You are on page 1of 1

KASULATAN NG SANGLA-TIRA

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:


Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina:
____________________, nasa hustong gulang, may-asawa at nakatira sa
________________________________ na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;
at
____________________, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa
________________________________na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY
Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng ___________________PISO
(₱______________) na tinanggap at sumakamay ng NAGSANGLA ngayong ika-# ng ________
20___ na pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay babayaran
pagkatapos ng _________(#) taon o sa ika-# ng _______ 20___.
Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA ang isang
apartment unit na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa
___________________________________.
Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng NAGSANGLA ang
PINAGSANLAAN na tumira sa nasabing apartment unit sa loob ng isang taon na walang upang
babayaran.
Ang nasabing apartment ay tunay na pagmamay-ari ng NAGSANGLA at walang ibang
utang o sanlang pinanagutan.
Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang sa itinakdang panahon,
ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay. Subalit kung hindi naman niya ito
magawang bayaran, ang Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakda ng batas.
Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa mapagkasunduan ng NAGSANGLA AT
PINAGSANGLAAN.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito


ngayong ika-# ng ________ 20___ sa Lungsod ng _________.

____________________ ____________________
Nagsangla Pinagsanglaan

You might also like