You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

ALAMIN NG LAHAT NA:


Ang kasunduang ito ay ginawa sa pagitan nina:
____________________________, nasa wastong gulang, Pilipino at naninirahan sa RH-2
____________________________, na dito ay tinagurian bilang NAGPAPAUPA;
-at-
____________________________, nasa wastong gulang, Pilipino at nakatira sa
_____________________________, na dito ay tinagurian bilang UMUUPA;
PAGPAPATUNAY:
Na ang NAGPAPAUPA ang legal/tunay na may-ari ng isang (1) (Unit No. __) ng eight-door
apartment na may tatlong palapag matatagpuan sa ____________________________;
Na ang UMUUPA ay nais upahan ang isang (1) unit (Unit No. __) ng nabanggit na
apartment ayon sa mga sumusunod na patakaran;
Na ang upa bawat buwan ay ______THOUSAND PESOS (Php __,000.00) salaping Pilipino
na ibibigay tuwing _____ ng bawat buwan;
Na ang kasunduang ito ay tatagal sa loob ng anim (6) buwan na magsisimula sa
________________ hangang _____________________;
Na ang uupa ay magbabayad ng isang(1) buwang deposito at isang (1) buwang paunang
upa (advanced rental) at pwedeng gamitin ang isang (1) buwan deposito para sa maiiwang
bayarin ng bills Meralco, Maynilad, internet, cable, telephone at iba pa na tulad nito, kung sakaling
sila ay umalis o lisanin ang nabanggit na paupahan. At ang isang (1) buwang advanced rental ay
dapat magamit bago lisanin ang nabanggit na paupahan;
Na ang nabanggit na Unit No. 6 ay may sariling kuntador o metro ng tubig at kuryente,
kaya’t ang bayarin (bills) sa kuryente at tubig at iba pang tulad nito ay nasa sariling/pananagutan
ng umuupa;
Na ang nasabing puwesto ay nasa maayos na kondisyon, at kung may masisisira (minor
repairs) kasama ang masisirang lababo, comfort room at motor ng tubig sa panahon ng
pangungupahan sa nabanggit na paupahan ay ipapagawa ng UMUUPA sa sariling nilang gastusin;
Na pinahihintulutan lamang na tirahan ng limang (5) tao (maximum) ang nabanggit na
paupahan at hindi maaaring ipaupa ng UMUUPA sa iba ang nasabing puwesto.
Na pananatilihing malinis at maayos ang nasabing puwesto at bawal magpako sa dingding
o sa anumang bahagi ng kabahayan;
Na anumang pagbabago sa kasunduan ito ay nasa pag-uusap ng magkabilang Panig;
Na ang nabanggit na paupahan ay titirahan (residential) lamang at hindi maaaring gamitin
sa anumang negosyo at gamitin sa anumang gawaing labag sa batas tulad ng paggamit ng illegal
drugs, pag-inom ng anumang inuming nakalalasing o gawing pasugalan ang loob ng inuupahan;
Na, bawal ang pag-aalaga ng anumang hayop lalu’t makapipinsala sa katahimikan at
kalinisan kung kaya’t dapat na panatilihin ang kapayapaan at kalinisan ng nasabing paupahan;
Na kapag hindi nakabayad ng upa sa loob ng tatlong (3) sunod-sunod na buwan, ang
may-ari ng puwesto ay may karapatan ng paalisin ang UMUUPA;
Sa KATUNAYAN NG LAHAT ng ito, bawat panig ay lumalagda ngayong _______________
dito sa lungsod ng Caloocan City,Kalakhang Maynila;

____________________________
________________________
Nagpapaupa Umuupa

MGA SAKSI : ___________________________ / /__________________________


ACKNOWLEDGEMENT
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)
City of Caloocan City )S.S.
BEFORE ME, a Notary Public for and in Caloocan City, personally appeared
____________________________ and _________________ with ID
No.____________________, both known to me to be the same persons who executed the
foregoing instrument and acknowledge to me that the same is their own and free voluntary and
deed.
WITNESS MY HAND AND SEAL on the date and place first above written.

Doc. No. ___________


Page No. ___________
Book No. ___________
Series of 2018.

You might also like