You are on page 1of 2

KASUNDUAN

ALAMIN NG LAHAT NA:


Ang kasunduang ito ay ginawa sa pagitan nina: PAUL ANDY D. DEBLOIS, nasa legal
na edad, may asawa, nakatira sa Balogo, East District, Sorsogon City at kinikilala bilang
“EMPLOYER”;

at RENE LASCANO, 49 taong gulang, nakatira sa Talisay, Sorsogon City, at kinikilala bilang
“EMPLEYADO”;

PINATOTOHANAN:
Na, ang EMPLOYER ay nangangailangan ng serbisyo ng isang “FARM
CARETAKER/Katiwala” kung saan ang kabuuan ng kaniyang trabaho ay ang mga sumusunod:
a. Pakainin at painumin ang mga alagang hayop; i-monitor ang suplay ng tubig at
pagkain;
b. Suriin ang kalagayang pangkalusugan ng mga alagang hayop;
c. I-monitor ang breeding timeframes ng mga alagang hayop.
d. Bigyan ng kaukulang atensyong medical ang mga hayop tulad ng pagpapabakuna
at pagtawag ng beterinaryo kung kinakailangan;
e. Mag-spray ng mga disinfectants and insecticides para sa mga alagang hayop;
f. Paliguan ang mga alagang hayop;
g. Panatilihing maayos ang mga kagamitan sa farm.
h. Magtala ng lahat ng gastusin sa farm.
i. Panatilihing malinis ang lugar.

Na, ang EMPLEYADO ay naglahad na siya ay may sapat na pangangatawan, kakayahan,


at kaalaman sa paggawa ng trabahong nabanggit. DAHIL DITO, alang-alang sa mga naunang
nabanggit, kinukuha ng EMPLOYER ang EMPLEYADO bilang “katiwala sa farm” sa ilalim ng
mga susunod na kasunduan:

1. Ang EMPLEYADO ay manunungkulan sa kaniyang trabaho simula


___________________ hanggang ___________________.
2. Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng buwanang suplay ng bigas, libreng tirahan at
buwanang sahod na nagkakahalaga ng Php 3,000.00 na babayaran ng EMPLOYER
tuwing kakatapusan ng bawat buwan, at iba pang benepisyo na itinatadhana ng batas.
3. Ang EMPLEYADO ay may karapatang magpahinga nang hindi bumababa sa walong (8)
oras bawat araw.
4. Ang EMPLEYADO ay maaaring mag day-off o mag “rest day” tuwing _________. Kung
gugustuhin ng EMPLEYADO, maaari niyang ipunin ang kaniyang rest days sa isang
buwan para magkaroon ng mas mahabang bakasyon, basta’t hindi ito lalampas ng limang
(5) araw.
5. Hindi maaring ipawalang-bisa ng EMPLEYADO ang kasunduang ito, maliban lang sa
mga kadahilanang nakasaad sa batas;
6. And EMPLEYADO ay pinagbabawalan ng batas na ipagsabi o ikuwento kaninuman ang
kaniyang mga nalalaman tungkol sa EMPLOYER at iba pang miyembro ng tahanan,
kahit hanggang lumipat na siya ng trabaho, MALIBAN LANG kung sumasaksi ang
EMPLEYADO sa isang kaso tungkol sa krimen na ginawa laban sa EMPLEYADO
mismo, sa EMPLOYER at iba pang miyembro ng tahanan, at ang krimen ay ukol sa tao,
kagamitan, kalayaan at seguridad, at karangalan o puri. Sumasang-ayon ang
EMPLEYADO na ang kasunduang ito ay binasa niya o binasa sa kaniya, ipinaliwanag sa
lenggwaheng alam niya, at naiitindihan niya ang ibig sabihin at kahulugan ng bawat
probisyon sa kasunduang ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika


___ ng __________ 20___, dito sa Sorsogon City.

PAUL ANDY D. DEBLOIS RENE LASCANO


Employer Employee

MGA SAKSI
_____________________________ ____________________________

SUBSCRIBED AND SWORN to before me, this _____________, by _____________


who exhibited to me their _____________________issued at _____________, Philippines on
_____________ as their proof of identity.

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of ______;

You might also like