You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG HINDI PAGPAPAHAYAG

Ang Kasunduang ito ay itinatalagang epektibo sa araw na ito ng ika - ____ ng _________,
taong ______.

SA PAGITAN NI: ____________________, Isang Indibidwal, na nakatira sa kasalukuyan


niyang tirahan sa:
__________________________________________________________.

AT (ILAGAY ANG PANGALAN NG KUMPANYA), isang kumpanyang nakarehistro


sa (ILAGAY ANG BAYAN AT PROBINSYA KUNG SAAN MATAAGPUAN), na
matatagpuan sa:
(ILAGAY ANG DETALYADONG ADDRESS NG OPISINA DITO)
Bilang pagsasaalang-alang ng pagtatalaga bilang Empleyado ng Kumpanya, ang mga
impormasyong makakalap tulad ng Personal na impormasyon, at iba pang mga detalyeng pang
-trabaho, ang Empleyado ay sumasang ayon sa mga sumusunod:

1. PAGIGING KUMPIDENSYAL
Kinikilala ng Empleyado na kabuuang Serbisyo nito sa kontrata, anumang impormasyon
(maaring pang Pribado or Pampubliko) ay mananatiling kumpidensyal at hindi isisiwalat sa
kaninuman bilang kasunduan sa kontratang ito.
Kinikilala ng Empleyado na ang mga impormasyong pang kumpanya na hindi pwedeng ibahagi
sa hindi katrabaho ay ang mga sumusunod:
a. Impormasyong Teknikal tulad ng: Pamamaraan, Proseso, Pormula, Komposisyon,
Sistema, Imbensyon, Makinarya, Programang pang Kompyuter, Panukala at
Proyekto ng Kumpanya.

b. Impormasyong pang Kumpanya tulad ng: Listahan ng mga Kliyente, Listahan ng


Presyo ng Serbisyo, Listahan ng pinagkukuhanan ng Materyales, Datos
Pampinansyal, Marketing, Produksyon, sistemang Pangangalakal at iba pa.
Kinkilala ng Empleyado na ang kasunduang ito ay Pinahihintulutan and Empleyado na makapag
trabaho o Hanap – buhay sa ibang kumpanya sa oras ng kanyang pagkakaalis sa trabaho
hangga’t walang magaganap na pagsisiwalat ng mga impormasyong kumpidensyal sa ibang
tao.
2. PAG GAMIT NG IMPORMASYONG KUMPIDENSYAL
Kinikilala ng Empleyado ang kanyang limitasyon at hindi magsisiwalat ng mga detalyeng
pampribado ng Kumpanya sa ibang tao, maliban sa payagan ito ng Kumpanya patungkol sa
mga kadahilanang pagbibigay serbisyo sa kliyente at sa publiko at kung pumapayag ang
kumpanya sa referral ng serbisyo.

3. KAUKULANG AKSYON SA PAGLABAG SA KASUNDUAN


Kinikilala ng Empleyado na ang anumang paglabag sa mga probisyon ng kontratang ito, ay
kanyang pinagbibigyang pahintulot ang Kumpanya na gumawa ng Legal na hakbang patungkol
sa pag – labag sa kasunduan.

4. PAGSESERBISYO SA KUMPANYA
Kinikilala ng Empleyado ang kanyang limitasyon at pinahahalagahan ang relasyon nito bilang
empleyado sa kumpanya. Bilang empleyado ng kumpanya, anumang desisyon nito na palihis
mula sa serbisyo tulad ng mga sumusunod:
a. Pang – aagaw ng Proyekto ng walang pahintulot ng namamahala.
b. Pag sabotahe sa Proyekto o programang nakalaan sa proyekto.
c. Pagnanakaw ng trabaho o kagamitan mula sa kumpanya.
At mga bagay na pwedeng iugnay pa sa mga ito ay magreresulta sa agarang pagkakaalis sa
trabaho, pagbabawal sa lugar ng pinagserserbisyohan, Opisina at sa mga ibang pang lugar ng
Proyekto. Maaaring magbase ng hatol ang namamahala depende sa bigat ng nagawang
pagkakamali ng Empleyado.

PAGLAGDA SA KASUNDUAN

Ang kasunduang ito ay lalagdaan bilang pagsasang – ayon sa kontrata ng Empleyado at ng


Kumpanya sa Araw na ito ng ikaw - ____ ng ________, taong _____.

EMPLEYADO: KINATAWAN NG KUMPANYA:

_______________________________ _______________________________
Lagda sa ibabaw ng Pangalan Lagda sa ibabaw ng Pangalan

Petsa: ____________ Petsa: ____________

You might also like