You are on page 1of 4

KASUNDUAN

ALAMIN NG LAHAT NA:

Ang kasunduang ito ay ginawa sa pagitan nina:

__________(name)__________, isang korporasyon na


naitaguyod at kinikilala sa ilalim ng batas ng Pilipinas,
at ang opisina nito ay matatagpuan sa
_______________________________________, at
nirerepresenta ni ___________ at kinikilala bilang
“EMPLOYER”;

-at-

_________(name)__________, _(age)_ taong gulang,


nakatira sa ______________________________, at
kinikilala bilang “EMPLEYADO”;
;

PINATOTOHANAN:

Na, ang EMPLOYER ay nangangailangan ng serbisyo ng isang ________________


para magtrabaho sa _____(address of employment)___________ kung saan ang kabuuan
ng kaniyang trabaho ay:

___(description of the job, duties and responsibilities) _________________

Na, ang EMPLEYADO ay naglahad na siya ay may sapat na pangangatawan,


kakayahan, at kaalaman sa paggawa ng trabahong nabanggit;

DAHIL DITO, alang-alang sa mga naunang nabanggit, kinukuha ng


EMPLOYER ang EMPLEYADO bilang “____________________” sa ilalim ng mga
susunod na kasunduan:

1. Ang EMPLEYADO ay manunungkulan sa kaniyang trabaho bilang _________


ng EMPLOYER simula ___________________.

Page 1 of 4
2. Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng buwanang sahod na nagkakahalaga
ng Php ____________ na babayaran ng EMPLOYER tuwing ika-__ at ika-__ ng bawat
buwan, at iba pang benepisyo naitinatadhana ng batas.

Ang EMPLEYADO ay pumapayag na ibawas sa kaniyang sahod ang kaukulang


halaga bilang kontribusyon sa SSS, PhilHealth, at PAGIBIG para makakuha ng mga
benepisyo nito.

3. May karapatan ang EMPLEYADO na makatanggap ng 13th month pay ayon


sa tamang komputasyon alinsunod sa umiiral na batas.

4. Ang EMPLEYADO ay may karapatang magpahinga nang hindi bumababa sa


walong (8) oras bawat araw.

5. Ang EMPLEYADO ay maaaring mag day-off o mag “rest day” tuwing


_________. Kung gugustuhin ng EMPLEYADO, maaari niyang ipunin ang kaniyang
rest days sa isang buwan para magkaroon ng mas mahabang bakasyon, basta’t hindi ito
lalampas ng limang (5) araw kada buwan.

6. Ang EMPLEYADO ay may karapatang kumain nang tatlong (3) beses sa isang
araw: agahan, tanghalian, at hapunan. Maaari din siyang mag-merienda kung kailan
niya gusto basta hindi ito sasagabal sa kaniyang trabaho.

Ang EMPLEYADO ay may karapatan na magkaroon ng maayos at malinis na


tulugan, kung saan ang kaniyang kapakanan at seguridad ay nasisiguro.

Ang EMPLEYADO ay may karapatan na magpahinga tuwing may sakit, at, sa


tulong ng EMPLOYER kung sakaling kailanganin, ay magpa-ospital o magpatingin sa
doktor.

Bawal ipagkait ng EMPLOYER ang mga benepisyong ito sa EMPLEYADO bilang


parusa o pagturo ng disiplina.

7. May karapatan ang EMPLEYADO na makigamit ng telepono o ng iba pang


kagamitan tulad ng computer, internet, cellphone sa kaniyang oras ng pahinga.
Gayunpaman, kung hinihingi ng matinding pangangailangan o emergency, maaari
itong gamitin ng EMPLEYADO kahit na hindi oras ng pahinga. Ang kaukulang bayad
karatig ng paggamit ng mga ito (halimbawa, long distance call) ay sagot ng
EMPLEYADO, maliban lang kung pagbibigyan na lamang ito ng EMPLOYER.

8. Kung sakaling ang EMPLEYADO ay nais umutang sa EMPLOYER, maaari


silang magkaroon ng kasunduan sa paraan ng pagbayad ng utang na hindi lalabag sa
mga umiiral na batas.

9. Hindi maaring ipawalang-bisa ng EMPLEYADO ang kasunduang ito, maliban


lang kung:

a. Ang EMPLEYADO ay inaabuso sa pananalita o pananakit ng damdamin ng


EMPLOYER, o ng sino man sa tahanan ng EMPLOYER;

b. Pisikal na pananakit o malubhang pag-trato ng EMPLOYER, o ng sino man sa


tahanan ng EMPLOYER, sa EMPLEYADO;

Page 2 of 4
c. Ang EMPLOYER, o sino man sa tahanan ng EMPLOYER, ay gumawa ng
kahit anong krimen laban sa EMPLEYADO;

d. Nilabag ng EMPLOYER ang kahit anong nilalaman ng kasunduang ito;

e. Ang EMPLEYADO o ang EMPLOYER ay may sakit na maaaring nakakahawa


o posibleng makasama sa kalusugan ng mga kasama sa bahay ng
EMPLOYER; o

f. Iba pang kadahilanang may kinalaman sa mga nabanggit.

Gayunman, maaari ding umalis ang EMPLEYADO para sa isang risonableng


dahilan na hindi kasama sa mga nabanggit, kung sya ay magbibigay sa EMPLOYER ng
abiso ___ araw bago ng pag-alis o pagtigil sa trabaho.

Kung sakaling umalis ang EMPLEYADO nang walang abiso sa EMPLOYER,


wala na siyang karapatang maghabol ng suweldo sa trabahong kaniyang ginawa bago
umalis.

10. Hindi maaring ipawalang-bisa ng EMPLOYER ang kasunduang ito, maliban


lang kung:

a. Ang EMPLEYADO ay may pag-uugaling masama, o kusang lumalabag sa


mga maayos na utos o kagustuhan ng EMPLOYER na kaugnay sa trabaho ng
EMPLEYADO;

b. Malubha o paulit-ulit na pagpapabaya o kapalpakan ng EMPLEYADO sa


kaniyang trabaho;

c. Panloloko, o pang-aabuso ng EMPLEYADO ng tiwala na ibinigay sa kaniya


ng EMPLOYER;

d. Ang EMPLEYADO ay gumawa ng kahit anong krimen laban sa EMPLOYER,


o sino man sa kaniyang tahanan;

e. Nilabag ng EMPLEYADO ang kahit anong nilalaman ng kasunduang ito;

f. Ang EMPLEYADO o ang EMPLOYER ay may sakit na maaaring nakakahawa


o posibleng makasama sa kalusugan ng mga kasama sa bahay ng
EMPLOYER; o

g. Iba pang kadahilanang may kinalaman sa mga nabanggit.

Gayunman, maaari ding paalisin ang EMPLEYADO para sa isang rasonableng


dahilan maliban sa mga nabanggit, basta’t magbibigay ang EMPLOYER ng abiso ___
araw bago ng pag-alis o pagtigil sa trabaho.

11. Sumasang-ayon din ang EMPLOYER at ang EMPLEYADO sa mga


sumusunod na bagay:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Page 3 of 4
______________________________________________________.

12. And EMPLEYADO ay pinagbabawalan ng batas na ipagsabi o ikuwento


kaninuman ang kaniyang mga nalalaman tungkol sa EMPLOYER, kahit hanggang
lumipat na siya ng trabaho, MALIBAN LANG kung sumasaksi ang EMPLEYADO sa
isang kaso tungkol sa krimen na ginawa laban sa EMPLEYADO mismo, sa EMPLOYER
at iba pang miyembro ng tahanan, at ang krimen ay ukol sa tao, kagamitan, kalayaan at
seguridad, at karangalan o puri.

Sumasang-ayon ang EMPLEYADO na ang kasunduang ito ay binasa niya o


binasa sa kaniya, ipinaliwanag sa lenggwaheng alam niya, at naiitindihan niya ang ibig
sabihin at kahulugan ng bawat probisyon sa kasunduang ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito


ngayong ika ___ ng __________ 20___, dito sa ___________.

________________________________
Employer

________________________________
Employee

SAKSI:

___________________________ ______________________________

Page 4 of 4

You might also like