You are on page 1of 2

KASUNDUAN NA MAY KUMPIDENSYAL NA SUGNAY

NA HINDI PAGSISIWALAT

Ang Kasunduang ito ay tinalaga sa pagitan nina:

_______________, nasa wastong gulang, may-asawa at nakatira sa


_________________, at kikilalanin bilang “MAY-ARI” sa kontratang ito;

-at-

______________, nasa wastong gulang, may-asawa at nakatira sa


____________________, at kikilalanin bilang “NATAGAPANGASIWA” sa
kontratang ito;

Napagkasunduan ng dalawang panig na:

1. Ang TAGAPANGASIWA ay binibigyan ng kapangyarihang bantayan at pangalagaan ang farm ng MAY-


ARI na matatagpuan sa ____________________ na sa ngayon ay may-tanim na
__________________________ at iba pa.

2. Ang TAGAPANGASIWA ay mag-tatanim ng mga puno at halaman at mag-aalaga ng hayop na


mapagkakasunduan ng dalawang panig.

3. Ang TAGAPANGASIWA ay siya ring mag-aani, magkakakatay at magbebenta ng mga produkto ng farm.

4. Ang TAGAPANGASIWA ay ibibigay sa MAY-ARI ang lahat ng kita mula sa produkto ng farm o mga
produktong mapagkakasunduan ng dalawang panig sa kinabukasan.

5. Ang TAGAPANGASIWA ay magbibigay ng mga kaukulang resibo at listahan ng kita at gastusin ng farm.

6. Ang TAGAPANGASIWA ay makatatanggap ng P250.00 kada araw o P7, 500.00 kada buwan para sa
kanyang serbisyo. Higit pa dito, ang TAGAPANGASIWA, kasama ang pamilya nito, ay binibigyan ng
karapatang tumira sa farm. Ang pagtira ng TAGAPANGASIWA sa farm ay limitado lamang sa kanya at
kanyang pinakamalapit na pamilya. Matapos ang kontratang ito, ang TAGAPANGASIWA ay lilisanin ang
farm.

7. Ang MAY-ARI ang gagastos para sa tubig, kuryente, kagamitan, binhi at iba pang gastusin para sa
pagpapalago ng farm.

8. Ang bisa ng kasunduang ito ay isang (1) taon na magtutuloy-tuloy hanggang ang isang panig ay
magbibigay ng kasulatang nagsasabing tinatapos na niya ang kontrata. Ang mga partido ay maaaring
magpalawak ng naturang kontrata na napapailalim sa nakasaad.

9. Naiintindihan at sinang-ayunan ng TAGAPANGASIWA na ang lahat ng mga talaan at dokumento ng


MAY-ARI at lahat ng impormasyon, data, pamamaraan o proseso na nauugnay sa negosyo o mga gawain o
ng mga kliyente nito ay ganap na kompidensiyal at hindi niya dapat isiwalat o ibunyag ang anumang
naturang impormasyon o data sa anumang tao o nilalang nang walang paunang pahintulot mula sa
employer, kahit na matapos ang pagwawakas ng Kasunduang ito.

10. Ang TAGAPANGASIWA ay nangangako na itaguyod ang sugnay na hindi pagsisiwalat at hindi hihingi ng
kapaki-pakinabang na trabaho na may parehong linya ng negosyo na ang produkto or proseso ay
nakikipagkumpitensya sa MAY-ARI sa susunod na 2 taon pagkatapos ng kanyang pagkakahiwalay sa huli.
Ang paglabag sa pagiging kompidensiyal nito ay magbibigay sa Caretaker ng pananagutan para sa mga
pananagutang kriminal at sibil sa ilalim ng mga naaangkop na batas at magiging sanhi para sa agarang
pagwawakas ng Kasunduang ito.

NILAGDAAN ng mga partido ngayong _____________ sa _____________________.

________________ ________________
May-ari Tagapangasiwa

Nagpatotoo:
___________________ ___________________

ACKNOWLEDGMENT

BEFORE ME, a Notary Public, personally appeared:

presenting to me their respective competent evidence of identity and known to me be the same persons who
executed the foregoing instrument which they acknowledged to me to be their free act and voluntary deed.

This instrument, consisting of two (2) pages, including the page on which this acknowledgment is written,
has been signed by the concerned parties and their witnesses, and sealed with my notarial seal.

WITNESS MY HAND AND SEAL on this ____________ at ________________.

Doc. No. ____;


Page No. ____;
Book No. ____;
Series of 2021.

You might also like