You are on page 1of 11

VILLFOODS PROCESSING INCORPORATED

GABAY AT PATAKARAN NG PAGGAWA

Panimulang Pagbati ………………………………………………………………………. 2

Sweldo at mga Benepisyo ……………………………………………………………………….


Oras ng Pagpasok
Pagkahuli sa Pagpasok
Pagliban sa Pagpasok
Isyu sa Pagsahod
Mga Tinalagang Benepisyo ng Batas

Patakaran sa Lugar ng Pagawaan ………………………………………………………………………. 5


Pagbibihis ng Nakatakdang Kasuotan sa Oras ng Trabaho
Tamang Disiplina sa Loob ng Pagawaan
Disiplina at mga Ipinagbabawal sa Loob ng Barracks
Pagsiwalat ng Sikreto ng Kumpanya
Pagsusuri sa Uri ng Paggawa ng Empleyado

Patakaran sa Pagdisiplina ………………………………………………………………………. 6


Pagkatanggal o Pagbibitiw Bilang Empleyado
Mga Uri ng Paglabag
Mga Karampatang Kaparusahan
Prescription Period
Due Process
Disciplinary Hearing
Proseso sa Pagdinig

Pagtanggap ng mga Nakasaad na Patakaran …………………………………………………………… 11

1
Panimulang Pagbati!

Ginoo/Ginang/Binibini ______________,

Malugod na pagbati sa iyong pagiging isang empleyado ng Villfoods Processing Incorporated!

Kami ay nagagalak sa iyong pagsali sa isang matatag at masaganang institusyon. Ikaw ay naging
kasapi ng kumpanyang ito base sa iyong mga karanasan sa paggawa at sa aming paniniwala sa
iyong kakayahan na maibahagi ang iyong nalalaman at pagtulong na patuloy na pag-unlad at
pagyabong ng aming kumpanya.

Ang mga patakarang nakasaad sa librong ito ay naglalaman ng mga tungkulin ng bawat
empleyado, layunin, benepisyo, mga inaasahan ng kumpanya sa iyong pag-trabaho at iba pang
kaalaman na iyong kailangan matuklasan bilang isang empleyado.

Gamitin mo ang librong ito bilang gabay sa iyong pagsasagawa ng iyong tungkulin at sa pang
araw-araw na mga Gawain. Ang librong ito ay magsisilbing patunay ng mabuting pamamalakad
at tamang pakikitungo sa lahat ng empleyado. Sa kumpanyang ito, kinikilala ang kontribusyon ng
mga empleyado sa pag-unlad nito.

Welcome sa Villfoods Processing Incorporated.

Bumabati sa yo,

____________________

2
Sweldo at mga Benepisyo

A. Oras ng Pagpasok

Ang bawat empleyado ay kailangang magtrabaho ng di bababa sa 48 oras kada linggo.


Ang oras ng pagpasok ay mula ika-8:00 ng umaga hanggang _________ ng hapon. Inaasahan
na ang bawat empleyado ay nasa tinakdang lugar ng paggawa sa mga oras na nabanggit upang
maiwasan ang pagtala ng pagkahuli o pagliban sa trabaho na may karampatang kabawasan sa
sweldo at kauukulang kaparusahan ayon sa mga susunod na gabay.

Gayun din sa oras ng pagpasok pagkatapos ng pahinga, inaasahang nasa loob na ang
bawat empleyado sa ika-1:00 ng hapon at ika-3:15 ng hapon. Kung dumating man ang di
inaasahang pagkakataon na dahilan ng pagkahuli, ang bawat empleyado ay binibigyan lamang
ng 15 minuto upang siya ay payagang makapasok sa planta. Subalit kung ang pagkahuli ay
lumagpas ng 15 minuto, siya ay di na papayagang makapasok sa loob ng planta sa pang
umagang oras. Kailangan nyang maghintay ng oras ng pagpasok sa hapon.

Ang “overtime” ay papayagan lamang kung ito ay kinakailangan ng kumpanya at may


kaukulang permiso. Ang bawat empleyado ay inaasahang magtrabaho ng higit sa oras kung ito
ay kinakailangan at may paunang pasabi.

B. Pagkahuli (Tardiness) sa pagpasok

Ang bawat pagkahuli sa pagpasok ay may kaukulang kaparusahan.

Bilang ng Pagkahuli Uri ng Kaparusahan


2 beses na pagkahuli sa isang linggo Minor Offense
4 na beses sa isang linggo Minor Offense
6 beses sa isang linggo Major Offense
Mahigit sa 6 na beses na pagkahuli sa Grave Offense – Pagtanggal sa
loob ng isang buwan Trabaho

C. Pagliban sa pagpasok

 Ang bawat pagliban ay kinakailangang may watong kadahilanan.


 Ang bawat pagliban ay kinakailangan ng paunang abiso at paalam sa nakatataas, isang
araw bago ang pagliban; maliban sa di inaasahang kadahilanan tulad ng pagkakasakit,
namatayan, etc. na kung saan ay kailangang magsabi ng nasabing kadahilan sa oras ng
pagliban.

3
 Ang sinumang lumiban ng walang abiso sa nakatataas ay makatatanggap ng karampatang
kaparushan.

Bilang at Klase ng Pagliban Kaparusahan


Pagliban ng walang paunang abiso Written warning/reprimand
___ na beses pagliban sa isang buwan Minor Offense
ng walang wastong kadahilanan o
paunang abiso
___ na beses ng pagliban ng walang Major Offense – Pagtanggal sa
wastong kadahilanan o paunang abiso Trabaho

Philippine Holidays

Regular Holidays
New Year's Day January 1
Maundy Thursday Nagiiba
Good Friday Nagiiba
Araw ng Kagitingan April 9
Labor Day May 1
Independence Day June 12
National Heroes Day Huling Linggo ng Agosto
Bonifacio Day November 30
Eid-ul-Fitre (Feast of
Nagiiba
Ramadan)
Christmas Day December 25
Rizal Day December 30
Nationwide Special Holidays
Ninoy Aquino Day (RA 9256) August 21
All Saint's Day November 1
Last Day of the Year December 31

D. Isyu sa Pagsahod

Kung magkaroon ng isyu sa halaga ng sahod na natanggap ng isang empleyado, siya ay


maaring dumulog sa kanayang nakatataas at maghain ng reklamo.

E. Mga Tinalaga ng Batas na Benepisyo

Ang bawat empleyado ay may kaukulang benepisyo na nakatakda sa batas patungkol sa


Leave Credits, Maternity Benefits at Paternity Benefits.

4
Patakaran sa Lugar ng Pagawaan

A. Pagbibihis ng Nakatakdang Kasuotan sa Oras ng Trabaho

Ang bawat isa ay kailangang pumasok ng malinis ang pangagatawan at nakasuot ng


tamang uniporme bago pumasok sa loob ng pagawaan. Ang takdang kasuotan ay ang mga
sumusunod:

1. Pulang Pantalon (Jogging Pants)


2. Puting T-shirt
3. Apron
4. Hairnet
5. Mask (nakatakip ang buong ilong)
6. Gloves (kung kinakailangan)

B. Tamang Disiplina mga Ipinagbabawal sa Loob ng Pagawaan

1. Pagiging magalang kanino man;


2. Pinagbabawal ang pagdala ng anumang gadget sa loob ng pagawaan;
3. Pinagbabawal ang pagsuot ng hikaw, singsing, relo at anumang alahas
o accessories sa katawan sa loob ng pagawaan;
4. Pagsusuot ano mang oras ng hairnet, apron at face-mask bawat oras
sa loob ng pagawaan;
5. Pinagbabawal ang uri ng kwentuhan sa loob at oras ng trabaho;
6. Pagkakaroon ng tamang pagkukusa na hindi na dapat hintayin o iasa sa
iba;
7. Pagkakaroon ng kakayahan at dedikasyon na malaman ang mga bagay
ukol sa lahat ng may kaugnayan sa trabasho sa planta upang malaman
ang mga nararapat na gawin upang makapag-bahagi sa ikauunlad ng
kumpanya.
8. Pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng lugar ng pagawaan bago
simulan ang trabaho at pagtapos lumisan ng lugar ng pagawaan.
9. Pagtitipid sa enerhiya sa pagpatay ng mga di kailangang ilaw, paggamit
ng wastong tubig at iba pang bagay kaugnay dito;
10. Pagkakaroon ng malasakit sa kumpanya.
11. Pinagbabawal ang paninigarilyo at ano mang uri ng alak sa loob ng
pagawaan at pagpasok ng sinuman na nakainom nito o amoy
sigarilyo/alak; at
12. Ang kumpanya ay isang lugar na walang droga at mahigpit na tinatakwil
ang mga gawaing kaugnay rito;

C. Disiplina at mga Ipinagbabawal sa Loob ng Barracks

5
1. Panatilihing malinis ang loob at labas barracks;
2. Ugaliing malinis ang palikuran at paligid nito;
3. Ang mga unan, kumot at iba pang personal na gamit ay inaasahan ding malinis;
4. Pinagbabawal ang paninigarilyo at pag-inom sa loob ng Barracks ng walang pahintulot
ng pamunuan.

D. Pagsiwalat ng Sikreto ng Kumpanya

Bilang empleyado, madaming impormasyon, kaalaman, sikreto at iba pang bagay na


malalaman. Ang lahat ng ito ay hindi maaring isiwalat o ipagsabi ng isang empleyado kanino
man sa labas ng kumpanya. Ang paglabag dito ay may karampatang kaparusahan ayon sa mga
susunod na patakaran.

E. Pagsusuri sa Uri ng Paggawa ng Empleyado

Ang bawat empleyado ay bibigyan ng kani-kaniyang trabaho, alituntunin at layunin na


magsasaad ng mga inaasahang uri ng kanyang paggawa. Ang kumpanya ay susukatin ang
pagganap sa bawat tungkulin ng isang empleyado. Matapos suriin ang mga ito, ang kumpanya ay
magpapasya kung ang nasabing empleyado ay i. magiging regular (kung siya ay Probationary); ii.
Tataasan ang sahod; iii. Gagawaran ng karampatang Award o promosyon.

Patakaran sa Pagdisiplina

A. Pagkatanggal o Pagbibitiw Bilang Empleyado

Ang bawat empleyado ay maaring magbitiw sa kanyang trabaho sa pamamagitan ng


pagbibigay ng paunang abiso na nakasaad sa isang sulat, 30 araw bago ang takdang paglisan
sa empleyo. Siya ay kinakailangang hintayin ang kanyang kapalit at ipasa rito ang kanyan
nalalaman. Siya ay kailangang magbalik ng lahat ng mga kagamitan nap ag-aari ng kumpanya.

Ang Kumpanya ay maaaring tanggalin ang isang empleyado base sa Article 282 of the Labor
Code, ito ay ang mga sumusunod:

a. Malubhang Maling Pag-aasal (Serious Misconduct)- Maling pag-


aasal na nagawa ng empleyado sa kanyang kapwa empleyado, sa
trabaho, sa kanyang employer o kinatawan nito, at sa mga
nililingkuran ng opisina na may kuneksyon sa kanyang trabaho na
nagbunga o maaring magbunga ng malaking pinsala sa interes ng
employer. Ito ay nagiging malubha kung sa paggawa nito ay may
masamang intensyon at hindi lamang simpleng pagkakamali.

6
b. Tahasang Pagsuway sa Makatarungang Utos (Willfull
Disobedience) - Hindi pagsunod ng empleyado sa makatwiran at
makatarungang utos ng employer na nagbunga o maaring
magbunga ng malaking pinsala sa interes ng employer,
nakakaapekto sa ari-ariang pangkalakal, o sa kita ng employer.

c. Malubha at Madalas na Kapabayaan sa Trabaho - Hindi pagtupad


sa mga gawaing inaasahan sa empleyado na malubha at madalas o
palagiang ginagawa na nagdulot o maaring magdulot ng pinsala o
perwisyo sa operasyon ng employer.

d. Kawalan ng Tiwala o Pag-abuso sa Tiwala ng Employer - paggawa


ng gawaing nagpapakita ng pagka-di matapat na sa interes ng
employer o pag-abuso sa kapangyarihan at gawaing iniatas nito.

e. Paggawa ng Krimen - Paggawa ng gawaing labag sa batas, o naayon


sa mga gawaing nabibilang na krimen ayon sa Criminal Law.

f. Iba pang kahawig na paglabag o gawain.

Ang mga sumusunod ay tinatawag na Pinapahintulutang Sanhi (authorized causes) ng


pagtanggal ng isang empleyado ayon sa Art. 283 ng Labor Code:

a. Paglalagay ng mga pamamaraan upang makatipid sa larangan ng


paggawa;
b. Pagbabawas ng mga empleyado dahil sa paglalagay ng mga
makinarya upang maging mabisa ang pagpapatakbo ng
kumpanya;
c. Kalabisan o paulit-ulit na uri ng trabaho (Redundancy);
d. Pagtanggal ng empleyado upang maiwasan ang pagkalugi
(Retrenchment to prevent losses);
e. Pagsasara ng Kumpanya; at
f. Sakit (Art. 284 Labor Code).

B. Mga Uri ng Paglabag

Ayon sa bigat ng nagawang paglabag (gravity of offense) :

1. Minor Offense. Kung ang parusang nakatakda sa unang paglabag (1


offense) ay
nagsisimula sa verbal warning, at ang kasunod ay dalawang (2) written
warning ang kinakailangan bago siya mapatawan ng parusang
suspension. Ang pinakamabigat na parusa ay suspension.

7
2. Major Offense. Kung ang parusang nakatakda sa unang paglabag ay
nagsisimula sa written warning. Ang pinakamabigat na parusa ay
separation o pagkatanggal sa trabaho.
3. Grave Offense. Kung ang parusang nakatakda sa unang paglabag pa
lamang ay suspension o/at separation.
C. Mga Karampatang Kaparusahan

1. Verbal Warning – unang babala para sa minor violation; pagbibigay ng babala ng


immediate superior sa empleyadong nakagawa ng paglabag sa pamamagitan ng
pagkikipag-usap dito. Ang verbal warning ay kailangan pa ding i-dokumento gamit ang
reprimand form.
2. Written Warning – unang babala para sa major violation; babala na kasunod ng verbal
warning para sa mga minor violation; ito ay ang pagbibigay ng babala gamit ang
reprimand form.
2. Forfeiture of Benefits - Uri ng parusa kung saan ang empleyadong nakagawa ng paglabag
ay hindi tatanggap ng benepisyong karaniwan niyang tinatanggap sa isang partikular na
pagkakataon bilang kaparusahan sa paglabag na nagawa.
3. Demotion - uri ng parusa kung saan ang empleyadong nakagawa ng paglabag ay ibababa
ng antas o posisyon mula sa kasalukuyang antas, kasama na ang pagbaba ng mga
benepisyong kaakibat ng nasabing posisyon; bilang kaparusahan sa paglabag na nagawa.
4. Suspension - uri ng parusa kung saan ang empleyadong nakagawa ng paglabag ay
sapilitan at pansamantalang hindi papapasukin at hindi makatatanggap ng katumbas na
sahod bilang kaparusahan sa malubha o/ at paulit-ulit na paglabag. Hindi kasama sa
pagbilang sa araw ng suspensyon ang Sabado at Linggo.
5. Minor Offense- Ang suspensyong ipapataw sa mga paglabag na nasa ganitong kategorya
ay hindi bababa sa apat (4) na araw bawat bilang ng paglabag. Ang pagdagdag sa araw ng
suspensyon (increment) ay isang (1) araw. (Halimbawa: sa unang pagkakataon na
makagawa ng paglabag na ang parusa ay suspensyon, ang empleyado ay suspended ng
apat (4) araw, sa susunod na maulit uli ang paglabag, ang suspensyon ay limang (5) na
araw na.
6. Major Offense- Ang suspensyong ipapataw sa mga paglabag na nasa ganitong kategorya
ay hindi bababa sa pitong (7) araw bawat bilang ng paglabag. Ang pagdagdag sa araw ng
suspensyon (increment) ay tatlong (3) araw. (Halimbawa: sa unang pagkakataon na
makagawa ng paglabag na ang parusa ay suspensyon, ang empleyado ay suspended ng
pitong (7) araw, sa susunod na maulit uli ang paglabag, ang suspensyon ay sampung (10)
araw na.
7. Grave Offense- Ang suspensyong ipapataw sa mga paglabag na nasa ganitong kategorya
ay hindi bababa sa labinlimang (15) araw. Ang pagdagdag sa araw ng suspensyon
(increment) ay 5 araw din. (Halimbawa: sa unang pagkakataon na makagawa ng grave

8
offense, ang empleyado ay suspended ng labinlimang (15) araw, sa susunod na maulit uli
ang paglabag, ang suspensyon ay dalawampung (20) araw na.
8. Separation (pagkatanggal sa trabaho) - ang pinakamabigat na parusang ibibigay sa
empleyadong nakagawa ng paglabag kung saan puputulin na ang relasyong employer-
employee. Ang pagtanggal sa empleyado ay bilang resulta ng malubha o di kaya ay paulit-
ulit na paglabag, matapos itong dumaan sa due process
9. Preventive Suspension- pamamaraan kung saan ang empleyadong nakagawa ng paglabag
ay sapilitan at pansamantalang pipigilang pumasok sa trabaho ng walang bayad habang
siya ay dumadaan sa due process. Ang suspensyon ay hindi bababa sa labinlima (15) araw
subalit hindi lalagpas ng tatlumpu (30) araw. Sa pagbilang ng araw ng preventive
suspension, kasama ang Sabado at Linggo.

D. Prescription Period

Ang prescription period ay ang panahon kung saan ang pagbilang kung pang-ilang beses
na nagawa ang paglabag ay nakapaloob. Ang pagsisimula ng prescription period ay sa araw na
nagawa mismo ang paglabag. Kung matapos na ang prescription period ay babalik na sa 1 offense
o unang paglabag ang pagbilang.

Ang mga sumusunod ay ang prescription period ayon sa gravity of offense o bigat ng
paglabag:

1. Minor Offense – hindi lalagpas ng isang (1) taon Halimbawa:

Violation: Hindi pagsusuot ng Hairnet sa oras ng trabaho – 1 offense


Petsa ng 1 Offense sa hindi updated na logbook: June 13, 2018.
Pagtatapos ng Prescription Period: June 13, 2019.

2. Major Offense – hindi lalagpas ng tatlong (3) taon


3. Grave Offense - hindi naayon ang prescription period

E. Due Process

Due Process Ang due process ay ang makatarungang proseso na ipinatutupad ng


organisasyon na kung saan ang empleyado na may paglabag ay bibigyan ng pagkakataon
upang mapakinggan ang kaniyang panig. Bahagi ng due process ay ang mga warnings (verbal
at written), charge sheet, at ang disciplinary committee. Sa pamamagitan ng due process ay
nagkakaroon ng patas (fair) na pagpapatupad ng mga patakarang ito.

F. Disciplinary Hearing

9
Ang Disciplinary Hearing ay isang pamamaraang isasagawa kung saan diringgin ang panig
ng empleyadong nakagawa ng paglabag upang siya ay mabigyan ng pagkakataong maipagtanggol
ang kanyang sarili. Ito rin ang pamamaraan ng opisina sa pagbibigay ng makatarungang hatol.

G. Proseso sa Pagdinig

 Disciplinary Committee- Lupon ng mga jury na dirinig sa kaso ng empleyadong


nakagawa ng malubha o di kaya ay paulit- ulit na paglabag.

 Tungkulin- Ang pangunahing gampanin ng committee ay dinggin ang panig ng


empleyadong nakagawa ng paglabag, pagtibayin ang mga dokumento at pahayag, at
magbigay ng rekomendasyon sa Executive Director ng aksyong pangdisiplinang dapat
ipataw.

 Mga Kasong Diringgin- Ang Disciplinary Committee ay magkakaroon ng pagdinig sa mga


paglabag na maya karampatang parusa na pagtanggal sa trabaho.

 Incident Report

Mga pagkakataon kung kailan dapat gamitin ang incident report:

1. Kung sa isang insidente o pangyayari ay hindi pa matukoy kung mayroong


naganap na paglabag o/at kapabayaan sa panig ng empleyado;
2. Kung ang insidente o pangyayari ay hindi kabilang o walang nakakahawig sa
talaan ng mga paglabag.

 Grievance Ang Grievance Committee ay dirinig sa anumang hinaing o katanungan ukol


sa mga sumusunod:

1. Anumang paksa ukol sa kalagayan sa pagtatrabaho;


2. Anumang paksa na may kinalaman sa pakahulugan at pagsasagawa ng mga
alituntunin ukol sa operasyon, o ng paglabag ditto;
3. Anumang paksa na may kinalaman sa pakahulugan at pagsasagawa ng mga
alituntunin ukol sa mga empleyado.

10
PAGTANGGAP NG MGA PATAKARAN

Ang Librong ito ay nilikha para sa iyong kaalaman at pag-unawa sa mga patakaran,
pilosopiya, kagawian ng paggawa at mga benepisyo ng bawat empleyado sa Villfoods
Processing Incorporated. BASAHING MABUTI!

Matapos mong mapag-aralan ang librong ito, pirmahan ang puwang sa iyong pangalan sa
bandang ibaba ng pahinang ito.

Ako, _____________________________________, ay nakatanggap at nabasa ang Libro


para sa mga Empleyado ng Villfoods Processing Incorporated na naglalaman ng mga
tungkulin ng bawat empleyado, layunin, benepisyo, at mga inaasahan ng kumpanya sa
paggawa.

Ako ay lumagda sa pahinang ito bilang patunay na aking naintindihan ang mga nakasaad
at tinatanggap ang mga patakaran na nakasulat. Ako ay nanunumpa na susundin ang
bawat patakaran at pagsisikapang magbigay ng malaking tulong sa kumpanyang ito upang
ito ay mapagyabong pa at mapaunlad. Aking nauunawaan na ang librong ito ay hindi
matugunan ang bawat pangyayaring pwedeng maganap sa oras ng paggawa, ngunit isa
lamang gabay sa mga layunin, benepisyo, patakaran at inaasahan sa mga empleyado.

Aking nauunawaan na ang Librong ito ay hindi isang Kontrata sa Paggawa.

_______________________________________
(Lagda ng Empleyado)

11

You might also like