magpataw ng parusa ayon sa kagustuhan nito.

5.0 Kung ang paglabag ay paglabag din sa batas, ang nahuling


manggagawa ay maaaring ipakulong o isuko ng kumpanya sa
awtoridad o pulisya nito.

6.0 Kung may mga idadagdag na alituntunin ang may-ari, kailangan


itong sundin ng lahat matapos maipaliwanag at pumirma sa
nasabing papel.

Aking natanggap, nabasa at naunawaan ang lahat ng


nakapaloob sa libro ng regulasyon o patakaran ng aking
kumpanya na kung saan ako nagtatrabaho.

_______________________ _______________
Pangalan at Pirma Petsa

Ang Rules and Regulations na ito ay “Subject” sa


pagbabago para maisaayos sa batas o “Economic
Provisions”.

You might also like