You are on page 1of 2

KONTRATA NG PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang Kontrata ng Pagpapaupa na ito ay sa pagitan nina:

_______________, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa Block


16A Lot 44 Kaunlaran Village, Caloocan City na siyang tatawaging NAGPAPAUPA;
at

G./ Gng./ Bb. ___________________________, Pilipino, may sapat na


gulang, at naninirahan sa _________________________________________ na
siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.

PAGPAPATUNAY:

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang


LUPA NA BINUBUO NG LIMANG (5) PITAK, na matatagpuan sa Poblacion Laurel
Batangas,

Na ang UUPA o UMUUPA ay nag-alok na upahan ang nasabing lupa, na


tinanggap at sinang-ayunan naman ng NAGPAPAUPA.

Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan


at papaupahan ang nasabing lupa sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng
mga sumusunod.

1. PAKSA: Ang ari-ariang nasasangkot sa kontratang ito ay isang lupa na


binubuo ng 5 pitak at ito ay matatagpuan sa Poblacion Laurel Batangas;

2. TAGAL NG PAGPAPAUPA: Ang pagpapaupa ng naturang lupa ay sa loob


lamang ng isang (1) taon. Ito ay magsisimula sa __ Mayo 2019 at
magtatapos sa hating-gabi ng __ Mayo 2020;

3. RENTA: Ang kabuuang halaga ng renta sa loob ng isang (1) taon ay


______________ at ito ay dapat na bayaran pagkatapos mapirmahan ng
NAGPAPAUPA at ng UUPA o UMUUPA ang kontratang ito;

4. OBLIGASYON: Ang NAGPAPAUPA ay may obligasyong ibigay ang


pinapaupahang lupa sa maayos na kalagayan at panatilihan ang maayos na
estado nito hanggang sa tagal ng bias ng kontratang ito. Sa kabilang banda,
ang UUPA o UMUUPA naman ay may obligasyong protektahan at huwag
hayaang masira ang pinapaupahang lupa;

5. PAGPAPAALIS: Pagkatapos ng bisa ng kontratang ito, ang NAGPAPAUPA ay


may karapatang kunin ang pinapaupahang lupa sa UUPA o UMUUPA kahit
walang utos mula sa hukuman.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at


lumagda ngayong ika- _____ ng _____________, 2019, dito sa
_________________.

_____________________ __________________________
May-Ari ng Paupahan Uupa sa Paupahan

Nilagdaan sa harap nina:

_______________________ _________________________

You might also like