You are on page 1of 1

Memo to :

Department : Human Resources Department

RE : Pagkakatanggal sa trabaho dahil sa pagtanggi sa utos ng


Management

Date : __ August 2019

Ginoong____________,

Nais naming ipagbigay alam sa iyo na ikaw ay itinatanggal ng


Management sa trabaho ukol sa reklamo na ipinag-bigay alam sa amin na ayaw
mo sundin ang utos ng Management sa iyo na maitalaga na konduktor sa Bus No.
_______ sa kadahilanang hindi mo gusto at kasundo ang driver na itinalaga ng
Management sa Bus na iyon.

Ikaw ay inutusan ng Management noong ______________ na magbigay


ng nakasulat na paliwanag, limang (5) araw mula sa pagkakatanggap ng liham na
iyon. Subalit hindi ka tumugon sa nasabing liham. Bagkus, ipinagpatuloy naming
ang imbestigasyon ukol dito sa reklamo laban sayo kahit na ikaw ay nabigong
magpakita sa pagpupulong upang personal mong maipaliwanag ang iyong panig
at maglahad ng iyong mga testigo.

Ayon sa aming imbestigasyon, may mga testigong tumugon, kasama ang


driver, at ayon sa kanilang mga salaysay, walang nakita ang Management na
dahilan upang tanggihan mo ang pagtalaga sa iyo bilang konduktor ng Bus No.
________ kasama ang driver na si __________________.

Dahil sa mga nabanggit sa itaas, wala kaming ibang alternatibo kung hindi
ikaw ay tanggalin ng Managament sa trabaho sa kadahilanang ang iyong
pagtanggi sa isang wasto at ligal na utos ng Management (insubordination) ay
taliwas sa umiiral na patakaran ng Management at ng Kompanya. Ang
karampatan na parusa sa pag-suway sa isang wasto at legal na utos ng
Management ay ang pagkakatanggal sa trabaho.

Maraming Salamat!

________________
Operator

You might also like